You are on page 1of 10

Department of Education

Dao -An, National High School


Dao -An ,San Miguel, Zamboanga del Sur

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

Pangalan ng Guro: Dumending, Baitang: 7


Maybell B.
Posisyon: Student Teacher Blg. ng Talakayan: 1
Petsa: November 2023 Oras na inilaan: 1 hr

I. Pamantayan, kasanayan at mga layunin


PAMANTAYANG Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga
PANGNILALAMAN: akdang pampanitikan ng Kabisayaan.

PAMANTAYAN SA Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting-bayan gamit


PAGGANAP: ang wika ng kabataan.

MGA KASANAYAN SA Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang


PAGKATUTO: alamat ng Kabisayaan. (F7PB-IIc-d-8)
Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa
pagpapahalaga ng mga taga-Bisaya sa kinagisnang kultura.
(F7PU-IIg-h-10)

I. LAYUNIN: Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag – aaral ay:


a. nahihinuha ang kaisipang nais iparating ng napanood na alamat;
b. naipamamalas ang kahalagahan sa kinagisnang kultura; at
c. nakabubuo ng isang konkretong hakbang upang tangkilikin ng mga kabataan ang
mga alamat.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan
B. Sanggunian: Unang Edisyon, 2020, Modyul 4 ng Grade 7 sa Filipino – Ikalawang
Markahan
C. Kagamitan: Slide Presentation, TV, Speaker, Manila Paper, Pilot Pen, at
Kagamitang Biswal

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Paghahanda
 Panalangin
Magsitayo ang lahat at tayo ay manalangin. (Tumayo at nanalangin)
 Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang Umaga po, ma’am.
Bago muna kayo umupo ay maaari bang
pakipulot muna ang mga kalat na nasa ilalim
ng inyong mga upuan at pakihanay na rin ito
ng maayos.
Mabuti naman po, ma’am.
Kumusta kayo?
Mainam naman at nasa maayos kayong
kalagayan.
Wala po, ma’am.
 Pagtatala ng mga lumiban
May lumiban ba sa klase natin ngayon?

Ang husay naman. Sana ganito palagi ha?

 Pagbibigay ng alituntunin sa
klase
Bilang pagsisimula para sa araw na ito ay
mayroon muna akong mga alituntunin na Opo, ma’am .
gustong masunod sa loob ng aking klase. ALITUNTUNIN:
1. Makinig nang maigi sa talakayan.
Maari mo bang basahing Bb. Montesur? 2. Kung may mga sagot at katanungan ay itaas
ang kanang kamay.
3. Tumayo at sumagot kapag tinawag ang
pangalan.
4. Paglaan ng paggalang sa bawat isa at higit
sa lahat ay ang partisipasyon.

Opo, ma’am.

Naiintindihan niyo ba ang isinasaad sa


alituntuning iyan, klas?

Mainam naman, at sana’y masusunod natin ito


sa loob ng ating klase.

 Pagbalik – Aral (Magpapataas ng kamay ang mga mag-aaral)


Bago tayo magsimula sa ating talakayan Tungkol po sa mga antas ng wika batay sa
ngayong araw, balikan muna natin ang pormalidad, ma’am.
nakaraan nating leksyon.

Sino ang nakakaalala sa tinatalakay natin


noong nakaraang araw? 1. Balbal
2. Kolokyal
3. Lalawiganin o Diyalektal
4. Teknikal
5. Pampanitikan
Tama! Ang nakaraang leksyon ay tungkol sa
mga antas ng wika batay sa pormalidad.
Ibigay ang limang antas ng wika batay sa
pormalidad, G. Gloria. Wala na po, ma’am.

Mahusay, G. Gloria!
May katanungan pa ba kayo tungkol sa
nakaraan nating leksyon, klas?

 Pagganyak
Ngayon ay susuriin natin ang inyong mga
1. Opo, maam.
kaalaman tungkol sa ating panibagong paksa.
Mayroon tayong sasagutang ilang katanungan 2. Sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa
base sa pahayag na ito. kanilang iniutos, pagsisinungaling,
“Mga anak, magulang ninyo’y igalang at mahalin pagmamatigas, at hindi pagtulong sa mga
Mga payo at pangaral nila’y inyo sanang sundin gawaing bahay.
Para sa ikabubuti niyo, iwasang sila’y suwayin.” 3. Kadalasan po hindi maganda.
Tanong:
1. Nasubukan mo na bang
sumuway sa iyong magulang?
2. Paano mo sila sinuway?

3. Ano ang ibinunga ng iyong


pagsuway?

Opo, ma’am.
Tama! Kaya tayo napapahamak dahil madalas
nating sinusuway ang ating mga magulang na
kung iisipin naman ay nakabubuti lang naman
natin ang kanilang iniisip. Ang pagsuway ng
magulang ay hindi isang magandang gawain
ng anak, ito ay labag sa kautusan ng Diyos at
batas ng tao.

Naiintindihan niyo ba, klas?


B. Paglalahad at Pagtalakay sa Paksa
Base sa mga katanungang ating sinasagutan
ngayon, ano kaya ang ating magiging paksa Ito po ay may kaugnayan sa hindi pagsunod
para sa araw na ito? sa mga magulang po, ma’am.

Maari! Dahil ang paksa natin sa araw na ito ay


tungkol sa Alamat ng Isla ng Pitong
Makasalanan.
Pero bago po iyon ay narito ang ating mga Opo, ma’am.
layunin para sa ating klase sa araw na ito. Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag –
Maari mo bang basahin, Rheanne? aaral ay:
a. nahihinuha ang kaisipang nais
iparating ng napanood na alamat;
b. naipamamalas ang kahalagahan sa
kinagisnang kultura; at
c. nakabubuo ng isang konkretong
hakbang upang tangkilikin ng mga
kabataan ang mga alamat.

Opo, ma’am.
Maasahan ko ba kayong maaabot natin ang
mga layuning ito, klas?

Magaling naman! Kung gayun ay maaari na


tayong magsimula sa ating bagong leksyon
para sa araw na ito.
(Nakinig sa guro)
Napakalaki ng pagpapahalaga at paggalang ng
mga Pilipino sa mga magulang. Marami
tayong paraan ng pagpapakita ng paggalang
sa kanila tulad ng pagmamano, pagsunod sa
kanilang mga payo at utos, pag-aalaga sa
kanila hanggang sa pagtanda, gayundin ang
paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa
kanila.
Masasalamin din ang paggalang at
pagpapahalaga sa magulang sa ating mga
katutubong panitikang pumapaksa sa
kapahamakang nangyayari sa mga anak na
nagiging suwail sa magulang. Isang
halimbawa rito ang “Alamat ng Pinya” kung
saan naging pinya o prutas na maraming mata
si Pina pagkatapos sabihin ng kanyang inang
magkaroon sana siya ng maraming mata dahil
sa pagiging tamad at kawalan ng interes na
hanapin ang mga bagay na gagamitin sa
pagluluto ng pagkain para sa maysakit na Ina.

Ang alamat na panunuorin natin ngayon ay Ako po, ma’am.


nagtataglay rin ng parehong paksa kung saan Ang alamat po ma’am ay tungkol sa mga
kapahamakan ang kinasadlakan ng mga anak pinagmulan ng mga bagay at pook.
na naging suwail sa kanilang ama.

Ngunit bago natin aalamin ang kwento


tungkol sa Alamat ng Isla ng Pitong
Makasalanan ay pag-aaralan muna natin kung
ano ang alamat.

Mayroon ba kayong ideya kung ano ang


alamat? (Nakinig sa guro)
Sege, Bb. Cherrylyn?

Mahusay, Bb. Cherrylyn!


Ang salitang alamat o legend sa Ingles
ay mula sa salitang Latin na legendus, na
nangangahulugang “upang mabasa.”
Isang mahalagang bahagi ng kulturang Opo, ma’am.
Pilipino ang mga alamat. Ang mga ito ay Mula sa salitang Latin na Legendus.
nagsasaad kung paano nagsimula ang mga
bagay-bagay. Karaniwan itong nagtataglay ng “upang mabasa”
mga kababalaghan o mga hindi
pangkaraniwang pangyayari. Ang karaniwang Mga katutubong kultura, mga kaugalian, at
paksa ng mga alamat ay ang ating katutubong kapaligiran.
kultura, mga kaugalian, at kapaligiran. Taglay
nito ang magagandang katangiang tulad ng
kalinisan ng kalooban, katapatan, at Taglay nito ang kalinisan ng kalooban,
katapangan, subalit tinatalakay rin sa mga katapatan, at katapangan
alamat ang hindi mabubuting katangiang tulad
ng kasakiman, katamaran, kalupitan,
paghihiganti, pagsumpa, at iba pa. Karaniwan
itong kapupulutan ng aral at nagpapakitang
ang kabutihan ay laging nananaig laban sa
kasamaan.

Naiintindihan niyo na ba kung ano ang Wala na po, ma’am.


alamat, klas?
Saan nga ulit nagmula ang salitang alamat, Opo, ma’am!
klas?
Tama! Mula ito sa salitang Latin na Legendus
na ang ibig sabihin ay?
Mahusay! Ano nga ulit ang karaniwang paksa
ng alamat?

Magbigay ng magandang katangian na taglay


ng isang alamat.

Magaling! Subalit minsan ay tinatalakay din


ang hindi mabubuting katangiang tulad ng
kasakiman, katamaran, kalupitan,
paghihiganti, pagsumpa, at iba pa. Karaniwan
itong kapupulutan ng aral at nagpapakitang
ang kabutihan ay laging nananaig laban sa
kasamaan.
Mayroon pa ba kayong katanungan tungkol
dito?

Kung gayun ay gusto niyo bang mapanood (Nanonood)


ang alamat ng Isla ng pitong makasalanan?

Okay, ngunit bago tayo magsisimula sa Opo, ma’am.


panonood ay nais ko munang ipabatid sa inyo
ang kahulugan ng ilang mga salita na
matatagpuan natin sa alamat. Kailangan nating igalang ang ating mga
magulang sapagkat sila ang mas nakakaalam
o Paghahawan ng sagabal sa ating ikabubuti.
Dalampasigan – tabing-dagat
Nagtampisaw – naliligo Nais iparating ng napanood Kong alamat na
Suwail – matigas ang ulo; panunuway sa utos sundin dapat ang mga magulang. Huwag natin
Sumagwan – namugsay; paddled silang suwayin dahil para sa ating ikabubuti
Paggaod – Rowing; pagsagwan ang kanilang mga payo at paalala.
Naparam – naglaho; nawala
Dahil nakatira ang isang matandang
Sumadsad – sumayad
mangingisda at ang kanyang pitong anak na
dalaga sa isang tahanang nakaharap sa
Ngayon ay umupo kayo ng maayos dahil baybayin ng Dagat-Bisaya. Ang kanilang
aalamin natin ang alamat ng Isla ng Pitong tirahan ay nasa bayan ng Dumangas, isang
Makasalanan. bayang nasa gawing hilagang-silangan ng
Panoorin niyo ng mabuti dahil tatanungin ko lalawigan ng Iloilo na bahagi ng isla ng
kayo pagkatapos. Panay.
https://youtu.be/yZh9K6bSEs8?
si=lE5ZV9FP65KdnZy7 Nangyari ito noong sinaunang panahon kung
Naiintindihan niyo ba ang alamat ng Isla ng saan mahigpit pa ang mga magulang sa
pitong makasalanan, klas? kanilang mga anak. Ayaw kasi ng ama na
Mainam! Narito ang mga katanungan. mapahamak ang kanyang mga anak kaya labis
Tanong: ang kanyang pagmamahal dito. Kung
 Bakit kailangang igalang at nangyari ito sa kasalukuyang panahon, siguro
sundin ang payo ng ating ay papayag ang ama sapagkat mga mayaman
magulang? na lalaki ang mapapangasawa ng kanyang
mga anak dahil sa panahon ngayon mas
Magaling! nangingibabaw ang pagiging praktikal ng mga
tao.
 Ano ang kaisipang nais
iparating ng napanood ninyong
alamat?

Wala po, ma’am.

 Ang mga dalagang sumuway Maliwanag na po, ma’am.


sa kanilang ama ay naging mga
isla raw. Bakit kaya mga isla?
Ano ang kaugnayan nito sa uri
ng kapaligirang mayroon ang
tagpuan?

 Nagmatigas ang ama sa


kanyang kagustuhang huwag
mapalayo ang kanyang mga
anak sa kanyang piling. Sa
anong panahon kaya nangyari
ang akdang ito? Ano ang
kaugnayan ng panahon sa
naging desisyon ng ama?
Paano kaya ito mababago kung
ito ay nangyari sa
kasalukuyang panahon?

Mahusay at may natutuhan talaga kayo sa


paksang ating tinatalakay ngayon.

Mayroon pa ba kayong mga katanungan?


Talaga? Maliwanag na ba sa inyo kung ano
ang kahulugan ng alamat at ang alamat ng Isla
ng Pitong Makasalanan, klas?

Mahusay! At dahil wala na kayong


katanungan ay may gagawin tayo.
C. Paglalapat
Dahil lubos na ninyong naintindihan ang ating
tinalakay ay maari niyo nang sagutin ang
gawaing ito. Papangkatin ko kayo sa lima na
pangkat at bawat pangkat ay may tig-iisang
gawain. Hindi kayo magkapareho ng gagawin
kaya mas mainam na pagtutulungan niyo (Nakinig sa paliwag ng guro)
itong gagawin dahil may kanya-kanya kayong
pamantayan bawat grupo.
 Alamin, Buuin, Ipaliwanag!
Para sa unang pangkat, bibigyan ko kayo ng
Copy ng kanta ni Freddie Aguilar na Anak.
Panuto: Kakantahin ito sa harap ng klase at
pagkatapos ay ibigay ang aral na nakapaloob
sa kanta.
Pamantayan
Kooperasyon 15
Nilalaman 35
Kabuuan 50

Para sa pangalawang pangkat, bibigyan ko


kayo ng bondpaper.
Panuto: Isulat ang buod ng alamat ng Isla ng
pitong makasalanan at lagyan ng panimula,
gitna, at wakas.
Pamantayan
Kooperasyon 15
Kaangkupan sa paksa 35
Kabuuan 50

Para sa pangatlong pangkat, bibigyan ko kayo


ng isang larawan.
Panuto: Gumawa ng isang sariling alamat
batay sa larawang ipinakita.
Kaangkupan sa paksa 30
Pagkamalikhain sa pagsulat 20
Kabuuan 50

Para sa ikaapat na pangkat, bibigyan ko kayo


ng isang Manila paper.
Panuto: Isulat sa bubble map ang mga
hakbang upang lalong tangkilikin ng mga tao
lalo na ng mga kabataan ang mga alamat.
Pamantayan
Kaangkupan sa paksa 35
Kooperasyon 15
Kabuuan 50

Para sa ikalimang pangkat, bibigyan ko kayo


ng isang 1/8 na illustration board.
Panuto: Ilagay sa hexagon ang mga
katangiang dapat tinataglay ng isang mabuting
anak.
Pamantayan
Pagkamalikhain 20
Nilalaman 30
Kabuuan 50

Bibigyan ko kayo ng sampung minuto upang


gawin ang gawaing nakaatas sa inyong grupo.
Pagkatapos ng sampung minuto ay mauuna
ang unang Pangkat sa pagpresenta ng
kanilang gawain dito sa harapan. Susundan ng Maliwanag po, ma’am.
pangalawa, pangatlo, ikaapat, at ikalimang na
pangkat. Nakuha niyo ba kung ano ang (Nakipag-usap sa kagrupo)
inyong gagawin, klas?

Kung ganun ay maari na kayong magsimula. (Unang Pangkat)


Tapos na ang sampung minuto, unang pangkat (Ikalawang Pangkat)
maaari na kayong magpresenta sa harapan ng (Ikatlong Pangkat)
inyong gawain. Ikaapat na Pangkat)
*Unang Pangkat (Ikalimang Pangkat)
*Ikalawang Pangkat
*Ikatlong Pangkat
*Ikaapat na Pangkat
*Ikalimang Pangkat

Natutuwa ako at nagagawa ninyo nang


maayos ang inyong gawain. Batid kong
nauunawaan na ninyo ang paksang ating
tinatalakay.

D. Paglalahat
At ngayon, upang mas mapayaman pa ang
inyong mga kaalaman tungkol sa ating
tinatalakay, nais kong sumulat kayo ng iba’t
ibang pamagat ng mga alamat na alam niyo sa
isang kalahating papel. Mas maraming (Nakikinig sa paliwanag ng guro)
maisulat mas malaki ang puntos.
Bibigyan ko kayo ng tatlong minuto upang
gawin ito. Pagkatapos ng tatlong minuto ay
ipapasa ninyo sa harapan ang inyong mga Opo, ma’am.
papel.
Naiintindihan na ba ang gawain, klas? (Nagsusulat ang mga mag-aaral hanggang sa
natapos)
Kung ganoon ay maaari na kayong
magsimula. Mayroon lamang kayong tatlong
minuto upang gawin ito. (Ipinasa ang papel)

Tapos na ang tatlong minuto. Pakipasa na ng


mga papel dito sa harapan.

Nagagalak ako at may natutuhan talaga kayo (Barangay Clap )


sa ating bagong leksyon ngayong araw, klas.
Dahil diyan, bigyan natin ang bawat isa ng
isang Barangay Clap!
IV. PAGTATAYA
Para sa inyong pagtataya, kumuha kayo ng
isang sangkapat na papel at sagutan ang mga (Kumuha ng papel at nagsimulang sagutan
katanungang ito. Isulat lamang ang letra ng ang pagtataya)
tamang sagot sa inyong papel.

1. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung


bakit kailangang igalang at sundin ng anak
ang payo ng magulang, MALIBAN sa
_____?
A. Ito ay paraan ng pagpapahalaga ng
anak sa kanyang magulang.
B. Ang paggalang at pagsunod sa payo
ng magulang ay nakabubuti sa anak. 1 C. Ang paggalang at pagsunod sa payo ng
C. Ang paggalang at pagsunod sa payo magulang ay nakakapagbigay kasikatan.
ng magulang ay nakakapagbigay
kasikatan. 2. D. Nagsisi at nagbalik sa naghihintay na
D. Walang magandang naidudulot sa ama ang kanyang mga anak.
anak ang pagsuway sa mga
mabubuting payo ng kanyang 3. A. “upang mabasa”
magulang.
4. B. Mga anak
2. Ang mga sumusunod ay mensahe o ideyang
makikita sa “Alamat ng Isla ng Pitong
5. B. Latin
Makasalanan” MALIBAN sa _____?
A. Mahal na mahal ng ama ang lahat ng
6. D. Labis na nasisiyahan
kanyang mga anak.
B. Sumuway ang mga anak sa
7. A. May sariling desisyon
kagustuhan ng kanilang ama.
C. Kapahamakan ang kinasadlakan ng
8. C. Mapagmalasakit
mga anak na hindi sumunod sa
kanilang magulang.
9. C. Masisipag
D. Nagsisi at nagbalik sa naghihintay na
ama ang kanyang mga anak.
10. A. Masayahin
3. Ano ang ibig sabihin ng salitang ‘legendus’
na piangmulan ng salitang alamat o legend?
A. “upang mabasa”
B. “upang marinig”
C. “upang malaman”
D. “upang makita”

4. Sino ang tinutukoy ng Isla ng Pitong


Makasalanan?
A. Mga manliligaw
B. Mga anak
C. Mga magulang
D. Mga kasalanan
5. Sa anong lengguwahe nagmula ang salitang
alamat o legend sa Ingles?
A. Griyego
B. Latin
C. Hebreo
D. Espanyol
6. Sa kanyang pag-uwi ay isang
napakatahimik at napakalungkot na tahanan
ang kanyang dinatnan. Hindi napigil ng
matanda ang muling pagluha nang
masagana.
Alin sa palagay mo ang HINDI
nararamdaman ng ama sa mga sandaling ito?
A. Labis na nasasaktan
B. Labis na nagdaramdam
C. Labis na nalulungkot
D. Labis na nasisiyahan
7. “Sasama ako sa aking kasintahan, sa ayaw
at sa gusto ni Ama,” ang wika ng panganay
na si Delay.
Ano ang mahihinuha rito mula kay Delay?
A. May sariling desisyon
B. Magagalitin
C. Malupit
D. Mapagbigay

8. Subalit hindi naging madali ang paghingi


nila ng pahintulot sa kanilang ama. “Hindi
n’yo pa kilala nang lubusan ang mga
binatang iyan. Bakit kayo sasama? Hindi ako
papayag.”
Ano ang mahihinuha rito mula sa ama?
A. Magagalitin
B. Mainisin
C. Mapagmalasakit
D. Mapagbigay
9 Araw-araw makikita ang pitong dalaga
habang nagsasagawa ng kani-kanyang
gawaing-bahay.
Ano ang mahihinuha mula rito sa mga dalaga?
A. Palautos
B. Malilinis
C. Masisipag
D. Masayahin
10. Ang pitong dalaga’y madalas makita sa
dalampasigan habang nagtatampisaw o
masayang lumalangoy, naghahabulan, at
nagtatawanan.
Ano ang mahihinuha mula rito sa mga dalaga?
A. Masayahin
B. Mapagwalambahala
C. Palakaibigan
D. Malaro

V. Takdang Aralin
Para sa inyong takdang aralin, nais kong
magsaliksik kayo ng isang alamat at
ipaliwanag ang mahahalagang mensahe mula
sa napiling alamat. (5 puntos) Maliwanag po, ma’am.
Maliwanag ba ang naging panuto, klas?

Kung ganoon ay iyan lamang para sa araw na Paalam po, Bb. Dumending. Maraming
ito, at nawa’y mayroon kayong natutuhan Salamat po sa pagtuturo ninyo sa amin.
galing sa akin. Paalam, klas!

You might also like