You are on page 1of 11

Masusing Banghay Aralin

sa Pakitangturo ng Araling Panlipunan


KULTURA 1

I. Layunin
Sa loob ng 60 minutong talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang:
A. Matutukoy ang pagkakaiba at pagkakapareho ng kultura noon at ngayon.
B. Mapapahalagahan ang iba’t ibang kultura.
C. Masasabi ang iba’t ibang klase ng kultura.

II. Paksang aralin


A. Paksa: Kultura ko, Kultura mo (Ang pag gamit ng po at opo)
B. Sangunian: Libro ng araling panlipunan
C. Kagamitan: WPS office, laptop, at mga larawan.
D. Istratehiya: Pag gamit ng mga larawan habang sila ay naka pangkat.
E. Pag papahalaga: pag katuto sa pagpapahalaga ng iba’t ibang kultura.

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing mag aaral
A. Panimulang gawain

1. Pagbati

Isang mapagpalang umaga klas! Mapagpalang umaga rin po,


aming minamahal na guro!

Bago tayo mag umpisa ay


manalangin muna tayo.

Cherry maari bang pangunahan mo Sige po Guro. Magandang


ang pananalangin sa araw na ito? umaga klasmeyts! Tayo ay
yumuko”t pumikit at sabayan
akong manalangin.

Ama, Bigyan mo po kami ng


talino at tibay ng loob sa araw
na ito. Patawarin mo po kami sa
mga kasalanan na aming
nagagawa. Ito lang po ang
aming samot dalangin sa
pangalan ni Jesus na aming taga
pag ligtas, Amen.

Amen. Ngayon klas maari niyo


bang ayusin ang inyong upuan bago
tayo tayo mag umpisa ay maari ba
kayong mag bilang upang malaman
kung may lumiban ba sa araw na
ito.

Mariel, maari bang umpisahan mo ( ang mga istudyante ay nag


ang pag bibilang? bilang )

Klas ano ang pinaka huling bilang? 32 guro!

Ilan tayo sa klase?


32 po!

Mabuti at walang lumiban sa araw


na ito.

2. Balik aral

Noong nakaraang talakayan ay


ating napag aralan ang tungkol sa
mga makasaysayang lugar at mga
pangyayari sa ating Pilipinas.

Ngayon ay aking titignan kung


naalala niyo pa ang ating naging
talakayan.
Piliin sa kahon ang tamang
sagot. At isulat ang tamang letra
bago ang numero.

A. Malacanang Palace
B. Luneta Park
C. Illustrado
D. Emillio Aguinaldo
E. Andres Bonifacio

___1. Ito ang tawag sa mga


Pilipinong nakapag-aral sa
panahon ng mga Kastila.
___2. Ito ay tirahan ng pangulo
ng ating bansa?
___3. Ito ang lugar kung saan
binaril si Rizal.
___4. Tinaguriang unang bayani
ng Pilipinas.
___5. Unang Pangulo ng
Pilipinas.

Sino ang may gustong sumagot sa


unang numero? Guro ako po!

Sige ann, ano ang tamang sagot?


C po!
Magaling!

Sino pa ang gustong sumagot?


Guro!
Okay Chiko ano ang tamang sagot?
A po!
Tumpak! Paano naman sa ikatlong
katanungan? Ano ang tamang
sagot? B po!

Tama! Sa pang apat na tanong, ano


ang tamang sagot?
D guro!
Mahusay, okay sa pang huling
katanungan klas ano ang tamang
sagot?
Letrang E po!
Magaling klas! Ako ay natutuwa
dahil kahit papaano ay natututo
kayo sa aking klase.

B. Motibasyon

Bago tayo mag tungo sa talakayan,


may ipapakita ako na larawan
sainyo.

Mga bata ano ang nakikita niyo sa


larawan? Bayanihan po guro!

Magaling!

Ang bayanihan ba klas ay isang uri


ng kultura? Opo guro!

Tama! Ito ay isang uri ng kulturang


Pilipino.
A. Paglalahad ng Aralin

Aking minamahal na studyante,


Ano nga ba ang kultura para
sainyo? Elle, maaari mo bang Guro, para po saakin ang kultura
sagutan ang aking katanungan? ay mga kasanayan ng isang
mamamayan.
Magaling! Ipaalala mo saakin
mamaya na ikaw ay nakakuha ng Sige po guro, salamat po!
limang puntos.

Sino pa ang gustong mag lahad ng Guro, para po saakin ito yung
nalalaman tungkol sa kultura? Sige mga nakaugalian nang gawin ng
Kael,ikaw naman ang sumagot. mga Filipino na minana pa natin
sa ating mga ninuno.
Mahusay! Ngayon atin ng talakayin
kung ano nga ba ang kultura. Maari
kayong mag sulat ng aking mga
ibabahagi sainyo para na rin meron
kayong mababasa kapag tayo ay
nagkaroon ng pagsusulit.

Ang salita na ito ay katumbas ng


salitang kalinangan na may salitang
ugat na linang at linangin. Kaya ang
Kultura ay siyang humuhubog sa
pag iisip, pag uugali, at gawain ng
tao.
A
yon kay Zeus A. Salazar walang
kulturang hindi dala ng isang wika
bilang saligan at kaluluwa na
siyang bumubuo, humuhubog, at
nagbibigay-diwa sa kulturang ito.

Sang-ayon kay Edward Burnett


Tylor, Ama ng Antropolohiya, na
ang kultura ay isang kabuuang
kompleks na may malawak na
saklaw sapagkat kabilang dito ang
kaalaman, paniniwala, sining,
moral/valyu, kaugalian ng tao
bilang miyembro ng isang lipunan.

Hindi lamang sining at musika ang


kultura ayon sa paniniwala ng iba
ngunit ito ay naglalaman ng mga
valyu at alituntunin sa lugar na
tinitirhan ng ating mga ideya na
mabubuti o masasama, ng ating
wika, relihiyon, at iba pa.

Sa madaling salita, ang kultura ay


matututuhan ng tao bilang
miyembro ng isang lipunan.

Ito ay tumutukoy sa
lahat na natutuhan ng isang
indibidwal sa lipunang
kinabibilangan.

Malalaman na may kakaibang


kultura ang ibang tao sa
pamamagitan ng pagmamasid at
pag-unawa sa kanilang pananalita,
kilos, at damdamin.

Halimbawa sa pagkain;
ang mga Intsik ay ayaw ng gatas
ngunit ang mga Amerikano ay
gusto ng gatas dahil ang gatas para
sa Amerikano ay perpektong
pagkain mula sa kalikasan.

Sa pag-aasawa naman sa mga


Kristiyanong Pilipino, iisang asawa
lamang ang nararapat para sa bana
ngunit sa mga Muslim ay pupwede
ang maraming asawa.

Ayon naman kay Leslie A. White


ay nagsabing ang kultura ay isang
organisasyong penomena na
sumasaklaw sa aksyon (paraan ng
pag-uugali) bagay (kagamitan) at
iba pang mga kasangkapan, ideya
(paniniwala at kaalaman),at
sentiment (karakter/ kilos at valyu).

Ibig sabihin, ang kultura ay ang


kabuuang paraan ng pamumuhay na
sinusunod ng mga tao at binubuo
ng lahat ng natututunan at
naibabahagi ng tao sa isang
komunidad.

Ayon din sa mga antropolohista,


ang kultura ay lahat ng
natututuhang beheybyur at resulta
kung papaano pinahahalagahan ng
tao ang mga natutuhan niya na
tinatawag na cognitions ito ay ang
pagkaalam sa lahat ng bagay na
nagbibigay patnubay sa tao sa
pagkilala niya sa kapaligiran at sa
ibang tao.

Mula naman sa aklat ni Donna M.


Gallnick, ang kultura ay ginagamit
para sa maayos na paraan ng may
kapangyarihan at mga
makapangyarihang tao, dahil ang
mga taong may kaalaman sa
kasaysayan, literatura, at sa sining
ang siya lamang may kultura ayon
sa unang paniniwala.

Ang paniniwalang ito ay binatikos


ng ilang mga antropolohista.

Ang kultura ay nagpapakilala kung


sino at ano tayo. Ito ang
umiimpluwensiya sa ating
kaalaman, paniniwala, at valyu.

Ito ang nagbibigay-kahulugan at


nagdedetermina sa paraan ng ating
pag-iisip, damdamin, at pag-uugali.

Meron tayong tatlong klase ng pag


tingin ng tao sa kultura. Ito ang
Noble savage, Ethnocentrism, at
Cultural Relativity.

Unahin natin ang Noble Savage,


ano nga ba ito? Ito ay ang
pagpapahalaga ng isang tao sa
sariling kultura at sa kultura ng iba
ay maaari niyang ibatay sa mga
sumusunod.

Dito, tanggap niya kung ano siya.


Hindi niya ikinahihiya kung ano
siya. Halimbawa, tanggap na
tanggap ko na ako ay isang
Meranaw at hindi ko ito
ikinahihiya.

Eh ano naman ang Ethnocentrism?


Ito naman ay paniniwala ito ng iba
na ang kanilang kultura ay tama at
nakahihigit sa ibang kultura
samantalang ang sa iba ay mali
kaya hindi dapat gayahin ng iba.

Halimbawa, ang pagdadasal sa altar


na may mga imahe ng iba- ibang
santo ay hindi tama, maling-mali
kaya hindi dapat gayahin.
At ang panghuli, ito naman ay Pag-
unawa sa ibang kultura. Dito,
tinitignan ang lahat ng kultura
bilang pantay-pantay, walang
superyor at imperyor.

Kabaligtaran ito ng ethnocentrism.


Halimbawa, Kung hindi man sila
nagmamano sa kanilang tahanan ay
hindi ibig sabihin na wala silang
respeto sa magulang nila.

Ito ay nakasanayan nila kaya


nauunawaan ito ng mga
nakakakilala sa kanila.

Xenocentrism. ang mga banyagang


tao, lugar, at bagay ay magaganda
at ang lokal o sariling kanya ay
pangit. Pagmamahal sa imported na
bagay.

Meron din tayong dalawa na


kultural na katangian ng ibang tao.

Ito ay polychronic, sa ibang kultura,


may mga taong gumagawa ng isang
bagay o gawain nang sabay-sabay.

Halimbawa, Nagsasaing habang


naglalaba at nagbabantay ng bata,
nag-aaral at nanonood ng tv habang
sige rin ang pindot ng selpon.

At Monochronic Ito ay ang mga tao


ay paisa-isa kung gumawa ng
kanilang trabaho.

Naniniwala sila na bawat trabaho


ay may oras. Halalimbawa, hindi
muna sila magluluto hangga’t di
natatapos ang kanilang paglalaba.

Naintindihan niyo ba ang ating


diskusyon? Kayo ba ay nag sulat ng Opo guro!
mga importanteng salita sa inyong
kwaderno?

Mabuti kung ganon.

B. Paglalapat

Sa inyong sasagutang papel mag


bigay ng nalalaman na halimbawa
ng kultura, bibigyan ko kayo ng
sampong minuto para sagutan ito,
maari na kayong mag simula.

(pagkatapos ng sampong minuto)

Klas, paki pasa ang inyong mga


sinagutang papel dito sa harapan,
mag bibilang ako hanggang sampu,
kailangan lahat ng papel ay nandito
na.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim,


pito, walo, siyam, sampo. Lahat ba Opo guro!
ng papel ay narito na?

Mabuti kung ganon.

C. Pagpapahalaga

Ngayon klas, paano niyo Sa pag aalaga at pagtuturo o


papahalagahan ang nakasanayan pagpapakalat ng ating kaalaman
nating kultura? Maari mo bang tungkol sa kultura na maari
sagutan ang aking katanungan nating ipa alam sa mga
Harvey? sumusunod na henerasyon.

Ano pa? Kervie? Mapapahalagahan ang ating


kultura, sa pamamaraang ating
ginagawa ngayon. Na nagiging
Bahagi ito ng ating aralin.
Magaling! ako ay natutuwa sa
inyong napaka gandang sagot klas,
pagbutihin niyo pa.

D. Pangkalahatan
Mga bata ano ulit ang kultura? Oh Guro, ito po ay nakasanayan na
anong sagot Fam? naipamana pa sa sumusunod na
henerasyon.

Mahusay! Ano pa? Juni? Guro, ang kultura po ay nag


papakilala kung sino at ano tayo.

Magaling! Ako ay natutuwa dahil


kayo ay may natutunan sa aking
klase, pagbutihin.

E. Ebalwasyon

Piliin ang tamang titik at isulat ito


sa sagutang papel. Bibigyan ko
kayo ng sampung minuto upang
tapusin ito.

1. Ayon sakanya walang kulturang


hindi dala ng isang wika bilang
saligan at kaluluwa na siyang
bumubuo, humuhubog, at
nagbibigay-diwa sa kulturang ito.

2. Ito ay tumutukoy sa lahat na


natutuhan ng isang indibidwal sa
lipunang kinabibilangan.

3. Siya ang nagsabing ang kultura


ay isang organisasyong penomena
na sumasaklaw sa aksyon.

4. Ito ay mga taong gumagawa ng


isang bagay o gawain nang sabay-
sabay.

5. Ito ay ang mga tao ay paisa-isa


kung gumawa ng kanilang trabaho.

Mga Pagpipilian

A. Kultura
B. Leslie A. White
C. Zeus A. Salazar
D. Monochronic
E. Polychronic

Maaari na kayong mag umpisa.


(pagkalipas ng sampung minuto)

Tapos na ba kayo klas? Opo guro!

Ngayon makipag palitan ng


sagutang papel sa inyong katabi.

Unang tanong, ano ang tamang Guro letrang C po


sagot?

Mahusay! Sa sumunod na tanong. A po!

Magaling! Pangatlong katanungan? B guro!

Tumpak! Pang apat na tanong ano Letrang E


ang sagot?

Korek! At ang pang huli? Ano ang D guro!


sagot?

Magaling! Sino ang naka kuha ng Ako po!


limang puntos? Guro!
Kami po!
Magaling! Pag butihin niyo pa!

F. Kasunduan

Dahil malapit ng matapos ang ating


minuto, bibigyan ko kayo ng
takdang aralin.

Sa isang malinis na papel, sumulat


ng limang pangulo ng pilipinas na
nag bigay aral at bumuhay para
makilala ang ating bansa, at lagyan
ng kaunting explanasyon kung
bakit ayon ang pinili mo.

Nakuha ba? Opo guro!

Mabuti kung ganon, wala na ba


kayong katanungan sa ating naging Wala na po!
diskusyon?

Mabuti kung ganon, ito lamang sa


araw na ito, paalam at mag ingat Paalam Binibining April!
kayo.
Ipinasa ni:
APRIL CAMASO NOVESTERAS

Ipinasa kay:
GERLYN MAE B. BLAS

You might also like