You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Yunit II Aralin 11 Pagkamapanagutan

Bilang ng araw ng Pagtuturo:


5 Araw ( 30 Minuto sa bawat araw o 150 minuto)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa-
tao na may kaakibat na paggalang at responsibilidad

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasabuhay ang pagkakaroon ng bukas na isipan at kahinahunan sa
pagpapasiya para sa kapayapaan ng sarili at kapwa

Pamantayan sa Pagkatuto

I. LAYUNIN:
3. Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapwa
Code: EsP6P-IId-i-31
II. PAKSA: Aralin 13 Pagkamapanagutan
a. Sanggunian: EsP - K to 12 CG d. 32
b. Kagamitan: powerpoint presention, mga larawan, permanent
marker at masking tape
c. Pagpapahalaga: Pagiging responsable

III. PAMAMARAAN

Unang Araw
A. Panimulang Gawain:
Pagbati ng guro ng magandang buhay sa mag-aaral.
Pagtitsek kung sinong liban sa klase.
Ipabasa ang panimulang aralin.
Talakayin ang Mahalagang Kaisipan.
B. Panlinang na Gawain

1. Alamin Natin
Ipakita sa klase ang animated music video “ Basura”. Magkaroon
ng talakayan pagkatapos mapanood ito.

Itanong:
a. Ano ang nakikita ninyo sa video?
b. Paano itinapon ng mga bata ang basura?
c. Tama ba ang ginawa ng mga bata? Bakit?
d. Batay sa video na nakita, may slogan na nagsabing “Tapat Ko,
Linis Ko” Ano ang kahulugan nito?
e. Ano ang mabuting naidulot ng tamang pagtapon ng basura sa
ating kapaligiran?
f. Bilang mag-aaral kaya mo bang gawin ang ginawa ng bata?
g. Magkaroon ng talakayan sa mga sagot ng mga mag-aaral

(Magkaroon ng closure bawat araw)

Ikalawang araw

2. Isagawa Natin

a. Pagbati sa mag-aaral.
b. Balik-aral. Itanong :
1. Tungkol saan ang ating talakayan kahapon?
2. Anong pagpapahalaga ang iyong natutunan tungkol sa
aralin?
3. Ano ang kahalagahan ng pagiging responsable?
c. Ipakita ang larawan at ipatukoy sa mga bata kung ito ay
nabubulok o di nabubulok
d. Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral
e. Ibigay ang rubrics para sa gawain.
(Para sa guro)
Tandaan na ang rubrics ay magmumula sa pagsang-ayon ng mga
mag-aaral at guro sa pagbigay ng grado sa gawain.
Maaari rin naman ito na manggaling sa guro ngunit dapat ay may
konsultasyon sa mga mag-aaral upang lalong mapaganda ang
rubrics.
f. Pangkatin ang mag-aaral sa apat at bigyan ng sitwasyon na
nagpapakita ng pagiging responsable.
g. Bigyan sila ng limang minuto para sa preparasyon at karagdagang
dalawang minuto sa presentasyon.
Tema:
‘Basura Ko, Sagot Ko.’

Pangkat Gawain
Unang pangkat
Magpapakita ng dula-dulaan
Ikalawang pangkat Sayawit
Ikatlong pangkat Paggawa ng anunsyo
Ikaapat na pangkat Paggawa ng tula
Ikatlong Araw
3. Isapuso Natin
a. Balik-aral sa nakaraang talakayan.

(Pre-assigned task)
(Paalala sa Guro: Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan.
( baha, landfill, mga batang nagkakasakit )
Talakayin ng bawat pangkat ang mga ipinakitang larawan.
Itanong:
Bilang mag-aaral, ano ano ang magagawa mo upang makaiwas
sa baha, sakit at iba pa?
Anong batas ang nagsasaad tungkol sa tamang pagtapon ng
basura?
b. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tandaan Natin. Ipaulit ng
dalawang beses upang maisaisip ng mag-aaral. Matapos
maipabasa ay tumawag ng mag-aaral na kung saan ay
magbibigay siya ng kanya idelohiya batay sa tandaan natin.

(closure)

C. Pangwakas na Gawain

Ikaapat na Araw
4. Isabuhay Natin

a. Itanong. Bilang isang mag-aaral, paano mo ipapakita ang


pagiging responsable sa tamang pagtapon ng basura?
b. Sa iyong journal, sumulat ng tatlo hanggang apat na
pangungusap sa iyong realisasyon o pag-unawa sa ating paksang
pinag-aralan.
c. Pagtalakay sa sagot ng mga mag-aaral.

(closure)
Ikalimang Araw
IV. Pagtataya
5. Subukin Natin
1. Muling itanong ang nasa isabuhay at tumawag ng ilang mag-aaral
upang magbahagi.
2. Kompletuhin ang pangungusap. Piliin ang tamang sagot na nasa
kahon.

V. Takdang -aralin
Gumawa ng poster tungkol sa tamang pagtapon ng basura.

Repleksiyon:
(Paalala sa guro: Maaaring itala ng guro ang repleksiyon pagkatapos
ng aralin.

Halimbawa ng closure:

Pagbati! Natapos mong muli ang isang aralin. Naniniwala akong kaya mong sundin
nang may paggalang ang batas at awtoridad.

Ipagpatuloy mo ang mabuting gawain ito. Pagpalain ka ng Diyos!

Inihanda nina: Region Division


1. NILDA M. MEJOS X MISAMIS ORIENTAL
2. MARIVIC M. AMONTOS X CAMIGUIN PROVINCE
3. MARIEL B. UBAUB X EL SALVADOR CITY
4. VIOLETA M. STA. ELENA IX ISABELA CITY, BASILAN
5. SALIK M. PUSAKA ARMM LANAO DEL SUR
6. FEBILLE J. RIVERA XII SOUTH COTABATO
7. NASSER C. DASAD ARMM BASILAN
8. NHOR EMRA P. SILONGAN XII KIDAPAWAN , COTABATO
9. ARLENE R. MANCIO XI IGALOS, DAVAO DEL NORTE
10. MARICHU V. LAPORCA CARAGA SURIGAO DEL NORTE
11. ARLLEN JOY D. ANGALAN XI DAVAO CITY

Binigyang pansin:

JOSELITA GULAPA
SEPS Central Office
EsP Focal Person

You might also like