You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN


Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay - aralin
Sa Pagtuturo ng
Kabanata 36

Inihanda ni:
Wella T. Feliciano

Petsa ng Pagpasa:

25 Hulyo 2016
Araw ng Pakitang-turo:

25 Hulyo 2016

I. Layunin
a. Nakapagbabahagi ng reaksyon o opinion sa kabanata ng nobelang nabasa;
b. Naibubuod ang kabanatang binasa;
c. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan sa realisasyon.
II. Paksa
Paksa: Magkaroon ng tiwala sa sarili
Talakayang Genra: Nobela
Pamagat ng Teksto: Kab. 36: Usap-usapan
Mga Kagamitan: video clips, laptop, manila paper, pentel pen
Sanggunian: Noli Me Tangere isinalin ni Virgilio Almario
Pahina 251-256
Kasanayang Pampanitikan:
- Pagbubuod
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay ng sariling reaksyon, opinion
Halagang Pangkatauhan:
- Ang pagiging makasarili ang siya mismong magpapahamak sa iyo.

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak

a. Papangkatin sa lima ang klase. Magtalaga ng isang kinatawan sa bawat pangkat at


sila ay maglalaro ng Pinoy Henyo. Ang napiling kinatawan ang siyang magsisilbing
manghuhula ng mga salita na sumusunod.

1. Simbahan
2. Paaralan
3. Tiya Isabel
4. Manang Rufa
5. Ibarra

2. Paglinang ng Talasalitaan

a. Missing Letter. Kumpletuhin ang mga nawawalang letra.


1. Inalo – p_n_la_as-loob
2. Karalitaan – m_h_r_p
3. Piitan - _u_u_gan
4. Balintataw - _l_a_a
5. Nawalan ng Ulirat – h_n_ma_ay

B. Paglalahad

1. Pagpapanuod ng maikling video clips patungkol sa pananampalataya ng isang tao.


a. Pagbibigay ng reaksyon o opinyon ng mga mag-aaral sa napanuod na video
clips.
b. Pagtukoy sa paksa ng napanuod na video clips

2. Ang pagiging makasarili ng bawat isa at ang pagkakaroon ng takot ang siyang
nagpapatunay na mahina tayong lahat. Datapwat tayo ay manatiling manindigan sa
ating paniniwala, maging matapang ng sa ganuon tayo ay makawala sa mahigpit na
pagkakahulagpos sa mga kamay na bakal. Ito ay ating masasaksihan sa kabanata 36
ng Noli Me Tangere.

C. Linangin
1. Pagbasa ng Kabanata 36.
2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng bahagi ng kabanata na kanilang babasahin
pagkatapos ay kanilang ibubuod ng kinatawan.
3. Tatawag ang guro ng kinatawan sa pamamagitan ng Number head together na
siyang magbubuod.
4. Sa pamamagitan ng number heads together magtatawag ang guro ng numero sa
bawat pangkat na siyang sasagot sa katanungan ng guro.

Mga Gabay ng tanong

a. Bakit lumabas ang binate sa loob ng simbahan?


b. Tama ba ang ginawa ni Padre Damaso na pagbuhatan agad ang binate ng kamay ng
hindi nagpapaliwanag?
c. Sa iyong palagay bakit ipinapapatay ang mga mag-aaral na maraming alam?
d. Meron bang pagkakaiba at pagkakatulad ang Sistema ng edukasyon noon sa
ngayon? Ipaliwanag.
e. Tama bang ikaw ay manatiling mangmang dahil lamang sa utos ng nakatataas na
ikaw ay ipapapatay kung marami kanga alam? Mangatwiran.
f. Ipaliwanag: “ sa sarili nagsisimula ang wastong pag-unawa sa kawanggawa”

D. Pagnilayan at Unawain
1. Mga Bilin ni Lola. Pagbibigay realisasyon ng mga mag-aaral patungkol sa kanilang
pag-aaral.
a. Mahalaga ba ang edukasyon? Bakit?
b. Dahil sa K-12 maraming mag-aaral ang huminto dahil sa kakapusan. Kung
ikaw ay may mataas na posisyon anong solusyon ang maaari mong gawin?

E. Ilapat
1. Mag-isip ng mga bagay na sumisimbolo sa pagkakaroon mo ng tiwala sa iyong sarili.
Iguhit ito sa short coupon.
IV. Pagtataya
A. Isulat ang salitang IBARRA kung ang pahayag ay tama at PADRE kung mali.

1. Patatawarin ng Diyos ang nag-utos na igalang ang ama at ina.


2. Namamatay ang marunog tulad ng mangmang.
3. Nagmamahal ang ilan alang-alang sa kanilang sarili.
4. Pagbigyan natin minsan ang sarili at makapagsasalita tayo.
5. Dapat hangarin ng mga magulang na higitan ang kanilang mga anak.

B. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa anong akdang pampanitikan nabibilang ang tekstong binasa?


a. nobela
b. maikling kwento
c. sanaysay
d. epiko

2. Ano ang ibinansag na pangalan kay Don Crisostomo?


a. plibustiero
b. saragate
c. betalapora
d. plebusteiro

3. Alin sa mga ss na pahayag ang sinabi ni Don Filipo.


a. dagli nating itatanghal ang takot hindi ang tiwala
b. higit na banal ang alala ng mga magulang
c. pagbigyan natin minsan an gating sarili at makapagsasalita tayo
d. a at c

4. Alin sa ss ang hindi kabilang sa dahilan ni Kapitana Maria kung bakit nais niyang
makapag-aral ang anak na lalaki.
a. hayaan na maglakbay ang anak
b. hangarin ng mga anak na higitan ang kanilang magulang
c. ayaw niyang sila ay maging mangmang
d. manatili sa kandungan

5. Alin sa mga ss. Ang higit na nagpapakita na ang edukasyon ay mahalaga.


a. upang ikaw ay hindi tawaging mangmang o tanga saang mang lugar magpunta
b. upang may maipagmalaki at maging tanyag
c. upang matawag kang isang edukadong tao
d. upang magkaroon ng magandang buhay
V. Takdang Aralin

Basahin ang kabanata 37 ng nobelang Noli Me Tangere. Tukuyin ang mga tauhan at
ang kanilang mga mahahalagang ginampanan. Isulat sa kwaderno.
Republika ng Pilipinas
PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN
Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay - aralin
Sa Pagtuturo ng
Kabanata 37 ng Noli Me Tangere

Inihanda ni:

Wella T. Feliciano

Petsa ng Pagpasa:
25 Hulyo 2016

Araw ng Pakitang-turo:
25 Hulyo 2016

I. Layunin
a. Nakapagbibigay ng reaksyon sa napanuod na video clips;
b. Naibubuod ang kabanatang binasa;
c. Naiuugnay ang sariling karanasan base sa natalakay.
II. Paksa

Paksa: Kawalan ng Pag-asa


Talakayang Genra: Nobela
Pamagat ng Teksto: Kab. 37: Unang Ulap
Mga Kagamitan: video clips, laptop, manila paper, pentel pen
Sanggunian: Noli Me Tangere isinalin ni Virgilio Almario
Pahina 257-260
Kasanayang Pampanitikan:
- Pagbubuod
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay ng sariling reaksyon, opinion
Halagang Pangkatauhan:
- Ang pagiging makasarili ang siya mismong magpapahamak sa iyo.

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak
a. Pangkatin sa apat ang klase. Pipili ang gurong dalawang mag-aaral na siyang
gagawangibibigay na scenario ng guro at paunahan ang bawat pangkat na hulaan ang
sagot.
1. Nagdarasal
2. nangangamba
3. umiiyak
4. nangungulila
5. nagagalit

2. Talasalitaan
a. Hanapin sa kahon ang kasingkahulugan ng sumusunod: Isulat ang sagot bago ang
bilang.

Tabak Sumikip

Pagtiwalag Kabiyak

_____1. Sable pakikiramay


_____2. Kumipot
_____3.katipan
_____4. Ekskomunyon
_____5. Panggigipuspos
B. Paglalahad
1. Pagpapanuod ng video clips patungkol sa mga taong sarili lamang ang iniisip.
a. Pagbibigay ng reaksyon ng mga mag-aaral.
b. Pagtukoy sa paksa patungkol sa napanuod na video clips.

2. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang isang ama ay hangad ang makabubuti at
kaligayahan ng mga anak ngunit sa kabanatang ito ating masasaksihan na hindi lahat
ng ama ay hangad ang mabutipara sa anak.

C. Linangin
1. Pagbasa ng kabanata 37
2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng bahagi ng teksto na kanilang babasahin sa
pamamagitan ng tableau.
3. Sa pamamagitan ng number heads together magtatawag angt guro ng numero sa
bawat pangkat na siyang sasagot sa mga katanungan ng guro.

Mga Gabay na Tanong


a. Ano dahilan bakit inutos ni Padre Damaso na sirain ang kasunduan?
b. Nais bang ipakasal ni Kapitan Tiyago si Maria Clara sa isang Espanyol para lamang
hindi siya mawalan ng limampung libong piso? Ipaliwanag.
c. Ano ang dahilan ng Kapitan Heneral at nais niyang Makita ang dalaga?
d. Tama ba ang ginawa ni Maria Clara na sisihin ang Diyos sa mga nangyayari sa
kanya? Ipaliwanag.
e. Bakit hindi pwedeng magkita si Maria Clara at Ibarra?
f. Ipaliwanag: “kawawang dalaga! Pinaglalaruan ang iyong puso ng magagaspang na
kamay at walang ingat sa iyong maseselang himaymay”

D. Pagnilayan at Unawain
1. Realisasyon ng mga mag-aaral patungkol sa pag-ibig.
a. Kailan mo masasabing ikaw ay umiibig na sa tamang panahon? Ipaliwanag.
b. Nasuway mo na ba ang iyong mga magulang ng dahil sa pag-ibig? Pangatwirananh.

E. Ilapat
1. Ang bawat pangkat ay mag-iisip ng bagay na sumisimbolo sa wagas na pag-ibig.
Bigyan ng paliwanag.

IV. Pagtataya
A. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Siya ang tiya ni Maria Clara na nagsilbing kaniyang ina.
a. Tiya Isabel
b. Andeng
c. Tiya Sabel
d. Sinang

2. Ang arsobispo ay isa rin pa lang ___?


a. Fraile
b. Pari
c. Heneral
d. a at b

3. Bakit nais ng ama ni Maria Clara na siya ay ipakasal sa iba?


a. dahil ito ay utos ni Padre Damaso
b. upang hindi siya patawan ng ekskomunyon
c. upang hindi siya kuhanan ng limampung libong piso
d. wala sa nabanggit

4. Ano ang hinihimutok ni Kapitan Tiyago?


a. siya ay mawawalan ng limampung libong piso
b. siya ay pinatawan ng ekskomunyon
c. dahil si Maria Clara ay ikakasal kay Ibarra.
d. a at b

5. Ano ang higit na nararamdaman ni Maria Clara?


a. pighati
b. masaya
c. pangungulila
d. kawalan ng pag-asa

V. Takdang Aralin

Basahin ang kabanata 38. Tukuyin ang mga tauhan at ang kanilang
mahahalagang ginampanan gayun din ang mga mahahalagang pangyayari.
Republika ng Pilipinas
PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN
Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay - aralin
Sa Pagtuturo ng
Kabanata 37 ng Noli Me Tangere

Inihanda ni:

Wella T. Feliciano

Petsa ng Pagpasa:
25 Hulyo 2016

Araw ng Pakitang-turo:
25 Hulyo 2016

I. Layunin
a. Nakapagbibigay ng reaksyon sa pinakinggang awit;
b. Naibubuod ang binasa sa pamamagitan ng dugtungang pagkwekwento;
c. Naiuugnay ang binasa hinggil sa sariling buhay.
II. Paksa

Paksa:
Talakayang Genra: Nobela
Pamagat ng Teksto: Kab. 38: Ang Kaniyang Kataas-taasan
Mga Kagamitan:speaker,larawan, laptop, manila paper, pentel pen
Sanggunian: Noli Me Tangere isinalin ni Virgilio Almario
Pahina 261-267
Kasanayang Pampanitikan:
-dugtungang pagkwekwento
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay ng sariling reaksyon, opinion
Halagang Pangkatauhan:
- Maging pantay an gating pagtingin nasa baba man ng lipunan o nasa taas.

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak
a. Pagpapakita ng larawan ng ibat-ibang uti ng pamumuhay sa lipunan na ating
ginagawalawan. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng larawan at kanilang ipapaliwanag.

2. Paglinang ng Talasalitaan
a. Mix and Match. Hanapin sa kanang bahagi ang tamang sagot.

1. Nangangatal a. nanghihina
2. Nakitil b. atubili
3. Irog c. minamahal
4. Bantulot d. mahiyain
5. Kiming-kimi e. napatay

IV. Pagtataya
a. Isulat ang salitang Lady kung ang pahayag ay tama at Red kung mali. Isulat bago
ang bilang.

_____1. Pagiging mapagmataas ni Padre Sibyla.


_____2. Pagtanggi ni Maria Clara sa gantimpala ng Kapitan Heneral.
_____3. Pananatili ni Ibarra sa sarili bayan.
_____4. Paggamit sa kapangyarihan upang mapanatili ang kapayapaan.
_____5. Pagtanggol sa alaala ng mga magulang.
V. Kasunduan

Gumuhit ng simbolo na nagpapakita sa katangian ni Maria Clara. Ilagay sa short


coupon bond. Lagyan ng paliwanag.

You might also like