You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan

Ika-apat na Baitang

I. Mga Layunin

Pagkatapos ng 60 minutong aralin, ang mag-aaral sa ika-apat na baiting ay inaasahang:

a. Natalakay ang konsepto ng bansa


b. Nakakapagbigay ng halimbawa ng bansa
c. Naiisa- isa ang katangian ng bansa
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Ang Bansang Pilipinas
b. Sanggunian : Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag Aaral pahina 2-7. Ikaapat na
Baitang Unang Edisyon 2015.( DIGITAL COPY)
Araling Panlipunan Patnubay ng Guro pahina 1-4. Ikaapat na Baitang Unang Edisyon
2015. (DIGITAL COPY)
c. Hs
d. Kagamitan: aklat, manila paper, at work sheet para sa mga gawain.
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
 Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang kahulugan ng bansa?
2. Bakit maituturing na bansa ang Pilipinas?
3. Pano masasabi na bansa ang isang lugar anu-ano ang katangian nito?
b. Pagtalakay
 Ano ang apat na elemento na bumubuo sa pagkabansa ng isang bansa? ( tao, teritoryo,
pamahalaan, at kalayaan o soberanya)
Tignan ang ilalim ng inyong silya kung may mga salita kayo na nakikita at pagsama-
samahin upang malaman ang mga elemento ng pagkabansa.

Tao Teritoryo Pamahalaan Kalayaan o soberanya

 Lagyan ng  ang bilang ng pangungusap na nagsasabi ng katangian ng isang lugar para


maituring na isang bansa. Gawin ito sa papel.
1. May mga mamamayang naninirahan sa bansa.
2. Pinamamahalaan pa ng iba pang bansa.
3. Binubuo ng tao, pamahalaan, teritoryo lamang.
4. May sariling pamahalaan.
5. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at katubigan kasama na ang
himpapawid at kalawakan sa itaas nito.
c. Paglalahat
 Anu-ano ang apat na element ng pagkabansa? Mayroon tayong apat na pangkat at bawat
pangkat magbigay ng isang elemento at maikli nitong impormasyon. (tao, teritoryo,
pamahalaan, at kalayaan o soberanya).
IV. Pagsusuri
Pangkatang Gawain:
A. Bumuo ng isang pangkat na may tatlong kasapi. Magpagawa ng islogan tungkol
sa pagiging isang bansa ng Pilipinas. Sikaping maipakita ang katangian ng
pagiging bansa nito.
B. Ang bandila ng Pilipinas ay isang simbolo ng bansa. Iguhit ang bandila sa papel.
Isulat sa itaas na bahagi ang sarili mong pagpapakahulugan sa isang bansa. Isulat
naman sa ibabang bahagi ang dahilan kung bakit isang bansa ang Pilipinas.

Ang isang bansa ay .

Isang bansa ang Pilipinas dahil .

V. Takdang Aralin
 Magdala ng mga sumusunod:
1. Mapa
2. Lapis
3. Ruler

You might also like