You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES SUR
PILI WEST DISTRICT
Cadlan, Pili, Camarines Sur

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUBOK


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO(EsP)VI
S/Y 2022-2023
Name: ____________________________________________ Grade VI - _________
School: _____________________________________ Score: _____________

I. Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong sagutang papel.

1. Sa anong larangan ng isports nakilala at naging tanyag si Manny Pacquiao sa


Pilipinas at buong mundo?
A. badminton C. bilyar
B. basketbol D. boksing

2. Ang tagumpay niya sa larangan ng teatro at musika at ang pagtatamo ng mga


gantimpala mula sa pinakarespetadong tagapaggawad ng parangal sa buong
mundo ay siyang nagbukas ng oportunidad para sa iba pang Filipino entertainers
na makilala at mag-alay din ng karangalan sa Pilipinas.
A. Lea Salonga C. Didith Reyes
B. Socorro Ramos D. Corazon Aquino

3. Sa kabila ng pagiging babae niya ay pinursige niya ang weightlifting at ito ang
naging daan para sa unang pagkakataon ay magkamit ang Pilipinas ng gintong
medalya sa Olympics.
A. Frenchesca Diaz C. Lydia de Vega
B. Hidilyn Diaz D. Akiko Thompson

4. Si Pia Wurtsbach ay tatlong ulit sumali sa Binibining Pilipinas bago niya


napalunan ang titulo at sumali sa Miss Universe. Ginawa niya ang lahat para
manalo at kinoronahan siyang Miss Universe noong 2015. Nagdala siya ng
malaking karangalan sa ating bansa sa kanyang pagkakapanalo. Masasabi natin
na si Pia ay_____.
A. determinado C. masipag
B. mahina ang loob D. mapagbigay

5. Maliban sa pagsulat ng humigit kumulang apat na libong awitin, ano pa ang


katangi-tanging kakayahan ang taglay ni G.Levi Celerio na naging daan para siya
mas makilala pa hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo man?
A. pagtugtog gamit ang papel C. pagsasayaw ng tinikling
B. pagtugtog gamit ang dahon D. pagguhit gamit ang uling

6. Anong uri ng sasakyan ang dinisenyo, ginawa at ibinenta ng Sarao Motors sa


pamumuno ni G.Leonardo S. Sarao na naging daan para mabago ang buhay ng
maraming Pilipino?
A. kotse C. dyip
B. traysikel D. trak
Page 1 of 8
7. Kahit nakaranas ng maraming pagkatalo sa mga paligsahang kanilang
sinalihan ay nagpatuloy pa rin ang El Gamma Penumbra hanggang sa makamit
nila ang kanilang tagumpay. Anong katangian ang ipinakita nila na karapat-
dapat na tularan?
A. paniniwala sa sarili at sa kanilang ginagawa
B. pag-aalinlangan sa kanilang kakayahan
C. pagkakaroon ng matayog na pangarap
D. pagiging handa sa pagtulong sa iba

8. Si Kesz Valdez ay mula sa isang mahirap na pamilya. Sa kanyang murang


edad ay natuto siyang manirahan sa lansangan nang mag-isa at maghanap-buhay
para sa sarili. Dumaan siya sa maraming pagsubok subalit hindi siya kailanman
sumuko hanggang sa siya ay palarin at nabigyan ng pagkakataon na maging
maayos ang buhay. Anong magandang katangian ang ipinakita niya para siya ay
magtagumpay?
A. pagiging masinop at matipid C. takot sa pagharap sa pagsubok
B. pag-aalinlangan sa sarili D. sipag, tiyaga at lakas ng loob

9. Hinirang na kauna-unahang babaeng presidente ng Pilipinas si dating pangulo


Corazon C. Aquino matapos mabaril at mapatay ang kanyang asawa dahil sa
pulitika. Sa kabila ng mga banta sa kanyang kaligtasan ay hindi siya nag-
atubiling magsilbi sa bayan at ipaglaban ang demokrasya. Siya ay nagsilbing
inspirasyon sa mga kababaihan dahil sa kanyang ____________.
A. determinasyon na makamit ang demokrasya
B. pagiging asawa ng isang tanyag na pulitiko
C. katayuan sa buhay at pinag-aralan
D. kagustuhan na maging president ng Pilipinas

10. Kung ikaw ay mahaharap sa isang pagsubok at magiging hadlang ito sa


pagtupad ng iyong mga pangarap, ano ang pinakamainam mong gawin?
A. Huminto sa anumang iyong nasimulan at ipaubaya ang lahat sa Diyos.
B. Gawin ang lahat ng makakaya para makamit ang minimithing tagumpay.
C. Panghinaan ng loob at ipagsawalang bahala ang lahat ng nasimulan.
D. Hintayin na lang kung ano ang ibibigay ng tadhana.

11. Bilang isang mag-aaral paano ka makatutulong sa pagpapalaganap ng


pagpapahalaga sa mga pinagkukunang-yaman?
A. Hikayatin ang mga kamag-aral na maging matipid sa paggamit ng tubig.
B. Mag-aksaya ng gamit sa paaralan dahil may pambili ka naman ng bago.
C. Paglaruan ang mga pananim sa inyong gulayan sa paaralan.
D. Wala akong gagawin dahil bata pa naman ako para dito.

12. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong pangangalaga sa


kabuhayan at pinagkukunan ng yaman?
A. Pagtitipid sa ilaw at tubig sa lahat ng pagkakataon.
B. Paggamit ng sasakyan kahit maitim na ang ibinubugang usok.
C. Pagtatapon ng basyo ng nakalalasong kemikal sa ilog.
D. Paggamit ng sintetik na pataba at kemikal sa mga pananim.

13. Ilang araw mo nang napansin na ang gripo sa inyong banyo ay tumatagas. Ano
ang pinakamainam mong gawin?
A. Pabayaan na lang ito kaunti lang naman ang tagas.
B. Hintayin na lang na mapansin ito ng iyong mga kasama.
C. Siguraduhin na palaging may nakasahod na timba dito.

Page 2 of 8
D. Ipagbigay alam ito sa iyong tatay para maayos agad.

14. Matagal nang suliranin sa inyong paaralan ang pag-apaw ng mga basura sa
inyong basurahan dahil sa dami ng itinatapon dito araw-araw. Alin sa mga
sumusunod ang pinakamainam na gawin ?
A. Paggamit ng 5Rs sa pagtatapon ng basura.
B. Itapon ng mga nabubulok na basura sa ilog.
C. Magdagdag ng tapunan ng basura.
D. Pabayaan lang na umapaw ang basurahan.

15. Patuloy ang mga tao sa pagputol ng mga kahoy sa kabundukan para gawing
mga mwebles at iba pang mga kasangkapan sa bahay. Dahil dito patuloy ang
banta ng pagguho ng lupa sa tuwing malakas ang ulan. Paano ito maiiwasan?
A. Itigil pansamantala ang pagputol ng kahoy para wala nang problema.
B. Siguraduhin na may kapalit na bagong tanim ang bawat punong puputulin.
C. Ipagpatuloy lang ang pagputol ng kahoy dahil mayroon pa namang natitira.
D. Hayaan na lang sila sa kanilang ginagawa para may makain sila.

16. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggamit nang may


pagpapahalaga sa kabuhayan at pinagkukunang-yaman?
A. Sinisiguro ni Vince na isara ang ilaw sa kanyang silid kapag siya ay lalabas.
B. Hinahayaan lang ni Vera na umaandar ang bentilador kahit malamig na.
C. Sabay-sabay kung gamitin ni Vina ang kanyang mga gadgets sa bahay.
D. Pinababayaan lamang ni Vicky na tumutulo ang kanilang gripo sa lababo.

17. Ano ang mangyayari kung hindi tayo susunod sa mga patakaran ukol sa
paggamit at pangangalaga sa ating kapaligiran?
A. Masisira ito at mawawalan tayo ng maayos na tirahan.
B. Mas marami tayong mapakikinabangan sa ating kapaligiran.
C. Yayabong ang mga pananim at lilinis ang hangin.
D. Magagawa natin ang lahat ng gusto nating gawin dito.

18. Nagandahan ka sa mga bulaklak ng halaman sa pinasyalan ninyong parke.


Nakita mo ang nakapaskil na babala ukol sa pagbabawal sa pagpitas ng mga
bulaklak nito. Ano ang gagawin mo?
A. Pipitas ng isa lang na bulaklak pag walang nakatingin.
B. Magpapaalam sa bantay para makapitas ng gustong bulaklak.
C. Susundin ang babala dahil ito ang nararapat.
D. Papagalitan ang bantay sa parke para bigyan ako ng bulaklak.

19. Ang Clean Air Act ay naglalayong panatilihing malinis at ligtas ang hanging
nilalanghap ng mga mamamayan. Alin sa mga sumusunod na gawain ang
nagpapakita ng pagsunod dito?
A. Pagsusunog ng mga basura sa bakuran.
B. Paggamit ng saksakyang nagbubuga ng maitim na usok.
C. Pagtatanim ng maraming punong kahoy
D. Pagtatapon ng basura kahit saan.

20. Ito ay kautusan na nagtatalaga ng tamang paraan ng pangongolekta at


pagbubukod-bukod ng mga solid waste sa mga barangay.
A. BP 7638 C. RA 8749
B. RA 9275 D. RA 9003

21. Nilalayon ng batas na ito na isaayos, subaybayan at isakatuparan ang mga


plano at programa ng pamahalaan sa eksplorasyon, pagpapaunlad at
konserbasyon ng enerhiya.
A. BP 7638 C. RA 8749
Page 3 of 8
B. RA 9275 D. RA 9003

22. Ano ang pangunahing layunin ng RA 7586 o ang National Protected Areas
System Act of 1992?
A. Pahalagahan ang kailinisan ng tubig para sa mga mamamayan.
B. Pagkilala sa pangangailangang mapanatili ang balanse ng ekolohiya at
kalikasan.
C. Pagtatatag ng Department of Energy o DOE.
D. Paglalaan ng pondo sa pananaliksik upang mapanatili ang biological
diversity.

23. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa


pagsunod sa pamantayan at kalidad sa paggawa ng proyekto?
A. Minadali ni Minerva ang kaniyang gawain para maunang makapasa.
B. Maingat na sinunod ni Melay ang bawat hakbang para matapos ang gawain.
C. Ginaya ni Mildred ang gawain ng unang nakapasa para makapasa na rin
siya.
D. Nagmadali si Missy sa gawain dahil manonood pa siya ng sine.

24. Nagbigay ng takdang pamantayan at panahon para sa pagpapasa ng proyekto


ang inyong guro. Ano ang nararapat mong gawin? Simulan agad ito ____.
A. para madaling matapos at mauna sa pagpasa
B. pero sumunod sa pamantayan at ipasa sa takdang oras
C. at tumabi sa kamag-aral na magaling at gayahin ang gawain nito
D. para magpakitang gilas sa guro at makakuha ng dagdag na puntos

25. Ang mga sumusunod ay dapat nating sundin para makasiguro na de-kalidad
ang ating gawa o serbisyo maliban sa isa.
A. Tapusin ito sa takdang panahon
B. Ibigay nang buo ang inaasahan sa gawaing itinakda
C. Ibase ang gawain sa iyong gusto dahil ikaw ang gagawa
D. Sikaping masunod lahat ang pamantayang ibinigay

26. Hindi mo nasunod ang isa sa pinakamahalagang pamantayan sa paggawa ng


proyekto na ibinigay ng inyong guro dahil tinipid mo ang pambili ng materyales
para may pambili ka ng gusto mong play card. Ano ang magiging bunga nito?
A. Bababa ang iyong marka sa gawain dahil sa hindi pagsunod sa
pamantayan.
B. Mabilis mong matatapos ang iyong gawain at makakapasa ka agad.
C. Tataas ang iyong marka sa gawain dahil nagtipid ka sa pagbili ng
materyales.
D. Magiging maganda ang kalalabasan ng iyong proyekto at bibigyan ng dagdag
puntos.

27. Magkakaroon ng paligsahan sa paggawa ng parol sa inyong paaralan at


bibigyan ng gantimpala ang mananalo. Napagpasyahan mong sumali dito. Alin sa
mga sumusunod ang mas dapat mong pahalagahan sa paggawa?
A. Sikaping maging orihinal ang iyong gawa at makasunod sa mga
pamantayan.
B. Gumaya sa mga nakikitang disenyo sa internet para manalo sa paligsahan.
C. Mabilis na gawin ito para mauna sa pagpapasa kahit hindi mo pa subok ang
kalidad ng iyong gawa.
D. Tingnan muna ang gawa ng iba bago magsimula para makasiguro na mas
maganda ang iyong magagawa.

Page 4 of 8
28. Hindi natapos ni Melanie sa takdang oras ang kanyang proyekto dahil may
importanteng bagay siyang inasikaso sa bahay. Minabuti na lamang niyang
mahuli sa pagpasa ng kanyang gawain sa halip na ipasa ito nang hindi pa tapos.
Ano ang ipinakikita nito?
A. Pinapahalagahan niya ang kalidad ng kanyang gawain bago ito ipasa.
B. Hindi naman siya nakikipag-unahan sa mga kaklase sa pagpasa ng gawain.
C. Hindi niya pinahahalagahan ang pagpasa sa tamang oras.
D. Wala siyang pakialam mauna o mahuli man siya sa pagpasa.

29. Marami nang naipon na karton ng sapatos sa kwarto ni Noemi. Sa halip na ito
ay itapon ginawa niya itong doll house at jewelry box. Si Noemi ay ________.
A. matipid at masinop C. masayahin at magalang
B. mapamaraan at malikhain D. mahilig mag-ipon ng basura

30. Naubusan ka ng pandikit para sa iyong proyekto na kailangang ipasa


kinabukasan. Gabi na at wala nang mabili sa tindahan. Paano mo maipakikita
ang iyong pagkamalikhain sa sitwasyong ito?
A. Huwag nang tapusin ang proyekto at kinabukasan na ito ipagpatuloy.
B. Bumili ng gawgaw sa tindahan at gawin itong pandikit.
C. Ipasa ang proyekto kinabukasan kahit hindi ito natapos.
D. Huwag nang isama ang parte ng proyektong hindi natapos at ipasa na ito.

31. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging malikhain sa paggamit


ng mga lumang plastic bag na ginamit sa pamamalengke?
A. Gamitin muli ito sa susunod na pamamalengke.
B. Gawin itong materyal sa paggawa ng mga plastik na bulaklak.
C. Ipambalot ito sa mga basurang naipon sa inyong kusina.
D. Isabit na lamang ito sa sampayan at hayaang gamitin ng iba.

32. Paano mo maipakikita ang iyong pagkamalikhain sa pagdedisisyon ukol sa


mga walang laman na plastic na bote ng softdrinks sa inyong kusina. Ano ang
pinakamainam gawin dito?
A. Itapon na para hindi makasagabal sa inyong kusina.
B. Ipagbili ito sa nangangalakal para kumita.
C. Putulin ito at gawing paso at plorera.
D. Hayaan na lang itong maipon sa inyong kusina.

33. Naatasan ang inyong grupo na pagandahin at gawing makulay ang bulletin
board sa inyong silid-aralan. Kailangan ninyo ng mga materyales para
mapaganda ito ngunit wala kayong budget na pambili ng mga ito. Paano ninyo
gagamitin ang inyong pagkamalikhain para magawa ito?
A. Hihingi sa guro ng perang pambili ng mga materyales.
B. Mag-aambag ambag ang bawat miyembro para makaipon ng pambili.
C. Gumamit ng mga lumang pambalot ng regalo at makulay na papel.
D. Maghintay na lang kung mayroon nang materyales na magagamit bago ito
gawin.

34. Naputol mo nang hindi sinasadya ang hawakan ng walis tambo na ginamit mo.
Bago pa ito at ikaw ang unang gumamit. Ano ang gagawin mo para masolusyunan
ito?
A. Itago na lamang ito sa pinakailalim ng broom box.
B. Ayusin ito at dugtungan ang hawakan para magamit muli.
C. Hayaan lang ito dahil pwede pa naman gamitin sa paglilinis.
D. Itapon sa likod ng silid aralan para hindi na makita ng iyong guro.

Page 5 of 8
35. Nagmamadali ang iyong tatay sa pagmamaneho dahil mahuhuli na kayo sa
kasal na dadaluhan. Napadaan kayo sa matrapik na lugar kaya nagpasya itong
mag U- turn kahit na may nakapaskil na babala na bawal ito dahil wala namang
pulis. Tama ba ang ginawa ng iyong tatay?
A. Tama dahil wala namang bantay na pulis na maaaring humuli sa kanya.
B. Tama para hindi kami mahuli sa kasal na dadaluhan.
C. Mali dahil may bantay o wala dapat tayong sumunod sa batas trapiko.
D. Mali dahil dapat nakipag-unahan na lang siya sa mga sasakyan sa harap.

36. Nahuli nang gising si Rebecca dahil napuyat siya sa pagtapos ng kanyang
proyekto. Mayroon na lamang siyang labing limang minuto para hindi mahuli sa
unang klase. Dahil nagmamadali siya ay tumawid na siya sa kalsada dahil wala
nang sasakyang dumadaan kahit na pula pa ang ilaw. Ano ang hindi magandang
maidudulot ng kaniyang ginawa?
A. Makakatawid siya nang matiwasay dahil wala nang sasakyan.
B. Maari siyang madisgrasya dahil hindi siya sumunod sa batas trapiko.
C. Makakatawid siya agad at hindi mahuhuli sa klase.
D. Mahuhuli pa rin siya kahit magmadali siya sa pagtawid.

37. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa kalsada sa inyong


barangay. Napansin mo na ang inyong kapitbahay ay sa harap mismo ng kanilang
bahay nakatambak ang basura at palagi itong ginugulo ng mga aso kaya
kumakalat hanggang sa kalsada. Ano ang pinakamainam mong gawin?
A. Pagalitan at sigawan sa tuwing magtatapon sila ng basura.
B. Ipaalam agad ito sa inyong barangay para pagalitan.
C. Kausapin nang matiwasay at ipaliwanag ang ordinansa ukol ditto.
D. Isumbong sa iyong nanay at tatay para awayin sila.

38. Ano ang hindi magandang maidudulot kung walang ipatutupad na batas
tungkol sa pagbabawal sa mga mag-aaral na pumasok sa mga internet café sa
oras na dapat ay nasa loob sila ng paaralan at nag-aaral?
A. Malayang makakalabas pasok ang mga mag-aaral dito at hindi maganda ang
magiging epekto nito sa kanilang pag-aaral.
B. Matutuwa ang mga guro dahil mababawasan ang kanilang mga mag-aaral na
papasok sa paaralan.
C. Malulugi ang mga may ari ng internet café at mapipilitan silang ipasara ito.
D. Matutuwa ang mga magulang dahil mas matututo pang maglaro ng computer
ang kanilang mga anak.

39. Alam mong bawal ang magbenta ng bawal na gamot dahil may katumbas itong
kaparusahan kapag nahuli. May nag-alok saiyong magbenta nito kapalit ang
isang libong piso bawat paketeng iyong maibibenta. Nangangailangan ang iyong
pamilya ng pera para sa gamot ng nanay mo. Ano ang gagawin mo?
A. Tatanggapin ang alok dahil isang beses mo lang naman ito gagawin.
B. Tatanggihan ang alok at gagawa na lang ng ibang paraan.
C. Pag-iisipan kung padadagdagan ang bayad sa pagbebenta.
D. Tanggihan kunyari ang alok pero tanggapin itong muli kung wala nang
nakakita.

40. Ipinagbabawal na sa inyong barangay ang pagbibenta ng sigarilyo dahil


nakasasama ito sa kalusugan. Subalit sa mga paninda sa inyong sari-sari store
ang pagbibenta nito ang may pinakamalaking tutubuin kaya nagpatuloy pa rin
ang nanay mo sa pagbibenta nito nang patago. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Hayaan na ang nanay mo pagbibenta nito para madagdagan ang iyong baon.

Page 6 of 8
B. Makiusap sa iyong nanay na itigil na ang pagbibenta dahil baka siya ay
mahuli.
C. Isumbong sa barangay ang iyong nanay para tumigil na ito sa pagbibenta nito.
D. Huwag na lang makialam sa desisyon ng iyong nanay dahil matanda na ito.

41. Naglunsad ng programa ang inyong barangay tungkol sa pagbabawal sa mga


kabataan na tumambay sa lansangan mula ika 10:00 ng gabi hanggang ika 4:00
ng umaga. Paano mo maipakikita ang pagsuporta mo dito?
A. Tumulong sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol dito.
B. Ipagwalang bahala lang ito dahil trabaho ito ng barangay.
C. Batikusin ang barangay dahil magandang tumambay sa labas pag gabi.
D. Hikayatin ang mga kabataan para mag-kaisa na ipatigil ito sa barangay.

42. Nakita mo sa lansangan ang aso na dating alaga ng inyong kapitbahay. Payat
na payat na ito at halos hindi makalakad. Halatang hindi na ito naaalagaan. Ano
ang nararapat mong gawin bilang pagsuporta sa ordinansa sa inyong barangay
tungkol sa pananakit/pagpapabaya sa mga alagang hayop?
A. Hatiran ito ng pagkain araw-araw dahil kawawa naman.
B. Ireport ito sa barangay para mabigyan ng kaukulang aksyon.
C. Magkibit balikat na lamang dahil hindi mo naman ito alaga.
D. Pagalitan ang kapitbahay niyong dating nag-aalaga dito.

43. May naligaw na unggoy sa inyong bakuran. Gusto itong talian at gawing alaga
ng iyong kuya ngunit alam mo na ipinagbabawal ito. Ano ang maaari mong gawin
para magkaroon ng bahagi sa kampanya ng ating pamahalaan laban sa mga
lumalabag sa batas sa proteksyon sa mga maiilap na hayop at ang kanilang
tirahan?
A. Sumangayon sa kagustuhan ng iyong kuya dahil gusto mo rin ito.
B. Kumbinsihin ang mga magulang na gawin itong alaga sa bahay.
C. Ipaunawa sa kuya mo ang tungkol sa batas proteksyon sa mga maiilap na
hayop
D. Huwag na lang kumibo at hintayin na lang kung malalaman ito ng
kinauukulan.

44. Si Jess ay 15 taong gulang pa lamang. Kinukumbinsi siya ng kanyang mga


bagong kaibigan na manigarilyo para isama siya sa kanilang grupo. Dapat ba
silang sundin ni Jess?
A. Opo, dahil mas makabubuti para sa kanya may kinabibilangan siyang grupo.
B. Opo, dahil makabubuti para sa kanyang kalusugan ang paninigarilyo.
C. Hindi po, dahil ang paninigarilyo ay nakasasama sa ating kalusugan.
D. Maaari dahil dapat lang na sumunod muna siya sa patakaran bago isali sa
grupo.

45. Isinasaad sa Batas Pambansa 702 ang pagbabawal ng hindi pagtanggap o


pagtanggi ng mga tagapamahala ng mga ospital na lapatan ng paunang lunas ang
mga pasyente higit lalo kung ito ay emergency kung hindi sila makapagbibigay
ng paunang bayad. Sa papaanong paraan nabibigyan ng proteksyon ng batas na
ito ang kapakanan ng mga mamamayan?
A. Maiiwasan ang pagtanggi ng mga ospital sa mga pasyenteng walang sapat na
pera para makapagpagamot.
B. Makapipili ng ospital na gusto nila ang mga tao sa panahon ng emergency.
C. Makapipili ng pasyente ang mga ospital ng mga pasyenteng gusto nilang
gamutin.
D. Makakalibre na sa bayarin ang mga mamamayan sa pagpapagamot.

Page 7 of 8
II. Sa isang maikling talata ipaliwanag kung papaano makatutulong ang isang
batang katulad mo sa pagpapanatili ng kapayapaan sa ating bansa.
(5 puntos)

Page 8 of 8

You might also like