You are on page 1of 18

PANDIWA

Binubuo ng salitang-ugat at panlaping makadiwa ang pandiwang nagsasaad ng kilos.

Salitang-ugat Panlapi + salitang-ugat


basa um + awit = umawit
lakad mag + puti =magputi
takbo mang + isda =mangisda

ILANG PANLAPING PANDIWA


1. um – Karaniwang panlapi ng pandiwa ng um, nangangahulugan.ito ng likas na pagkaganap o
sadyang pangyayari tulad ng:
Umulan, limindol, bumagyo, umaraw ( na tinatawag ding mga penomenal)
- nangangahulugan din ito ng kusang pag litaw o paglubog ng mga bagay tulad ng;
tumubo, bumukal, sumibol, sumikat
- nagsasaad ng pagbabago tualad ng;bumait, tumapang, guamaling, sumaya
- nagsasaad ng pagganap ng likas na tungkulin tulad ng; huminga, uminom, kumain,
tumingala
2. mag- -- nagsasaad ng pagganap ng isang hanapbuhay, pagganap sa sarili, pagganap ng
madalas, pagbungkal o likas na pagganap tulad ng:
Magtinda , mag-ahit, magbasa, mag-usbong, mag-tinda.
3. ma – nagsasaad ng pagkakaroon ng bagay na sinasabi ng salitang- ugat, pagganap ng sariling
hilig tulad ng:
Magalit, malungkot, maligo, matulog.
4. ma – nagsasaad ng di-sinasadyang pagganap tulad ng
Mapikit, malison, madapa, matapilok.
5. mang- -- nagsasad ng paghahanapbuhay, nagsasaad ng damdamin ng katawan tulad ng:
Manggagamot, mangaral, mangilabot, managhoy.
6. maka- -- nagsasaad ng kabisaan ng isang bagay , kakayahang maikilos ang katawan tulad
ng:
Makabuti, makagaling, makahiga, makatulog.
7. naki -- nagsasaad ng pangungutang ng loob, pagsuyo tulad ng:
Makisakay, makiinom, makiraan, makabili.
8. in – nagsasaad ng pagiging simuno ng:
Tuwirang layon tulad ng suklayin, sulatin, lutuin. Sakahin.
9. i- -- nagsasaad ng paggiging simuno ng di- tuwirang layon tulad ng:
Itahi, ibili, igawa, itawag.
10. –an – nagsasaad ng pagiging simuno ng lokatib o lugar tulad ng:
Higaan, bakuran, bilihan, taniman.
ANG POKUS NG PANDIWA
Mauuri ang pandiwa batay sa mga panlaping bumubuo rito. Nagpapakilala ang
mga panlapi kung alin ang kaganapang binibigyang ng pokus o tuon sa pangungusap. Pokus
ang siyang pinakasimuno o paksa ng pangungusap, (4) Lokatib, (5) direksyunal, (6) kawaatib,
(7) instrumental o (8) resiprokal ang pokus ng pandiwa.
Tatalakayin dito ang mga pokus ng pandiwa kaugnay ng mga panlaping
makadiwa.
1. Aktor pokus --- kapag ang simuno o ang paksa ang siyang gumaganap ng kilos sa
pangungusap. Banghay sa um, mag, mang at ilang ma- (tulad ng maligo, mahiga at
maupo) ang pokus na actor. Higit na mauunawaan kung gagamitin sa pangungusap.

Halimbawa:

Umaawit ng kundiman si Kuh Ledesma.


Nagputi si Ninoy.
Mangingisda si mang Isidro.

Ang pokus ng pangungusap ay si Kuh Ledesma, si Ninoy at si Mang Isidro na


siyang gumaganap ng Gol Pokus kilos na isinasaad ng pandiwang banghay sa
um, mag at mang.
2. Gol Pokus ang tawag kapag ang tuwirang layon o ang gol ang siyang pokus pokus ng
pangungusap, Banghay ito sa panlaping in, pinangungunahan ng marker na ng/ni ang actor
o ang kahalili nitong mga panghalip.
Halimbawa:

Inawit ni Kuh Ledesma ang kundiman.


Binili ng bata ang bola.
Wawalisin ni Jackie ang basura.

Ang kundiman, ang bola at ang basura ang siyang gol ng mga pangungusap
na siyang naging simuno at ang mga actor naman ay pinangungunahan ng ng at
ni.
Kung minsan ang mga gol pokus ay nababanghay sa an dahil hindi
tumatanggap ng -in ang salitang- ugat.

Halimbawa:

Sinulsihan ng nanay ang kamiseta (buhat sa: nagsulsi ang nanay ang kamiseta)

3. Benepaktib Pokus --- Kapag ang pinaglalaanan o di –tuwirang layon ang nagiging
simuno o pokus. Banghay sa i kapag banghay sa um ang pinanggalingan at ipag- kapag
banghay sa mag ang pinanggalingan, pinangungunahan ng ng/ni ang msrker ng actor or ang
mga kahalili nito.
Halimbawa:

Ibili ng bata ng bola ang kapatid.


Ikinuha ni Rose ng pagkain ang anak.
Ipagluluto niya ng lugaw ang may sakit.

Ang benepaktib rito’y ang kapatid, ang anak at ang maysakit. Ang actor ay ng bata,
ni Rose at niya.
4. Direksyunal Pokus --- kapag tinitukoy ang direksyon o taong tatanggap ng kilos, banghay
ito sa –an, Pinangungunahan ng ng/ni marker ang aktor o mga pang-halili rito.
Halimbawa:

Tinatawagan ng binata ang dalaga.


Pupuntahan ng apo ang lola niya.
Pinasyalan niya ang kaibigan.
Direksyunal dito ang dalaga, ang lola niya at ang kaibigan.
Maaari ring gamitin ang pandiwang banghay sa -n/ kung hindi tumatanggap
ng an ang salitang-ugat tulad ng:
Dadalawin ng binata ang dalaga (buhat sa dadalaw ang binate sa
dalaga,hindi maari ang dadalawa
5. Lokatib Pokus – kapag tinutukoy ang pook na pinagganapan.
Banghay ito sa -an, pinangunguhan ng ngini ang aktor.
Halimbawa:
Binilhan ng doctor ng gamut ang mercury.
Hinihigan ng bata ang kutson.
Tatamaan ng magsasaka ang bukid.
Lokatib ang mercury,kutson at bukid. Aktor ang ng doctor, bata at magsasaka.
6. Kawsatib pokus – kapag tinutukoy ang kadahilanan ng kilos, pinangungunahan ng
ng/ni marker ang aktor o panghalili rito.
Halimbawa:

Ikinasama ng loob niya ang ginawa mo.


Ikinagagalit ng inhinyero ang pag-alis mo.
Ikadadala niya ang hindi mo pagtupad sa pangako.

Kadahilanan ang ginawa mo, pag-alis mo at hindi pagtupad sa pangako. Aktor at


kahalili nito ang loob niya, inhinyero at niya.

7. Instrumental Pukos – kapag tinutukoy ang kagamitang ginagamit sa pagkilos. Banghay ito sa
ipang. Pinangungunahan ng ng/ni ang aktor
Halimbawa:

Ipinamutol ng karpentero ang lagari.


Ipinamimingwit ni Gerald ang kawayan.
Ipanggugupit nto ang bagong gunting,

Instrumental ang lagari, kawayan at gunting. Aktor ang karpintero, Gerald at nito.

8. Resiprokal Pokus – Kapag tinutukoy ang gumaganap at tumatanggap ng kilos ang pokus.
Banghay ito sa mag-, -an,
Halimbawa:

Nagmamahalan ang mag-asawa.


Nagsuntukan ang magkalaban.
Nag-iibigan sina Sharon at Richard
Nagbuhat sa mga sumusunod na pangungusap ang nabanggit. Ipakikita rito upang makita
ang aktor at tagatanggap.
Nagmamahalan ang mag asawa sa kanyang bana at nagmamahal ang bana sa kanyang
asawa.
Sinusuntok ng kalaban ang kanyang kalaban at sinusuntok naman siya ng kanyang
kalaban.
Nagmamahal si Sharon kay Franciss at nagmamahal si Francis kay Sharon.
Upang higit na maunawaan ito, narito ang tsart na kakikitaan kung ano ang nangyayari
kapag nagpapalit ng pokus.
Pokus Panlapi Marker (Kompletong
pangalan)
Ang Marker
Aktor um, mag- ng gol
mang-, ma- sa lokatib
sa dikersyunal
para sa benepaktib
dahil sa kawsatib
sa pamamagitan
ng
instrumental
gol -in ng aktor
-in sa lokatib
para sa benepaktib
sa pamamagitan
ng instrumental
direksyunal
-an
-in
ng
para sa
dahil sa
sa pamamagitan
ng
aktor
benepaktib
kawsatib

instrumental
Benepaktib i- ng aktor
ipag- sa pamamagitan ng instrumental
Lokatib -an ng aktor
sa pamamagitan ng instrumental
kawsatib ika- ng aktor/kahalili
Instrumental ipang- ng aktor
ng gol
Resiprokal mag- -an ang aktor at gol
Halimbawa sa pangungusap:

Aktor: Bumili ng laruan ang ina sa SM para sa anak


Gol: Binili ng ina ang laruan sa SM para sa anak.
Lokatib: Binilhan ng ina ng laruan ang SM para sa anak
Benepaktib: Ibinili ng ina ng laruan sa SM ang anak.

Ipinakita sa ganitong pamamaraan ang pagsulat upang maipakita kung alin-aling


bahagi ng pangungusap ang napapalitan kapag nag-iba na ang mga pokus ng
pangungusap.

Aktor: Nanunungkit ng kamatsili ang mga bata sa pamamagitan ng


kawayan.
Gol: Sinusungkit ng mga bata ang kamatsili sa pamamagitan ng
kawayan.
Instrumental: Ipinanunungkit ng mga bata ng kamatsili ang kawayan.
Aktor: Nagalit siya dahil ka tumupad sa pangako.
Kawsatib: Ikinagalit niya ang hindi mo pagtupad sa pangako.
Aktor: Nagmamahal si Lil kay Jun, nagmamahal si Jun kay Lil,
Gol: Minamamahal ni Lil si Jun, minamahal ni Jun si Lil.
Resiprokal: Nagmamahalan sina Lil at Jun.

ANG ASPEKTO NG PANDIWA


Nababanghay ang pandiwa batay sa aspekto. Nagsaad ng kilos na naganap na o
hindi pa, nasimulan na o tapos na o gaganapin pang tinatawag na aspekto. Tatlo ang
aspekto: (1) ginaganap na o natapos na, (2) ginaganap at hindi pa natatapos at (3) gaganapin
o hindi pa nasisimulan ang kilos.
May tinatawag ding anyong neutral, ang anyong pawatas at pautos. Iisa ang anyo ng
pawatas at pautos. Makikita sa sumusunod na paradigm ang pagbabagong anyo ng pandiwa
ayon sa aspekto. Ginagamit ang simbolong s.u para sa saalitang-ugat at u.p para sa unang
pantig ng salitang-ugat.
Pag babanghay o pagbabagong-anyo ng pandiwa batay sa aspekto . iisang salitng-
ugat ang halimbawa upang maipakita ang pag-iiba ng mga anyo.
Salitang-ugat sa basa.

Aspekto

Neutral banghay sa um

Pawatas um+s.u. bumasa/buma.sah/

Pautos um+s.u. bumasa/buma.sah/

Ginanap na um+s.u bumasa/buma.sah/

Ginanap um+(u.p)2s.u babasa /baba.sah/


Aspekto
Neutral banhay sa mag-
Pawatas nag- + s.u magbasa / magbasah/
Pautos mag- + s.u magbasa / magbasah/
Ginanap nag- + s.u nagbasa / nagbasah/
Ginaganap nag-+(u.p)2 s.u nagbabasa
/nagba.basah/
Gaganapin mag- + (u.p)2 s.u magbabasa
/magba.basah/

Aspekto
Neutral banghay sa -in
Pawatas s.u, + -n /ba.sah/+/in/>/basa.hin/>basahin/
Pautos s.u. + -n- basahin/ basahin/
Ginaganap na s.u + -in- binasa/bina.sah/
Ginaganap s.u + -in- + (u.p.)2 binabasa/binaba.sah/
Gaganapin (u.p)2 s.u + -in- babasahin/babasa.hin/

Aspekto
Neutral banghay sa –an
Pawatas s.u. + -an basahan/basa.han/ba.sah/+/an/>/basa.han/
Pautos s.u. + an basahan/basa.han/
Ginaganap na s.u + -in- +/-an binasahan/binasa.han/
Ginaganap s.u + -n- + /binabasa.han/
(u.p.)2 + -an /bina.basa.han/

Aspekto
Neutral banghay sa i-
Pawatas i- + s.u. ibasa/?iba.sah/
Pautos i- + s.u. ibasa/?iba.sah/
Ginanap na i- + -in- + s-u. ibinasa/?ibina.sah/
Ginaganap i- + -in- + (u.p.)2 s.u ibinabasa/?ibinaba.sah/

Aspekto
Neural banghay sa ipang-
Pawatas ipang- s.u. ipangbasa/?ipamba.sah/
>ipambasa/?ipamba.sah/
Pautos ipang- + s.u. ipambasa/?ipamba.sah/
Ginanap na ipinang- + s.u. ipinambasa
/?ipinambasa.sah/
Ginaganap ipinang- + (u.p.)2 ipinambabasa /?ipinamba.ba.sah/
s.u
Gaganapin ipang- + (u.p.)2 ipambabasa /?
s.u ipamba.ba.sah/

Aspekto
Neutral banghay sa ika-
Pawatas ika- + s.u. ikabasa/?ikaba.sah/
Pautos ika- + s.u. ikabasa/?ikaba.sah/
Ginanap na ikina- + s.u. ikinabasa
/?ikinababa.sah/
Ginaganap ikina- + (u.p.)2 s.u ikinababasa
/?ikinababa.sah/

Aspekto

Neutral banghay sa mag- -an


Pawatas mag- + s.u. + -an magbasahan
Ginanap na um + s.u, bumasa/buma.sah/
Ginaganap um+ (u.p)2 s.u. bumabasa/bumaba.sah/
Gaganapin (u,p)2 s.u. babasa/baba.sah/

Aspekto

Neural Banghay sa mag-

Pawatas nag- + s.u magbasa/magbasah/

Pautos mag- + s.u. magbasa/magbasah/

Ginanap nag- + s.u. nagbasa/nagbasah/

Ginaganap nag- + (u.p)2s.u. nagbabasa/nagba.basah/)

Gaganapin mag- + (u.p)2s.u magbabasa/magba.basah/


Aspekto
Neutral Banghay sa –in
Pawatas s.u + -in /ba.sah/+/in/>/basa.hin/>basahin
Pautos s.u + -in basahin/basa.hin/
Ginanap na s.u + -in- basahin/bina.sah/
Ginaganap s.u + -in- + (u.p)2 binabasa/binaba.sah/
Gaganapin (u.p)2s.u. + -in- babasahin/babasa.hin/

Aspekto
Neutral Banghay sa –an
Pawatas s.u + an basahan/basa.han/ba.sah/+/an/>/basa.han/
Pautos s.u + an basahan/basa.han/
Ginanap na s.u + -in- + /-an binasahan/binasa.han/
Ginaganap s.u. + -in- + /binabasa.han/
(u.p)2 + -an /bina.basa.han./
Gaganapin (u.p)2 s.u. + -an babasahan/babasa.han/

Aspekto
Neutral Banghay sa i-
Pawatas i- + s.u. ibasa/?iba.sah/
Pautos i- + s.u. ibasa/?iba.sah/
Ginanap na i- + -in- + s.u. ininasa/?ibina.sah/
Ginaganap i- + -in- + (u.p)2s.u. ibinabasa/?ibinaba.sah/
Gaganapin i- + (u.p)2s.u. ibabasa/?ibaba.sah/

Aspekto
Neutral Banghay sa ipang-
Pawatas ipang- + s.u. ipang basa/?ipamba.sah/

<ipambasa/?ipamba.sah/
Pautos ipang- + s.u. ipambasa/?ipamba.sah/
Ginanap na ipinang- + s.u Ipinambasa /?ipinamba.sah/
Ginaganap ipinang-+(u.p)2s.u ipinambabasa/?ipinamba.ba.sah/
Gaganapin ipang- + (u.p)2s.u. ipambabasa/?ipamba.ba.sah/
Aspekto
Neutral Banghay sa ika-
Pawatas ika- + s.u. ikabasa/?ikaba.sah/
Pautos ika- + s.u. ikabasa/?ikaba.sah/
Ginanap na ikina- + s.u. ikinabasa/?ikinaba.sah/
Ginaganap ikina- + (u.p)2s.u. ikinababasa/?ikinababa.sah/
Gaganapin ika- + (u.p.)2s.u. ikababasa/ikababa.sah/

Aspekto
Neutral Banghay sa mag- -an
Pawatas mag- + s.u. + -an magbasahan/magbasahan/
Pautos mag- + s.u. + -an magbasahan/magbashan/
Ginanap na nag- + s.u. + -an nagbasahan/nagbasahan/
Ginaganap nag- (u.p)2 s.u. + -an nagbabasahan/nagba.basahan/
Gaganapin mag- (u.p)2 s.u. + -an magbabasahan/magba.basahan/

Kailanan ng Pandiwa

Maging isahan o maramihan ang pandiwa. Nababatay ito kung isahan o maramihan ang
aktor. Kapag maramihan nagiging magsi- , masipag-, mangag-, mangag-sisipag, mangagsipag-
ang mga panlabi batay sa isahang pinagbuhatan.
Isahan Maramihan
Banghay sa -um- magsi-
Aspekto
Neutral
Pawatas kumain/kuma.?in/ magsikain
magsikain
Pautos kumain/kuma.?in/ magsikain
/magsika.?in/
Ginanap na kumain/kuma.?in/ nagsikain
/nagsika?in/
Ginaganap kumakain nagsisikain
/kuma.ka?in/ /nagsisika.?in/

Gaganapin kakain /kaka.?in/ magsisikain


/magsisika.?in/
Isahan Maramihan
Banghay sa mag Banghay sa magsipag-
Aspekto
Neutral
Pawatas maglaro /maglaro?/ magsipaglaro /magsip
aglaro?/
Pautos maglaro /maglaro?/ magsipaglaro/magsipaglaro?/
Ginanap na naglaro /naglaro?/ nagsipaglaro/nagsipaglaro?/
Ginaganap naglalaro /nagla.laro?/ nagsisipaglaro/nagsi.sipaglaro?/
Gaganapin maglalaro/magla.laro?/ magsisipaglaro/magsi.sipaglaro?/

Isahan Maramihan
Banghay sa mang- Banghay sa magsipang-
Aspekto
Neutral
Pawatas mangisda /manisda?/ magsipangisda/magsipangisda?/
Pautos mangisda /manisda?/ magsipangisda/magsipanisda/
Ginaganap na nangisda /nanisda?/ nagsipangisda/nagsipanisda/
Ginaganap nangingisda/nani.nisda?/ nagsisipangisda/nagsisipanisda?/
Gaganapin mangingisda/mani.nisda?/ magsisipangisda/masisipanisda/

Pansining kapag banghay sa um ang maramihan ay mag- si-, kapag sa mag-, magsipag- at
sa mang-, magsipang-, nangangahulugang ang mag- ay naging pag- at ang mang- ay naging
pang-. Sa pagbabanghay ng maramihan ang inuulit ay ang si- na siyang ikalawang pantig ng
panlapi samantalang sa isahan ang unang pantig ng salitang-ugat ang inuulit.
Laming uri ng aksyong nilinaw sa paglalahad ng mga pandiwa: ang mga (1) indikatib, (2)
distributib, (3) optatib, (4) sosyal at (5) kawsatib.
Nangangahulugan ng pamalagian o propesyunal ang distributib na nababahagi sa
maramig tao tulad ng mang-gagamot dahil ito’y panlaping mang-
Nangangahulugan ng kakayahan o posibilidad na gumawa ng optatib na kinabibilangan
ng panlaping maka- at makapag- tulad ng makakuha at makapagsaing.
Nangangahulugan naman ng pakikiusap o paglalarawan ng kilos ang sosyal na
kinabibilangan ng panlaping maki- tulad ng makilahok.
Nangangahulugan naman ang dahilan ng kilos ang kawsatib na kinabibilangan ng
panlaping magpa- tulad ng magpagamot.
Makikita sa sumusunod na tsart tang iba pang mga panlaping maaaring magamit sa iba’t
ibang pokus ng pangungusap.

Kabuuan ng Paglalaping
Makadiwa Pokus
Uri ng Aktor Gol Benepaktib Direksyunal Lokatib Instrumental
Aksyon
Indikatib um- -in i- -an -an ipang-
mag- -in ipag- -an -an ipang-
-an ipag- pag- an pag- an ipang-
ipag -an -an ipang-
ma- -an ipang
Distributib mang- pang-in ipang- pag-an pag-an ipang
-in pag-in
Optatib maka- ma- mai ma ma-am mapang
ma-am
makapag- ma-an maipag- ma-an mapag- maipang
mai mai an
mapag-
an
Sosyal maki- paki- ipaki paki paki-an maipang
paki-an
Kawsatib magpa ipa- ipa- pa-an pa-an ipa-
pa-an ipagpa- ipa- pagpa- pang
pagpa- an
an

Ang mga Pang-abay


Kabilang sa mga panuring ang tinatawag na pang-abay. Nahahati sa apat na
mahahalagang uri ang mga pang-abay: (1) pamanahon, (2) panlunan, (3) pamaraan, at (4) pang-
gaano.
Ang Pamanahon
Nagsasaad ng panahon ang uring ito, may mga salita at may mga kataga lamang na
nagsasaad ng panahon. Sumasagot ito sa tanong na kailan.
Kataga
na - nangangahulugan ng tapos na
pa - nangangahulugang ng ginaganap o gaganapin
pa noon

Salita
bukas linggo hapon
ngayon umaga gabi
Panlapi + salitang
ugat
ka + gabi =kagabi
ka + hapon =kahapon
sama + ka + apat =samakapat
kama + ka + apat =kamakapat
tag + ulan =tag-ulan
tag + araw =tag-araw

Inuulit buwan-buwan
araw-araw linggu-linggu
gabi-gabi

Ang Panlunan
Nagsasaad ng pook o lunang kinaroroonan o pinangga-gampanan ng kilos. Sumasagot ito
sa tanong na saan o nasaan.
Nagkakaroon lamang ng kahulugan ang mga kataga kapag kasama ng ibang salita tulad
ng sa o nasa ( sa ibabaw ng mesa, sa ilalim ng silya, sa harap ng bahay, sa likod ng garahe)
Saan ka pupunta? Sa Baguio
Saan ka ipinanganak? Sa Maynila
Nasaan ang bag? Nasa ibabaw ng mesa
Nasaan ang langit? Nasa puso ng masayang tao

Ang Pamaraan
Nagsasaad kung paano ginaganap ang kilos at sumasagot sa tanong na paano. Panlapi +
salitang-ugat na ang anyo'y pang-uri kaya tinatawag na pang-abay sapagkat ang binibigyang-
turing ay mga pandiwa o pang-uri, tulad ng mahusay siya (pang-uri dahil tinuturinganang siya)
mahusay lumangoy (pang-abay dahil tinuturingan ang langoy)
Ginagamitan din ito ng katagang nang na nangangahulugan ng pamamaraan ng
pagkaganap ng kilos. Halimbawa: Nakatulog siya nang padapa, maaari rin itong sabihing
padapa siyang nakatulog.
Samakatuwid ang pa- kakabit ng salitang-ugat ay maka-pagpapahayag din ng pang-abay.
Isa pang halimbawa ang patalikod siyang lumapit.

Ang Panggano
Nangangahulugan ito ng kalidad ng ipinahahayag ng kilos, sumasagot ito sa katanungang
gaano. Bagama't masasabi ring ang malamang ipakahulugan dito'y ang pagiging pang-uri.
Halimbawa ang katamtaman lamang iyan (pang-uri ito dahil tumuturing sa iyan), pag sinabing
Katamtamang kumain ang taong iyan, (Pang-abay na ito dahil kumain na ang tinuturingan.)
Sa masusing pag-aaral ang mga pamaraan at panggaa- may istruktural ng pang-uri kaya
hindi magkaiba ang istruktural, lamang ay naiiba ang tinuturingan.

Ang mga Pangkayarian


Nahahati sa dalawang bahagi ang mga pangkayariang bahagi ng pananalita: ang mga
pang-ugnay at ang mga pananda. Ang mga pananda'y tinatalakay na sa unang bahagi kaugnay ng
mga pangngalan at panghalip. Ang hindi na lamang natatalakay ay ang tinatawag na pananda ng
predikeyt na walang iba kundi ang ay na tatalakayin sa dakong huli ng bahaging ito.

Ang mga Pang-ugnay


Nahahati sa pang-angkop o linker, pangatnig at pang-ukol ang mga pang-ugnay.
Mahalaga sa pagkabubuo ng mga pangungusap ang mga ito sapagkat ito ang nag-uugnay-ugnay
sa mga nilalamang ipinahahayag sa unahan. Higit na nagiging malinaw at maluwag ang
pagbigkas ng mga pangungusap kapag may mga pang-ugnay.

Ang Pangatnig
Pangatnig ang mga katagang nag-uugnay sa mga salita, parirala o sugnay. Maaaring
panimbang o pantulong ang mga pangatnig.
Ang Panimbang- nag-uugnay ng magkatimbang na mga salita, parirala o sugnay.
Binubuo ito ng at, pati, ngunit, datapwat, subalit, o, ni, man, maging.
Halimbawa:
Ang arkitekto at ang inhinyero
Ang prusisyon pati ang parada
Mabait ngunit madaldal
Si Greg o si Virgilio
Ni ikaw ni ako
Siya man ikaw man

Pansining timbang ang pag-uugnay ng isang salita sa isang salita. Ang susunod na
halimbawa nama'y mga parirala at sugnay.
Halimbawa:
Parirala:
ang masipag na arkitekto at ang masinop na inhinyero
ang mahabang prusisyon pati ang maikling parada
Sugnay:
Aalis sana siya datapwat dumating ang tatay niya.
Dalawang simpleng pangungusap ang pinag-uugnay ng datapwat (aalis sana siya at
dumating ang tatay niya).
Ang Pantulong- nag-uugnay ng isang sugnay na dumedepende sa isang pangunahing
sugnay. Binubuo ito ng kapag, kung, pag, samantala, habang, sapagkat, samakatuwid, upang,
nang, ang pantulong.
Halimbawa:
Kapag wala nang brawnawt, huhusay ang ekonomiya.
Samantalang may kudeta, paralisado ang lahat,
Habang may naghahangad ng kapangyarihan, malayo pa ang katiwasayan.
Upang umunlad ang bayan kailangan ang pagtutulungan ng lahat.
Kung maiisip lang ng lahat ang kabutihan ng bayan, tiyak na makikipagtulungan sila.
Pansining hindi buo ang diwa ng mga sugnay na di-pina-ngungunahan ng pangatnig,
kung wala ang sugnay na may pantulong na pangatnig sapagkat batay doon angikabubuo ng
diwa.
Ang mga Pang-ukol/Preposisyon
Ang mga tinatawag na preposisyon ay mga kataga lamang na masaabing iniuugnay sa
lugar, direksyon at kinauukulan. Kasama na ito ng mga pang-abay na panlunan. Babanggitin na
lamang dito ang mga bumubuo sa mga pang-ukol na kinabibilangan ng ayon sa, alinsunod sa,
tungkol sa, ukol sa, laban sa. Kapag tinutukoy ang tao, ang sa'y napapalitan ng ka'y.
Halimbawa:
Ayon sa nagsisiyasat ang gumawa ng bilding ang may-sala.
Ayon kay Noel ang gumawa ng bilding ang maysala.

Ang mga Pang-angkop/Linker


Dalawa ang anyo ng linker: na at -ng. Ginagamit ang na kapag ang salitang iniuugnay ay
nagtatapos sa katinig maliban sa n. Maaaring baligtarin ang salitang pinag-uugnay na hindi
nababago ang kahulugan ngunit ang linker aylaging nasa unang salita. May ilang pagkakataong
di maaaring pagbaligtarin. Halimbawa: anim na piso hindi maaaring pisong anim. Ang -ng ay
ginagamit kapag ang salitang iuugnay ay nagtatapos sa patinig. Kapag ang salitan nama'y
nagtatapos sa n kinakaltasan ang n at ginagamit ang -ng. Maaaring pag-ugnayin ang iba't ibang
salitang pangnilalaman.

Pangngalan + Pangngalan
bahay na bato batong bahay
banig na plastik plastik na banig
bolang kristal kristal na bola

Pang-uri + Pangngalan
bughaw na langit langit na bughaw
bagong compyuter compyuter na bago
kapitang mabait mabait na kapitan
Panghalip + Pangngalan
itong bata batang to
kayong kalihim (hindi maaari ang kalihim na kayo)
iyong kotse kotseng iyon

(ang panghalip dito'y tumuturing sa pangngalan)


Ang mga panghalip panaong nagsasaad ng pagmamay-ari'y may sariling anyo ng pauna
at pahuli kaya himdi maaaring ihalimbawa rito sapagkat ang iyong kotse ay nagiging kotse mo,
ang aking makinilya ay nagiging makinilya ko. Kapag pauna, may linker, ngunit pag pahuli
nawawala na ang nag-uugnay na linker.

Pamilang + Pangngalan
isang tao (hindi maaaring taong isa)
dalawang piso (hindi maaaring pisong dalawa)
sandaang baro (hindi maaaring barong sandaan)

Pang-abay + Pandiwa
Patakbong lumapit lumapit nang patakbo
(naiiba na ang anyo, naging nang na
pagpapakilala
nang pagiging pang-abay)
paluhod na lumakad lumakad nang paluhod

Pandiwa + Pangngalan
tumatakbong bata batang tumatakbo
nasirang xerox xerox na nasira
napanis na laeng laeng na napanis

Gumaganap ng pagkapanuring ang mga pandiwa rito.


Maari ring magkaroon ng dalawang panuring ang isang pangngalan, at ang bawat
panuring ay may linker. Karaniwan nang nakaririnig ng ganitong istruktura sa kaslukuyang
pagsasalita.

Pamilang + Pandiwa + Pangngalan


dalawang nagtatawang bata
apat na nanginginaing kambing
sampung nangangatog na nilikha

Pang-uri + Pang-uri + Pangngalan


dilaw na mabangong bulaklak
asul na lumang maong
pulang lukot na papel

Pang-uri + Pangngalan + Pangngalan


matangkad na batang lalaki
pandak na babaing guro
matayog na punong kamyas

Pang-halip + Pang-uri + Pangngalan


aking berdeng panyo
iyong malaking bahay
kanilang mayamang bayan

Ang mga Pananda


Dalawang uri ng pananda: ang marker na siyang taga-pagpakilala ng relasyon ng
pangngalan sa mga bahagi ng pangungusap at ang ay na nagpapakita ng kaayusan ng
pangungusap sapagkat ito ang nagpapakilala ng panaguri ng pangungusap kapag nauuna ang
simuno sa panaguri na siyang kabaligtarang ayos sa istruktura ng pangungusap sa Filipino.
Natalakay ba ang iba't ibang marker- ang, ng , sa , at mga maaaring ipanghalili sa mga
may panandaang ganito. Kaya ang panandang pampanaguri o predikeyt na lamang ang
tatalakayin dito.

Ang Panandang Pampredikeyt


Ay ang panandang pampredikeyt. Matatagpuan lamang ito sa pangungusap kung hindi
normal ang ayos ng pangungusap. Sa Filipino, normal ang ayos ng pangungusap kung ang
panaguri ang nauuna at ang simuno ang nahuhuli.
Halimbawa:
Normal:
Panaguri + Simuno
Gurang na ang lolo ni Johnny
Handji ang tatay niya.
Baligtad:
Simuno/Subjek + Panandang + Panaguri/Predikyet Pampredikyet
Ang lolo ni Johnny ay gurang na.
Ang tatay niya'y hadji.

Ang ay nagiging 'y kapag ang nauunang salitang ikakabit sa predikeyt ay nagtatapos sa a,
e, i, o, u, . Kapag nagtatapos naman sa n nawawala ang n at 'y ang inilalagay tulad ng:
Ang baya'y inabot ng kalamidad.

Pagbubuo
Sa pagbubuo, lahat ng mga salitang may kabuluhan sa ganang sarili'y nabibilang sa mga
salitang pangnilalaman at lahat ng mga katagang ang kahulugan ay depende lamang sa mga
salitang kasama'y panrelasyon lamang. Nililinaw lamang ang relasyon ng mga sangkap ng
pangungusap sa isa't isa.

TALASANGGUNIAN: Garcia, L.G. (2000) Makabagong grammar ng Filipino. Sampaloc,


Manila: Rex Book Store p. 41-76
Inihanda nina: (Ikalawang Grupo)

Noralyn B. Chavez
Mary Grace V. Cosme
Warren V. Danseco
Gem Cloude S. Delos Angeles
Jeramie T. Duran
Krrald M. Frias
Rey RJ V. Genciana

You might also like