You are on page 1of 4

RepublikangPilipinas

PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN


Kampusng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
LungsodSan Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin
Sa Pagtuturong
SANDAANG DAMIT
ni Fanny A. Garcia
(Ikapitong Baitang)

Inihanda ni:

ARCHIMEDES RIEMANN M. CAYABYAB

Petsa ng Pagpasa:
22 Abril 2016

Araw ng Pakitang-turo:
22 Abril 2016
I.Mga Layunin
A. Nakapagbibigay ng reaksyon sa tekstong nabasa
B. Naibubuod ang saknong 441-467
C. Naiuugnay at nailalahad kung papaano ninyo napagpapatibay ang inyong
relasyon bilang magkakapatid.
II. Paksa
Paksa: Pagmamahalan ng isang magkakapatid
Tatalakaying Genra: Korido TULA
Pamagatng Teksto: IBONG ADARNA KABANATA 13
Mga Kagamitan: laptop, speaker, marker, kartolina, at diksyonaryo.
Sanggunian: PLUMA WIKA AT PANITIKAN para sa mataas na paaralan, Phoenix
Publishing House Inc. Quezon City. pahina 501-512
Kasanayang Pampanitikan:
-Pagtukoy ng paksa
-Pagtukoy ng damdaming namumutawi
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay saloobin, reaksyon o opinyon
Halagang Pangkatauhan:
- Ang Pagpapatawad ay pagmamahal sa tanong may puwang sa ating puso.

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak
a. Papangkatin sa lima ang klase. Papatutugtugin ang radio na may
kantang pinamagatang LOVE ONE ANOTHER at magbibigay ang
bawat grupo ng kanilang reaksyon o saloobin sa kantang
napakinggan.

2. Paglinang ng Talasalitaan

a. Isulat mo sa bilog ang mga salitang hindi pa pamilyar sa binasang


saknong, at hanapin ito sa diksyonaryo ang mga kasingkahulugan nito.
Isulat sa ilalim ng bilog. Magdadag ng kahon kung kinakailangan.
B. Paglalahad

1. Pagbasa ng tekstong binigay ng guro.


2. Tatawag ang guro ng isang kinatawan ng bawat grupo upang ibuod ang
teksto.
3. Pagbubunutin ng tig-isang tanong bawat grupo.

C. Linangin
Tungkol sa Tekstong Nabasa.

Mga Gabay na Tanong:

a. Papaano nilarawan ang kabundukan ng Armenya?


b. Ano ano ang mga makikita sa Armenyang bundok?
c. Ano ang nagging desisyon ng magkakapatid?
d. Nagkasundo ba sila kahit ilang araw lamang?
e. Ano ano ang mga pinagkaabalahan nilang gawin doon?

D. Pagnilayan at Unawain
1. Pagpapatibay ng realisasyon ng mag-aaral sa kanilang mga kapatid.

a. Bakit dapat magkasundo at magmahalan ang mga magkakapatid?


b. Bilang mgakakapatid bakit mahalaga ang magpatawad at magmahalan?

E. Ilapat
1. Sa isang papel lahat ng inyong mga hinanakit sa inyong mga kapatid ay
isusulat at paano ninyo sila mapapatawad. Ibahagi sa klase ang sagot.

IV. Pagtataya: Vissible Quiz


Panuto: Tukuyin kung anong tayutay ang matatagpuan sa bawat saknong ay magbigay
ng dahilan.

Saknong 444
Tayutay___________ Dahilan _______________

Tumutubong punong kahoy


Bungay mapupupol
Matatabat mayayamong
Pagkain ng nagugutom

Saknong 448
Tayutay___________ Dahilan _______________

Sa batisan yaong tubig,


Pakinggan mot umaawit,
Suso’t batong magkakapit
May suyuang matatamis.
Saknong 452
Tayutay___________ Dahilan _______________

Matutulog ka sa gabi
Na langit ang nag-iiwi
Sa magdamag ay katabi
Ang simoy na may pakasi

Saknong 465
Tayutay___________ Dahilan _______________

Sa dibdib may napako,


Sa subyang ang pagsiphayo
Sa nanaig din sa kuroy
Hinahon ng kanyang puso.

Saknong 472
Tayutay___________ Dahilan _______________

Silay mga panginoon


Ng lahat ng hayop doon
Sa kapatagan at burol
Kabuhay mapupupol.

V. Kasunduan

A. Bumuong isang liham para sa iyong mga mga kapatid upang maipaabot ninyo ang
inyong pagmamahal.

You might also like