You are on page 1of 7

Schools Division Office

School District VII


PAYATAS B ELEMENTARY SCHOOL
Quezon City, 2nd District, Metro Manila

Petsa: June 10, 2019 Araw: Lunes


Seksyon: Quartz Oras: 12:50 – 1:30
Citrine 2:20 – 3:00
HEALTH:
Yunit I KALUSUGANG PANSARILI
Aralin 1: Kalusugang Pansarili( Kalusugang Mental, Emosyonal at Sosyal)
Batayang Kasanayan
a. Malaman ang konsepto ng kalusugan
b. Nailalarawan ang katangian ng taong may kalusugang mental, emosyonal at sosyal
Karagdagang Kaalaman para sa Guro
Ang kalusugan ay ang isang estado ng pagiging masigla ang isip, katawan, at pakikitungo sa iba.
Hindi ito simpleng kawalan lamang ng sakit, kapansanan, o iba pang karamdaman.
Ang kalusugan ay isa ring karapatan ng bawat tao sa buong mundo. Dapat tayong makipagtulungan
upang maatim ang isang estado na magpapahintulot sa katuparan ng kahulugan ng kalusugan na ating
nabanggit.
Pang-huli, ang kalusugan ay isang responsibilidad ng bawat isa sa sarili at sa kapwa. Pangalagaan
ang iyong kalusugan para sa kapakanan mo at ng iyong pamilya.

Ang ating kalusugan ay isang mahalagang salik na nakakaapekto sa ating mga pang-araw-araw
na gawain at kasiyahan sa ating buhay.Ang mabuting kalusugan ay hindi lamang sa pisikal
pinagbabasehan kundi pati na rin sa kung paano natin nararamdaman ang ating sarili at kung paano
natin masosolusyunan ang mga suliranin na may kinalaman sa pakikitungo natin sa ating kapwa. Sa
madaling salita, ang mental, emosyonal at sosyal na kalakasan ay dahilan na makaiimpluwensya sa
pangkalahatang kalusugan ng isang tao.

Mga katangian ng isang indibidwal na may kalusugang mental,emosyonal at sosyal


May positibong pananaw sa buhay
Masayahin
May pananalig sa Diyos
Marunong manimbang sa paggawa ng desisyon
May tiwala sa sarili
Nakapaglilibang
May pagpapahalaga sa trabaho
Nakikisalamuha sa kapwa
May positibong pagtanggap sa puna ng kapwa
Pagpapahalaga sasarili at pagkamaalam sa sarili
Diyeta at ehersisyo
May magandang relasyon sa pamilya, mga kaibigan at mga kasamahan sa trabaho
Maayosna pananalapi
Pakikisangkot sa komunidad
Paano mo pinamamahalaan ang stress
Paano mo ipinahihiwatig ang iyong nararamdaman

Pamamaraan

A. Pag-usapanNatin
1. Ipaskil sa pisara ang larawan ng taong masaya at malungkot.

2. Itanong ang mga sumusunod pagkatapos ng pagsusuri:


a. Ilarawan ang bata sa unang larawan: sa ikalawang larawan
b. Sa iyong palagay bakit masaya ang bata sa unang larawan?
c. Bakit malungkot ang bata sa ikalawang larawan?

B. Pag-aralan Natin
1. Gamitin ang larawan sa pagtalakay ng mga katangiang taglay ng taong may kalusugang
mental (mentally healthy), kalusugang emosyonal (emotionally healthy) at kalusugang sosyal
(socially healthy)

May tiwala ako sa sarili!


Disiplinado ako!

2. Basahin ang aralin at magkaroon ng talakayan gamit ang mga impormasyon na nakasaad sa
Karagdagang Kaalaman Para sa Guro.

C. Pagsikapan Natin
Sagutan ang pagsasanay
Sagutin Mo Ako!
Tukuyin kung ang mga pangungusap sa ibaba ay nagsasaad ng kalusugang mental, kalusugang
emosyonal at kalusugang sosyal. Isulat ang sagot sa patlang.
____________________1. Si Nelia ay hindi sumusuko sa mga pagsubok na dumadating sa kanyang
buhay. Siya ay may positibong pananaw sa buhay.
____________________2. Si Darwin ay mahilig umawit. Ipinapakita niya ito sa pamamamagitan ng
pagsali sa mga patimpalak.
___________________3. Isang masayahing bata si Red kaya naman marami siyang kaibigan.
____________________4. Maraming proyektong ipinapatupad sa aming baraanggay. Nais kong makiisa
upang madagdagan ang aking kaalaman at mapaunlad ang aking kakayahan.
____________________5. Tinanggap ni Roel ng maluwag sa kalooban ang mga payong ibinigay sa
kanya ng kaniyang guro.

D. Pagyamanin Natin
Pangkatang Gawain:
Unang Pangkat – Dula - dulaan: Ipapakita ang taong may Kalusugang Mental/Pang-kaisipan
Ikalawang Pangkat – Susulat ng Liham: Isusulat ang nararamdaman ng isang taong may
Kalusugang Pandam damin/Emosyon
Ikatlong Pangkat – Dula - dulaan: Ipapakita kung paano makisalamuha sa kapwa ang taong
may Kalusugang Sosyal
Ikaapat na Pangkat - Tula: ilarawan sa pamamagitan ng tula ang mga nagagawa ng isang taong
may malusog na kaisipan, emosyonal at sosyal.

E. Pagnilayan Natin
Pagsagot sa mga katanungan.
Ulat Pangkalusugan
Sagutin ng buong husay ang mga tanong sa ibaba. Isulat sa patlang ang sagot.
1. Bukod sa pisikal na aspeto, ano-ano pa ang mga katangian ng isang tao na may malusog na
pamumuhay?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Bilang mag-aaral, paano mo mailalarawan ang isang taong nagtataglay ng kalusugang sosyal?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Magtala sa ibaba ng 3 katangian ng taong may kalusugang:

Mental Emosyonal Sosyal

F. TakdangAralin
Magtala ng limang (5) paraan upang mapanatili ang iyong mental at emosyonal na kalusugan
July 4,2018
Wednesday
HEALTH:
Aralin 2: Kalusugan Mo, Paunlarin Mo!
BatayangKasanayan
a. Natutukoy ang mga paraan sa pagpapaunlad at pangangalaga ng kalusugang pangkaisipan o
mental,emosyonal at sosyal

KaragdagangKaalamanparasaGuro
Mahalagang malaman natin ang mga paraan sa pagpapanatili at pangangalaga sa ating kalusugan. Ito ay
hindi lamang sa pisikal makikita kundi pati na rin sa ating kaisipan at pandamdaming ayun din sa ating
pakikitungo sa kapwa. Kung ang katawan ay may posibilidad namang hina dulot ng pagod sa pang araw-araw na
pamumuhay, gayun din ang isipan at damadamin. Dapat din nating bigyang halaga ang kalusugan ng ating pag-
iisip. Madalas tayong magtungo sa doktor para sa mga pisikal na hinaing tulad ng sakit, lagnat, at iba pa.
Kalimitan lamang tayong humihingi ng tulong propesyunal para sa nararamdamang depresyon, lungkot, o
pagod. Minsan ay hindi natin batid na ang ating pag-iisip, emosyon, at ugali ay nakaaapekto sa ating pagkatao.
Araw-araw tayo ay nahaharap sa mga suliranin, at kadalasa’y tumutugon tayo sa mga suliraning ito sa
pamamagitan ng galit o nararamdaman, hindi batid na ang mga tugong ito ay nakaaapekto sa ating pag-iisip.
Bukod dito isa pang mahalagang batayan sa ating kalusugan ay ang ating emosyon o damdamin. Habang ikaw ay
tumatanda, iyong makikita na ang kalusugan ay naaapektuhan ng maraming mga bagay. Tulad ng iyong mga
kinakain, pag-eehersisyo, ang pagtanggap saiyong ibang tao at ang pakikitungo mo saiyong kapwa at higit sa
lahat ang mga emosyon na nararamdaman mo at kung papaano mo ito ipinapahiwatig ay napakahalaga.

Pamamaraan
A. Pag-usapan Natin
1. Ipakita ang larawan sa LM.
2. Pag-usapan ang mga larawan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa LM.

B. Pag-aralan Natin
1. Basahin ang usapan/dayalogo sa LM.
2. Pumiling 3 mag-aaral na babasa sa harap ng klase.
3. Maaaring ulitin ang pagbasa ng naaayon sa pasya ng guro para sa madaling pagkaunawa ng mga mag-aaral.
4. Pag-usapan at talakayin ang usapan/dayalogo gamit ang mga tanong sa LM.
5. Magkaroon ng talakayan gamit ang mga impormasyong nakasulat sa LM.

C. Pagsikapan Natin.
1. Basahin ang talata sa LM.
2. Sagutin ang tanong sa LM batay sa pagkaunawa sa binasang talata.

D. Pagyamanin Natin
1. Pangkatin ang klase sa 3.
2. Magsagawa ng Role Playing na ipinapakita an gmga sumusunod na sitwasyon:
a. Sitwasyon 1 –Malusog ang Aking Kaisipan!
b. Sitwasyon 2 – Pamilya Ko-Mahal Ako!
c. Sitwasyon 3 – Ikaw, Ako, Tayo ay Magmahalan…….

Rubrics:
10- Naipakita ng maayos at malinaw ang dula-dulaan batay sa panutong ibinigay ng guro.
8- Naipakita ng maayos ang dula-dulaan subalit hindi gaanong nakasunod sa panuto
6- Hindi gaanong maayos ang pagsasagawa ng dula-dulaan
4- Walang kaayusan ang pagsasadula
2- Hindi nakapagpakitang dula

E. Pagnilayan Natin
Saguatan sai sang buong papel ang mga tanong sa LM.
F. Takdang Aralin
Magpaskil sa kwaderno ng larawan ng iyong matalik na kaibigan. Sumulat ng limang pangungusap na
naglalarawan sa kanyang magagandang katangian.

Sanggunian: http://eskwelanaga.files.word.com
www.everydayhealth.com.ph
www.kalusugan.com.ph

You might also like