Professional Documents
Culture Documents
Fernándo C. Amorsólo
Si Fernándo C. Amorsólo ang pinakaunang ginawaran ng karangalang Pambansang
Alagad ng Sining sa Pintura noong 1972. Si Amorsolo ang pinakamaningning na
kinatawan ng panahong klasiko sa sining biswal sa Filipinas. Kinikilala rin siyáng “Ang
Maestro” at “Grand Old Man” ng sining sa Filipinas noong nabubuhay pa.
Isinilang siyá noong 30 Mayo 1892 sa Calle Herran sa Paco, Maynila sa mag-asawang
Pedro Amorsolo at Bonifacia Cueto. Ang malaking bahagi ng kaniyang kabataan ay
ipinamalagi niyá sa Daet, Camarines Norte. Nagaral siyá sa Unibersidad ng Pilipinas
School of Fine Arts na pinagturuan din ng kaniyang tiyuhing pintor na si Fabian de la
Rosa. Isa siyá sa mga pinakaunang nagtapos doon at nagkamit pa ng maraming
karangalan.
Isinilang siyá sa Paco, Maynila noong 5 Mayo 1869 at ikala- wang anak nina Marcos de
la Rosa at Gregoria Cueto. Una niyáng guro sa sining sa gulang na 10 taon ang
kaniyang tiya na si Mariana de la Rosa. Nag-aral siyá sa Escuela de Bel- las Artes y
Dibujo at nagtungo sa Europa para doon magpakadalubhasa. Nakapagtanghal siyá ng
mga obra sa Ateneo de Madrid. Napangasawa niyá si Gorgonia Tolentino ngunit hindi
nagkaanak. Namatay siyá sa sakít sa atay noong 14 Disyembre 1937 sa Quiapo,
Maynila. Ginawaran si de la Rosa ng Lungsod Maynila ng gawad na Patnubay ng Sin-
ing at Kalinangan noong 1968.
Sang-ayon sa kritikong si Aurelio S. Alvero, may tat- long yugto ang pag-unlad ng sining
ni de la Rosa: pang-akademya, pagtuon sa atmospera, at pagtuon sa kulay. Kasáma sa
unang yugto ang Transplanting Rice na nagwagi ng unang gantimpala at The Death of
General Lawton na nagwagi ng gantimpalang bronse sa International Exposition of St.
Louis (1904) sa Mis- souri. Kasáma sa ikalawang yugto ang mga obrang El kundiman,
1930 at Marikina Road. Kasáma naman sa ikatlong yugto ang Fishermen’s Hut na
pumapaksa sa tanawin ng Isla Balut, Tondo. Ilan pa sa mga obra niyá ang Landscape
With Dark Trees, 1927; La pintura, 1926; La bordadora, ca 1926; at View of Sta. Ana.
(RPB)
Carlos V. Francisco
(4 Nobyembre 1912-31 Marso 1969)
sila ng tatlong supling. Nagtapos siya sa School of Fine Arts ng Unibersidad ng Pilipinas.
Sinasabing ang tawag na Botong ay mula sa katawagan sa isa ring popular na karakter
sa Cainta, Rizal na kasing-itim niya ang kulay. Nagsimula siyang magtrabaho bilang lay-
out artist sa The Philippines Herald at Tribune. Namatay siya sa edad na 57 noong 31
Marso 1969 at inilibing sa kaniyang bayang sinilangan, sa Angono, Rizal. Ang Camote-
eaters ang pinakahuli at hindi niya natapos na obra. (RVR) (ed GSZ)
Vicente S. Manansala
(22 Enero 1910-22 Agosto 1981)
Ang kaniyang unang solong eksibisiyon ay ginanap sa Manila Hotel noong 1951.
Nakilala siya sa estilong kubismong naaaninag (transparent cubism)–ang kaniyang mga
pigura sa kanilang pinakapayak na hugis heometriko ay nanatiling nakikita sa kanilang
kabuuan. Binigyan ng bagong buhay ni Manansala ang kubismo sa pamamagitan ng
paggamit sa mga karaniwang kaligirang Filipino at mga katutubong tema sa konteksto
ng nagbabagong kalungsuran. Makikita ang ganito sa Jeepneys, Calesa, Planting of the
First Cross, Sinigang, Pila sa Bigas, Barong-barong at A Cluster of Nipa Hut. Naging
bantog din ang kaniyang obrang nagtatampok sa mga tindera sa Quiapo na nakasuot ng
belo. Si Manansala rin ang may likha sa lampas-táong mural sa pader na matatagpuan
sa bulwagan ng Philippine Heart Center.
Victorio E. Edades
(23 Disyembre 1895-7 Marso 1985)
Sina Edades, Ocampo at Diosdado Lorenzo ay nagtayo ng Atelier of Modern Art noong
1937. Nagbigay ng mga pagsasanay ang Atelier na siya ring nagluwal ng Thirteen
Moderns. Lalong pinatibay ang modernismo sa larangan ng sining sa pagkakatatag ng
Art Association of the Philippines (AAP) noong 1948 at Philippine Art Gallery (PAG)
noong 1951.
Victorio E. Edades
(23 Disyembre 1895-7 Marso 1985)
Taong 1934 nang gumawa siya ng isang mural para sa lobby ng Capitol Theater sa
Escolta. Pinamagatang The Rising Philippines ang naturang mural na kinomisyon ni
Juan Nakpil. Kinuha ni Edades si Carlos “Botong” Francisco bilang katuwang at
ipinakilala naman ni Francisco si Galo B. Ocampo. Kalaunan, ang tatlo ay kinilala bilang
unang triunvirato ng modernong sining sa Filipinas at mga tagapasimuno sa
pagpapasigla ng pinturang mural sa bansa. Ang tatlo rin ang tumuligsa sa tinutukoy ni
Edades na idealismo ng mga konserbatibo at ayaw ng pagbabago. Ang tunggaliang
konserbatibo-modernista ay tumagal hanggang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sina Edades, Ocampo at Diosdado Lorenzo ay nagtayo ng Atelier of Modern Art noong
1937. Nagbigay ng mga pagsasanay ang Atelier na siya ring nagluwal ng Thirteen
Moderns. Lalong pinatibay ang modernismo sa larangan ng sining sa pagkakatatag ng
Art Association of the Philippines (AAP) noong 1948 at Philippine Art Gallery (PAG)
noong 1951.
Juan M. Arellano
(25 Abril 1888-5 Disyembre 1960)
Center for West Visayan Studies and Museum, UP Visayas (dating Iloilo City Hall), Iloilo
Isinilang siyá noong 25 Abril 1888 sa Tondo, Maynila kina Luis C. Arellano at Bartola de
Guzmán. Nag-aral siyá sa Ateneo Municipal de Manila. Una niyang hilig ang pagpipinta,
at nagsanay siyá sa ilalim nina Lorenzo Guerrero, Toribio Antillon, at Fabian de la Rosa.
Pinilì niyang hasain ang talino sa ibang uri ng sining at ipinadala sa Estados Unidos
bilang isa sa mga unang pensiyonado sa larang ng arkitektura. Noong 1911, pumasok
siyá sa Pennsylvania Academy of the Fine Arts bago lumipat sa Drexel Institute upang
tapusin ang kaniyang digri. Nagtrabaho muna siyá sa Lungsod ng New York bago umuwi
sa Filipinas. Nanungkulan siyá bilang supervising architect ng Kawanihan ng Pagawaing
Bayan kasáma si Tomas Mapua. Bukod sa mga proyektong nakalista sa itaas, lumikha
siyá at si Harry Frost ng disenyo para sa Lungsod Quezon, na siyáng magiging bagong
kabisera ng bansa. Nagkaroon siyá ng isang anak sa asawang si Naty Ocampo. Ilang
taon bago pumanaw, bumalik siyá sa pagpipinta at nagtanghal ng mga obra sa Manila
YMCA. Pumanaw siyá noong 5 Disyembre 1960.
Prudencio Lamarroza is a Filipino Asian Modern & Contemporary painter who was born
in 1946. Prudencio Lamarroza's work has been offered at auction multiple times, with
realized prices ranging from $100 USD to $10,633 USD, depending on the size and
medium of the artwork. Since 2014 the record price for this artist at auction is $10,633
USD for Untitled, sold at León Gallery, Makati in 2014.
Isa rin siya sa orihinal na miyembro ng Saturday Group, pangunahing grupo ng mga
pintor dito sa bansa. Ayon kay Baldemor, nahasa ang kanyang galing sa pagpipinta
dahil sa pagsali sa mga impormal na sesyon ng grupo. Maliban sa pagiging pintor, si
Baldemor ay isa ring printmaker at graphic designer.
Simula pa noong 1972 nagkaroon siya ng 121 solong eksibisyon ng kanyang mga likha.
Tumanggap siya ng Thirteen Artist Award mula sa Cultural Center of the Philippines
noong 1992.