You are on page 1of 7

PARTIDO COLLEGE, INC.

Goa, Camarines Sur


Taong Aralan 2022-2023

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) natutukoy kung magkasingkahulugan o magkasalungat na salita ang ginamit sa mga
pahayag sa akda,
b) nakababahagi ng kanilang mga saloobin at natutuhang aral sa alamat, at
c) nakasusulat ng mga kongkretong hakbang upang mapalaganap at tangkilikin ang mga
alamat.

II. PAKSANG-ARALIN
a. Paksa: Ang Alamat ng Kanlaon (pahina 166-168)
b. Sanggunian: Marquez, Servillano T. Jr. Pintig ng Lahing Pilipino 7 Ikalawang Edisyon. Quezon
City. SIBS Publishing House, Inc., 2018
c. Kagamitan: manila paper, powerpoint presentation, Kards na naglalaman ng mga gawain
at rubric, kartolina, pentel pen, pandikit
d. Kakayahang dapat linangin ng mga mag-aaral: Pagsasalita, pakikinig, panonood,
pagbabasa, pagsusulat
e. Ika-21 Siglong Mga Kasanayan: Pagkamalikhain, Mahusay na komunikasyon, kasanayang
sosyal, kritikal na pag-iisip, kolaborasyon
f. Integrasyon sa pagpapahalaga: Hindi mahirap ibigay ang tiwala at walang di kayang
gawin ang mga taong wagas ang pag-ibig sa kapwa.

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Tumayo na ang lahat para sa panalangin.
____, maaari mo bang pangunahan ang Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu
pagdarasal? Santo. Purihin nawa ang ngalan ng ating
Panginoong Hesus. Ngayon at
magpakailanman.
Amen.

2. Pagbati
Isang mapagpalang umaga sa inyong lahat. Magandang umaga rin po, Sir!

3. Paglilinis ng mga kalat at pag-sasaayos ng


mga upuan
Bago umupo, pulutin na muna ang kalat sa
inyong paligid at ayusin ang hanay ng inyong
mga upuan.

4. Pagtatala ng liban sa klase


Pakitingnan naman ng inyong katabi kung siya
ba ay naririto ngayon.
Mayroon bang lumiban? Wala po.

5. Pagbabalik-Aral
Tayo na’t magbalik-tanaw! Ating sariwain ang
nakaraang talakayan. Ano ba ang huling
tinalakay natin? Sir, ang tinalakay po natin ay patungkol sa
mga antas ng wika ayon sa pormalidad kung
saan ito ay may limang uri.
Tama! May karagdagan ka rin ba, ____?
Sir, ang mga impormal na antas ng wika ay
kinabibilangan ng balbal, kolokyal at
lalawiganin habang ang pormal na antas ng
wika ay ang pambansa o karaniwan at ang
Napakahusay! Tunay ngang lubos ninyong pampanitikan.
naunawaan ang araling iyon kaya batid kong
handa na kayong malaman ang sunod na
paksang aralin sa araw na ito.

B. Pagganyak

Kaya’t may ipakikita akong mga larawan ng


ilang makabagong kaisipan o Hugot Lines.

Ano ba sa palagay ninyo ang nais


ipakahulugan ng mga pahayag na iyan? Sir, sa bawat pagtibok ng puso, ibayong
pagmamahal ang isinisilang… pagmamahal
sa magulang, sa kapatid, sa kaibigan, sa
kapwa maging sa bayan. Walang hangganan
ang pag-usbong ng pagmamahal sa puso
ninuman, anumang araw, anumang oras.
Sa tingin ninyo, ang nagsulat ba ng mga
pahayag ay nagpapahayag ng kanyang labis
na pagmamahal? Opo, Sir.

Mahusay!

C. Paglalahad

Ngayon, ang kaisipan patungkol sa wagas na


pagmamahalan ay may kaugnayan sa
kwentong ating babasahin at tatalakayin. Ito
ay ang Alamat ng Bundok Kanlaon.

Ididikit sa blakbord ang isang kartolina na


naglalaman ng mga layunin ng paksang-
aralin. Sa pagtatapos ng isang oras na talakayan,
ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) natutukoy kung magkasingkahulugan
o magkasalungat na salita ang ginamit
sa mga pahayag sa akda,
b) nakababahagi ng kanilang mga
saloobin at natutuhang aral sa alamat,
at
c) nakasusulat ng mga kongkretong
hakbang upang mapalaganap at
tangkilikin ang mga alamat.
Handa na ba nating gampanan ang mga
layuning iyan?
D. Paghawi ng Sagabal

Ididikit ang kartolina sa pisara.

Panuto: Isulat ang M kung ang pares ng mga


salitang may diin ay magkasingkahulugan at K
kung magkasalungat. Isulat sa loob ng kahon
ang sagot.

Mayroon lamang kayong 3 minuto upang


sagutin ang sumusunod na bilang.

1. a. Natatangi sa Negros ang barangay


ni Datu Ramilon.
b. Ang kanyang anak na si Kang ay
naiiba sa lahat.
2. a. Ang datu ay bantog sa kanilang
lugar.
b. Walang nakakikilala sa kanya sa
kahariang iyon.
3. a. Tunay na marangya ang dinaluhan
niyang kasal.
b. Mayaman lamang ang maaaring
magsuot ng ganyan kagandang kasuotan.
4. a. Nagbunyi ang lahat sa kasal nina
Kang at Laon.
b. Ang mga panauhin ay nalungkot sa
kanilang nasaksihan.
5. a. Sa kasamaang-palad, nalipol ang
pangkat ni Datu Ramilon.
b. Sadyang dumami ang kanilang mga
kakampi. Babasahin at sasagutin nila ang bawat bilang.

Susi sa Pagwawasto:
1. M
2. K
3. M
4. K
5. K

E. Pagtalakay

Bago natin basahin ang alamat, alamin na


muna natin ang kaligirang pangkasaysayan
ng Alamat.

Pakibasa nga ng kahulugan ng alamat. - Ang alamat o legend sa Ingles ay mula sa


Latin na legendus, ibig sabihin ay “upang
mabasa”.
- Nagsasaad kung paano nagsimula ang mga
bagay-bagay
- Nagtataglay ng kababalaghan o mga hindi
pangkaraniwang pangyayari
- Kabilang ito sa mga karunungang-bayan ng
ating mga ninuno na lumaganap sa paraang
pasalita o pasalindila.
Magaling! Ano pa?
- Sa pagdating ng mga Espanyol sa ating
bansa, napigil ang pagsusulat ng mga ninuno
natin dahil sa mahigpit na pagpapalaganap
ng pananampalatayang Katolisismo.
- Sinasabing ipinasunog ng mga prayleng
Espanyol ang mga naisulat na panitikan at
ang iba ay ipinaanod dahil ayon sa kanila ito
ay gawa ng demonyo.
- Ngunit dahil ang panitikang ito ay pasalindila,
di pa rin tuluyang nabura ito sa kultura natin
at patuloy na ginamit ng ating mga ninuno
magpahanggang ngayon.
Napakahusay naman!

Ngayon ay batid kong may nahinuha na kayo


kung saan patungkol ang alamat na
babasahin natin. Kaya siguruhin sa puntong ito
na hawak ninyo ang inyong kopya dahil
babasahin ko nang malakas at malinaw ang
kwento.

Ngunit bago iyan, pakatandaan ang ating


alituntunin sa pakikinig.

Babasahin ang Alamat ng Bundok Kanlaon. Makikinig habang binabasa nang guro ang
alamat.
Nagustuhan ninyo ba ang kuwento?
Opo.
Sige nga, sino-sino ba ang tauhan sa alamat?
Si Datu Ramilon, Kang, Laon, at Datu Sabunan.
Mahusay! Tunay ngang nakasunod ang lahat
at naunawaan ang kanilang binasa kaya
naman magkakaroon tayo ng pangkatang
gawain upang mas lalo pa nating mapalalim
ang inyong kaalaman sa alamat.

Hahatiin natin ang klase sa apat na pangkat.


Narito ang inyong mga gawain. Pakibasa nga
po. Bubuo sila ng pangkat at pipili na ng lider.

Unang Pangkat. “Character Mo, Ilalarawan


Ko!”

Panuto: Gamit ang character map graphic


organizer, ilarawan ang katangian ng
sumusunod na tauhan batay sa sariling
pananaw ayon sa pagkakalahad sa alamat.

Pamantayan sa Pagmamarka Puntos


Sapat at makabuluhan ang 30
paglalarawan
Kooperasyon at disiplina 10
Presentasyon 10
KABUOAN 50

Pangalawang Pangkat. “Lights, Camera,


Action!”
Panuto: Isadula ang mahahalagang
pangyayari sa alamat tulad ng sumusunod:
 Pagtatapat ng pag-ibig ng
magkasintahan
 Handaan
 Labanan
 Kasawian
 Pag-usbong ng bundok

Pamantayan sa Pagmamarka Puntos


Pagkamalikhain/Presentasyon 20
Pagkakaganap sa tauhan 20
Kooperasyon at disiplina 10
KABUOAN 50

Ikatlong Pangkat. “Paggawa ng Islogan”

Panuto: Magsulat ng islogan na may tugmaan


patungkol sa aral na natutuhan sa binasang
alamat.

Pamantayan sa Pagmamarka Puntos


Pagkamalikhain/Presentasyon 20
Katumpakan ng 20
mensahe/aral
Wastong gamit ng gramatika, 10
pagbabaybay, pagbabantas
KABUOAN 50

Ikaapat na Pangkat. “Alamat natin, Paano


tatangkilikin?”

Panuto: Punan ang bubble map ng mga


kongkretong hakbang na maaaring gawin ng
isang mag-aaral na tulad mo upang lalo pang
mapalaganap at tangkilikin ng kabataan ang
mga alamat.

Pamantayan sa Pagmamarka Puntos


Sapat at makabuluhan ang 30
mungkahing hakbang
Kooperasyon at disiplina 10
Wastong gamit ng gramatika, 10
pagbabaybay, pagbabantas
KABUOAN 50
Pumunta na sa unahan ang bawat lider para
kunin ito.

Bibigyan ko lamang kayo ng sampung minuto


(10mins) para maghanda at limang minuto
(5mins) naman para sa inyong presentasyon.
Paalala, mayroon na lamang kayong isang
minuto (1min).
Tapos na ang inyong oras ng paghahanda.
Dumako na tayo sa inyong pagtatanghal. Magtatanghal ng kanilang gawain ang bawat
pangkat.
Pagkatapos ng pagtatanghal ng bawat
pangkat ay magbibigay ang guro ng
kanyang hinuha.

Magagaling! Lahat ng itinanghal ninyo ay


magaganda. Dahil diyan, bigyan natin ng
tatlong palakpak at tatlong bagsak ang
inyong mga sarili.

F. Paglalahat

Kung walang tanong, ako naman ang


magtatanong.

Ano-ano ba ang mga pagpapahalagang


Pilipino ang makikita sa binasang alamat? Sir, ipinakita roon ang lubos na pagmamahal
ng isang magulang sa kanyang anak.
Ano pa?
Sir, ang katangian ni Datu Ramilon nang
labanan niya ang kanilang kalaban ay
nagpapahiwatig na ang sinumang pinuno sa
ating lipunan ay may tungkulin na sa kanyang
bayan o nasasakupan na ito’y pangalagaan
Napakahusay! hanggang sa abot ng kanyang kakayahan.

G. Paglalapat

Kung ikaw kaya ang nasa kalagayan ni Kang


o Laon, paano mo maipapakita ang
pagmamahal sa kasintahan nang hindi
ibinubuwis ang iyong buhay? Kukumbinsihin ko siya na hindi dapat namin
ibuwis ang buhay ng isa’t isa kung mayroon pa
naman ibang paraan para malampasan ang
anumang suliranin. Dpat magsilbing lakas ang
isa sakali mang mapagod sa pagsubok ang
kasintahan. Laging isipin na mayroong mga
tao pa rin na hindi sila iiwan at handa silang
tulungan.
May kinahaharap din ba kayong mga
pagsubok sa inyong buhay? Paano niyo ito
pinaghahandaan o hinahanapan ng solusyon
para malampasan? Uunawain ko muna ang aking kalagayan at
palaging iisipin na maging positibo lamang.
Huwag panghihinaan ng loob at patatagin
ang tiwala sa sarili.
Batid kong may natutuhan kayo sa ating
tinalakay ngayong araw. Sino ang may
katanungan? Opo.

IV. PAGTATAYA

Suriin ang sumusunod na mga pahayag batay sa mahahalagang pangyayari sa binasang


alamat. Isulat sa papel ang MAHAL KITA kung tama ang ipinahihiwatig ng pahayag at HINDI TAYO
PWEDE kung mali naman ang pahayag.

1. Hindi tumututol si Datu Ramilon sa sinumang iibig at manliligaw sa kanyang natatangi at


napakagandang anak na si Kang.
2. Si Laon, isang alipin, ang bumihag sa puso ni Kang.
3. Naghandog ng salo-salo si Datu Sabunan ng Palawan nang mabalitaan na ikakasal ang
nililigawan na si Kang.
4. Nagpasiyang magpakamatay na lamang ang magkasintahang Kang at Laon upang
walang makapigil sa kanilang wagas na pagmamahalan.
5. Ipinangalan sa mataas na burol ang Bundok Kanlaon dahil sa kautusan ni Datu Ramilon
bilang paalala ng wagas na pagmamahalan ng magkasintahan.

Susi sa Pagwawasto:
1. Mahal Kita
2. Hindi Tayo Pwede
3. Hindi Tayo Pwede
4. Mahal Kita
5. Hindi Tayo Pwede

V. KASUNDUAN

Maghanap ng dalawang salawikain o kasabihan tungkol sa wagas na pag-iibigan.


Gumuhit ng dalawang puso at isulat sa loob nito ang napiling salawikain o kasabihan.
Pagkatapos ay ipaliwanag ang nilalaman nito. Gawin ito sa isang buong papel.

Pamantayan sa Pagmamarka Puntos


Katumpakan o kaugnayan sa tema ng 30
salawikain o kasabihan
Pagpapaliwanag 10
Wastong gamit ng gramatika, pagbabaybay, 10
pagbabantas
KABUOAN 50

Inihanda ni:

SHERWIN P. ALTO
Guro sa Filipino

You might also like