You are on page 1of 15

Pagkakatulad ng Kultura na Masisinag sa Piling Tula sa Bawat Panahon

Isang Pananaliksik

Bilang Parsyal na Pangangailangan sa Filipino 412

na Iniharap kay Dr. Regina I. Cuizon

Iniharap ni :
I. Suliranin

Introduksyon

Ayon kay Villafuerte et al.,(2000), ang panitikan ay nagpapakita ng ating


panlipunan at panlahing pagkakakilanlan. Ang ating kaugalian ay mababakas sa
ating mga kwentong bayan, alamat, epiko, kantahing-bayan, kasabihan, bugtong,
palaisipan at sinaunang dula.
Dagdag pa ni Alejandro, mula kay Villafuerte, Panunuring Pampanitikan
(2000), ang tula ay isang pagbabagong hugis sa buhay --- na ipinararating sa
ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na
aliw-iw at lalong mainam sa mga may sukat na taludtod. Subalit naging malaking
suliranin pa rin simula noon hanggang ngayon ang pagpapalutang ng kultura sa
loob ng isang tula. May kahirapang tukuyin ang mga kulturang nakapaloob sa
mga tula noon dahil sa tradisyonal na taludturan o kadalasang nakakulong sa
sukat at tugma na kung saan hindi naging ganap ang paglalahad ng mga
ninanais ng manunulat at diumano nakalimutan na raw ang diwa (Panitikang
Filipino 8
Sa kabila ng pagkakaiba, pinagsusumikapan pa rin ng mga manunulat na
mangibabaw ang diwang nais ipabatid at ipalutang ang kulturang nais ibahagi.
Paglalahad ng Suliranin

Sa pananaliksik na ito, susuriin ng mananaliksik ang mga di-materyal na kultura ng


mga piling tula sa iba’t ibang panahon. Ang mananaliksik ay sasagutin ang sumusunod na
katanungan :

1. Ano-ano ang mga pananampalataya na makikita sa mga piling tula sa bawat


panahon?
2. Ano ang implikasyon ng mga magkakatulad na kulturang di-materyal sa mga
piling tula sa bawat panahon?
3. Ano ang sitwasyon na maiugnay sa mga kulturang di-materyal sa mga piling tula
sa bawat panahon?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta ng pananaliksik ay makatutulong sa mga sumusunod na indibidwal :

Sa mga Guro. Bilang pangunahing indibidwal na pinagkukunan ng impormasyon ng


mga mag-aaral, malaki ang maitutulong ng pananaliksik na ito sa mga guro.

Sa mga Mag-aaral. Maaari nilang gamitin ang pananaliksik na ito bilang basehan sa
pagbuo at pagsulat ng sarili nilang tula. Maaari ring madagdagan ang mga dating kaalaman
at madagdagan.

Sa mga Manunulat. Gamit ang pananaliksik na ito, maaari nilang pagkukunan ng


inspirasyon upang patuloy na magsulat ng mga tula o akdang kakikitaan ng kultura o
pagpapahalaga sa sariling bayan alinmang panahon ang kabibilangan.

Sa mga susunod pang Mananaliksik. Ito ay maaaring makatutulong sa susunod


pang mga mananaliksik at magsisilbing batayan sa kanilang isasagawang pananaliksik.

Saklaw ng Pag-aaral

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang pagsusuri sa mga magkakatulad na kulturang


di-materyal sa mga piling tula sa bawat panahon. Saklaw rin nito ang mga kasalukuyang
sitwasyon na maiuugnay sa mga kulturang di-materyal na makikita sa akda.
II. Metodolohiya

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa pasusuri ng mga magkakatulad na


kulturang di-materyal sa mga piling tula sa bawat panahon. Ang naturang pag-aaral ay
gumagamit ng disenyong deskriptiv na kung saan nakatuon sa pagsusuri sa mga
nakalap na datos. Ang mga malilikom na tula sa bawat panahon ay susuriin ayon sa
makikitang kulturang di-materyal.

Kagamitan

Ilan sa mga sangguniang pinagkukunan ng mga tula ay ang sumusunod na aklat;


Panitikan ng Pilipinas (Zenaida P. Villanueva),Panitikan ng Pilipinas : Rehiyunal,
Kasaysayan, at Pagpapahalaga (Moreal N. Camba), at Panitikan ng Pilipinas: Sa Filipino
at mga Katutubong Wikain (J.Villa Panganiban).
III. Presentasyon, Analisis, at Interpretasyon

Isa-isang ilalahad ang mga piling tula sa bawat panahon.

A. Panahon ng Kastila

a.1. Values

“Ang tatlo namang Maria


Ng Dominggong madilim pa
Nagsigayak kapagdaka,
At dadalawing talaga
Si Hesus na Poong Ama.”

- Isinaad sa bahaging ito na kahit madilim pa, maagang umalis ang tatlong
Maria upang makita si Hesus. Nagpapakita lamang ito ng malaking
pagpapahalaga sa isang tao sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng
kaniyang oras at panahon.

Pamagat : “Mga Dalit Kay Maria”

a.2 . Pananampalataya
“Araw-araw kay Maria
Kami ay magdarasal
Kay Maria, Aming Ina
Kami ay dumudulog
Araw-araw kay Maria,
Kami’y magdarasal.”

- Isinaad ng nagsasalita na araw-araw ang kanilang pagdarasal kay Maria.


Nagpapakita lamang ito ng taimtim na pananampalataya ng isang tao sa
kaniyang sinasamba.

Implikasyon :
Nagpapahiwatig lamang ito na sa panahon ng kastila, ang mga tao ay taimtim
na pananampalataya at pagpapahalaga. Ito ay dahil sa layuning ng mga
misyonerong kastila na palaganapin ang Katolisismo sa kapuluan. Dahil dito, ang
mga Pilipino ay malapit sa Diyos at simbahan. Mulat din ang mga tao sa tamang asal
at pag-uugali.

B. Panahon ng Amerikano

Pamagat : “Ang Dampa Kong Pawid”


Ni Claro M. Recto

a.1. Pananampalataya

“Ang dalit sa kabukiran na hudyat ng dapithapon


Sa oras ng pagdalangi’t sa pagsapit ng orasyon,
Tila baga nagdarasal, tila baga lumalangoy
ng malungkot na awitin ng tumakas na panahon.”

- Mababakas sa bahay na yari lamang sa marurupok na kawayan. Pero


tulad ng kawayan, ang mga Pilipino ay malakas lalo na sa pagharap ng
mga suliranin sa buhay.
a.2. Values

“Halikayo sa kuta ko, sa marupok na tahanan


Na pakiming nangungubli sa malilim na sagingan,
Masok kayo nang maingat, pawid lamang at kawayan,
Ngunit siyang dambana ng ligpit kong pamumuhay.”
- Likas sa mga Pilipino ang magiliw na pagtanggap ng mga panauhin sa
kabila ng kakulangan at kawalan sa buhay. Ito ay isa sa mga dahilan kung
bakit angat ang kaugalian ng mga Pilipino.

Implikasyon :
Nagpapahiwatig lamang ito na ang pagtutol sa kolonyalismo at pagnanais na
makamit ang kasarinlan ng Pilipinas ang natanging nilalaman ng mga adhikain.

C. Panahon ng Hapon

Pamagat : “Diyos ang Lumikha”

a.1. Pananampalataya
“Kay ganda na pagmasdan
Ang ating kalikasan
Nilikha ng Maykapal
Kaya’t ating ingatan.”
- Makikita sa sipi ang pag-aalaga at pagmamahal sa mga bagay na nilikha
ng Diyos na kung saan isang palatandaan sa pagbibigay-galang sa
Kaniya.

a.2. Values
“Kay ganda na pagmasdan
Ang ating kalikasan
Nilikha ng Maykapal
Kaya’t ating ingatan.”

- Ang mga Pilipino ay mahilig sa mga bagay-bagay na kung kinagigiliwan


ay talagang iniingatan.

Implikasyon :
- Nagpapahiwatig lamang ito na malayang ginamit ng mga Pilipino ang
wikang Filipino bilang midyum ng kanilang pagsusulat ng iba’t ibang akda.
Malaya nilang naipahayag ang mga saloobin at damdamin gamit ang
sariling wika.

D. Panahon ng Kalayaan

Pamagat : “Ako ang Daigdig”


Ni Alejandro G. Abadilla

A.1. Pananampalataya
“Ako
Ang walang maliw
Na ako
Ang walang kamatayang ako
Ang tula ng daigdig”.

- Ipinakita niya ang kagandahan ng kaniyang likha sa pagsasabing siya ay


Malaya at matapat sa sarili, kahit ano pang sabihin ng mga kritiko. Sa
bahaging ito kakikitaan ng kulturang pananampalataya o paniniwala na
iisa siya, ang daigdig, at ang mismong tula.

a.2. Values
“Ako ang damdaming
Malaya
AKo
Ang buhay na
Walang hanggan”.
- Isa sa kaugaliang nangingibabaw sa tulang ito ay ang pagiging matapang.
Sa bahaging ito, matapang na inilahad ng nagsasalita na malaya siyang
ipahayag ang damdamin at saloobin niya sa kabila ng mga kritisismo.
-
Implikasyon :
Ang mga kabiguan ng pangarap, ang kalupitan ng nagdaang sigwa, at ang iba pang
masasaklap na karanasan ang palasak sa panahong iyon. Mula sa pagkalugmok, sumulat
ang mga manunulat ng mga akda hinggil sa pagbangon at panibagong buhay.
Nagpapahiwatig ito na sumigla na muli ang panitikan ng Pilipinas.

E. Panahon ng Aktibismo

Pamagat : “ “ Mga Duguang Plakard”


Ni Rogelio G. Mangahas

a.1. Pananamapalataya
“May mga mahaharap sa sariling budhing
Tila isang kasang sa gabi’y pinilit mapasok,
Pinilit masunog.
O sino’ng sasagot/dadakot sa banal na lura
Ng manang na patungo sa simbahan.”

- Sa siping ito makikita na sa kabila ng mga pagpoprotesta na nangyayari,


may iilang kababaihan na tumutungo pa rin sa simbahan upang ipagdasal
ang kasalukuyang pangyayari sa panahong iyon.

Implikasyon :
Nagpapahiwatig lamang ito na maraming kabataan ang mga naging aktibista
upang humingi ng pagbabago sa pamahalaan. Karamihan sa mga manunulat ay
ginamit ang mga paksang ito sa kanilang mga tula.

F. Panahon ng Bagong Lipunan

Pamagat : “Litanya kay Sta. Clara”


Ni Teo Antonio
a.1. Pananampalataya
“Hindi dasal ang pamplet sa
Pagpaplano
Ang kampanya sa dyaryo
Ang operasyon sa ari ng tao
Sta. Clarang pinung-pino
Sila po ay pakinggan
Pagsayawin po ng pawis ng sakripisyo
Isakripisyo po ang pildoras sa pandanggo.”

- Sa bahaging ito ng tula makikita ang pananampalataya at pananawagan


ng nagsasalita ky Sta. Clara. Dahil dito lumutang ang kulturang di-
materyal na pananampalataya.

a.2. Values
“Misis De la Cruz, sumayaw ka,
Kumendeng ka, kumendeng pa,
Ipagaspas mo ang iyong saya.
Humiling ka sa mahal na santa,
Umawit ka sa mahal na patrona.”
- Sa siping ito, makikita natin sa mga salitang ginamit na inaanyaya ng nagsasalita ang
isang misis na gawin ang lahat ng posibleng bagay upang matupad ang kaniyang
kahilingan.

Implikasyon :
Nagpapahiwatig lamang ito na higit na pinagtutuunang pansin ng panahong ito ang
kaunlaran ng bayan.

G. Panahon ng Republika

Pamagat : “Diwang Pilipino”


Ni Manuel Principe Bautista
a.1. Pananampalataya
“Sa tampok na pulong
Kasuyo ng araw at maalong dagat:
Ito’y sulung-tanlaw
Na kamay ng Diyos ang tanging may hawak!”

- Hinayaan ng nagsasalita na ang Panginoon ang maghuhusga sa kung


anumang gawain nila. Inilahad ng nagsasalita ang pagpapaubaya at
pagtitiwala sa Diyos na siyang nagpapalutang sa kulturang
pananampalataya.

a.2. Values
“May landas ng bagyo’t pulpugan ng unos
O, naghuhumindig
Sa kintal ng kidlat at hampas ng kulog:
Ito’y batong buhay
Na di maaagnas… at di durupok.”

- Dahil sa dami ng pagsubok na nadaanan, mas lalo pa itong tumitibay at


hindi na agad-agad nalulugmok.

Implikasyon :
Mga suliraning nagpapatibay at nagbibigay sa mga manunulat ng mga rason
na patuloy na sumulat. Nagpapahiwatig lamang ito na ang panahon ng republika ay
matibay na at handa sa kung anumang pagbabago.

H. Kasalukuyang Panahon

Pamagat : “Sa Pagpasok ng Kuwaresma”


Ni Benilda Santos

a.1. Values

“Kahapon , ibinili kita


Ng paborito mong
Malapit nang mahulog
Sa pagkahinog.
Pinili ko ang bawat isa
Nang buong ngat.
Kailangan lubus-lubos
Ang saya
Sa iyong pagtatapos.”
- Nangingibabaw sa siping ito ang kulturang values. Ang pagpapahalaga at
pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak. Makikita sa sipi na lahat
gagawin ng isang ina para sa ikasasaya at ikabubuti ng kaning anak.

Implikasyon :
Sa panahon ng kasalukuyan, nanumbalik ang kalayaan sa pamamahayag at
pagsasalita. Nagpapahiwatig ito na malaya na muling magpahayag ang mga
manunulat sa kanilang ideya at saloobin ayon sa paraan at estilong ninanais nila.

I. Kontemporaryong Panahon

Pamagat : “Handa na Ako”


Ni IamEmong
(Spoken Poetry)

a.1. Pananampalataya
“ At handa na ako, handa nang
Lakbayin ang iyong mundo.

Sasakay sa barko ng pag-ibig


na ang gabay ay ang mapa ng
pananampalataya at pananalig.”

- Sa siping ito makikita ang kulturang pananampalataya na lantarang


binanggit sa spoken poetry. Sabay ng kaniyang pag-ibig ay ang kaniyang
pananampalataya at pananalig.

a.2. Values
“Ako man ay isang dayuhan,
Nawa’y ako’y iyong
Paanyayahan. Na isa man
Akong dayuhan mula sa
Kalawakan, asahan mong
Busilak ang aking kalooban.”

- Kahit isang dayuhan o kung saang lahi man nagmula, may busilak pa rin
na kalooban. Ang kaugaliang ito ang ginamit ng nagsasalita upang
ipahayag ang kaniyang malinis na intensyon sa taong inaasam. Ang mga
ito ay kapwa mga kaugalian na makikita sa bahagi ng tulang ito.

Implikasyon :

Nagpapahiwatig ito na ang mga akdang pampanitikan ay may bahid ng tekstong may
dulog realismo. Dahil dito, mas kapana-panabik alamin at basahin ang mga naturang
akda.
IV. Natuklasan, Konklusyon, at Rekomendasyon

Ang pananaliksik na ito ay nagpapakita ng mga natuklusan at konklusyon.

Konklusyon

Batay sa mga naging resulta ng pag-aaral, ang sumusunod na konklusyon ang


naitala ng mananaliksik.

1. Ang implikasyon sa bawat panahon ay nakatutulong sa kaunlaran ng panitikan sa


bawat panahon.
2. Kadalasang pananampalataya sa Diyos at kaugalian ng mga Pilipino ang
pinapaksa ng mga piling tula sa bawat panahon.
3. May pagkakatulad ang paksa sa mga piling tula sa panahon ng Aktibismo at
Bagong Lipunan.

You might also like