You are on page 1of 13

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Asignatura: MAPEH (ARTS ) Baitang: 5 Markahan: 2 Linggo : 2 at 3

MELC: *Naipaliliwanag ang iba’t ibang istilo ng mga tanyag na pintor sa pagpipinta ng mga
landscape sa kani-kanilang mga probinsya o pamayanan. ( e.g., Fabian dela Rosa,
Fernando Amorsolo, Carlos Francisco, Vicente Manansala, Jose Blanco, Victorio Edades,
Juan Arellano, Prudencio Lamarroza, and Manuel Baldemor)

* Makapaglalahad gamit ang PowerPoint sa mga likhang-sining ng mga tanyag na


pintor sa Pilipinas at mailalarawan ang kaibahan ng kanilang mga natatanging likha.
Competency Code: A5EL-IIc & A5PL-IId

Pangalan: ______________________Pangkat: ______________ Petsa: ________________

Paaralan: _________________________________ Distrito:_____________________

A. Pagbasa/Talakayan

philippinecultures.blogspot.com

Ang uri ng heograpiya mayroon ang Pilipinas ay nakatulong ng malaki sa kabuhayan


ng ating mga sinaunang Pilipino. Ang uri ng pamumuhay ay depende sa lugar at lipunan na
kanyang kinabibilangan at dahil sa nabiyayaan tayo na sagana sa mga likas na yaman,
karamihan sa atin ay mga magsasaka. Payak at masagana ang uri ng kanilang
pamumuhay.

Ang larawan sa itaas ay isang likhang-sining sa pagpipinta. May ilan sa mga Pilipino
ang namayagpag sa larangang ito at naging kilala sa buong mundo.

Ang mga magagandang tanawin at mga likas na yaman na ating makikita ang siyang
naging inspirasyon ng karamihan sa ating mga Pilipino sa pagiging kilala sa larangan ng
Sining sa Pagpipinta. Sa araling ito, makikilala natin ang ilan sa mga taong naging tanyag
sa pagpipinta gamit ang sariling istilo at pamayanan bilang paksa.
Ang Pagpipinta

Ang pagpipinta ay isang visual art kung saan ang mga ideya at ang mga
damdamin ay ipinapahayag sa pamamagitan ng iba’t ibang media at mga istilo. Ito ay
isang kasanayan ng pagpapahid ng pintura, pigmento, kulay o iba pang gamit pangguhit
sa pang-ibabaw na katulad ng mga dingding, papel, kambas, kahoy o salamin at iba pa.
Ang gamit pangguhit na kadalasang inilalagay sa base ay brush at iba pa, gaya ng
kutsilyo, espongha at airbrushes.

“Mga Obra ni Fernando Amorsolo”

Philippinecultures.blogspot.com pensievemindniche.wordpress.com

Ang mga larawan sa itaas ay ilan sa mga obra ni


Fernando Cueto Amorsolo. Siya ay ipinanganak noong
ika-30 ng Mayo, 1892. Siya ay isa sa pinakakilalang
Pilipinong pintor, tinagurian si Amorsolo bilang unang
Pambansang Alagad ng Sining sa Pilipinas. Siya ay
pintor ng mga larawan ng mga tao at tanawing pambaryo
sa bansa. Kilala siya sa kanyang pagiging malikhain at
pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag sa aspeto ng
sining. Gumamit si Amorsolo ng likas na liwanag para sa
kaniyang mga ipinintang larawan at pinaunlad ang
paggamit ng pamamaraang pagpapakalat ng liwanag
mula sa tanawing-panlikuran (ang pamamaraang likod-bigay-liwanag o backlighting
technique), na naging tatak niyang pansining at pinakanatatanging handog sa larangan ng
pagpipinta sa Pilipinas. Sa isang karaniwang larawang ginawa ni Amorsolo, ang mga hubog
ay nakabalangkas na napaliligiran ng makikilalang maaliwalas na pangingintab, at ng
matinding liwanag sa isang bahagi ng mga pamukaw-pansin ng kambas na malapit sa mga
detalye. Palagiang kasangkapan sa mga gawa ni Amorsolo ang sinag ng araw sa Pilipinas;
pinaniniwalaang iisa lamang ang ipininta niyang may pangyayaring umuulan.

“Mga Obra ni Carlos V. Francisco”

www.mutualart.com noypicollections.blogspot.com
Si Carlos V. Francisco ay isinilang sa Angono,
Rizal noong ika-4 ng Nobyembre, 1913 at yumao noong
1969. Nagsimulang magtrabaho bilang lay-out artist at
ilustrador sa Philippine Herald at Manila Tribune si
Botong.Kabilang siya sa unang hanay ng mga guro sa
bagong tatag noong UST School of Architecture and Fine
Arts. Si Botong ay isa sa mga modernistang pintor na
lumihis ng landas sa itinakdang kumbensyon ng
pagpipinta ni Amorsolo at nagpasok ng mga sariwang
imahen, sagisag, at idyoma sa pagpipinta.

Ang mga obra niya ay nagtampok ng mga makabagong imahe ng mga Pilipino, mula
sa kanilang mga kaugalian at pagdiriwang (Musikong Bumbong, Bayanihan, Piyesta,
Sandugo, at Moriones Unmasked) hanggang sa mga pangkaraniwang tanawin at gawain
sa kanilang paligid. Ngunit hindi tulad ni Amorsolo, ang mga likha ni Francisco ay higit na
nagtampok ng disenyo at ritmo, makabagong idyoma sa pamamagitan ng matitingkad na
kulay ng karaniwang tao at pakurbadang linyang nagpapanagpo at pumupuno sa bawat
espasyo.

Bilang isang mahusay na muralist, ang dingding ng mga kilalang institusyon ay


nagsilbing malaking kambas para sa sining ni Francisco. Maituturing na pangunahing obra
ni Francisco ay ang myural para sa Bulwagang Katipunan ng Maynila mula sa panahon ng
mga Raha hanggang sa panahon ng mga Amerikano.

“Mga Obra ni Fabian C. de la Rosa”

artesdelasfilipinas.com artesdelasfilipinas.com

Fabian Cueto de la Rosa (5 Mayo 1869 – 14


Disyembre 1937) ay ang pintor na tiyuhin at guro ng
bantog na tagapagpinta ng Pilipinas na si Fernando
Amorsolo. Isinilang si Fabian de la Rosa sa Paco,
Maynila bilang pangalawang anak nina Marcos de la
Rosa at Gregoria Cueto. Napangasawa niya si Gorgonia
Tolentino.

Matapos maglakbay sa Europa, napabilang siya sa


mga unang naging guro sa Paaralan ng Pinong Sining sa Pamantasan ng Pilipinas, kung
saan ipinakilala niya sa mga estudyante ang madekorasyong anyo ng pagpipinta. Naging
ganap na direktor si de la Rosa ng nasabing paaralan mula 1927 hanggang 1937.
Sinasabing nakapagpinta si de la Rosa ng may 1,000 mga gawa noong nabubuhay pa.
Hinati ni Aurelio S. Alvero ang mga gawa ni de la Rosa sa tatlong kapanahunan: sa mga
gawang maka-akademiko ngunit walang pagpapahalaga sa atmospera (kapaligiran), sa
mga hugis na maka-akademiko na nagkaroon ng pagpapahalaga sa kapaligirang
nararamdaman, at sa mga kathang may paglalaro sa paggamit ng mga kulay.
Sa unang kapanahunan kabilang ang dalawa niyang akda na napagkalooban ng
mga gantimpala sa isang eksposisyon sa Estados Unidos noong 1904. Ito
ang Transplanting Rice (Paglilipat-tanim ng Palay) at ang The Death of General
Lawton (Ang Kamatayan ni Heneral Lawton).

“Mga Obra ni Victorio Edades”

mutualart.com artnet.com

Kinilalang Pambansang Alagad ng Sining sa


Pintura si Victorio Edades noong 1976. Tinagurian
siyang “Father of Modern Philippine Painting”
dahil sa pagpapakilala niya ng modernismo sa
larangan ng sining sa bansa.

Naging malaking impluwensiya kay Edades


ang kaguluhang pansining sa Estados Unidos at
Europa na pinangunahan nina Cezanne, Gauguin,
Renoir, Matisse, Picasso, Duchamp, at ng iba pang
surealista at dadaista. Makikita sa mga likhang
Edades ang mga sinirang hugis ng katawan ng tao,
magaspang at makapal na guhit at hagod, at
matingkad subalit madidilim na kulay.

Taong 1934 nang gumawa siya ng isang mural para sa lobby ng Capitol theater sa
Escolta. Pinamagatang The Rising Philippines ang naturang mural na kinomisyon ni Juan
Nakpil. Kinuha ni Edades si Carlos “Botong” Francisco bilang katuwang at ipinakilala naman
ni Francisco si Galo B. Ocampo. Kalaunan, ang tatlo ay kinilala bilang unang triumvirato ng
modernong sining sa Pilipinas at mga tagapasimuno sa pagpapasigla ng pinturang mural
sa bansa. Ang tatlo rin ang tumuligsa sa tinutukoy ni Edades na idealismo ng mga
konserbatibo at ayaw ng pagbabago. Ang tunggaliang konserbatibo-modernista ay tumagal
hanggang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sina Edades, Ocampo at Diosdado Lorenzo
ay nagtayo ng Atelier of Modern Art noong 1937. Nagbigay ng mga pagsasanay ang Atelier
na siya ring nagluwal ng thirteen Moderns. Lalong pinatibay ang modernismo sa larangan
ng sining sa pagkakatatag ng Art Association of the Philippines (AAP) noong 1948 at
Philippine Art Gallery (PAG) noong 1951.
“Mga Obra ni Vicente S. Manansala”

spot.ph leonexchange.com

Si Vicente S. Manansala (22 Enero


1910-1981) ay kilalang modernong Pilipinong pintor.
Noong 1981, itinuring siyang isa sa mga Pambansang
Alagad ng Sining (postumo). Siya ay itinuturing na
nagsimula sa istilong Kubismo sa bansa.
Siya ay tinaguriang “Master of the Human Figure”.
Gumamit ng sabay-sabay na elemento sa pagpipinta
na kung saan ay binigyan niya ng pansin ang mga
kultura sa iba’t ibang nayon sa bansa. Pinaunlad niya
ang kanyang husay sa pagpapakita ng transparent at
translucent technique na makikita sa kanyang obra.
Ang istilong Kubismo ay isang uri ng istilo sa
larangan ng pagpipinta na gumagamit ng mga hugis
na heometrikal, partikular na ang mga hugis na kubo.

“Mga Obra ni Jose V. Blanco”

mutualart.com artnet.com

Si Jose V. Blanco bilang isang Pilipinong pintor,


iniugnay ang pagkilala sa kanya sa sining at kultura na isang
halimbawa ng pamayanang Pilipino. Karaniwan sa kanyang
mga pinta o likha ay nagpapakita sa kultura ng Pilipinas,
kasaysayan at tradisyon na higit na maipagmamalaki ng mga
Pilipino. Realism o realismo ang istilo ng kanyang pagpipinta
kung saan ito ay nagpapakita ng mga makatotohanan na
larawan sa mga mayayamang kultura ng bansa.
“Mga Obra ni Prudencio Lamarroza”

pinterest.com artnet.com

Ang nagbibigay kaibahan sa mga obra ni Prudencio Villamor Lamarroza ay dahil


sa mas maliwanag ito at mga matitingkad na uri ng kulay na kanyang ginagamit, at ito ay
ang nagpapa-orihihal sa kanyang mga likha. Ang ganitong pagpipinta ay nakakapukaw ng
matindi sa mga damdamin ng makakakita.

Si Prudencio Villamor Lamarroza o mas kilala sa palayaw na “Amor” na kinuha


mula sa kanyang ikalawang apilyedo na Villamor ay ipinanganak noong ika-24 ng Hulyo,
1945 sa Tagudin, Ilocos Sur. Siya ang pinakabata sa limang magkakapatid. Siya ay
kakikitaan na ng husay at galing sa larangan ng sining simula pa noong pitong taong gulang
pa lamang siya. Ang tabing-ilog na malapit sa kanilang pook ang siyang naging tambayan
niya at inspirasyon sa kanyang pagpipinta. Ngunit ng mamatay ang kanyang ama, ito ang
naging dahilan kung bakit nalipat sila ng tirahan sa Makati kung saan doon siya nakatapos
ng kayang elementarya at highschool. Taong 1963, nag-enrol siya sa College of Fine Arts
sa Unibersidad ng Santo Tomas, at doon itinuon niya ang kanyang sarili sa disiplina at
mapagbuti ng husto ang kanyang pag-aaral at paghasa sa kanyang abilidad sa sining.

Marahil ay tinuligsa ang kanyang mga obra dahil sa kalabisan o kaibahan ng


pagkukulay niya sa kanyang mga pinta, ngunit hindi siya nagpatinag at nagpadikta sa
sinumang tao na mahusay din sa sining na ito bagkus ay mas pinahusay pa niya ang
kanyang pagpipinta at ito ay nag-iwan ng bakas at nagpatanyag sa kanyang mga obra ang
sarili niyang istilo at paraan ng pagpapahayag sa kanyang mga likhang-sining.

“Mga Obra ni Juan Arellano”

askart.com salcedoauctions.com
Si Juan Marcos Arellano y de Guzman (Abril
25,1888- Disyembre 5,1960) o Juan M. Arellano, ay
isang Pilipinong arkitekto, na kilala dahil sa mga
sumusunod na gusali sa Maynila: ang Tanghalang
Pangkalakhan ng Maynila (1935), Lagislative Building
(1926) (na bumabahay ngayon sa Pambansang Museo
ng Pilipinas), Gusaling Pang-koreo ng Maynila (1926),at
Tulay Jones.

Siya ay ang isa sa pinakamahusay na arkitekto sa


kasaysayan ng Pilipinas. Marami sa kaniyang mga gusaling nananatiling nakatayo ang
itinuturing na dakilang sagisag ng arkitektura at sining na Filipino. Kilala siya sa paggamit
ng istilong Neoklasiko at Art Deco sa kaniyang mga obra.
Isinilang siya noong ika-25 ng Abril, 1888 sa Tondo, Maynila kina Luis C. Arellano
at Bartola de Guzman. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila. Una niyang hilig ang
pagpipinta, at nagsanay siya sa ilalim nina Lorenzo Guerrero, Toribio Antillon, at Fabian de
la Rosa. Pinili niyang hasain ang talino sa ibang uri ng sining at ipinadala sa Estados Unidos
bilang isa sa mga unang pensiyonado sa larangan ng arkitektura. Noong 1911, pumasok
siya sa Pennsylvania Academy of the Fine Arts bago lumipat sa Drexel Institute upang
tapusin ang kaniyang digri. Nagtrabaho muna siya sa Lungsod ng New York bago umuwi
sa Pilipinas. Nanungkulan siya bilang supervising architect ng Kawanihan ng Pagawaing
Bayan kasama si Tomas Mapua. Bukod sa mga proyektong nakalista sa itaas, lumikha siya
at si Harry Frost ng disenyo para sa Lungsod Quezon, na siyang magiging bagong kabisera
ng bansa. Nagkaroon siya ng isang anak sa asawang si Naty Ocampo. Ilang taon bago
pumanaw, bumalik siya sa pagpipinta at nagtanghal ng mga obra sa Manila YMCA.
Pumanaw siya noong ika-5 ng Disyembre, 1960.

“Mga Obra ni Manuel Baldemor”

invaluable.com pinterest.net

Kinikilala ang maraming Tomasino sa husay sa pagpipinta. Isa sa mga naging


matagumpay sa larangang ito ay si Manuel Baldemor na nagtapos ng kursong BFA in
Painting sa dating College of Architecture and Fine Arts noong 1968.Habang nag-aaral,
nagtrabaho siya bilang tagaguhit at tagapinta ng mga billboard ng pelikula na noon ay gawa
lamang sa kamay. Mula sa di-gaanong nakakariwasang pamilya, tubong-Paete Laguna,
natuto rin siya sa sining ng paglililok.
Naging isang de-kalibreng pintor ng bansa si Baldemor at nakapaglibot sa halos 50
mga bansa dahil sa kanyang mga eksibisyon at likhang-sining sa Korea, China, Israel,
Russia at Estados Unidos.

Isa rin siya sa orihinal na miyembro ng Saturday


Group, pangunahing grupo ng mga pintor dito sa bansa.
Ayon kay Baldemor, nahasa ang kanyang galing sa
pagpipinta dahil sa pagsali sa mga impormal na sesyon
ng grupo. Maliban sa pagiging pintor, si Baldemor ay isa
ring printmaker at graphic designer.

Ang La Fiesta en la Ciudad at La Misa de Gallo ay


mga kilalang likha ni Baldemor na ginamit sa mga
greeting cards ng United Nations International Children
Emergency Funds (Unicef) na ikinalat sa buong mundo
bilang pagbibigay-tulong sa mga batang hindi gaanong
nakakariwasa ang buhay.Isa pa sa ipinagmamalaking gawa ni Baldemor ay ang
Pasasalamat, isang pintang kinumisyon para sa himpilan ng United Nations sa Vienna.

B. Mga Pagsasanay

Pagsasanay 1

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang pinakaangkop na sagot sa bawat aytem. Isulat
ang titik sa patlang.

A. Fernando Amorsolo E. Prudencio Lamarroza

B. Juan M. Arellano F. Manuel Baldemor

C. Victorio Edades G. Vicente Manansala

H. Pagpipinta
D. Carlos “Botong” Francisco
I. Paglilimbag

__1. Ito ay isang kasanayan sa pagpapahid ng pintura gamit ang brush o iba pang gamit
pangguhit sa isang pang-ibabaw gaya ng dingding o kambas.

__2. Siya ay kinilala bilang kauna-unahang alagad ng sining sa kasaysayan ng


Pilipinas.Isang dalubhasang pintor ng mga larawan ng tao at larawan ng mga pang-araw-
araw na Gawain. Malaya niyang ginamitan ng maliliwanag at sari-saring mga kulay.
Karamihan sa kanyang mga ipininta ay nagpapakita ng kalikasan, ng mga luntiang bukirin,
ng maliwanang na sikat ng araw at mabagal na galaw ng buhay sa bukid.

__3. Tanyag na pintor na tinaguriang “Master of the Human Figure”. Gumamit ng sabay-
sabay na elemento sa pagpipinta na kung saan ay binigyan niya ng pansin ang mga
kultura sa iba’t ibang nayon sa bansa. Pinaunlad niya ang kanyang husay sa pagpapakita
ng transparent at translucent technique na makikita sa kanyang obra.

__4. Tinaguriang “The Poet of Angono”

__5. Siya ang tinaguriang “Father of Modern Philippine Painting”, ang kanyang istilo sa
pagpipinta ay taliwas sa istilo ni Amorsolo. Siya ay gumamit ng madilim at makulimlim na
kulay sa kanyang obra. Ang mga manggagawa ang ginamit niyang tema upang
mabigyang pansin ang mga sakrispisyo na dinaranas nito.

__6. Isang pintor na tinuligsa dahil sa kakaibang kulay na ginamit sa kanyang mga obra.
Gumagamit siya ng mga maliliwang na kulay na taliwas sa likas na kulay nito.

__7. Naging tanyag na pintor sa paggawa ng mga Greeting Cards lalo na sa kapaskuhan
ang ginamit sa United Nations bilang pagbibigay tulong sa mga di- nakakariwasang mga
kabataan.

__8. Siya naman ay kinikilala na isa sa pinakamagaling na arkitekto sa kasaysayan ng


Pilipinas.

Pagsasanay 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.

1. Sinu-sino ang mga tanyag na pintor sa Pilipinas?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Anu-ano ang ipinapakita ng bawat obra ng pagpipinta ng mga tanyag na pintor sa


bansa?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Bakit dapat nating pahalagahan ang kanilang mga likhang-sining?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4. Bilang batang tulad mo, paano mo maipapakita ang pagmamahal sa sarili mong bayan
o pamayanan?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

C. Pagtataya/Pagsusulit/Outputs (Sumangguni sa DepEd Order No. 31, s. 2020)

Panuto: Gumawa ng isang paglalahad gamit ang powerpoint ng mga iba’t ibang larawan o
obra ng mga tanyag na pintor sa Pilipinas.Ilarawan ang uri ng istilo na nagpaiba sa
kanilang mga gawa. Gawin ito gamit ang computer at ipasa sa email ng guro
(____________________) o messenger account(______________________________)

Paalala: Maaaring gumamit ng guro ng sariling rubriks sa pagbibigay ng puntos sa gawaing ito.

D. Karagdagang Gawain

A. Panuto: Mula sa mga tinalakay na mga uri o istilo ng pagpipinta ng mga tanyag na
pintor sa bansa. Pumili ng isang pintor at tingnang mabuti ang kanyang likha. Ilarawan ito
sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan na nasa loob ng kahon. Gamitin ang
mga gabay na tanong sa pagsagot na nasa ibaba. Gawin ito sa isang long bondpaper.

Paano?

Mga gabay na tanong sa pagsagot sa mga katanungan na nasa bawat hugis:

1. Sino? – Sino sa mga tanyag na pintor ang iyong nagustuhan? Pumili ng isa.

2. Alin? – Alin sa kanyang mga obra ang iyong napili? Maaring ilagay ang pamagat ng
pinta o ipaphotocopy ito at idikit sa naturang kahon.
3. Bakit? – Bakit mo ito nagustuhan?

4. Ano? – Ano sa tingin mo ang mensahe na nais iparating sa kanyang pinta o obra?

5. Paano? – Paano mo mapapangalagaan ang mga likas na yaman na nasa inyong


sariling pamayanan (natural o man-made)?

References:

Online Resources
Internet/google.com/ google images para sa mga larawan
Cite this article as: Edades, Victorio E.. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag
Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts.
Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/edades-victorio-
e/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Fernando_Amorsolo#Mga_estilo_at_pamamara
an
https://tl.m.wikipedia.org.
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18182312622
http://varsitarian.net/news/20081116/natatanging_pintor_ng_paete
http://www.artcircle-gallery.com/index.php/manuel-baldemor/

Inihanda ni: Iniwasto ni:

DOLORES B. BENOLIRAO MA. EMMA R. MIÑOZA


School MAPEH Coordinator – Teacher I

Sinuri ni:

NENITA G. JARALVE
EPS MAPEH
GABAY

Para sa Guro:
Masayang pagbati para sa paggamit nitong MAPEH (ARTS) 5 Self-Learning Home
Task (SLHT) o Gawain sa Sariling Pagkatuto sa * Explains that artists have different art
styles in painting landscapes or significant places in their respective provinces ( e.g., Fabian
dela Rosa, Fernando Amorsolo, Carlos Francisco, Vicente Manansala, Jose Blanco, Victorio
Edades, Juan Arellano, Prudencio Lamarroza, and Manuel Baldemor)
*Presents via powerpoint the artistry of famous Filipino artists in painting different
landscapes and is able to describe what makes each artist’s masterpiece unique from
others.
Bilang guro, higit kayong inaasahan na mangunguna sa paghikayat at paggabay sa ating
mga mag-aaral na gawin ang mga inihandang mga gawain ng SLHT na ito. Sa tulong po ninyo
ay matitiyak nating hindi mahuhuli ang ating mga Pilipinong mag-aaral sa hamon ng
globalisasyon.

Para sa Mag - aaral:


Malugod na pagbati at pagtanggap sa MAPEH (ARTS) 5 Self- Learning Home Task o
SLHT ukol sa * Explains that artists have different art styles in painting landscapes or
significant places in their respective provinces ( e.g., Fabian dela Rosa, Fernando Amorsolo,
Carlos Francisco, Vicente Manansala, Jose Blanco, Victorio Edades, Juan Arellano,
Prudencio Lamarroza, and Manuel Baldemor)
*Presents via powerpoint the artistry of famous Filipino artists in painting different
landscapes and is able to describe what makes each artist’s masterpiece unique from
others.
Ang SLHT na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangang mahubog ang
kaalaman at kakayahan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Kaya, pagbutihan ang sariling pag-aaral at pagkatuto sa pamamagitan
ng SLHT na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng SLHT na ito:
• Gamitin ang SLHT nang may pag – iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng SLHT. Gumamit ng HIWALAY na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
• Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
• Pakibalik ang SLHT na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa SLHT na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Inaasahan na sa pamamagitan ng SLHT na ito, makararanas kayo ng makahulugang
pagkatuto at makakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

Para sa Tagapagturo:
Isa sa mga 21st Century Skills na kailangang mahubog ng ating mga Pilipinong mag-
aaral ay ang pagsagot nang tama sa mga tanong tungkol sa kanilang binasa o
napakakinggan. Ang kakayahan at kalaman sa pagbasa sa mga salita ay kulang o
mawawalan ng halaga kung hindi naman kayang intindihin at sagutin ang mga katanungan
tungkol sa binasa. Bilang tagapagturo ito ay ating responsibilidad na hubugin ang kakayanang
ito sa ating mga mag-aaral.

Department of Education Division of Cebu Province


IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City;
Contact # (032) 255-6405
SUSI SA PAGWAWASTO

A. Pagsasanay 1

1. H
2. A
3. G
4. D
5. C
6. E
7. F
8. B
B. Pagsasanay 2
Maaaring iba-iba sagot ng mga bata.

C.Pagtataya
Iba-iba ang output ng mga bata. Ang pagbibigay ng puntos ay base sa rubriks ng guro.

D.Karagdagang Gawain
Maaaring iba-iba sagot ng mga bata.

You might also like