You are on page 1of 7

Ano ang Bagong Kritisismo?

Ibat-ibang pagpapakahulugan ng Bagong Kritisismo: (Bilang Teoryang Pampanitikan)


            Uri ng pagdulog na ang kahulugan ng akda ay hindi nalalaman sa intension ng
may-akda, konsepto ng mambabasa o kasaysayan ng kultura. Ang kahulugan ng akda
ay nalalaman sa pagiging masining at pagbuo ng mga salita sa isang akda (Garett).
            Sa masusing pag-aaral ng panitikan, Ang isang akda ay mainam na sanggunian
ng kahulugan at impormasyon. Ang isang tula ay hindi nasusuri sa kasaysayan,
ideolohiya, pulitika, pilosopiya o iba pang aspeto sa pagpapakahulugan ng panitikan.
Ang bagong kritisismo ay pag-aaral nan aka-pokus lamang sa pagpapakahulugan ng
bawat teksto sa isang akda (Searle).
(New Critism)
            “Art for art’s sake” Maxim (Armstrong, Atlantic State University).
                A close study of literary language, especially in poetry. The oblique quality of
literary language, the creative process e.g. irony, paradox, ambiguity, the polysemous
or language of intention (Boyd, Fordham University).

Ayon sa librong Kritisismo ni Soledad S. Reyes


(Kritisismo: Mga Teorya Formalismo/Bagong Kritisismo p.55-67)

            Ang Bagong Kritisismo ay isang di-maiiwasang produkto ng pag-unlad ng


kilusang modernismo sa Kanluran. Nabigyang-daan ang modernistikong pananaw dahil
sa magkaugnay na mga pangyayari sa ikalawang hati ng ikalabingsiyam na dantaon at
sa unang mga dekada ng siglo dalawampu.

            Sa kritisismo, lumitaw ang isang malaking bilang ng mga kritiko na nagpalagay
sa Bagong Kritisismo bilang isang siyensya ng teksto at tumingin sa kanilang sarili
bilang tagapagsuri hindi ng lipunan, hindi ng mambabasa, hindi ng ideolohiya, hindi ng
manunulat kundi ng akdang pampanitikan.

            Sa makabagong pananaw, sa madaling salita, hindi na binibigyang halaga ang


sumususnod na mga element: ang may-akda, ang kasaysayan o konteksto, at ang
mambabasa. Walang kabuluhang mabatid ang intensiyon ng may-akda sa kanyang
paglikha sapagkat siya ay isang indibidwal na pumasok sa sistema ng pagsulat na may
kahulugan lamang doon sa loob ng diskurso ng panitikan.

            Bukod rito, ang kanyang likha ay isang walang interes na saksi na nagnanasa
lamang na sagutin ang pangangailangan ng teksto bilang isang akda at hindi upang
maging instrument para ipahayag ang ideolohiya o pananaw.

            Bilang pagbubuod, maituturing ang Bagong Kritisismo bilang prudukto ng


makabagong sensibilidad: ng kilusang modernism sa teorya at krititsismo. Pinatunayan
ng pananaw na ito na may sapat na kakayahan ang kritisismo upang gawing
obhektibong siyensiya ang pag-aaral at maging ang interpretasyon ng panitikan.
                                                

Bagong Kritisismo (Bilang Kilusan)

Sa Buong Mundo
           
            Lumitaw sa unang mga dekada ng siglo dalawampu at namayani hanggang sa
marating nito ang rurok ng tagumpay bilang pinakamakapangyarihang sistema ng
pagsusuri sa ikalima at ikaanim na dekada.

Sa Pilipinas       
       
             Ito ang konteksto ng pagpasok sa kritisismo ng isa pang grupo ng higit na
nakakabatang mga kritiko na mag-hudyat ng paghihimagsik na higit na matindi at
polemikal kaysa sa isinagawang rebelyon nina Abadilla at Agoncillo. Kabilang sa grupo
sina Virgilio S. Almario, Rogelio G. Mangahas, Pedro L. Ricarte at Lamberto E. Antonio.
Magkaiba ang kanilang ginawang paghahanda si Agoncillo ay isang historyador,
samantalang si del Mundo ay isang kolumnista at nobelista. Kung ihahambing, higit ang
paghahandang akademiko ng ikalawang pangkat kaysa sa nauna dahil may mahigit na
antas ng pinag-aralan sa mga unibersidad sa Estados Undos: Nagkamit sila ng
doktorado.

Simula ng Bagong Kritisismo

Sa Buong Mundo
 
         Beginning in the 1930’s that was in the ascendancy for 30 years  by Several
American Critics – and a few British(Boyd, Fordham University).

          Nag-ugat ang tinatawag na Bagong Kritisismo (New Criticism) sa Estados Unidos


at Inglattera sa ikatlong dekada ng siglo dalawampu. Sa Rusya naman nagsimula
noong ikalawang dekada ang kilusang tinaguriang Formalismo.

            Sa ikalabingsiyam na dantaon, nai-sangkap sa ekstrinsikong pananaw ang


positibismo na isang malakas na tendensiya lalo na sa mga siyentipikong laranagan.

           Sa dekada animnapu, masigla at matatag na ang Formalismo sa Inggles-


iginagalang at ipanapalagay ito na siya lamang karapat-dapat na paraan ng pagsusuri:
may respektabilidad ito sa malaking unibersidad ng bansa katulad ng Unibersidad ng
Pilipinas, Siliman University, Inibersidad ng San Carlos  at Pamanatasang Ateneo de
Manila.
 Sa Pilipinas

        Nagsimulang pumasok ang impluwensya ng Formalismo sa Pilipinas noong


dekada limampu, sa pagsisimula ng pagsulat ng mga Pilipinong karamiha’y nakapag-
aral sa Estados Unidos. Nagsimula silang magsulat ng Inggles at karamihan sa kanila
ay nagtuon ng kritikal nilang paningin sa mga akda sa Inggles.

       Sa pagpasok nina Almario, Rogelio G. Mangahas, Efren R. Abueg, Ave Perez
Jacob at Rogelio Sikat sa laranagn ng kritisismo, inangkin nila an gang puwang sa
larangan ng kritisismo, inangkin nila ang puwang sa larangang dati-rati’y
pinamamayanihan ng mga matatandang kritiko.

Mga Proponent sa Bagong Kritisismo

Ang Bagong Kritisismo ay prudukto ng pag-unlad ng kilusang modernismo sa kanluran.


Nabigyang daan ang modernistikong pananaw dahil sa magkaugnay na mga
pangyayari sa ikalawang hati ng ikalabingsiyam na dantaon at sa unang mga dekada
ng siglo dalawampu.

Paglitaw ng radikal na sistema ng paniniwala sa siyensya.

      Charles Darwin – Mga tuklas sa siynesya


      Immanuel Kant, Martin Heidegger, Edmund Husserl – Teorya sa Pilosopiya.
      Karl Marx at Friedrich Engels – Paglitaw ng mga bagong siyensya.
      Sigmund Freud, Carl Jung Karl Mannheim, Max Weber at Emile Durkheim –
Sikolohiya

·         I.A Richards, William Empson, W.K Wimsatt, T.S Eliot, Cleanth Brooks, Percy
Lubbock
Nagpalagay ng kritisismo bilang siyenya. Ang kritisismo ay ginawang esensiyal na
Gawain sa unibersidad bilang isang praksis na pinag-aaksayahan ng panahon sa
pagsususlta ng mapanuting diskurso,

·         Sherwood Anderson at O. Henry


Modelo sa pagsulat ng Maikling Kuwento.

·         Walt Whitman at William Blake


Modelo sa pagsulat ng Tula
·         Teodoro A.  Agoncillo, Alejandro G. Abadilla, Clodualdo del Mundo at Fernando
B. Monleon
Sumulat ng mga akdang kritikal noong ikapitong dekada. Kinakitaan sila ng
oryentasyong taliwas sa mga alituntunin at patakarang itinakda ng higit na
nakakatandang kritiko. Waring hindi sapat ang kanilang pagkakaunawa sa
sistematikong kritisismo, nagkaroon nanamn sila ng impluwensya sa mga kabataang
kwentista na sinikap nilang hutukin sa kakaibang paraan ng pagsulat, at higit na
paggalang sa sining ng panitikan.

·         Virgilio S. Almario, Rogelio G. Mangahas, Pedro L. Ricarte at Lamberto E.


Antonio
Grupo ng higit na nakakabatang mga kritiko na nag-hudyat ng paghihimagsik na higit na
matindi at polemikal kaysa sa isinagawang rebelyon nina Abadilla at Agoncillo. Mga
mag-aaral sa Pamantasan sa Maynila tulad ng Unibersidad ng Santo Tomas, University
of the East, Far Eastern University, at Manuel L. Quezon University. Sila ay nagsulat sa
Filipino.

(Kung ihahambing ang dalawang grupo ni Almario, maituturing na higit na ang


paghahandang akademiko ng ikalawang pangkat kaysa sa naunang uri, sa larangan ng
kritisismo. May mga tinapos na karera ang mga batang kritiko: ang ilan sa kanila ay
may higit na mataas na antas ng pinag-aralan sa mga unibersidad sa Estados Unidos:
nagkamit sila ng doktorado).

Simulain ng Bagong Kritisismo

           Ang paghihimagsik laban sa historical na pananaw ay isang dahilan sa paglitaw


ng Bagong Kritisismo at maging ang Formalismo. Ang isa pang tinutulang praktis ng
Bagong Kritisismo ay ang hilig ng mga moralistikong kritiko na pagtuunan ng pansin
ang bunga ng akda sa mambabasa.

“ Sa panunuri ng tulang Pilipino, kailangang ipangibabaw ang masusing pag-aaral ng


kabuuan o ang buhay na pagkakaugnay-ugnay ng diwa at salita na siyang porma ng
tula, sa halip na palagiang paghahambing ng anumang tula sa mga “klasikong” akda
nina Balagtas o Lope K. Santos. Sa ganitong paraan, mababatid ang tunay na uri at
katuturan ng daigdig na napapaloob sa tula at sa natatanging pangitain sa buhay na
ipinapahiwatig ng makata. Ito’y hindi lamang paggalang sa sining kundi pagdiriwang pa
rin sa maigting na pagkamanlilikha ng kaluluwa ng tao. “
         
            Winika ni San Juan  Jr. na ilustrasyon ng oryentasyong may kakayahan silang
magsabi kung ano nga ba ang kailangan ng panunuring pampanitikan.
             Malinaw rito ang paggamit ni San Juan Jr. ng mga prinsipyo ng Bagong
Kritisismo sa kanyang pagpuna sa kinamihasnang gawi ng ibang mga kritiko, nag awing
sukatan sa pag-taya ng mga tula ng matatandang makata. Sa halip, hinikayat niya ang
mga kritiko na pansinin ang kakanyahan ng tula at ang pagiging isang likha nito.

            Magaganap ang simulain ng pagbabago kung sisikapin ng makata na sirain ang
mga pundasyon ng tradisyunal na panulaan. Kailangang wasakin ng makata ang mga
karaniwang balangkas ng pananalita upang siya ay makalikha.

Positibo at Negatibong Pagtanggap sa Bagong Kritisismo


Positibo
            Maraming Kritiko ang tumanggap ng impluwnsiya ng Bagong Kritisismo
sapagkat tunay namang may pundasyon ang mga pormulang nagmula rito. Bilang
praktikal na kritisismo, makabuluhan ang kalipunan ng mga akdang nagamit na modelo
sa pagsusuri ng ilang uri ng akda.

            Malinaw na nakapagbukas ang mga kabataang kritiko ng landasin na matatahak


Nila na kakaiba sa talamak nang oryentasyon. Ipinakita nila ang kahalagahan ng
maingat at masinop na pagpapako ang atensiyon sa teksto, sa mga element at sangkap
na bumubuo rito, sa kahalagahan ng paglinang ng wika at ng mga retorikal na
instrumento. Sa madaling salita naipamalas ang pangangailangang Makita ang akda
bilang likha.
           Sa ganitong tekstwal na oryentasyon, nabawasan ang mabigat na diin sa
talambuhay ng may-akda, sa kasaysayan, at sa aral na siyang mga sangkap sa
tradisyunal na panunuring pampanitikan.

Negatibo

            Kahinaan ng Makabagong Kritisismo at makabagong kritiko ang malabis na


pagsandig sa mga disiplinang tulad ng kasaysayn, pilosopiya, sikolohiya, antropolohiya
at linggwistika upang unawain ang panitikan.

            Sa di-kritikal na pagkakabain, hindi nasusuri ng mga kritiko ang likha at ang
proseso ng paglikha. Sa kakulangan sa wastong kaalaman, nasasadlak ang mga kritiko
sa iisang tunguhin na ang akda ay bunga ng isang serye ng pangyayari sa labas ng
panitikan – sa kanilang paghahanap sa kahulugan.

            Bukod sa pagpapaalis sa may-akda, inihihiwalay ng Formalismo ang akda sa


konteksto nito, sa mga pwersang panlipunan, sa ideolohiya, sa mga pananaw sa buhay
ng isang lipunan.

            Ahistorikal ang pundamental na posisyon ng makabagong kritisismo sapagkat


iginigiit nito na hindi nalalahiran ng kasaysayan ang ‘di maiwasang pagdaloy ng
panahon ng isang akda.

            Ang lakas ng Bagong Kritisismo ay naging kahinaan din nito sapagkat sa
pagbibigay-diin sa mga akdang rasyunal at intelektwal, at elitist, hindi nito nabuksan
ang sarili sa pagsusuri ng kakaibang mga akda – popular, romantiko at sentimental.

           Hindi kayang ipaliwanag ang teoretikal na batayan at limitasyon ng kanilang


pagsusuri. Sa ganitong kakulangan, lumilitaw ang mga prinsipyo ng Bagong Kritisismo
bilang unibersal at esensiyal na mga alituntunin na dapat gamitin sa lahat ng panahon
para sa lahat ng uri ng akda.
Mga Panliteraryang Teknik

ü  Pagbabalik-tanaw – Karaniwan sa teknikong ito ay nagsisimula sa gitna o sa wakas na


ang simula ng lahat ay inaalala na lang.
ü  Pagbabala o Pagpapahiwatig -  Gumagamit ng mga palatandaan o senyales.
ü  Simbolismo – Pamamaraang gumagamit ng mga sagisag.
ü  Alusyon – Mula sa larangang sanggunian gaya ng Bibliya.
ü  Kapanabikan – Teknik na gumaganyak sa damdamin at interes.
ü  Paglalarawang-diwa -  Gumagamit ng salita na pumupukaw sa mga pandama.
ü  Ironya – Ito’y pagbaliktad ng pangyayari.
ü  Katutubong-Kulay – Paglalarawan ng particular na kapaligiran.
ü  Daloy ng Kamalayan – Paglalarawang hindi sumusunod sa lohika.
ü  Paggamit ng Tayutay – Karaniwang gumagamit ng Simile o Metapora

Halimbawa ng Akdang nasa Teoryang Bagong Kritisismo

At siya’y namangha sa kanyang namalas,


Naganap ang tagpo’y mistulang pangarap;

SAANMAN TUMITIG
DILAG AY NAGLIGID
SIYA’T TANGING SIYA ANG PARUPARONG-GUBAT
MANDI’Y ISANG TINIK SA LIPON NG ROSAS.

Sa Tulang “Himala” ni Dominador B. Silos

Gumamit ito ng Tayutay na pahalintulad, Isang tayutay na may tambalang


paghahambing na nangangahulugang pagkakawangki ng mga pagkakaugnay.
Balangkas: Ang ugnayang AB ay tulad ng ugnayang CD.

MABANGONG BULAKLAK! . . . SIMBANGO


Ng di pa nahahagkang pisngi ng isang dalaga . . .
MAPUTING BULAKLAK! . . . SIMPUTI ng
PURING alaalaga pa ng napakahinti’t mutyang dalagita! . . .

Sa Tulang “Sampagita” ni Pedro Gatmaitan

Gumamit ng Tayutay na Pahambing, tayutay na naghahambing ng tao o bagay sa iba,


o nagpapalagay na ang dalawa’y magkawangis sa isang katangian I kauring kaowa
angkin ng mga ito.  Balangkas: Si A ay . . . ni B.

Ang tao kung minsa;y batang nagagalak,


Utal pa ang dila, kung mangusap, pantas!
Ipasko si Kristo ang sabi ng lahat
At ang pakawala’y itong si Barrabas . . .!

Sa Tulang “Ang sasabihin ng Tao” ni Jose Corazon de Jesus

Gumamit ng Tayutay na Balintuna (irony), tayutay na sa pamamagitan nito, ang


kahulugan patitik ng isang anyo ng pananalita ay kabaligtaran ng tangkang sabihin,
dahil sa ang isang bagay na sinasabi ay may ibang pakahulugan at ginamit sa
pangungutya o katuwaan lamang.
TALASANGGUNIAN

Almario, Virgilio S. Balagtasismo versus Modernismo. Ateneo de Manila


University Press. Loyola Heights, Quezon City, 1992.

Arrogante, Jose A. Pagpapahalagang Sining sa Filipino. Navotas Press


                  Navaotas City, 2009.

Austero, Cecila et. Al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Binagong


                  Edisyon). Unlad Publishing House, Pasig City, 2010.

Bagsit- Macaraig, Milagros. Sulyap sa Panulaang Filipino. Rex Printing


                  Press. Loyola Heights, Quezon City, 2005.

Reyes, Soledad S. Kritisismo: Mga Teorya at Antolohiya para sa Epektibong


                  Pagtuturo ng Panitikan. Anvil Publishing House, INC. Pasig, Mtero
                  Manila, 1992.

The Encyclopedia Americana, - International Edition. Encyclopedias and

                  Dictionaries. I. Groiler Incorporated, USA, 2000.

You might also like