You are on page 1of 2

Ang Wikang Katutubo at ang Kamalayang Filipino

ni Bienvenido Lumbera

Tesis

Hindi hiwalay ang may akda sa lipunang kanyang ginagalawan. Nakapaloob rito ang
proseso ng kanyang paglikha at sa kung paano ito binibigyang kahulugan ng kanyang mga
mambabasa. Nasasaklaw nito ang buo at pinagsamang kamalayan ng indibidwal at ng madla.

Buod at Balangkas ng Nilalaman

1) Mula sa kanyang sariling kamalayan, hinahango ng manunulat ang mga danas na


pinagdaanan niya at hinuhugisan niya ang mga ito hanggang maging mensaheng
ipararating niya sa mambabasa at tagapakinig.
a. Mga naging kritisismo:
i. Pangingibabaw ng elitismo – ang proseso ng paglikha ay nasa pagitan
lamang ng awtor at ng mga salita
ii. Naisasantabi ang madla

2) Ang madla ay buhay, may sariling pandama at pag-iisip at may kakayahang mamili kung
alin ang akdang kanilang pahahalagahan.
a. Taliwas ito sa pangingibabaw ng elitismo.
b. Kabilang ang madla sa pag-usisa ng mensaheng ito.

3) Naigpawan at humulagpos ang mga nabanggit na akda sa orihinal nitong layunin:


a. “Joycelinang Baliwag”
i. Papuri at paghanga sa isang babae
ii. “Kundiman ng Himagsikan”
b. “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas
i. Pagpapatunay na kayang sabayan o higitan pa ang mga akdang banyaga
noong panahon ng Kastila particular na ang mga romance ng mga
makatang Peninsular
ii. Pahiwatig ng pagtutol sa sistemang tinututulan – lalo na sa
politikalisadong kamalayan ni Rizal at ng iba pang kasamang ilustrado

4) Malalim ang kaugnayan at dayalekto ng may-akda at kamalayan ng katutubong Pilipino.


a. Tula ni Amado Hernandez para sa “Occupation Day”

Inihanda ni:
Queeny C. Rublico
2008-22822
i. Muling binuhay ang damdaming mapaghimagsik laban sa bagong porma
kolonyalismo at pyudalismo sa Panahon ng Amerikano

Konklusyon

Taliwas man sa orihinal nitong layunin, ang isang akda ay may kakayanang pumukaw ng
damdaming mapanghimagsik ng masa dahil ang kamalayan at mga karanasan ang
nagpapalaman at nagbibigay-kahulugan sa mga ito.

Mga Repleksyon, Tala at Kritisismo

1) Ukol sa pamagat ng sanaysay, marahil ay kinikilala ni Lumbera na mayroon tayong


katutubong Wika upang maipahatid ang ganitong mensahe bago pa man nagkaroon ng
pormal at opisyal na kinikilalang wikang pambansa.

2) Mapapansing sa paglipas ng panahon ay umunlad at nagkaroon ng ebolusyon ang


paglikha ng akda -- mas naging mas mapangahas ang istilo ng panulat at hindi na
ikinukubli sa metapora at mga malalalim na pananalita ang mensahe ng paghihimagsik at
paglaban.

3) Sana ay nagdagdag pa ng pagpapaliwanag ukol sa:

• kung ano ang relevance nito sa kasalukuyang panahon


o naisulat ito noong 1997 at sa nabanggit niyang “ating panahon”, ang binigay
niyang halimbawa ay isang akda na nalimbag pa noong dekada ‘30

• anu-ano ang mga naging pagbabago hinggil sa partisipasyon ng madla sa pagbibigay


kahulugan ng mga kontemporaryong akda
o kung mayroon mang naging pagbabago o kung ganoon pa rin tulad ng dati

• sa larangan lamang ba ng rebolusyon at himagsikan nakapaloob ang partisipasyon ng


madla sa pagbibigay-kahulugan at importansya sa mga akda o mayroon pang iba?
o Hal. Pag-unlad ng sining at musika, kaisipan at sikolohiyang Pilipino, iba
pang temang pampanitikan na danas ng kababaihan, kabataan at LGBT etc.

4) Tunay sinasalamin ng mga akda ang kamalayan ng isang lipunan. Sa kasalukuyan,


makikita at maoobserbahan pa rin ito sa mga malikhaing katha – mga tula, nobela,
pelikula, dula, sanaysay, dagli at ang pinaka-modernong porma sa internet age ay mga
memes.

Inihanda ni:
Queeny C. Rublico
2008-22822

You might also like