You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
BAYABAS DISTRICT

DIAGNOSTIC TEST IN ESP 5


S.Y. 2022-2023

Panuto: Basahin at intindihing mabuti. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Naipakikita mo ang pagiging matapat sa pag-aaral kung _____


A. kinokopya mo lang ang sagot sa gawa ng iba
B. ipinagagawa mo ang lahat sa mga kapatid
C. nagsisikap kang matuto kahit nahihirapan
D. hinahayaan na lamang na hindi mag-aral

2. Kung nakagawa ka ng kasalanan subalit alam mong maparurusahan ka, pipiliin mong_____ .
A. magsinungaling na lang C. manahimik at itago ito
B. isumbong ang ibang tao D. umamin at humingi ng tawad

3. Misyon ng tao ang marunong makiisa sa pangkatang gawain. Alin dito ang
hindi totoo sa pahayag?
A. ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang sariling
kagustuhan
B. ang pagiging aktibong sumasali sa pangkatang gawain
C. ang nais makamit ang agad na tagumpay
D. ang pagpapakita at pagtulong sa pangkatang gawain

4. Ang inyong barangay ay naghahanap ng mga taong pwedeng tumulong sa programa nila na namimigay
ng pagkain sa mga liblib na lugar. Anong katangian ang dapat mayroon ka upang ikaw ay mapili bilang tao
na pwedeng tumulong sa kanila?
A. mapagmalasakit
B. mapang-api
C. makulit
D. mahilig manakit
5. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan sa pagdamay sa kapwa maliban sa isa.
A. Tinulungan mong magbungkal ng lupa ang isa mong kamag-aral sa paghahalamanan dahil hindi
niya alam kung paano ito ginagawa.
B. Nakita mong itinulak ng kamag-aral ninyo ang nakababata mong kapatid habang hindi nakatingin
ang kanilang guro. Ipinaalam mo sa guro ang nakita mo.
C. Pinagsabihan mo ang kaibigan mong nakikipagtalo sa kapwa niyang kamag-aral.
D. Tumanggi kang tumulong sa pinsan mong nakikipag away.
6. Sabado ng umaga.  Maagang namalengke ang nanay mo.  Marumi ang mesa at may mga hugasing plato sa
lababo.
A. Hindi ka maglilinis o maghuhugas ng kahit ano.
B. Lilinisin mo ang mesa at iiwan ang mga plato sa lababo.
C. Lilinisin mo ang mesa at huhugasan ang mga plato sa lababo
D. Tatawagan mo sa telepono ang iyong kaibigan.  Makikipagkuwentuhan sa kaniya habang
hinihintay mong dumating ang nanay mo at hayaang siya ang maghugas ng plato.

7. Sa pagbabasa mo tungkol sa mga napapanahong isyu, may nabasa kang bagong salita na hindi
mo naintindihan. Ano ang gagawin mo para malaman ang kahulugang salita at mapaunlad ang
iyong kaalaman?
A. Ipagsasawalang bahala
B. Tatawagan ang iyong kamag-aral
c. Hahanapin sa diksiyonaryo ang kahulugan nito
d. Hihintayin ang mga magulang para magtanong

8. Ipinagyayabang ang natatanging kakayahan mo sa iba ninyong kaibigan. Ano ang mararamdaman
mo?
A. Masaya
B. mabait
C. malupit
D. masungit

9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kanais-nais na kaugaliang Pilipino?


A. Mapagkalinga
B. Masipag
C. Magalang
D. Mapanghusga
10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagsasaad ng kaligtasan sa sunog?
A. Huwag paglaruan ang posporo at lighter.
B. Maging alerto sa mga amoy at usok sa bahay.
C. Idispley ang emergency number na maaring tawagan.
D. Ilagay ang mga nakakasunog na gamit sa harapan nang mapaglaruan ng mga bata.

11. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapuwa?


A. Pag- unawa sa mga pagkakamali ng kapwa
B. Pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan
C. Ipaalam sa inyong guro upang siya ang kumausap sa inyong kaibigan
D . Sabihin ito sa kaniyang magulang upang sila ang tumulong sa kaniya
12. Alam ng magkakaibigan na may kabagalan at kahinaan ang mga mag-aaral sa SPED. Paano nila
ipinaabot ang kanilang pagtulong?
A. Pinabayaan at umalis na lang sila.
B. Pinapagalitan nila dahil mahirap makaintindi.
C. Pinagsigawan at tinawag na mga bobo.
D. Pinapasensyahan nila ang kalagayan ng mga mag-aaral.

13. Ano ang layunin ng outreach program?


A. Magyabang sa mga tao.
B. Para makapaglakwatsa.
C. Upang magpaabot ng tulong sa mga nangangailangan.
D. Upang mabigyan ng mataas na marka ng kanilang guro.

14. Paano ipinakita ang pagtulong at pagmamahal sa kapwa?


A. Dahil ito ay inutos ng kanilang guro.
B. Ginawa ng parang napilitan lang.
C. Upang ito ay kanilang ipagyayabang.
D. May kasiyahan at bukal sa kanilang kalooban.

15. Nalaman mong maysakit ang isa sa mga kaklase mo. Ano ang iyong gagawin?
A. Pababayaan ko lang siya.
B. Dadalawin ko siya at sabihang magpagaling.
C. Matutuwa ako para lumiit ang grado niya sa klase.
D. Wala akong pakialam sa kalagayan niya.

Prepared by:

IVY MAE T. QUIJADA


Teacher I
DIAGNOSTIC TEST
Subject and Year Level: ESP 5
TABLE OF SPECIFICATIONS
LEVEL OF ASSESSMENT
KNOWLEDGE PROCESS UNDERSTANDING

UNDERSTANDING
REMEMBERING APPLYING
ANALYZING EVALUATING CREATING
Time Percent No. TYPES
COMPETENCIES CONTENT Spent of of OF
(hrs/ Class Items TEST
mins. time

50% 30% 20%


ITEM PLACEMENT
1. .Nakapagpapkita ng matapat na paggawa sa mga 2 1,2 Multiple
proyektong pampaaralan. EsP5PKP-Le-30 Choice

2. Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa 4


pagtapos ng gawain. EsP5PKP-If-32 2 3

3. Nakapagbibigay-alam sa kinauukulan tungkol sa 2 11 5


kaguluhan, at iba pa (pagmamalasakit sa kapwa na
sinasaktan / kinukutya / binubully EsP5P – IIb – 23
4. Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng 1 6
pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran
5. Nakapagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa 3 7 14 8
kabutihan ng kapwa
6. Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang 2 13 9
Pilipino 1.1. nakikisama sa kapwa Pilipino EsP5PPP –
IIIa – 23
7. Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay 1 10
ng kayang tulong para sa nangangailangan 1.1.
biktima ng kalamidad 1.2. pagbibigay ng
babala/impormasyon kung may bagyo, baha, sunog,
lindol, at iba pa EsP5P – IIa –22

8. Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa 1 12


pagtatapos ng Gawain EsP5PKP – If - 32
9. Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa 1 15
kapwa tulad ng: 1.1. pagsasaalang-alang sa
kapakanan ng kapwa at sa kinabibilangang
pamayanan
KABUUAN 15 4 1 6 2 1 1
ESP 5
DIAGNOSTIC TEST 2021-2022

SUSI SA PAGWAWASTO

1. C
2. D
3. D
4. A
5. D
6. C
7. C
8. A
9. D
10. D
11. B
12. D
13. C
14. D
15. B

You might also like