You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Sur
Sta. Lucia District
SABUANAN ELEMENTARY SCHOOL SPED CENTER

TALAAN NG ISPESIPIKASYON
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 6

KASANAYAN BILANG KINALALAG BAHAGDAN


NG YAN NG
AYTEM AYTEM
Napatutunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang
ispiritwalidad
EsP6PD- IVa-i–16
a. Paninindigan sa Kabutihan (Making a Stand for the Good) 10 1-10 20%

b. Pag-asa (Hope) 10 11-20 20%

c. Pananalig at Pagmamahal sa Diyos (Faith and Love) 10 21-30 20%

d. Ispiritwalidad (Spirituality/Inner Peace) 10 31-40 20%

e. Nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad 10 41-50 20%

Kabuuan 50 100%

Inihanda ni: Iwinasto ni: Binigyang pansin ni:

LIEZL A. HERAÑA BLESSIE S. HERAÑA CHERILE V. BARROGA


Teacher II Master Teacher II Teacher III/Officer-In-Charge
Sabuanan Elementary School SPED Center
Ikaapat Markahang Pagsusulit sa ESP 6

Pangalan: ____________________________________________________________ Marka:_____________


Baitang/ Seksyon: VI-KNOWLEDGE Petsa: _____________

I. Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapakita ng mabuting pakikipagkapwa at Mali kung
hindi.
__________ 1. Nangalap ng relief goods si Danna para idonasyon sa nasalanta ng bagyong Ompong.
__________ 2. Hindi pinapansin ni Jessa ang matandang nanghihingi ng limos sa kanya.
__________ 3. Binigyan ni James ng tinapay ang kaklaseng walang baon.
__________ 4. Nakikilahok ang pamilya ni Lyra sa gift giving tuwing magpapasko.
__________ 5. Regular na nagbibigay ng tulong ang pamilya ni Laysa sa bahay ampunan.
__________ 6. Nagtago si Kapitan Marco sa taong nanghihingi ng tulong na nasa kanilang bahay.
__________ 7. Huminto ang sasakyan nila Darren para tumulong sa isang babaeng nasiraan ng sasakayan.
__________ 8. Tinakbuhan ni Joana ang batang nasagasaan nya ng motor na kanyang minamaneho.
__________ 9. Pinagalitan ni Mae ang mga batang naglalaro sa harap ng kanilang bahay.
__________ 10. Pinagtawanan ng grupo ni Dexter ang batang pilay na naglalakad.

II. Piliin ang pinakaakmang salita na kukumpleto sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot
sa patlang bago ang bilang.
______11. Sa oras ng mga pagsubok sa buhay, ang tao ay hindi dapat mawalan ng ________________.
a. pagmamahal b. pag-asa c. kapayapaan d. kasipagan
______12. Ang bawat isa ay may kakayahang maghatid ng pag-asa dahil ang tao ay likas na ______________.
a. mabuti b. masayahin c. masama d. matalino
______13. Sa mga panahong ang pakiramdam natin ay iniwanan na tayo ng lahat, lagi nating tandaan na hindi
tayo kailanman pababayaan ng ___________________.
a. Maykapal b. kaaway c. kamag-aral c. kalaro
______14. Dapat nating tandaan na anumang ginawa natin sa ating _________ ay parang ginawa na rin natin sa
Diyos.
a. sarili b. kapaligiran c. kapwa d. kasangkapan
______15. Ang pagpapakita ng kabutihang-loob sa kapwa ay nakapagpapaunlad din sa ________ ng tao.
a. kasikatan b. ispiritwalidad c. kagalingan c. karangyaan

III. Basahin at piliin ang nararapat gawin sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang titik ng sagot sa
patlang bago ang bilang.
______16. Nasunugan ng bahay ang iyong kapitbahay.
a. Magbibigay ka ng lumang damit na maayos pang suutin.
b. Bibigyan mo sila ng mga damit nyo na may mga sira na
c. Hahayaan mo nalang sila na dumiskarte ng kanila.
d. Bentahan sila ng mga damit
______17. Nasalanta ng bagyo ang karatig probinsya nyo.
a. Dedmahin ang nangyari sa mga tao sa karatig probinsiya.
b. Pupunta ka doon at titingnan kung ano ang nangyari sa mga bahay doon.
c. Manonood ka ng t.v. at titingnan mo kung gaano kalaki ang nasalanta doon.
d. Mangangalap ka ng mga relief goods sa inyong mga kapitbahay at ipamimigay sa mga nasalanta.
______18. Walang baon ang iyong kamag-aral.
a. Aasarin mo sya dahil wala itong baon.
b. Hayaan mo na lamang siyang magutom.
c. Hahatian mo nalang sya sa baong inihanda ng iyong nanay.
D. Sasabihan mo sya na tamad ang kanyang mga magulang kaya hindi sya mabigyan ngbaon.
______19. Nilindol ang isa sa mga bayan sa Visaya. Nanawagan ang iyon guro na magbigay ng tulong ng ayon
sa inyong makakaya.
a. Hindi ka nalang magbibigay dahil maliit lamang ang iyong baon.
b. Pupunta ka ng visaya upang tulungang itayo ang nagiba nilang bahay.
c. Makibahagi sa paglikom ng mga donasyon para ibigay sa mga nasalanta.
d. Huwag pansinin ang sinabi ng iyong guro dahil bata ka pa naman at walng hanapbuhay.
______20. Nakita mong hirap tumawid ang isang matanda sa kalsada.
a. Panoorin lang ang matanda.
b. Itatawid mo ang matanda sa kabilang kalsada.
c. Hahayaan mo nalang ang matanda na tumawid tutal naman may sarili itong mga paa.
d. Tatawagin mo ang isang bata na tulungan ang matanda na tumawid dahil mahuhuli ka na sa
iyong klase.
IV. Isulat sa patlang ang PP kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pananalig at
pagmamahal sa Diyos at HP naman kung hindi.
______ 21. Makilahok sa mga gawain ng inyong simbahan.
______ 22. Huwag makihalubilo sa mga taong iba ang relihiyon.
______ 23. Igalang ang pananampalataya ng ibang tao.
______ 24. Magbasa ng mga aklat tungkol sa iyong relihiyon.
______ 25. Tuligsain ang bawat paniniwala ng ibang relihiyon.
______ 26. Tumangging tulungan ang mga taong hindi kaanib sa inyong relihiyon.
______ 27. Igalang ang mga ritwal ng ibang relihiyon.
______ 28. Maging matiyaga sa pakikinig ng mga pangaral ng inyong pinuno sa inyong relihiyon.
______ 29. Ipagmayabang ang iyong relihiyon sa ibang tao.
______ 30. Mag-isip ng mga paraan upang mapaunlad ang iyong paniniwala.

V. Isulat ang PI kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng pagpapaunlad ng ispirituwal, at


kung HPI naman kung hindi.

______ 31. Regular na nagsisimba si Leah sa relihiyong kanyang kinaaaniban.


______ 32. Bukas palad na tumutulong ang pamilya ni Pedro sa sinumang himihingi ng tulong sa kanila.
______ 33. Tinatamad magsimba tuwing Linggo si Joseph dahil sinasamantala niya ang mahabang pagtulog
dahil aniya maaga na naman syang gigising sa mga araw na may pasok
______ 34. Sumali si Arthur sa Altar Boys ng kanilang parokya para makapaglingkod sa Diyos.
______ 35. Himihinto sa kanyang ginagawa si Paula sa tuwing tumutunog ang kampana sa oras ng orasyon para
manalangin.
______ 36. Sumasama si Lenny sa kanyang mga magulang sa pamimigay ng babasahing Bantayan ng kanilang
simbahang Saksi ni Jehovah.
______ 37. Bilang paaran ng pananampalataya ni Cristy, lagi nyang inaawit ang mga Papuri Songs ng kanilang
simbahan.
______ 38. Regular na sumasamba sa Iglesya ni Cristo tuwing Huwebes at Linggo si Christian.
______ 39. Dumadalo ng Novena si Shiela bago ang kapistahan ng kanilang Patron.
______ 40. Mas pinilipi ni Marco ang maglaro ng basketball kesa ang magsimba tuwing lingo.

VI. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng
pagpapaunlad ng ispirituwal na pagkatao at ekis (X) naman kung hindi.
_____ 41. Ibinigay ni Ana ang upuan niya sa matandang nakatayo sa loob ng bus.
_____ 42. Tinulungan ni Margaret ang matandang babaeng tatawid sa kalsada.
_____ 43. Nanguna si Mike sa pangongolekta ng lumang damit at delata para sa mga taong nasalanta ng
nagdaang bagyo.
_____ 44. Hinati ni Samantha ang kanyang baong tinapay para ibigay sa kamag-aral na walang baon.
_____ 45. Hindi pinansin ni Roger ang nadaang may kapansanan sa paa na hirap pumanhik sa hagdan ng tulay
tawiran.
_____ 46. Nagluto ang mag-anak na ng lugaw upang ipakain sa mga batang lansangan.
_____ 47. Tinuturuan ng libre ni Bb. Castro ang kanyang mag-aaral na hirap pang makabasa pagkatapos ng
klase ng walang bayad.
_____ 48. Buwanang nagbibigay tulong ang pamilya ni Paul sa bahay ampunan.
_____ 49. Nagsagawa ng libreng gamutan ang grupo ng mga doctor sa isang liblib na lugar.
_____ 50. Nanghingi ng lumang uniporme si Alex sa kanilang mga kapitbahay upang ibigay sa kanyang mga
kamag-aral na walang pambiling uniporme.

GOODLUCK!!!

You might also like