You are on page 1of 2

LESSON PLAN IN FILIPINO 1

2 ND QUARTER

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
Kaisipan, karanasan at damdamin.

B. Pamantayan sa Pagganap
Nakakamit ang mga kasanayan sa mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayg at
maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga
teksto ayon sa kanilang antas o libel at kaugnay ng kanilang kultura.

C. Mga Kasanayan sa pagkatuto


Natutukoy ang mga salitang kilos

II. NILALAMAN: Mga Salitang Kilos

Integrasyon: Music
Value Focus: Pagkamasunurin

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
Gabay ng Kurikulum ng K-12 p.17
Kagamitang Pang- mag-aaral p. 82
LRMDS Resources

IV. PAMAMARAAN
A. Balik Aral sa nakaraang aralin
Kilalanin ang mga sumusunod na salita kung ito ay ngalan ng tao, hayop, bagay o lugar at
Ilagay ito sa tamang kahon.

B. Paghahabi ng layunin ng aralin


Laro: Charade: Tumawag ng mga mag aaral upang ipahula sa mga kamag-aral ang mga
salitang ibibigay ng guro.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Magaling! Napakahusay ninyo sa paghuhula :Balikan natin ang mga salita na inyong
nahulaan: Basahin natin lahat: naligo,nagbabasa,kumakain

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Ano ang isinasaad ng mga salita?Ano ang masasabi ninyo sa mga larawan? Anu-ano ang mga
kilos na ipinapakita sa bawat larawan? Magbigay nang iba pang salitang kilos.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Awitin ang “Kung Ikaw ay Masaya” . Anu-ano ang mga salitang kilos na nabanggit sa awitin?

F. Paglinang sa Kabihasnan
Pangkatan Gawain:
Pangkat 1:Bilugan ang mga salitang kilos sa mga pangkat ng mga salita
Pangkat 2: Ikahon ang mga salitang kilos na ipinapakita sa larawan
Pangkat 3: Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng kilos

G.Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Bilang isang mabuting mag-aaral ano ang mga dapat mong gawin sa paaralan?

H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang ibig sabihin ng salitang kilos?

I. Pagtataya ng Aralin:
Salungguhitan ang mga salitang kilos sa pangungusap.
1.Ang bata ay nadapa.
2.Si Ben ay tumawa.
3.Umiyak ang sangol.
4.Sila ay naglalaro.
5.Lumipad ang ibon sa puno.

J.Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation:


Sumulat ng limang (5)salitang kilos na inyong ginagawa paggisisng sa umaga.

I. MGA TALA
II. PAGNINILAYNILAY:

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.


B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation na nakakuha ng
Mababa sa 80%

You might also like