You are on page 1of 5

Pangalan : Yvonne Mae S.

Javar
Kurso at Taon : MAED FIL- II
Konseptong Papel

I. Paksa

“Pagsusuri sa bisang pampanitikan na nakapaloob sa mga piling Spoken


Word Poetry sa panahon ng pandemya”

II. Rasyunal

Upang magkaroon nang malinaw na pag-unawa sa akdang binasa,


mahalaga ang iba’t ibang bisang pampanitikan -- bisang pangkaasalan,
bisang pandamdamin, at bisang pangkaisipan. Ang isang akda ay
maaaring susuriin ayon sa taglay nitong bisa na maaaring magkaroon ng
pagbabago sa pag-uugali, pananaw, at emosyon ng mambabasa
pagkatapos basahin ang isang akda. Sa panahon ng pandemya,
naglipana ang iba’t ibang akdang pampanitikan na hitik sa emosyon,
pananaw, at kaugalian. Kaya ang pananaliksik na ito ay isang magandang
hakbang upang pag-aralan ang mga umiiral na panitikan sa kasalukuyan.
Isa na rito ang umuusbong na spoken word poetry.
Ang spoken word poetry ay kilala ngayong uri ng oral na sining ng
kabataan na kung saan ginagamitan ng word play at intonasyon upang
maipahayag ang kanilang damdamin, pananaw, at saloobin hinggil sa
isang bagay o pangyayari. Mahalagang pag-aralan ang paksang ito upang
matukoy ang namamayaning damdamin at pananaw hinggil sa
kasalukuyang krisis na hinaharap. Makikita rin kung paano ginamit ng
may-akda ang mga angkop na salita o pangungusap upang mapalutang
ang mensaheng nais isiwalat. Sa pananaliksik na ito, bibigyang linaw ang
bisang pampanitikan na namayani sa piling spoken word poetry sa
kasalukuyan.
III. Batayang Konseptwal at Teoretikal

Ang naturang pananaliksik ay nakabatay sa tatlong teorya –


sosyolohikal, biyograpikal, at sikolohikal. Pinagbatayan ang
sosyolohikal dahil naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang
manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan,
kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila
bilang boses ng kaniyang panahon. Ang may-akda ng mga nabuong
spoken word ay nagsisilbing boses sa panahon ng krisis. Nagsisilbi
silang kinatawan ng mamamayan na walang boses sa lipunan.
Pangalawang pinagbatayan ay ang biyograpikal na kung saan
naniniwala ang na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na
personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid. Sa
pamamagitan ng spoken word, malayang naipapahayag ng may-akda
ang kaniyang sariling karanasan hinggil sa kasalukuyang sitwasyong
tinatamasa. Pangatlo ay ang sikolohikal, sa pananaw na ito makikita
ang galaw ng isipan ng manunulat. Mahihinuha sa kanyang akda ang
antas ng kanyang pamumuhay, ang kanyang paninindigan, paniniwala,
at pagpapahalaga, gayundin ang mga ideya o kaisipang naglalaro sa
kanyang isipan at kamalayan. Ang spoken word ay isinasaggawa sa
pamamagitan ng isang oral na performans, sa pamamagitan ng bawat
diin sa pagbigkas, maipapahayag ng may-akda o nagsasalita ang
kaniyang paninindigan o prinsipyong pinaglalaban.

Makikita sa diyagram 1 ang konseptwal na balangkas ng pag-


aaral na ito. Isinaad sa diyagram ang makabuluhang kaugnayan ng
mga baryabol. Masasabing ang pag-aaral ay nakatuon sa pagsusuri sa
bisang pampanitikan na nakapaloob sa piling spoken word poetry sa
panahon ng pandemya .
Mga Piling Spoken Word Poetry sa Panahon ng
Pandemya

Bisang Pampanitikan

Bisang Pangkaisipan Bisang Pandamdamin Bisang Pangkaasalan

(Mga pagbabago sa (Mga pagbabago sa (Mga pagbabago sa


pananaw o isipan ng nararamdaman o emosyon ugali o karakter ng
mambabasa) ng mambabasa) mambabasa)

Implikasyon sa Kasalukuyang Panahon

Diyagram 1 : Paradimo ng Pag-aaral

IV. Paglalahad ng Suliranin


Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang bisang
pampanitikan na nakapaloob sa piling spoken word poetry sa panahon ng
pandemya. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masagutan ang
sumusunod na katanungan :
1. Ano-ano ang mga bisang pampanitikan ang nangingibabaw sa
bawat spoken word poetry?

2. Paano nakatutulong ang mga bisang pampanitikan sa


pagpapalutang ng punto o mensahe ng spoken word?

3. Ano ang implikasyon ng mga tulang ito sa kasalukuyang panahon?


V. Metodolohiya
Disenyo ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay hinggil sa pagsusuri sa bisang
pampanitikan ng mga piling spoken word poetry sa panahon ng
pandemya. Sa pananaliksik na ito, gagamitin ng mananaliksik ang
pamamaraang angkop sa pag-aaral.
Ang ginamit ng mananaliksik ay Pamamaraang Palarawan
(Descriptive Analysis) at Pangnilalamang Pagsusuri (Content
Analysis). Sa mga piling spoken word, binigyang-diin ang paglalarawan
at pagsusuri sa mga pangyayari na siyang nagpapalutang sa bisang
pampanitikan na maaaring maidudulot ng isang tula sa mga
tagapakinig. Nagkaroon din ng pagbibigay-interpretasyon sa kung kung
paano nakatulong ang mga ito sa pagpapalutang ng ideya sa isang
akda.

Instrumento ng Pananaliksik

Sa pananaliksik na ito, ang mananaliksik ay gagamit ng limang


(5) spoken word poetry na nalikha sa panahon ng pandemya na siyang
susuriin ayon sa taglay na bisang pampanitikan – bisang pangkaisipan,
bisang pandamdamin, at bisang pangkaasaalan. Ang limang (5)
spoken poetry ay ang sumusunod :

“Sa Panahon ng Pandemya” ni Bon Carlo (2020)

“Nakakatakot – ‘Wag Kang Matakot” ni Vanessa Robellos (2020)

“Tula sa Gitna ng Pandemya” ni Dexter Taneo (2020)

“Sa Ngalan ni Hesukristo” ni Andrew J. Abadines (2020)

“Virus” ni Ehllen Quezada (2020)

Pagkatapos ng isasagawang pagsusuri, magkakaroon ng


pagtitimbang at pag-iisa-isa sa mga naidudulot ng mga kagamitang
pampanitikan na ito sa kabuuan ng tula at mambabasa o tagapakinig.
Ang resulta ng pagsusuri ay magsisilbing basehan sa pagkuha ng
impormasyon na makapagbibigay tugon at tulong upang matagumpay
na maisakatuparan ang pananaliksik.

You might also like