You are on page 1of 9

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 10

I. LAYUNIN: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. Nakikilala ang mga pangunahing tauhan sa kwento.


b. Nakikilala ang pananaw sosyolohikal sa pamamagitan ng maikling
kwentong pinamagatang “Ang Kalupi”
c. Nakapagbabahagi ng sariling damdamin batay sa napakinggan na
kwento.
d. Napapahalagahan ang mga salik panlipunang nakapaloob sa akda.
e. Nakagagawa ng repleksyon batay sa binasang akda.

II. PAKSANG ARALIN

a. Paksa: Ang Kalupi ni Benjamin P. Pascual


b. Sanggunian: Pluma: Wika at Panitikan pp.275-291
c. Mga Kagamitan: Wallet, playmoney, pentelpen, laptop, projector,
Powerpoint Presentation, kartolina, mga larawan

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa
panalangin.

Rona, maari ka bang manalangin


bago magsimula ang ating klase.
Panginoon, maraming salamat po sa
araw na ito na ipinagkaloob niyo sa
amin, nawa’y gabayan mo po kami sa
mga gawain na aming gagawin sa araw
na ito. Sana po gabayan niyo na rin ang
aming mga guro na siyang magtuturo
sa amin. Amen.
 Pagbati
Magandang umaga mga mag-aaral!
Magandang umaga Binibining Broqueza
 Pagsasaayos ng silid-aralan
Pagtsetsek ng liban at hindi liban

Bago kayo umupo ay paki-ayos


muna ang inyong mga upuan,
tingnan kung merong nakakalat sa (Aayusin ng mga mag- aaral ang
inyong ibaba. Siguraduhin niyong kanilang mga upuan at pupulutin ang
nakaupo kayo sa inyong wastong mga kalat.)
upuan, sapagkat magtse-tsek ako
ng attendance batay sa inyong seat
plan.

Maaari na kayong umupo.

Mayroon bang lumiban sa kaklase


ngayong araw?
Wala po, Bb. Broqueza

B. Aktibiti
Klas, ako ay may inihandang
gawain para sa inyong lahat, kung
inyong mapapansin ako ay may
dalang iba’t ibang uri ng?

Magaling! Klas sa loob ng bawat Maa’m, wallet po.


wallet ay mayroong play money,
maari ba kayong pumili ng isa at
ipahayag sa amin ang salitang
nakadikit sa playmoney base sa
inyong pang unawa.
(Pag-pili ng mga Mag-aaral)
“KAPWA”

“Kapwa” po Maa’m, ito po ang mga


taong nakapaligid sa atin, bawat isa sa
kanila ay may iba’t-ibang personalidad
subalit dapat natin silang igalang.
Mahusay na kasagutan!
Sino pa ang nais pumili?

“MAGULANG”

Maa’m,ang napili ko po ay “Magulang”,


sila po kabuuan ng isang pamilya, ang
magulang po ang unang nagturo sa atin
ng tunay na pagmamahal.
Napakagaling na kasagutan!
Mayroon pa tayong natitirang
tatlong wallet.
Sino pa ang nais magbahagi?

“ANAK”

“Anak”, ako po ay isang halimbawa ng


anak na gagawin ang lahat upang
mapasaya ang aking mahal sa buhay.
Tama!
Dalawa na lamang ang ating wallet,
sino ang may nais sumagot?
“SALAPI”

“Salapi”, napakahalaga po nito sa ating


pang araw-araw na pamumuhay subalit
dapat alam po natin ito gamitin sa tama.
Tumpak!
Sa huling natitirang wallet sino ang
nais magpaliwanag?

“SALAPI”

“Mapanghusga”, ito ay isang negatibong


pag-uugali ng iba sa atin, madalas sa
pisikal na kaanyuan lamang po tayo
tumitingin.
Napakagaling ng inyong pinaliwanag.

Klas, batay sa inyong ginawang


gawain, ano kaya ang ating paksang
aralin sa araw na ito?
Maa’m, maari po na ang mga salitang
aming ipinaliwanag ay ang pangunahing
tauhan at katangian nito sa ating paksa.
Tama!
Sapagkat ang ating paksangaralin sa
araw na ito ay pinamagatang “ANG
KALUPI”.

C. Analisis
 Paglinang ng Talasalitaan
Bago tayo dumako sa pagtalakay ng
ating aralin ay sagutan muna natin ang
mga mahihirap na salitang maaari nating
matagpuan sa maikling kwento na “Ang
Kalupi”.

Panuto: Tukuyin kung ano ang


kahulugan ng salitang may salungguhit.
Piliin ang titik ng may tamang sagot.
1. Mataas na ang arawnang lumabas si B
Aling Marta sa bakuran nila.
a. madaling araw
b. tanghali na
c. pahapon na

2. Saglit na nangulimlim ang kanyang


mukha. B
a. sumaya ang kanyang mukha
b. sumimangot o lumungkot ang
kanyang mukha
c. natabingan ang kanyang mukha

3. Hindi siya kaagad nakapasok dahil B


maraming batang nakaharang sa
lagusan.
a. palengke
b. daanan
c. sasakyan

4. Talagang dito sa palengke ay


maraming naglipanang batang A
ganyan.
a. nagkalat
b. naglinis

5. Sa kanyang pagpasok ay may A


isang batang bumangga sa kanya na
muntik na niyag ikinabuwal.
a. ikinatumba
b. ikinagalit
c. ikasigaw

 Pagtalakay Sa Aralin

(Pagdidikit sa Pisara ng Paksa at


Layunin)

Klas, ang akdang “Ang Kalupi” ay


likha ni Benjamin Pascual.

(Pagpapakilala sa may akda)

Klas, kahapon ay may ipinamahagi


ako sa inyong sipi ng akda upang
basahin ito sa inyong tahanan,
naunawaan ba ninyo ang kabuuan ng
akda?
Opo!
Magaling! Subalit upang lubos
ninyong maunawaan ang ating
paksang aralin, muli kong ikukwento
sa inyo ang buod ng kwentong “Ang
Kalupi” ni Benjamin Pascual.

“Ang Kalupi”
ni Benjamin Pascual

(Pakikinig ng mga mag-aaral)

Nagustuhan ba ninyo ang kwento?


Opo!

Napakaganda ng ating paksa klas,


sino ba ang pangunahing tauhan sa
kwento? Ma’am ang batang si Andres Reyes po
at si Aling Marta, sapagkat sa kanila po
umikot ang kabuuan ng istorya.

Tama!
Si Andres Reyes ang batang
hinusgahan na isang magnanakaw
kahit walang sapat na ebidensya si
Aling Marta.
Si Aling Marta na isang ina sa
kwento,na naghangad lamang na
ipaghanda ang kanyang anak na
dalaga na magtatapos sa high school.
Bakit kaya sumagi sa isip ni Aling
Marta na si Andres ang kumuha ng
kanyang pitaka?
Una, dahil po sa pagkakabanggaan nila
sa palengke, ikalawa po dahil
hinusgahan nya po ang bata sa
panlabas niyang kaanyuan.

Magaling!
Nakalulungkot isipin na hinusgahan ni
Aling Marta si Andres sa pisikal nitong
kaanyuan. Upang lubos na lumawig
ang ating kaalaman, ako may
inihandang iba’t-ibang pahayag na
nagmula sa ating kwento.
D. Abstraksyon

Ngayon, para lalo pang masusukat


ang inyong kaalaman sa ating
itinalakay ay papangkatin ko kayo sa
dalawa. Bawat pangkat ay
magbibigay ng isang salik panlipunan
na nakaapekto sa akda na
nagpapakita ng pananaw sosyolohikal
at ipaliwanag.

Bibigyan ko lamang kayo


ng 5 minuto para magtalakay.

Tila ang lahat ay tapos na, kase


maingay na, at tapos na ang 5
minutong inilaan. Mauuna ang unang
pangkat. Unang pangkat: Kahirapan
Magaling! palakpakan ang unang (Palakpakan)
pangkat, ngayon ang pangalawang
pangkat naman ang magbabahagi.
Ikalawang pangkat: Karapatang-Pantao
Magaling rin, palakpakan ang
ikalawang pangkat.
(Palakpakan)
Tama ang lahat ng inyong inilahad,
tunay ngang naintindihan niyo ang
nais ipahatid ng akda at ang tunguhin
ng pananaw sosyolohikal.

May mga katanungan pa ba tungkol


sa
ating itinilakay? Wala na po
Nawa’y may natutunan kayo at may
napulot kayong aral sa kwento at
pagkilala sa pananaw sosyolohikal.

E. Aplikasyon
Klas, ako ay may inihandang maikling
gawain na tatawagin nating “GIVE
ME, color, number and a letter
A C

A. Kung ikaw si Aling Marta,


huhusgahan mo rin ba ang batang si
Andres sa panlabas nitong kaanyuan?
B. Ano ang aral na napulot ninyo sa
kwentong “Ang kalupi”?
C. Minsan ka na bang
napagbintangan
kagaya ni Andres? Paano mo ito
hinarap?

ARAL: Huwag mong


husgahan ang iyong
kapwa sa kanyang
panlabas na
kaanyuan.

F. Paglalahat
Panuto:
Gamit ang kadena de istorya, lagyan
ng numero 1-7 ,ang tamang
pagkakasunod-sunod
ng kabuuan ng kwento.

2
4 5

1 3

IV. Ebalwasyon

Gumawa o Sumulat ng dalawang talatang repleksyon ukol sa binasang


akda na nagpapakita ng pananaw sosyolohikal. (10 minuto lamang ang aking
ibibigay)

V. Takdang-aralin
Basahin ang kwentong “Walang Panginoon” at tukuyin kung anong
pananaw ang nakapaloob sa akda at ipaliwanag.

Kailan ipapasa: Sa susunod na pagkikita (Ika-29 ng Disyembre, 2017)


Saan isusulat: Isang buong papel
Bilang ng puntos: 30 puntos

Isinagawa ni: Mary Grace Broqueza


BSED-IV Filipino

You might also like