You are on page 1of 32

4

Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan
(Home Economics)
Unang Markahan – Modyul 6:
Paghahanda ng Masustansiyang Pagkain
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (Home Economics) – Ikaapat na Baitang
Self - Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 6: Paghahanda ng Masustansiyang Pagkain
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang
akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: April May C. Trance
Editors: Ian R. Tenorio, Rowel E. Oyong, Gemma M. Garcelina, Leolyn Flores
Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Agabai S. Kandalayang, Mary Joy D. Bautista,
Mary Anne A. Barrientos
Tagaguhit: Eden Joy R. Judilla
Tagalapat: Renalyn Y. Corre
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo – Regional Director
Fiel Y. Almendra – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz- Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon – Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Gilda A. Orendain – REPS, EPP/TLE
Elpidio B. Daquipil – CID Chief
Juvy B. Nitura – Division EPS In Charge of LRMS
Marcelo A. Bocatera- Division ADM Coordinator
Letecia A. Ebita - EPSVR, EPP/TLE

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
4

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
(Home Economics)
Unang Markahan – Modyul 6:
Paghahanda ng Masustansiyang Pagkain

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (Home


Economics) - Ikaapat na Baitang ng Self – Learning Module (SLM) para sa araling
Paghahanda ng Masustansiyang Pagkain.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Paalala Para sa mga Guro


Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang panturo na
katulad nito. Ito ay inyong magagamit upang maihatid at maibahagi sa inyong
mga mag-aaral ang tamang kaalaman upang mapalawak at malinang ang
kanilang karunungan tungkol sa Paghahanda ng Masustansiyang Pagkain. Ang
inyong tamang paggabay ay makatutulong sa mga mag-aaral upang makamit
ang ating layunin sa pag-aaral.

Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain at sagutin nila nang


tama ang lahat ng mga Gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang
inihanda para sa kanila.

Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at


hangarin para sa ating mga mag-aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis
at mabisang pakatuto.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (Home
Economics) - Ikaapat na Baitang ng Self - Learning Module (SLM) ukol sa
Paghahanda ng Masustansiyang Pagkain.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo

iv
Aralin
SUSTANSIYANG TAGLAY NG
1 MGA PAGKAIN

Alamin

Sa nakaraang aralin, natutuhan mong pangkatin ang ibat-


ibang mga pagkain. Ang tatlong pangkat ng pagkain ay dapat
gamiting patnubay sa pagpaplano ng ihahandang pagkain ng mag-
anak sa araw-araw. Ang agahan, tanghalian at hapunan ay dapat
nagtataglay ng pagkain sa bawat pangkat. Magbigay ka nga mga
pagkaing nagmumula sa bawat pangkat? Magaling! Kaya naman
ipagpatuloy natin ang ating pinapag-aralan.

Most Essential Learning Competency:

• Nakatutulong sa paghahanda ng masustansiyang pagkain.


(EPP4HE-0i-14)

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin,


partikular:
• Aralin 1: Nasusuri ang mga masustansiyang taglay ng mga
pagkain gamit ang food pyramid guide.

Pagkatapos mong maisagawa ang mga nakatakdang gawain


sa modyul na ito, inaasahan na:
• Nasusuri ang mga masustansiyang taglay ng mga pagkain
gamit ang food pyramid guide.

Subukin
1
Panuto: Basahin ang mga tanong at sagutin. Piliin ang titik ng
tamang sagot mula sa pagpipilian. Isulat ang iyong sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Aling pagkain ang dapat kainin sa almusal?
A. pizza at soda
B. keyk at pasta
C. burger at kape
D. kanin, pritong manok, at gatas
2. Anong pagkain ang dapat kainin sa tanghalian?
A. adobo at kanin
B. juice at tinapay
C. keyk at sorbetes
D. fries, sorbetes at tsokolate
3. Aling prutas ang angkop sa almusal?
A. bayabas
B. kalamansi
C. pomelo
D. saging
4. Aling inumin ang angkop sa mga bata?
A. gatas
B. kape
C. soda
D. tsokolate
5. Alin ang dapat kainin sa hapunan?
A. pasta at juice
B. kanin at sinigang
C. kendi, kanin, at isda
D. kanin, saging at keyk
6. Anong sustansiya ang responsable sa pagpapalaki ng mga
kalamnan at ng buong katawan?
A. bitamina
B. carbohydrates
C. mineral
D. protina

7. Anong sustansiya ang responsible sa pagbibigay ng enerhiyang


nagpapalakas at nagpapasigla ng katawan?
A. protina at mineral
2
B. carbon, taba at mineral
C. carbohydrates at bitamin A
D. carbohydrates, taba at langis
8. Ang mga sumusunod ay mayaman sa protina MALIBAN sa?
A. alimango
B. kanin
C. sitaw
D. talaba

9. Ito ang pagkaing pinagkukunan ng bitamina at Mineral.


A. go foods
B. glow foods
C. grow foods
D. junk foods
10. Ang mga sumusunod ay pagkaing mayaman sa bitamina at
mineral MALIBAN sa anong pagkain?
A. carrot
B. ispinats
C. kamote
D. talaba

Balikan

Panuto: Itala ang mga pagkain ayon sa tatlong pangkat na GO


FOODS, GROW FOODS at GLOW FOODS. Gawin ito sa sagutang
papel.

mais saluyot carrots gatas kanin itlog karne


tinapay manga kamote kalabasa isda

GO FOODS GROW FOODS GLOW FOODS

Tuklasin

3
Suriin ang diagram ng food pyramid at sagutin ang mga
pangproseso na mga tanong.
5%, Eat a little
Taba, Kalamay at Tamis
Taba at langis

Gatas, karne, 20%, Eat Some


itlog at isda Protina

Prutas at 35%, Eat More


Gulay Bitamina (A, B-
1,6,12, C at Mineral
Tinapay,Pasta,
Cereals 40%, Eat Most
Carbohydrates

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot


sa sagutang papel.
1. Anu-ano ang mga pagkaing makikita sa food pyramid?
2. Anong pagkain ang my pinakamaliit at pinakamaking
porsento?
3. Anong pagkain ang dapat mas maraming kakainin?
4. Anong pagkain ang dapat mas kakaunting kainin?

Suriin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang


tamang sagot mula sa pagpipilian. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Anong pagkain ang may pinakamalaking porsento ng food
pyramid?
A. gulay at prutas
B. taba, kalamay at tamis
C. tinapay, pasta at cereals
D. gatas, karne, itlog at isda
2. Anong pagkain ang may pinakamaliit na porsento ng food
pyramid?
A. gulay at prutas
B. taba, kalamay at tamis
C. tinapay, pasta at cereals
4
D. gatas, karne, itlog at isda

3. Anong pagkain ang kailangang kainin lang ng kakaunti ni


Letty?
A. gulay at prutas
B. taba, kalamay at tamis
C. tinapay, pasta at cereal
D. gatas, karne, itlog at isda

4. Anong pagkain ang kailangang kainin mo ng marami basi sa


food pyramid?
A. gulay at prutas
B. taba, kalamay at tamis
C. tinapay, pasta at cereals
D. gatas, karne, itlog at isda

5. Ilang porsento ng gatas, karne, itlog at isda ang dapat na


kinakain mo?
A. 20%
B. 30%
C. 40%
D. 60%

6. Anong sustansiya ang makukuha mula sa tinapay, pasta at


cereals.
A. calcium
B. protina
C. carbohydrates
D. bitamina at mineral

7. Ang protina ay makukuha sa mga sumusunod na pagkain


maliban sa anong pagkain?
A. gatas
B. isda
C. itlog
D. keyk
8. Anong patnubay ang ginagamit na nagtataglay ng tamang uri at
sukat ng pagkain?
A. ehersisyo
B. food plan
C. food pyramid
D. balanced diet

5
9. Ano ang nagsisilbing gabay kung gaano karami ang pagkain na
mangagaling sa bawat pangkat ng pagkain?
A. food plan
B. food menu
C. balanced diet
D. food pyramid guide
10. Kadalasang nasasayang ang hinahain ng iyong ina na
pagkain, ano ang nararapat niyang gawin upang hindi
masayang ang mga ito?
A. Bumili na lamang ng mga instant noodles at dilatang
pagkain.
B. Huwag ng maghain ng pagkain at sa labas na lamang
kumain.
C. Ipagpatuloy pa rin ang dating nakagawian na paghahain
ng pagkain.
D. Gumawa ng food plan na sakto sa mag-anak at nakabasi
sa food pyramid guide.

Pagyamanin

Panuto: Iguhit ang Food Pyramid guide sa iyong sagutang papel.


Itala ang mga pagkain ayon sa kinabibiliangan nito. Piliin ang
sagot mula sa kahon.

keyk candy monggo gatas


kanin itlog karne tinapay
manga pasta kalabasa isda

Isaisip

Panuto: Punan ang nawawalang salita upang mabuo ang


pahayag. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito
sa iyong sa sagutang papel.

food pyramid balanced diet tatlong pangkat


6
Ang (1) ______________________ ng pagkain ay dapat gamiting
patnubay sa pagpaplano ng ihahandang pagkain ng mag-anak sa
araw-araw.
Ang (2) ________________ ay nagsisilbing gabay kung gaano
karami ang pagkain na manggagaling sa bawat pangkat ng
pagkain.
Ito ang patnubay tungo sa isang (3) ___________________ na
nagtataglay ng tamang uri at sukat ng pagkain.

Isagawa

Panuto: Suriin ang larawan at piliin sa baso ang sustansyang


taglay ng bawat pagkain. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang
papel.
1.______ 4.______

carbohydrates
potassium
protina
bitamina A
bitamina C 2. ______ 5.______

3. _______

Kategorya 3 2 1
Kompleto ang naitala ang kulang ng isa dalawa
naitalang anim na ang hanggang
sustansiya ng sustansiya sustansiyang tatlo ang
mga pagkain mula sa naitala kulang na
pagkain naitalang
sustansiya

7
Tayahin

Panuto: Basahin ang mga tanong at unawain. Piliin ang titik ng


tamang sagot sa pagpipilian. Isulat ang iyong sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Ilang pangkat ng pagkain ang dapat gamiting patnubay sa
pagpaplano ng ihahandang pagkain ng mag-anak sa araw-
araw?
A. limang pangkat
B. tatlong pangkat
C. apat na pangkat
D. dalawang pangkat

2. Ano ang nagsisilbing gabay kung gaano karami ang pagkain


na manggagaling sa bawat pangkat ng pagkain?
A. go foods
B. grow goods
C. balanced diet
D. food pyramid guide

3. Ito ang patnubay na nagtataglay ng tamang uri at sukat ng


pagkain?
A. go foods
B. grow foods
C. balanced diet
D. food pyramid guide

4. Anong pagkain ang may pinakamalaking porsento ng food


pyramid?
A. gulay at prutas
B. taba, kalamay at tamis
C. tinapay, pasta at cereals
D. gatas, karne, itlog at isda

5. Anong pagkain ang may pinakamaliit na porsento ng food


pyramid?
A. gulay at prutas
B. taba, kalamay at tamis
C. tinapay, pasta at cereals
D. gatas, karne, itlog at isda
8
6. Anong pagkain ang kailangang kainin mo ng mas marami
basi sa food pyramid?
A. gulay at prutas
B. taba, kalamay at tamis
C. tinapay, pasta at cereals
D. gatas, karne, itlog at isda

7. Anong pagkain ang kailangang kainin lang ng konti basi sa


food pyramid?
A. gulay at prutas
B. taba, kalamay at tamis
C. tinapay, pasta at cereals
D. gatas, karne, itlog at isda

8. Aling pagkain ang dapat kainin sa almusal?


A. pizza at soda
B. keyk at kape
C. burger at kape
D. pritong manok, gatas at kanin

9. Anong pagkain ang dapat kainin sa tanghalian?


A. adobo at kanin
B. tinapay at kape
C. keyk at sorbetes
D. fries, sorbetes at tsokolate

10. Ang mga anak ni nanay Josie ay kadalasang matatamlay at


mapuputla, alin ang mainam niyang gawin upang maging
masigla at maliksi?
A. Pabayaan lang ang mga ito.
B. Manuod ng paligsahan sa pagluluto.
C. Maghain ng pagkaing naaayon sa food pyramid guide.
D. Ihain pa rin ang nakasanayang kainin ng kanyang mga
anak.

Karagdagang Gawain

9
Panuto: Gumawa ng Food Plan ng iyong pamilya sa Almusal,
Tanghalian at Hapunan sa loob ng tatlong araw. Gamitin bilang
gabay ang Food pyramid guide sa pagpaplano ng masustansiyang
pagkain. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
FOOD PLAN NG AKING PAMILYA
ALMUSAL TANGHALIAN HAPUNAN

Gamitin ang scoring rubrics sa iyong isasagawa na Food Plan.


Kategorya 3 2 1
Kumpletong lahat ay kulang ng dalawa
food plan lagyan ng food isang food hanggang tatlo
mula almusal plan plan ang kulang sa
hanggang nagawang
hapunan. food plan
Naayon sa Lahat ng May isang dalawa
food pyramid naitala ay hindi naayon hanggang tatlo
guide ang mga naayon sa sa pyramide ang hindi
inihandang food pyramid guide sa food naayon sa
pagkain gauide plan pyramid guide
sa food plan

Aralin
ALITUNTUNING
PANGKALIGTASAN AT
2 PANGKALUSUGAN SA
PAGHAHANDA NG PAGKAIN

Alamin

10
Sa nakaraang aralin, nalaman natin ang mga iba’t-ibang
sustansiyang makukuha sa mga pagkain gamit ang food pyramid
guide. Ang ating nalaman ay makakatulong sa atin upang mas
maintindihan ang mga ginagawa. Kaya naman ipagpatuloy natin
ito. May mga alituntuning pangkalusugan at pangkaligtasan na
dapat nating malaman habang naghahanda ng pagkain. May
alam ka ba nito? Magaling! Tiyak na mas marami ka pang
malalaman. Kaya naman ipagpatuloy natin ang ating pinapag-
aralan.

Most Essential Learning Competency:

• Nakatutulong sa paghahanda ng masustansiyang pagkain.


(EPP4HE-0i-14)

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin, partikular:


• Aralin 3: Nakasusunod sa mga alituntuning pangkaligtasan
at pangkalusugan sa paghahanda ng pagkain.

Pagkatapos mong maisagawa ang mga nakatakdang gawain


sa modyul na ito, inaasahan na:
• Nakasusunod sa mga alituntuning pangkaligtasan at
pangkalusugan sa paghahanda ng pagkain

Subukin

Panuto: A. Isulat ang T kung ang isinasaad ng pangungusap ay


tama at titik M naman kung mali. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Hugasang mabuti ang mga kamay bago at pagkatapos
maghanda ng pagkain.
2. Pabayaang nakalugay ang buhok kapag nagluluto.
3. Maglaan ng isang basurahan sa loob ng kusina para sa mga
kalat kung naghahanda ng pagkaing lulutuin.
4. Mag-ingat sa paggamit ng mga matatalas at matutulis na
kutsilyo.

11
5. Huwag iwanan ang niluluto upang maiwasan ang pag-apaw,
pagkatuyo, o pagkasunog nito.

Para sa item 6-10. Basahin ang sanaysay na nasa loob ng kahon


at sagutin ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot sa pagpipilian
at isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Si Alex ay gumagamit ng apron upang hindi marumihan ang


damit at naglalagay ng hairnet o bandana sa ulo habang
nagluluto.
Si Arel ay gumagamit ng basahan para sa kamay at
kagamitan pati na rin ang potholder para maiwasan ang
pagkapaso at pagkatapos magluto ay iniligpit at nilinis ng mabuti
nito ang gamit pati ang luagar.
Pagkatapos magluto ni Arman iniwanan niya na lamang ang
kusina.

6. Sinu-sino ang may tamang ginagawa habang naghahanda ng


pagkain?
A. Alex at Arel
B. Arel at Arman
C. Alex at Arman
D. Arel at Arman

7. Sino ang gumagamit ng basahan para sa kamay at


kagamitan para hindi na mapaso?
A. Alex
B. Arel
C. Axel
D. Arman

8. Ano ang gamit ni Alex pagnagluluto?


A. hairnet
B. damit lamang
C. apron at hairnet
D. apron at helmet

9. Sino ang may maling ginagawa sa paghahanda at pagluluto


ng pagkain?
A. Arel
12
B. Axel
C. Alex
D. Arman

10. Ano ang ginagawa ni Arman pagkatapos magluluto?


A. Iniiwan ang kanyang niluluto.
B. Gumagamit ng basahan upang hindi mapaso
C. Iniwanan na lamang ang kusina pagkatapos magluto
D. Gumagamit ng apron upang hindi madumihan ang
damit.

Balikan

Panuto: Itala ang mga pagkain ayon sa kinabibilangan nito sa


food pyramid. Piliin ang sagot mula sa kahon.

keso candy grains


gatas kanin itlog
karne tinapay manga
pasta kalabasa isda

Tuklasin

Unang Aktibidad: Magtula tayo!


Basahin ang tula sa ibaba at sagutin ang mga pangproseso na
mga tanong.

Alituntunin sa Kusina ni Nanay


ni: April May C. Trance

Pagkaing niluluto ni Nanay O kay sarap


Angkop na paghahanda ang hanap
Alituntunin ay karapatdapat
Kaligtasan sa paghahanda ang ganap

Hugasang mabuti ang mga kamay sabi ni nanay


Gamit sa paghahanda ang gabay
Apron ang suot ni nanay
13
Hairnet o bandana sa ulo ang kadamay

Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap


Sa pagluluto kailangan kasangkapan ay sapat
Saktong dami ng pagkain
Alay sa kanyang mag-anak

Prutas, gulay, isda at karne


Sa umaagos na tubig linising mabuti
Ngunit huwag ibabad
Sapagkat may sustansiyang kaakibat

Laging mag-ingat sa paggamit


Kutsilyo o anumang matutulis at matatalas
Basa o tuyong basura ay ihiwalay
Kalat sa saktong basurahan ilagay

Pagkaing niluluto ay huwag iwanan


Pag-apaw, pagkatuyo o pagkasunog ay maiiwasan
Potholder o basahan gamit sa kamay
Iwas pagkapaso ayon sa payo ni nanay

Kumukulo na ang pagkaing niluluto


Medium low ang apoy na gamit nito
Timplahan ng tama ang pagkain
Katamtamang patis, asin, suka o betsin ang gamitin

Gulay ay ilagay kung malapit ng hanguin sa kalan


Pagkadurog maiiwasan at sustansiya ay hindi ka mawawalan
Uminom ng tubig kung ito’y titikman
Gas cylinder ay isara matapos gamitin

Pagkaing niluto ay takpan


O kaya’y ilagay sa tamang lalagyan
Linisin ang lahat ng gamit
Gamit sa kusina ni Nanay ay dapat nakaligpit.

Tandaan:
Ang galing mo namang magbasa ng tula. Ang tulang iyong
binasa ay binubuo ng labing limang alituntunin, kaya naman isa-
isahin natin sa susunod na gagawin. Handa ka na ba? Tayo na at
ipagpatuloy natin.
14
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ang pamagat ng tula?


2. Tungkol sa ano ang binasa mong tula?
3. Basi sa tula, paano mo mapapanatili ang kalinisan nito?
4. Ilang alituntunin ang matatagpuan sa bawat taludtud?
5. Anong mga alituntunin ang iyong nabasa na kung saan ito
ay iyong nakikita pag ang iyong nanay ay nagluluto sa
kusina?

Suriin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong


sagot sa sagutang papel
1. Ilang mga alituntunin pangkalusugan at pangkaligtasan ang
nabanggit sa tula?
A. 15
B. 20
C. 25
D. 30
2. Anong alituntunin sa paghahanda at pagluluto ng pagkain
ang dapat sundin?
A. pangpamilya at pangkabuhayan
B. pangkalusugan at pangkaligtasan
C. pangkalusugan at pangkabuhayan
D. pangkabuhayan at pangkalusugan
3. Si Roni ay nag-iingat sa paggamit ng matutulis at matatalas
na kutsilyo, anong alituntunin ang kanyang sinusunod?
A. alintuntuning pangpamilya
B. alituntuning pangkaligtasan
15
C. alituntuning pangkalusugan
D. alituntuning pangkabuhayan
4. Si Aling Glacy at naglalaan ng hiwalay na basurahan para sa
basa at tuyong basura upang hindi ito magkalat, anong
alituntuning ang kanyang ginagawa?
A. pangpamilya
B. pangkaligtasan
C. pangkalusugan
D. pangkabuhayan

5. Anu-ano ang mga alituntuning nabanggit sa tula na iyong


kadalasang ginagawa?
A. Hindi iniiwanan ang nilulutong pagkain.
B. Paggamit ng apron upang hindi marumihan ang damit.
C. Paghihiwalay ng basa at tuyong basura upang hindi
magkalat.
D. Paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos maghanda
ng pagkain.
Pagyamanin

Panuto: Gamit ang mga sumusunod na taludtod mula sa tula,


Anong alituntunin ang tinutukoy nito? Magbigay lamang ng isa at
isulat ito sa sagutang papel.

1. Gulay ay ilagay kung malapit ng hanguin sa kalan


Pagkadurog maiiwasan at sustansiya ay hindi ka mawawalan
Uminom ng tubig kung ito’y titikman
Gas cylinder ay isara matapos gamitin

2. Kumukulo na ang pagkaing niluluto


Medium low ang apoy
Timplahan ng tama ang pagkain
Katamtamang patis, asin, suka o betsin ang gamitin

3. Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap


Sa pagluluto kailangan kasangkapan ay sapat
Saktong dami ng pagkain
Alay sa kanyang mag-ana

16
Isaisip

Panuto: Punan ang nawawalang salita upang mabuo ang


pahayag. Piliin ang salita ng tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat
ito sa sagutang papel.

alituntunin pagkain pangkaligtsan

Ang mga (1) ____________ pangkalusugan at (2) ____________


sa paghahanda at pagluluto ng (3) ________________.

Isagawa

Panuto: Basahin ang sumusunod na salita at sagutin ang mga


tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
Kaarawan ng nanay ni Joyce at maraming bisita ang
inaasahang darating. Kaya naman maghahanda si Joyce ng mga
masasarap na pagkain.
Habang si Joyce ay naghahanda ng pagkain sa kusina para
sa bisitang darating. Anung mga alituntunin ang dapat niyang
tandaan habang naghahanda at pagkatapos magluto?
1. Bago at pagkatapos maghanda ng pagkain.
2. Bago magluto.
3. Gamit upang hindi madumihan ang damit.
4. Paggamit ng kutsilyo.
5. Basurahan sa kusina.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang titik ng


tamang sagot mula sa pagpipilian. Isulat ang sagot sa sagutang.

17
1. Anong alituntunin ang dapat nating tandaan sa paghahanda at
pagluluto ng pagkain?
A. pangkalusugan at kasiyahan
B. pangdamihan at pangkasiyahan
C. pangkalusugan at pangkaligtasan
D. pangkaligtasan at pangkalusugan

2. Alin ang hindi kasama sa mga alituntunin nabanggit?


A. Pabayaang nakalugay ang buhok pag-nagluluto.
B. Mag-ingat sa paggamit ng mga matatalas at matutulis na
kutsilyo.
C. Hugasang mabuti ang mga kamay bago at pagkatapos
maghanda ng pagkain.
D. Maglaan ng dalawang basurahan sa loob ng kusina para
sa basa at tuyo na mga kalat kung naghahanda ng
pagkaing lulutuin.
3. Ano ang dapat isuot upang hindi madumihan ang damit habang
naghahanda ng pagkain?
A. apron
B. barong
C. damit
D. saya

4. Ano naman ang dapat ilagay ni Alice sa ulo habang naghahanda


ng pagkain?
A. apron
B. damit
C. hairnet
D. helmet

5. Ilang basurahan ang dapat nakalagay sa kusina?


A. apat
B. dalawa
C. isa
D. tatlo

Mula 6-10. Tukuyin kung anong alituntunin ang tinutukoy ng


mga sumusunod na taludtud sa tula.

Hugasang mabuti ang mga kamay sabi ni nanay


6. Gamit sa paghahanda ang gabay
Apron ang suot ni nanay
Hairnet o bandana sa ulo ang kadamay
18
A. Ilagay sa tamang lalagyan ang pagkain.
B. Mag-ingat sa paggamit ng mga matutulis at matatalas na
kutsilyo.
C. Maglaan ng hiwalay na basurahan para sa basa at tuyong
basurahan.
D. Hugasang mabuti ang mga kamay bago at pagkatapos
maghanda ng pagkain.

7. Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap


Sa pagluluto kailangan kasangkapan ay sapat
Saktong dami ng pagkain
Alay sa kanyang mag-anak
A. Mag-ingat sa paggamit ng mga matutulis at matatalas na
kutsilyo.
B. Hugasang mabuti ang mga kamay bago at pagkatapos
maghanda ng pagkain.
C. Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap sa pagluluto at
lutuin lamang ang dami ng pagkaing kayang ubusin ng
pamilya.
D. Maglaan ng hiwalay na basurahan para sa basa at tuyong
basurahan upang hindi magkalat sa lugar na
pinaglulutuan.

8. Pagkaing niluluto ay huwag iwanan


Pag-apaw, pagkatuyo o pagkasunog ay maiiwasan
Potholder o basahan gamit sa kamay
Iwas pagkapaso ayon sa payo ni nanay
A. Hugasang mabuti ang mga kamay bago at pagkatapos
maghanda ng pagkain.
B. Huwag iwanan ang niluluto upang maiwasan ang pagka-
apaw, pagkatuyo, o pagkasunog nito.

19
C. Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap sa pagluluto at
lutuin lamang ang dami ng pagkaing kayang ubusin ng
pamilya.
D. Maglaan ng hiwalay na basurahan para sa basa at tuyong
basurahan upang hindi magkalat sa lugar na
pinaglulutuan.

9. Gulay ay ilagay kung malapit ng hanguin sa kalan


Pagkadurog maiiwasan at sustansiya ay hindi ka
mawawalan
Uminom ng tubig kung ito’y titikman
Gas cylinder ay isara matapos gamitin
A. Isara ng maayos ang gas cylinder matapos gamitin.
B. Huwag iwanan ang niluluto upang maiwasan ang pagka-
apaw, pagkatuyo, o pagkasunog nito.
C. Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap sa pagluluto at
lutuin lamang ang dami ng pagkaing kayang ubusin ng
pamilya.
D. Maglaan ng hiwalay na basurahan para sa basa at tuyong
basurahan upang hindi magkalat sa lugar na
pinaglulutuan.

10. Laging mag-ingat sa paggamit


Kutsilyo o anumang matutulis at matatalas
Basa o tuyong basura ay ihiwalay
Kalat sa saktong basurahan ilagay
A. Isara ng maayos ang gas cylinder matapos gamitin.
B. Mag-ingat sa paggamit ng mga matutulis at matatalas na
kutsilyo.
C. Huwag iwanan ang niluluto upang maiwasan ang pagka-
apaw, pagkatuyo, o pagkasunog nito.

20
D. Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap sa pagluluto at
lutuin lamang ang dami ng pagkaing kayang ubusin ng
pamilya.

Karagdagang Gawain

Panuto: Sa inyong bahay magtala ng dalawang bagay na ginagawa


ng iyong nanay o sino mang kasapi ng pamilya bago at pagkatapos
maghanda at magluto ng pagkain. Isulat ito sa sagutang papel.
MGA GINAGAWA NI NANAY BAGO AT PAGKATAPOS
MAGLUTO NG PAGKAIN
ALMUSAL TANGHALIAN HAPUNAN

Gamitin ang scoring rubrics sa iyong isasagawa na Food Plan.


Kategorya 3 2 1
Kumpleto ang lahat ay kulang ng isa dalawa
naitalang lagyan ng ang naitalang hanggang tatlo
ginagawa mula mga ginagawa bago ang kulang sa
sa almusal ginagawa at pagkatapos naitalang
hanggang bago at magluto ginagawa bago
hapunan pagkatapos at pagkatapos
magluto magluto
Naayon sa Lahat ng May isang dalawa
alituntuning naitala ay hindi naayon hanggang tatlo
pangkalusugan naayon alituntuning ang hindi
at alituntuning pangkalusu- naayon
pangkaligtasan. pangkalusu gan at alituntuning
21
gan at pangkaligta- pangkalusugan
pangkaligta- san. at
san. pangkaligtasan
.

22
23
Subukin Balikan Tuklasin
1. D 6. D
2. A 7. D
3. D 8. B 1. Taba, kalamay, tamis,
4. A 9. B gatas, karne, itlog, isda,
5. B 10.D prutas, gulay, tinapay,
pasta, at cereals.
2. Taba, kalamay at tamis
ang may pinakamaliit na
porsyento samantalang
tinapay, pasta at cereals
naman ang may
pinakamalaki.
3. Carbohydrates
4. Taba at langis
Suriin Pagyamanin
1. C 6. C
2. B 7. D
3. B 8. D
4. C 9. D Isaisip
5. A 10. D
a. tatlong pangkat
b .food pyramid
c. balanced diet
Isagawa Tayahin Karagdagang
1.Protina
2.Carbohydrates 1. B 6. A Gawain
3.Bitamina 2. D 7. B
• Depende sa sagot ng
4.Bitamina A 3. C 8. D
bata
5. Potassium 4. C 9. A
5. B 10. C
Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
24
Subukin Balikan Tuklasin
1. T 6. A 1. Alituntunin sa Kusina ni
2. M 7. B Nanay
3. M 8. A 2. Tungkol sa mga
4. T 9. D alituntunin sa kusina
5. T 10. C 3. Linisin ang lahat ng
gamit at iligpit
pagkatapos gamitin
4. Dalawa
5. Depende sa sagot ng bata
Suriin Pagyamanin Isaisip
1. A
2. B 1. Ilagay ang gulay
3. B Ang mga alituntunin
kung malapit na pangkalusugan at
4. C itong hanguin sa
5. D pangkaligtasan sa
kalan.
paghahanda at pagluluto ng
Isara ng maayos ang
Gas cylinder. pagkain.
3. Ilagay sa medium
low ang apoy kung
ang niluluto ay
kumukulo na.
Timplahan ng tama
ang pagkain
Isagawa 4. Ihanda ang lahat na
1. Hugasang mabuti ang gagamiting sangkap Tayahin
mga kamay. at kasangkapan sa
2. Ihanda ang lahat ng pagluluto
gagamiting sangkap at 5. Ihanda at lutuin 1. C
kasangkapan. lamang ang dami ng 2. A
3. Gumamit ng apron pagkaig kayang 3. A
upang hindi marumihan ubusin ng pamilya.
ang damit. 4. C
4. Mag-ingat sa paggamit 5. B
ng mga matutulis at 6. D
matatalas na kutsilyo. 7. C
5. Maglaan ng hiwalay na Karagdagang 8. B
basurahan para sa basa 9. A
at tuyong basura. Gawain 10. B
*depende sa sagot ng bata
Aralin 2
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera.


2015. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4,
Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group Inc.
—. 2019. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4,
Patnubay ng Guro. Pasig City: FEP Printing Corporation.

25
PAHATID – LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran


ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSAREGEN na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag – aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020 – 2021. Ang proseso ng paglinang ay
tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at
rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph


26

You might also like