You are on page 1of 15

6

Filipino
Unang Markahan_Modyul-2: Pagbibigay
Kahulugan sa Salitang Hiram

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Filipino – Ika-anim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan_Modyul-2 : Pagbibigay Kahulugan sa Salitang Hiram

Unang Edisyon 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan
ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Edilberto L. Oplenaria, CESO V

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 6


Manunulat: Cherryl B. Lorejo
Tagaguhit : Maimona P. Smith
Proofreader, In-House Content and Language Editors: Lawanun Mohammad, HT-2vs
Management Team
Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Mary Ann M. Allera
Assistant Schools Division Superintendent
Members Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D. OIC-CID Chief
Monisa P. Maba ,Ph.D., EPS-Filipino
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Joselito C. Epe,Ed.D, PSDS
Justina Sanchez, School Principal
Lawanun Mohammad, School Principal
Editha Tawantawan, School Principal
Anisa D. Sarip,PhD, School Principal
Sahanidah Makiin, PhD, School Principal
Regional Evaluator: Bendee Nancy M. Orlanda, Division of Malaybalay

Inilimbag sa Pilipinas ng ______________


Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lanao del Norte
Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com
6
Filipino
Unang Markahan_Modyul-2:
Pagbibigay Kahulugan sa
Salitang Hiram

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga piling guro,


punong guro, tagamasid pampurok at tagamasid pansangay sa Departamento ng
Edukasyon - Dibisyon ng Lanao del Norte. Hinihikayat ang lahat ng guro at mga
stakeholders sa edukasyon sa pamamagitan ng pag-email sa kanilang mga puna,
komento o mungkahi to the Deped-Lanao del Norte Division at
lrmdsldn@gmail.com.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


TALAAN NG NILALAMAN

Page

COVER PAGE
COPYRIGHT PAGE
TITLE PAGE
TABLE OF CONTENTS

Aralin 2 – Pagbibigay Kahulugan sa Salitang Hiram

Alamin 1
Subukin 2
Balikan 3
Tuklasin 4
Suriin 6
Pagyamanin 7
Isaisip 8
Isagawa 8
Mensahi para sa Guro
Tayahin 9
Karagdagang Gawain 9
References 10
Susi sa Pagwawasto 10
Aralin Pagbibigay Kahulugan sa
2 Salitang Hiram

Alamin

Panimula:
Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa Filipino! Kawiwilihan
mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, Ikalawang Linggo. Ito ay ginawa
upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-aaral
sa mga paksa sa Filipino 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa
loob ng isang linggo.

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pag-unawa sa napakinggan
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang pagsali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento, pagtula,
pagsulat ng seleksyon.
Naisasagawa ang pagsali sa mga usapan at talakayan at pagkukuwento.

Tatas: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang o nabasang kuwento.

Kasanayang Pampagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang ;

 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento.


 Nagagamit nang wasto ang pangngalang konkreto at di konkreto sa
pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasiyon.
 Nabibigyang kahulugan ang salitang hiram.
 Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng
nakalarawang balangkas.
 Nakasusulat ng idiniktang talata.

Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong ganda
ng modyul na ito.

Subukin

1
Panimulang Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.

____ 1. Hindi nakikinig sa utos ng magulang dahil lagi itong nakababad sa kanyang
cellphone.
Anong katangian ng pangngalan ang salitang may salungguhit sa pangungusap?
a. basal b. konkreto c. di-konkreto d. Lansakan

____ 2. Kinabukasan, nakaramdam na siya ng gutom. Anong katangian ng pangngalan


ang salitang gutom?
a. basal b. konkreto c. di-konkreto d. Lansakan

____ 3. Alin sa mga sumusunod na salita ang halimbawa ng pangngalang di konkreto?


a. Emo b. cellphone c. nanay d. takot

____ 4. Mula umaga hanggang maghapon nalang naglalaro ng cellphone si Emo. Anong
uring salita ang salitang sinalungguhitan?
a. Pang-uri b. diptonggo c. hiram na salita d. Pandiwa

____ 5. “Anak, nasa taas ng cabinet ang pagkain mo.” ang saad ng sulat na nabasa ni Emo.
Alin sa mga sumusunod ang salitang hiram?
a. cabinet b. anak c. pagkain d. Emo

Balikan

Sa nakaraang leksyon, napag-aralan mo na ang Uri ng Pangngalan.


Pangngalang Pantangi ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook,
at pangyayari at karaniwang nagsisimula sa malaking titik. Pangngalang Pambalana
ay tumutukoy sa hindi tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari at
hindi ito nagsisimula sa malaking titik.

Panuto: Kilalanin ang uri ng mga sumusunod na pangangalang nasa kahon gamit ang Venn
Diagram.

Probinsya ng Lanao del Norte palengke


paaralan Barangay
Baroy Provincial Hospital dyaryo
Binibining Maria Isabel Gomez cellphone
Yamang Filipino 6 SM Mall of Asia

2
Pantangi Pambalana

Tuklasin

Gawain 1

Panuto: Basahin ang kuwento at unawaing mabuti ang bawat detalye upang masagot mo
ang mga sumunod na tanong.

Ang Amo ni Emo

May isang batang nagngangalang Emo na ubod ng tigas ang ulo. Hindi nakikinig sa utos
ng magulang dahil lagi itong nakababad sa cellphone. Mula umaga hanggang hapon, lagi
niyang dala ang siga niyang cellphone. Halos hindi na siya makapag-aral nang mabuti dahil
paglalaro na lamang ng cellphone ang inaatupag nito.
“Anak halika na at kakain na tayo,” tawag ni Aling Lerma.” Mamaya na po ako inay,” sagot ni
Emo habang patuloy na naglalaro ng cellphone. Hindi kumain si Emo. Nagpatuloy pa rin siya
sa paglalaro ng cellphone. “Anak magmeryenda ka muna,” tawag ni Aling Lerma sa anak na
nakatuon lamang sa paglalaro ng cellphone. “Mamaya na po ako inay,” sagot ni Emo na halos
hindi makatingin sa ina.
“Mula umaga hanggang maghapon ka na lang naglalaro ng cellphone anak. Halos hindi
ka na makapag-aral at makagawa ng iyong takdang-aralin. Pati ba naman pagkain mo?”. Galit
na tugon ng ina sa anak. Hindi na lamang pinansin ni Emo ang nanay niya at tila walang
narinig. Sinubukang kunin ng nanay ni Emo ang cellphone na hawak nito ngunit mabilis nitong
naitago. “Huwag niyo pong kunin ang nag-iisang kaibigan ko. Ito na nga lang po ang libangan

3
ko. Kukunin niyo pa po ba ito!”. Pasigaw na tugon ni Emo sa kanyang ina. “Simula nang
nagkaroon ka ng cellphone naging matigas na ang ulo mo Emo. Sumasagot kana sa
magulang mo. Wala talagang magandang naidudulot iyan. Gamitin mo yan sa libreng oras
mo at hindi araw-araw na halos hindi ka na makakain,” sabi ni Aling Lerma.
Galit na galit si Emo sa Nanay niya dahil napangaralan siya. “Sana hindi na lang kayo
ang Nanay ko! Sana itong cellphone nalang. Mabuti pa ito napasasaya ako!” Pasigaw na sagot
ni Emo na tumakbo papunta sa kuwarto niya at padabog nitong isinara ang pinto. Nagpatuloy
sa paglalaro si Emo at tila kinakausap pa nito ang cellphone. “Mabuti ka pa, hindi ako
pinapagalitan. Samantalang si Nanay lagi nalang akong sinasaway sa paggamit sa’yo at puro
reklamo.” Saad ni Emo sa sarili niya. Naririnig niya ang katok ng nanay niya ngunit hindi niya
ito pinapansin.
Kinabukasan, nakaramdam na siya ng gutom. Lumabas siya ng kuwarto at naghanap ng
makakain ngunit wala siyang makita. Wala rin doon ang kanyang nanay at tatay. Nakita niya
ang sulat ng kanyang ina. “Anak, nasa taas ng cabinet ang pagkain mo. May pinuntahan lang
kami ng tatay mo,” saad sa sulat. Hindi naman ito mabasa ng maayos ni Emo.Kaunti pa lang
ang nalalaman niya sa pagbasa kaya nahirapan siyang basahin ito. Nasa unang baitang na
si Emo ngunit nahihirapan pa itong magbasa dahil sa mas gusto niyang maglaro ng cellphone
kaysa bumasa. “Ang hirap naman nitong basahin. Gutom na gutom na ako!” Saad nito na
hinihimashimas pa ang tiyan nito.

“Nay, nagugutom na po ako.” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Emo. “Sa cellphone ko kaya


baka maturuan ako nitong magbasa”, saad niya at agad na sinubukang buksan ang mga
application sa cellphone niya. Nagpatuloy sa paghahanap ng pagkain si Emo sa kusina, ngunit
wala siyang makita. Pagod na pagod na siya at nanghihina na dahil sa gutom. Napaupo siya
sa gilid at napaisip sa nangyari kahapon.
“Kung hindi sana naging matigas ang ulo ko, hindi ako magugutom. Kung hindi ko sana inuna
ang pagce-cellphone hindi sana ako iiwan nila Nanay.” Saad nito habang umiiyak dahil
ramdam na nito ang gutom. Pagkalipas ng dalawang oras ay dumating na ang mga magulang
ni Emo. Nakita nila si Emo na umiiyak at tila nanghihina na.
Dali-dali namang lumapit ang Nanay niya at niyakap ang anak. “O anak, bakit ka umiiyak?
Kumain ka na ba?” “May sakit ka ba?” Sunod-sunod na tanong ng ina na tila nag-aalala sa
anak. “Nay, sorry po!” Mangiyak-ngiyak na saad ni Emo.
“Hindi ko na po uunahin mag cellphone. Mahirap po pag wala kayo. Walang nag-aalaga sa
akin.” Patuloy na umiyak si Emo.
“Tahan na anak. Ngayon naiintindihan mo na kung bakit ayaw kong lagi kang nakababad sa
iyong cellphone dahil napababayaan mo na ang sarili mo anak,” tugon ng ina.
“Huwag mong hayaang maging amo mo ang cellphone anak. Nandiyan lang ang
cellphone na iyan at hindi mawawala. Ngunit ang oras na nasasayang mo ay mahirap ng
maibalik. At hindi ka niyan matutulungan kung ikaw ay nagugutom na,” tugon ng kanyang
tatay na hinihimas pa ang likod ni Emo. “Opo Tay, simula ngayon mag-aaral na po ako ng
mabuti at hindi ko po hahayaang malulong sa cellphone ang sarili ko. Gagamitin ko na lang
ito sa importanteng bagay,” sagot ni Emo
Tama ‘yan anak, unahin mo na ang pag-aaral at lalo na ang sarili mo. Kumain ka sa tamang
oras para hindi ka magutom,” payo ni Nanay Lerma.

4
Nagyakapan silang tatlo. Simula noon ay napagtanto ni Emo na huwag gawing amo ang
cellphone dahil wala naman itong naitutulong sa kanya. Pumapasok na siya nang maaga sa
paaralan. Nagagawa na niya ang kanyang mga takdang-aralin. Natuto na rin siyang magbasa
at higit sa lahat, nakatuon na ang kanyang oras sa kanyang pamilya.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Sino sinu ang mga tauhan sa kuwento?
3. Ano ang nakagiliwang gawin ni Emo buong araw?
4. Bakit napabayaan ni Emo ang kanyang pag-aaral lalo na ang kanyang sarili?
5. Nagkaroon ka na ba ng karanasan na katulad ng kay Emo? Paano mo ito maiuugnay
sa aral ng kuwento?
.

Suriin

Gawain: Balikan ang kuwentong Ang Amo ni Emo. Mula sa binasang kuwento, ibigay ang
mga sumusunod na hinihingi: Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel
A. Panuto: Piliin ang kahulugan ng mga salitang hiram sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang
salita sa patlang.
______ 1. cellphone ______3. application
______ 2. cabinet ______4. Kwarto

a. Isang gamit na paglalagyan ng pagkain o anumang bagay.


b. Isang bahagi ng bahay na tulugan .
c. Isang gamit sa pakikipagkomukasyon.
d. Isang software program na magagamit sa isang gadyet.
e. Isang katangian ng bawat bagay

B. Panuto: Isulat ang  kung ito ay pangngalang konkreto at × naman kung ito
ay di konkrretong pangngalan.
______5. cellphone ______7. takot ______9. Aling Lerma
______6. gutom ______8. cabinet ______10. Tatay

5
C. Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga panyayari sa binasang kuwento sa tulong ng
nakalarawang balangkas. Isulat ang angkop na bilang mula 1-5 sa nakalaang
patlang.

_______ ________

________ ________

__________

Pagyamanin

Mga salitang hiram ay kinuha mula sa katutubong salita ng ibang bansa, karamihan
ng hiram na salita ay may katumbas na salita sa Ingles o Kastila. Ibinabatay ng mga Filipino
ang pagsasalita ayon sa pagbigkas sa salitang kastila.

May dalawang katangian ang pangngalan. Pangngalang Konkreto at Pangngalang Di


konkreto. Pangngalang Konkreto ay pangngalang nahahawakan, nakikita, nalalasahan at
iba pang nagagamitan ng pandama. Pangngalang Di konkreto ay pangngalang tumutukoy
sa kalagayan o kundisyon.

A. Panuto: Pag-ugnayin ang mga salitang hiram na sinalungguhitan sa bawat pangungusap


sa HANAY A sa mga katumbas na kahulugan nito sa HANAY B. Isulat ang sagot sa notbuk.
Hanay A Hanay B
____1. Magaling maglaro ng volleyball si Allan. a. isang uri ng laro na
gumamit ng bola
____2. Subrang tamis ng juice ang nainum ko. b. isang uri ng pagkain
____3. Nagluto si Inay ng bacon. c. isang uri ng maiinum
____4. Wala ng laman ang gas stove namin hindi d. isang taong nagtuturo sa
na makapagluto si Ate. mga bata sa paaralan
____5. Maganda talaga at subrang mabait e. isang bagay na nilulutuan
ang titser namin.

6
B. Panuto: Upang mabuo ang maikling talata sa ibaba punan ninyo ng angkop na salitang
hiram ang patlang. Pumili ng mga salitang hiram na nakapaloob sa kahon.

Xerox machine matematika online

Calculator computer research

Sa paaralan marami tayong makikitang pagbabago na tunay na makakatulong sa mga


mag-aaral tulad na lamang sa______________ na magagamit sa asignaturang
_________________, pag-aaral ng _____________ na gagamit sa paggawa ng mga
proyekto at mga _____________, at________________ na magagamit din sa pagkopya ng
mga nasasaliksik na aralin.

Isaisip

Tandaan!

Mga______________ay kinuha mula sa katutubong salita ng ibang bansa, karamihan


ng hiram na salita ay may katumbas na salita sa_________o Kastila. Ibinabatay ng mga
Filipino ang pagsasalita ayon sa pagbigkas sa salitang kastila.
Halimbawa: teacher - titser contest – kontes

May dalawang katangian ang pangngalan. Pangngalang Konkreto at Pangngalang Di


konkreto. _____________ ay pangngalang nahahawakan, nakikita, nalalasahan at iba pang
nagagamitan ng pandama.
Halimbawa: gatas, kapatid, kotse

_________________ ay pangngalang tumutukoy sa kalagayan o kundisyon.


Halimbawa: pagmamahal, gutom, kapayapaan.

Isagawa

Gawain 1:
Panuto: Punan ng angkop na pangngalan ang mga sumusunod na pangungsap gamit ang
mga salitang nasa kahon at tukuyin kung ito ay pangngalang konkreto o di-konkreto.

mang-aawit kapayapaan papel

_____1. Naghanda ng ________ ang lahat ng kalahok sa pagsususlit.


_____2. Ang mga ________ ay nagpapamalas ng kanilang galing sa tanghalan.
_____3. ________ang hanggad nating lahat upang mamuhay tayo na wagas.

7
Gawain 2:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salitang hiram.
Salitang Hiram Kahulugan
1. Dyip
2. Traffic

Gawain 3:
Panuto: Bumuo ng isang maikling talata kaugnay sa katanungang ito. Kung ikaw ang
magbibigay ng parusa sa isang mapagmalabis, sino kina Pilandok at tigre ang iyong
paparusahan? Bakit?

Mensahe para sa Guro


Ang sagot ng bata ay ibabatay sa pamantayan Rubric na iyong inihanda.

Tayahin

Juan Tamad
Isang araw, nagtungo sa ilog si Juan Tamad suot ang kanyang bagong t-shirt at ang
kanyang mga kaibigan ay nagdala ng mga pagkain tulad ng; pizza, keyk at juice. Ang ilog ay
umaagos pababa. Karaniwang naglalaro ng mga bangkang papel ang mga bata sa mababaw
na bahagi ng ilog. Tuwang-tuwa sila sa pagbabantay kung kaninong bangka ang
pinakamabilis. Nakatuwaan ang mga bata na gumawa ng kani-kaniyang balsa na yari sa
pinagtabi-tabing katawan ng puno ng saging. Nagtungo sila sa malalim na bahagi ng ilog at
doon nagsimulang magkarerahan. Ang iba ay gumagamit ng tukod bilang sagwan. Lahat sila
ay gustong manalo. Si Juan Tamad? Naku, nahiga siya sa balsa. Tinawanan niya ang mga
kaibigan nang makita silang nagpakahirap sa pagsagwan. At si Juan ay nagsimulang matulog.
Pinagtulungan ng tatlong bata ang kanilang balsa upang mabilis na makarating sa takdang
lugar. Ang balsa naman ni Juan ay umayon lamang sa agos ng ilog. Hindi namalayan ni Juan
na ang balsa niya ay naharang ng mga sanga ng kawayan at natigil sa gilid. Alam ng mga
kaibigan na mahuhuli si Juan ng dating sa kanilang tagpuan pagkat di ito gumamit ng sagwan.
Hindi nila inalam kung nakarating ito o hindi. Umalis na sila.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap mula sa isang maikling kuwento
na nasa itaas. Sagutin ang mga tanong at itik lamang ang isulat bago ang bilang.
_____1. Sino ang nagtungo sa ilog?
a. Juan Tamad b. Juan Mabait c. Juan Matakaw d. Juan Matapang

____ 2. Anong katangian ang taglay ni Juan?


a. kasipagan b. kabaitan c. katamaran d. katapangan

____ 3. Ano ang ginawa ni Juan habang nagkakera sila?


a. Natulog sa balsa ay nagpaayon lamang sa daloy ng agos ng tubig.
b. Binilisan niya ang pagsagwan upang siya ang mauna makarating.
c. Tiniyak ni Juan na siya ang mananalo sa karera.
d. Tinulak niya ng sagwan ang mga balsa ng kanyang mga kalaro.

8
____ 4. Saan naharang ang balsa ni Juan?
a. sa katabing balsa b. sa sanga ng kawayan c. sa tulay d. sa puno ng manga

____ 5. Kung kayo ang mga kalaro ni Juan, hihintayin ba ninyo kung makarating ba si Juan
o hindi? Bakit?
a. Hindi, na dahil hindi na man siya seryuso sa karera namin.
b. Hindi, na dahil wala kaming pakialam sa kanya.
c. Oo, upang malaman niya na hindi sila ang nanalo sa karera.
d. Oo, upang malaman namin kung makakarating ba siya ng ligtas.

Karagdagang Gawain

Panuto: Bumuo ng isang maikling talata na may lima o higit pang pangngungsap tungkol sa
paksang ito “COVID 19” na gamit ang pangngalang konkreto at di konkreto at mga salitang
hiram.
(Ang sagot sa mga bata ay ibabatay sa pamantayan Rubric na inihanda)

Rubric
Puntos Pamantayan
Malinaw at maayos ang pagkasulat ng talata at may lima o higit pang
5 puntos
pangngalang konkreto at di konkreto na ginamit sa talata.
Hindi gaanong maayos ang pagkabuo ng talata may mga kaunting mali
4 puntos sa spelling ng mga salita at apat na pangngalang konkreto at di konkreto
ang nagamit sa talata.
Hindi gaanong maayos ang pagkabuo ng talata may mga kaunting mali
3 puntos sa spelling ng mga salita at apat o tatlong pangngalang konkreto at di
konkreto ang nagamit sa talata.
Hindi gaanong maayos ang pagkabuo ng talata may mga kaunting mali
2 puntos sa spelling ng mga salita at dalawang pangngalang konkreto at di
konkreto ang nagamit sa talata.
Hindi gaanong maayos ang pagkabuo ng talata may mga maraming mali
1 punto sa spelling ng mga salita at isa o walang pangngalang konkreto at di
konkreto ang nagamit sa talata.

9
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian:
Lrmds.deped.gov.ph (Ang Amo ni Emo, Kuwento ni: Mery Ezel C. Guande Guhit ni:
Geraldine Fuentes – Beriño

Landas sa Pagbasa 6 p.12

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address : lrmdsldn@gmail.com

11

You might also like