You are on page 1of 2

Schools Division Office

School District VII


PAYATAS B ELEMENTARY SCHOOL
Quezon City, 2nd District, Metro Manila

Petsa: Pebrero 20, 2019 Araw: Miyerkules


Baitang at Pangkat: V – Diego Silang Oras: 1:00-1:40PM (40 min)
COT 4
BANGHAY ARALIN SA SINING
MAPEH V
I. LAYUNIN
a. Naipapamalas ang kakayahang pansining sa paggawa ng paper bead
b. Naiuugnay ang sining sa kabuhayan.
c. Nakakasunod sa panuto at makakagawa ng anyong sining na maaring gawing
pangkabuhayan.

II. PAKSANG ARALIN

a) Ang Sining at Kabuhayan – Paggawa ng mga Paper Bead (A5PR-IVh)


b) Kagamitan: laptop, tv, kagamitang pansining
c) Sanggunian: curriculum guide, LM at internet
DIY: Paper Bead Bracelets!
https://www.youtube.com/watch?v=vHEsLPXQvvk&t=160s
Paper Crafts: Three Layer Paper Bead Necklace | DIY Paper Jewelry
https://www.youtube.com/watch?v=P_2-JoXu6ko

Integrasyon sa mga asignaturang ARALING PANLIPUNAN at EPP

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pinoy Henyo – Pumili ng 2 miyembro nang bawat pangkat upang makilahok sa
palaro. Ang unang may pinakamabilis na oras ang grupo na mananalo.

B. Panlinang na Gawain
2. Paglalahad
 Pagpapaliwanag tungkol sa mga salitang pinakita na may kaugnay sa
aralin.
 Pagbibigay impormasyon tungkol sa mga palamuti noon at ngayon
 Pagpapanood ng mga maiikling video ng mga paraan ng tamang
paggawa ng mga paper bead

3. Pangkatang Gawain

 Bawat pangkat ay bibigyan ng iba’t ibang gawain na naipapamalas


ang paglikha ng paper bead
o Pangkat 1 – Kwintas
o Pangkat 2 – Porselas
o Pangkat 3 – ID Lace
o Pangkat 4 – Kurtina
o Pangkat 5 – Hikaw
RUBRIK PARA SA PAPER BEAD

BATAYAN
10 5 2
Nakakasunod Nakakasunod Hindi
MGA SUKATAN sa pamantayan sa pamantayan nakakasunod sa
nang higit sa subalit may pamantayan
inaasahan ilang
pagkukulang

1. Nakakagawa ng
disensyo ayon sa
pinag-aralan
2. Naipapakita ang
pagkamalikhain sa
paggawa ng likhang
sining
3. Naisasagawa nang
buong husay at
malinis ang
ginawang mga
paper bead
4. Naibabahagi ang
sariling likha sa
kapangkat

4. Pagpapalalim ng Pang-unawa
Maaring bang gawing pagnenegosyo ang mga ito? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat
Sa pamamagitan ng paggawa ng paper bead hindi lang tayo maaring
kumita kung hindi makakatulong pa tayo sa ating kalikasan sa pagbawas
ng basura sa pamamagitan ng recycling.

2. Repleksiyon
Para sa iyo, gagawin mo ba ulit ito? Bakit at para kanino?

IV. PAGTATAYA (Performance Based Assessment)

Ang pag-iiskor ay nakabase sa rubriks.

V. KASUNDUAN

Sa pagkakataong hindi natapos ang paggawa, ito ay maaring tapusin sa kanilang mga
tahanan.

Inihanda ni:

MANDY L. ALMEDA (02/20/2019)

_____________________ _____________________ _____________________


Observer 1 Observer 2 Observer 3

You might also like