You are on page 1of 7

Department of Education

Region VII, Central Visayas


Division of Cebu Province
District of Alcantara
Alcantara , Cebu

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO


(Week 1 & 2)
S.Y. 2020-2021

I. Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Anu-ano ang natutunan ni Christine sa kaniyang mga kamag-aral at guro?

2. Paano makikinabang ang klase dito?

3. Paano ipinakita ni Christine at ng kaniyang mga kamag-aral ang paggalang sa opinyon ng iba?

4. Naranasan mo na rin bang magbigay ng suhestiyon sa ibang tao? Ano ang naging resulta nito?

5. Paano mo tinanggap ang mga negatibong puna ng ibang tao sa iyo? Paano ka naman
magpahayag ng suhestiyon sa iba?

II. Panuto: Isulat ang Oo kung ginagawa mo ang mga ito at Hindi kung hindi mo
ginagawa.

________1. Sinasabi mo ba ang totoo kahit alam mong nababahala ang iyong kaibigan?
________2. Sinisikap mo bang tuparin ang iyong pangako na magsisimba at magdarasal sa isang
takdang oras at araw.?.
________3. Tinutupad mo ba ang pangako mo na hindi na mahuhuli sa flag ceremony?
________4. Nangungutang ka ba ng pera sa iyong mga kaibigan kahit alam mong wala kang
pambayad?
________5. Nagsasabi ka ba ng mga salitang makaapekto sa mga miyembro ng pamilya?
________6. Tinutupad mo ba ang anumang pinagkasunduan sa tahanan man o sa paaralan?
________7. Matatag ka ba sa iyong paninindigan na maging responsable at produktibo?
________8. Nagbabayad ka ba ng utang sa itinakdang araw?
________9. Ginagawa mo ba ang lahat upang matupad ang bawat ipinangako mo?
________10. Tinutupad mo ba ang iyong tungkulin bilang isang mamamayang Pilipino na
pangalagaan ang ating kapaligiran?

III. Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot at
ipaliwanag.

1. Usapan ninyong magkakaibigan na manonood kayo ng cultural show sa plasa. Nakatakda


kayong magkita-kita sa hintayan ng sasakyan malapit sa inyong paaralan ng ika-5 ng hapon. Hindi
dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman mong nauna na sila sa plasa. Ano ang magiging
reaksyon mo?
A. Iiyak at hindi makikipag-usap sa kanila sa susunod na makita sila.
B. Magpapasalamat na habang maaga pa ay napatunayan mo na ang kanilang totoong
pagkaatao.
C. Kakausapin sila tungkol sa nangyari at sasabihin kung ano ang naramdaman tungkol
doon.
2. Hiniram ng kaibigan ang aklat sa Filipino. Ipinangako niyang isasauli iyon pagkaraan ng
dalawang oras. Matagal kang naghintay pero hindi bumalik ang kaibigan mo. Ano ang magiging
reaksyon mo?
A. Magpapahiram lamang ng mga gamit kung sa tabi mo lang siya gagamit.
B. Kukumbinsihin ang sarili na walang magandang idudulot ang pagpapahiram ng mga
gamit.
C. Kakausapan siya tungkol sa kahalagahan ng pagsasauli ng hiniram sa takdang oras na
pinag-usapan.

3. Ipinangako ng tatay mo na bibilhan ka ng bagong pares ng rubber shoes. Nang dumating siya
hindi mo nagustuhan ang tatak ng sapatos na binili niya para saiyo. Sabi niya sa iyo “Anak, ito
lang ang tatak ng
sapatos na kaya kong bilhin.” Ano ang magiging reaksyon mo?
A. Maaawa sa iyong tatay
B.Tatanggapin nang buong- puso ang sapatos.
C. Ipapangako sa sarili na hindi na masyadong umaasa mula ngayon.
4. Nanghiram kayo ng payong sa iyong kaibigan nang kayo bumisita sa kanila at ng umuulan nang
malakas. Kailan mo ito isasauli?
A. kinabukasan agad baka gagamitin din nila
B. Sa sunod na araw baka umulan ulit
C. Hindi na kailangang isauli dahil may natira pa naman silang payong.
5. Ano ang maging reaksyon mo kapag tinanggihan ka ng iyong kaibigan sa isang bagay na
hihiramin mo sana?
A. magdabog dabog
B. hindi na papansinin ang kaibigan
C. marunong tumanggap ng pagtatanggi
6. Dapat bang tanggapin ang isang suhol na ibinigay sa taong ng hiram lalung lalo na kung
matagal na isinauli ang bagay.
A. Hindi dapat tanggapin dahil maisaisip ng hiram na masusuhulan pala kayo at uulitin lang
niya
B. dapat tanggapin bilang bayad ng matagal na pagsasauli
C. hindi pera ang tatanggapin kun di mga memorabilia lang
7. Kayo ay mapagkatiwalaan kung tutupad ka sa usapan lalung lalo na sa mga pangako.
A. Oo
B. Hindi
C. Marahil
8. Ang pagbibigay ng pangako ay nag depende ba ito sa uri ng tao na bibigyan ng pangako?
A. Oo
B. Hindi
C. hindi ko alam
9.Kapag sa magulang tayo nangako, hindi na kailangang tutuparin pa.
A. Oo
B. Kailangang tutuparin
C. Hindi inaasahan natin
10. Kapag napako ang mga pangako, kailangan bang puntahan at sumbatan ang nagbibigay ng
pangako?
A. Talagang kailangan
B. Hindi na kailangan
C. Kung may pagkakataon kailangang sumbatan
IV. Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba at sagutin ang katanungan gamit ang
mapanuring pag-iisip. (5 puntos)

Hiniram ng kaibigan mo ang aklat mo sa Matematika. Ipinangako niyang isasauli iyon pagkaraan
ng dalawang oras. Matagal kang naghintay, pero hindi bumalik ang kaibigan mo. Ano ang
magiging reaksyon mo?
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu Province
District of Alcantara
Alcantara , Cebu

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO


(Week 1 & 2)
S.Y. 2020-2021

Pangalan:____________________ Baitang & Pangkat:_________________ Iskor:_______

PERFORMANCE TEST

Sumulat ng liham sa iyong mga magulang tungkol sa pagpatupad ng isang pangako sa


kanila.

Performance Rubrics:
PAGPAPAHAYAG PUNTOS

Organisasyon ng mga ideya 5


Kalinisan 5
Kabuuan 10
ANSWER KEY IN ESP
I.
1. Ang natutunan ni Christine sa kanilang mga kamag-aral at guro na dapat magpalano ng mabuti sa sisimulan na
gawain at dapat makinig ang bawat isa sa kani-kanilang ideya o opinyon.
2. Makikinabang ang klase ditto na makagawa ng proyekto ng kanilang na gagawin.
3. Ipinakita ni Christine at ng kaniyang mga kamag-aral ang paggalang sa opinyon ng iba at pakikinig.
4. Opo, naging kabuluhan ang bawat ideya ng bawat isa.
5. Maging mapakumbaba at tanggapin ang kamalian.
II.
1. Oo
2. Oo
3. Oo
4. Hindi
5. Hindi
6. Oo
7. Oo
8. Oo
9. Oo
10. Oo
III.
1. B
2. C
3. B
4. A.
5. C.
6. A.
7. A.
8. A.
9. B.
10. B.

IV.Maaaring magkakaiba ang mga sagot.

You might also like