You are on page 1of 11

EsP VI

Unang Markahan
9:15 – 9:40 WRIGHT

Petsa: Hulyo 31 –Agosto 4, 2017 / Lunes hanggang Biyernes

Aralin 8 : Ang Pagtitiis ay Tamang Pagpapasya

Bilang ng araw ng Pagtuturo:


Limang (5) Araw (30 minuto sa bawat araw o 150 minuto)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipapamalas ang pang-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang
hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para
sa ikabubuti ng lahat

Pamantayan sa Pagkatuto:
I. Layunin:
Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng
isang desisyon na makakabuti sa pamilya
1.1 Pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at
pangyayari
1.2 Pagsang-ayon sa pasya ng nakakarami kung nakabubuti ito
1.3 Paggamit ng impormasyon

II. Paksa: Aralin 8 – Pagtitiis Susi sa Tamang Pagpapasya


A. Sanggunian: EsP – K to 12 CG, d. 81
- https:/www.news.abs-cbn.com-batangnagaaralsailalimngposte
- https://www.youtube.com/watch?v=Lxpkc77HjzA
(Mga mag-aaral, buwis-buhay ang pagpasok sa eskuwela | Reel Time –GMA News)
- http://khimpadilla.blogspot.com/2014/09/rubrik-sa-pagsulat-ngsanaysay.html

Kagamitan: laptop, projector, powerpoint


presentation, larawan ng batang nag-aaral sa ilalim ng
poste
Pagpapahalaga: Pagtitiis
III. PAMAMARAAN

Aralin 8 : Unang Araw – Alamin Natin Hulyo 31,


2017 - Lunes

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagtala ng bilang ng mga pumasok
3. Pagganyak:
Itanong:
3.1. Ano ang ibig ipahiwatig ng salawikain?
“ Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha”
3.2. Ano ang ibig sabihin ng dalawang konsepto? Ano ang
kanilang
pinagkaiba?
Pagpapasensiya Pagtitiis

B. PANLINANG NA GAWAIN
ALAMIN NATIN
1. Dulog at istratehiya
1. Gawain:
Ano Ang Masasabi Mo Sa Akin?
“Sa una pa lang na makita nila ako, marami na ang naawa
at nahabag sa akin.”
“Naging viral ako sa social media. Sa madaling sabi,
sumikat ako! Salamat sa kumuha at nag-post ng larawan ko,
maraming nagbigay ng tulong sa akin para maabot ko ang
pangarap ko.”
“Pero hindi ko naging intensiyon ang sumikat sa pagiging
viral ng larawan ko. Naging plano ko ang pagpuwesto doon dahil
iyon ang bahaging maliwanag para makapagbasa ako. Hindi ko
rin naging plano ang makakuha Walang ligaya sa lupa na di
dinilig ng luha ng simpatya ng sa gayon ay tulungan nila ako.”
“Noong gabing yun’, nais ko lang naman mag-aral, gawin
ang takdang-aralin na ibinigay ng aking guro.”
“Dahil simula pa noon, nagpasya na ako na makatatapos
ako sa aking pag-aaral. Balang araw magiging pulis ako, para sa
sarili ko, para sa pamilya ko at para sa mga taong matutulungan
ko.”
“Heto ako noong gabing iyon.”

“Ngayon, anong masasabi mo sa akin?


Patnubay na Tanong:
1. Ano ang ipinapahiwatig ng mga pahayag ng batang nasa
larawan?
2. Paano mo ipaliliwanag ang pahayag na, “Nagpasya akong
maging pulis, kaya nag-aaral ako kahit saang bahagi kung
maaari”.
3. Anong mabuting katangian ang ipinakita ng bata?
2. Paghahalaw:
Bakit nagagawa ng batang magtiis sa kabila ng kanyang mga
paghihirap?
Ano kaya ang naudyok sa kanyang gumawa ng ganoon pasya
sa kabila ng kanyang mura edad?
IV. PAGPROSESO NG KARANASAN:
Kung ikaw ay malalagay sa sitwasyon kinalalagyan ng bata sa larawan,
magkakaroon ka rin ba ng parehong pagpapasya?
Makakaya mo rin bang magtiis?
Bakit mo ito makakayang gawin?

V. PAGPAPAHALAGA:
Alamin Natin:
Walang taong hindi magtatagumpay kung may pagtitiis at
pagsisikap.
EsP VI
Unang Markahan
9:15 – 9:40 WRIGHT

Aralin 8 : IKALAWANG ARAW: ISAGAWA NATIN Agosto 1,


2017 / Martes

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbati sa isa’t isa
2. Panalangin
3. Pagtala ng bilang ng mga pumasok
4. Balik tanaw sa nakalipas na aralin / Balik Aral
Ano ang nagtulak sa bata upang magtiiis at magsikap sa kanyang pag-
aaral?
Ano ang mabuting maidudulot nito sa kanya?
B. PANLINANG NA GAWAIN
ISAGAWA NATIN
1. Dulog at istratehiya
1. Gawain:
Pangkatang Gawain:
Panuto: Gumawa ng isang malikhaing palabas mula sa salawikain
at konsepto na mababasa mula sa papel na mabubunot. Ang
malikhaing palabas ay maaaring dula, pantomina, sabayang bigkas,
at iba pa.
- Hanggang maikli ang kumot, matutong mamaluktot
- Bawat malakas na ulan ay may liwanag na naghihintay,
pagkapawi ng ulap, lilitaw ang araw.
- Lahat ng pinaghihirapan may pagbubungahan, walang
kaligayahan sa lupang hindi pinaghirapan
- Pag may hirap, may ginhawa.
1.2 Pagpapakita ng pangkatang gawain:
1.3 Rubriks:

3 2 1
KRAYTIRYA
Husay sa Lahat ng kasapi 1-2 kasapi sa 3-4 na kasapi sa
Pagganap sa pangkat ay pangkat ay pangkat ay hindi
nagpakita nang nagpakita ng nagpakita ng
mataas na katamtamang husay kahusayan sa
kahusayan sa sa pagganap. pagganap.
pagganap.
Naipakita nang Naipakita nang Hindi naipakita
Angkop/ maayos at may maayos ngunit may ang tamang
Tamang tiwala ang pagaalinlangan ang saloobin sa
saloobin sa tamang saloobin tamang saloobin sa sitwasyon.
sitwasyon sa sitwasyon. sitwasyon.

Lahat ng 2-3 na miyembro ng 4-5 na miyembro


Partisipasyon miyembro ng pangkat ay hindi ng pangkat ay
ng mga pangkat ay nakiisa sa hindi nakiisa sa
miyembro ng nakiisa sa pangkatang gawain. pangkatang
pangkat pangkatang gawain.
gawain.

2. Patnubay na Tanong:
 Paano nasubok ang pagiging mahinahon ng bawat karakter o
tauhan sa mga sitwasyon binigay sa bawat pangkat?
 Paano ipinakita ng bawat pangkat ang pagiging mahinahon sa
sitwasyon ini-atas sa kanila?

3. Paghahalaw:
Naipakita ba nang maayos ng bawat pangkat ang kahalagahan
ng pagtitiis anumang sitwasyon ang kinalalagyan natin sa ating
buhay?
Naipakita ba nila ang magandang dulot nito ?

IV. PAGPROPROSESO NG KARANASAN


Anong sitwasyon sa buhay mo ang maihahantulad mo sa mga
sitwasyong ipinakita ng bawat pangkat?
Paano mo naipakita ang pagtitiis sa sitwasyong ito?
Mabuti ba ng naging dulot nito?
V. PAGPAPAHALAGA:
Isagawa Natin:
Ang pagtitiis ay nagbubunga ng maganda bagay. Tinutulungan ka
nitong gumawa ng mabuting pasya at maging matatag.

EsP VI
Unang Markahan
9:15 – 9:40 WRIGHT

Aralin 8 : IKATLONG ARAW: ISAPUSO NATIN Agosto 2, 2017 /


Miyerkules

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbati sa isa’t isa
2. Panalangin
3. Pagtala ng bilang ng mga pumasok
4. Pagbabalik-aral:
Ano sa mga sitwasyong ipinakita ng bawat pangkat ang nahahawig
sa iyong karanasan?
Paano nakatulong ang pagtitiis sa mga pagpapasyang gagawin mo
upang malagpasan mo ang iyong suliranin o pagsubok?
B. PANLINANG NA GAWAIN
ISAPUSO NATIN
1. Dulog at istratehiya
Gawain: ( Situational Analysis )

Ang Tamang Pagpapasya ay Pagtitiis: Ang Pagtitiis ay Tamang


Pagpapasya

Panuto: Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba. Sagutin ang mga


katanungan.
1. Papasok ka na sa paaralan ngunit nalaman mong walang mag-
aasikaso sa iyong nakababatang kapatid sa pagpasok sa paaralan
dahil may sakit ang iyong nanay. Ang iyong tatay naman ay
kasalukuyan ding wala. Nabatid mo rin na kulang ang perang natitira
para pambaon ninyong magkapatid.
Ano ang gagawin mo?
2. Napagdesisyunan ng iyong mga magulang na patigilin ka muna sa
pagaaral sa mga dahilang: hindi na sumasapat ang badyet para sa
pamilya dahil sa hirap ng buhay at nangangailangan ang iyong
kapatid ng magaalaga dahil abala ang iyong mga magulang sa
paghahanapbuhay. Ano ang gagawin mo?
3. Magkakaroon kayo ng gawain sa Sining at kayo ang naatasan ng
inyong guro na magdala ng gamit para sa gawain. Nagkataon na
kulang ng dalawa ang iyong kagamitan. Sinubukan mong humingi ng
pambili sa iyong magulang, ngunit kapos din sila sa pera. Ano ang
gagawin mo?
4. Binigyan ka ng kasunduan ng iyong mga magulang. Para
makapagpatuloy ka nang pag-aaral, tatlumpong bahagdan (30%)
lang ng badyet ang kaya nilang ibigay sa iyo at ang natitirang
pitumpong bahagdan (70%) ay nakadepende sa sarili mong diskarte.
Tinanong ka ng iyong magulang kung paano mo makakamit ang
badyet na pitumpong bahagdan (70%) habang nag-aaral. Paano mo
haharapin ang kasunduan?
5. May nagawa ka na bang pagtitiis sa buhay upang makamtan ang
iyong nais? May mga bagay o pagkakataon ka na bang naisakripisyo
para sa kapakanan ng iyong sarili, pamilya at kapuwa? Ibahagi ang
mga ito.
2. Patnubay na Tanong:
Sa lahat ba ng pagkakataon ay naipapakita mo ang iyong
pagiging matiisin?
Ano ang iyong ginagawa kapag sinusubok ang iyong pagiging
pagiging matiisin?
3. Paghahalaw:
Ano ang posibleng mangyayari kung ikaw ay
magpapadala sa mga pagsubok o paghihirap sa iyong buhay?
Makakatulong ba ito sa iyong pagpapasya?
Bakit sinasabing ang pagtitiis ay nakakatulong upang
mabigyan tayo ng pagkakataong makapag-isip at makagawa ng
mabuting pasya?

IV. PAGPROPROSESO NG KARANASAN


Sa mga naranasan mo sa iyong buhay , nakita mo ba ang
mabuting dulot ng iyong pagtitiis? sa iyong pag-aaral? sa inyong tahanan?
at sa iba pang pagkakataon?

V. PAGPAPAHALAGA:
Isapuso Natin:
Ang anumang pagtitiis ay magandang bunga. Ang pagpapasyang iyong
gagawin kasabay nito ay tiyak tutulong sa iyong malagpasan ang anumang
pagsubok sa buhay.

EsP VI
Unang Markahan
9:15 – 9:40 WRIGHT
Aralin 8: IKA-APAT NA ARAW: ISABUHAY NATIN Agosto 3,
2017 / Huwebes

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbati sa isa’t isa
2. Panalangin
3. Pagtala ng bilang ng mga pumasok
4. Balik tanaw sa nakalipas na aralin / Balik Aral
Ano ang iba pang katangian natutulong hubugin ng pagiging
mapagtiis?
Ipaliwanag ang kasabiihan o salawikain:
“ Habang maikli ang kumot ay matutong magtiis.”
B. PANLINANG NA GAWAIN
ISABUHAY NATIN
1. Dulog at istratehiya
1. Gawain:
1.1 Panuto: Panoorin ang maikling video clip tungkol sa
pagpupursige ng mga mag-aaral sa pag-aaral.
Mga mag-aaral, buwis-buhay ang pagpasok sa eskuwela | Reel Time
(https://www.youtube.com/watch?v=Lxpkc77HjzA)
Patnubay na Tanong:
 Ano ang sitwasyon ng mga bata sa videong napanood?
 Ano ang mga panganib na kanilang sinusuong sa araw-araw ?
 Ano ang nagbibigay ng lakas sa kanila upang magtiyaga at
magtiis sa kanilang sitwasyon?
 Bakit kaya nila ito ginagawa?
2. Paghahalaw:
Paano nakakatulong ang pagtitiis sa kanilang sitwasyong
kinalalagyan? At sa kanilang pagpapasya para sa kanilang sarili at
sa ibang tao?
IV. PAGPROPROSESO NG KARANASAN
Kaya mo rin bang ipamalas ang pagiging mapagtiis sa iyong
pangaraw –araw na buhay? Bakit mo ito kailangang gawin?
V. PAGPAPAHALAGA:
Sa tulong na pagtitiis ay natutukang lumaban sa paghihirap ng
buhay. Sa pagiging mapagtiis, magagawa mo ang mga bagay na akala mo
ay hindi mo kaya. Dahil nasanay ka sa simpleng bagay, magiging higit na
madali para sa iyo ang pag-abot sa tagumpay.
EsP VI
Unang Markahan
9:15 – 9:40 WRIGHT
Aralin 8 : IKALIMANG ARAW: SUBUKIN NATIN Agosto 4,
2017 / Biyernes

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbati sa isa’t isa
2. Panalangin
3. Pagtala ng bilang ng mga pumasok

B. PANLINANG NA GAWAIN

SUBUKIN NATIN
1. Dulog at istratehiya
1. Gawain:

Saan Ka Daraan?
Maraming Pamimilian!
Paano mo mapagpapasyahan ang sumusunod na pahayag kung ikaw
mismo ang nasa sitwasyon?
Pumili ng pasya sa pamamagitan ng pagpili ng daan kung saan ka
tutungo. Isulat sa papel ang paliwanag kung bakit mo napili ang daan
na iyon. Ang isang daan ay walang pasya. Samakatuwid, ikaw ang
gagawa ng sarili mong pasya kung mapipili mo man ang daan na
iyon.
Tandaan! Marami kang maiisip na pasya sa bawat sitwasyon.
Maaaring magkamali ka ng pili. Ang mahalaga, matutukoy mo sa
katapusan ng aralin kung ano ang tamang daan na tatahakin mo. Sa
huli, mapapagtanto mo na ito ang tamang daan para sa kabutihang
panlahat!
V. PAGPAPAHALAGA:
Subukin Natin:
Ang pagiging matiisin ay isang katangian ng pagiging matiyaga. Ito ay
isang paraan ng pagpupunyagi upang maabot ang mithiin at makamtan
ang tamang pasya. Ito ay pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng may
kahinahunan at hindi nagrereklamo. Ito ay patuloy na pagsubok ng mga
gawain hanggat hindi nakakamit ang mithiin. Ang Pagpupunyagi ay
mahalagang katangian na makatutulong upang magtagumpay ang isang
tao.

VI. KASUNDUAN:
VII. PANGWAKAS NA GAWAIN
Ano ang naitulong ng pagmapagtiis sa batang nasaksihan mo sa
video?
Ano ang nagtutulak sa kanila upang gawin ito?
Ikaw kaya mo rin ba itong gawin para iyong pangarap at para sa
ikakabuti ng iyong kapwa?
Ano ang iba pang kaugaliang naituro sa iyo ng pagiging mapagtiis?

VIII. MENSAHE NG PAGBATI / CONGRATULATORY MESSAGE


Binabati kita dahil ngayon ay alam mo na ang buting dulot ng pagiging
mapagtiis, hindi lamang sa iyong sariling kundi sa iyong kapwa.

You might also like