You are on page 1of 5

5 4 3 P1 P2 P3 P4

NILA- Nagbahagi ng Hindi gaanong Hindi angkop ang


LAMAN angkop at malawak nagbahagi ng nilalamang
na kaalaman. malawak na inilahad.
kaalaman.

PRESEN- Maayos ang Hindi gaanong Hindi maayos at


TASYON pagkakaulat at maayos ang malinaw ang
malinaw ang pagkakaulat. pagkaka-ulat.
pagkakabigkas.

KOOPE- Lahat ng miyembro May iilang Kalahati ng grupo


RASYON ay nakisali sa miyembro na ay hindi nakisali
gawain. hindi nakisali sa sa gawain.
gawain.

KABUUAN

PAMANTAYAN
Halimbawa ng Isang Tagalog na Sanaysay na Pormal
Isang tagalog na sanaysay na halimbawa ng pagbibigay ng payo o inspirasyon sa mambabasa.

Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak (Sanaysay)


ni: J

Kung tutuusin, isang napakadaling gawain ang pagpasok sa kahit anong uri ng addiction. Ang mas mahirap ay ang paglabas sa ganitong kondisyon kapag ikaw ay nalulong na. Ang
alcohol ay isang nakaka-addict na substance. Kung patuloy mo itong aabusuhin sa matagal na panahon, maaari kang mahulog sa kanyang patibong. Maaari kang maging addict dito at
mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang kumilos kung wala ito. Magigising ka na lamang isang umaga na hindi mo na pala kayang mabuhay nang hindi umiinom.
Sapagkat ang alak nga ay nakapasok na sa iyong sistema at ito’y nakagawa na ng isang malakas na impluwensiya sa iyong katawan at isipan. Na parang kasama na ito ngayon sa
iyong regular na pangangailangan upang makagawa ng pang-araw-araw na gawain.

Alam nating lahat na ang alak ay isang mapanirang substance. Maraming masamang epekto ang labis na pagkonsumo nito sa ating kalusugan at buhay. At kahit na baliktarin mo ang
sitwasyon at mundo, sigurado akong malalaman mong walang mabuting maidudulot ang labis na pag-inom nito lalo na sa pagtagal ng panahon. Kaya nga ang paghinto sa pag-inom
ay isang mabuting desisyon na siyang makapagpapabago ng iyong buhay at pati na rin ang kalagayan mo sa iyong community at kapaligirang ginagalawan. Hindi rin natin dapat isa-
isantabi na ang desisyong ihinto ang bisyong ito ay makabubuti sa iyong kinabukasan at makapagpapatibay pa ng lubos ng mga relasyong maaaring nasira noong nakaraan habang
ipinagpapalit mo kang alak sa iyong mga mahal sa buhay.

Hindi madali ang huminto sa iyong nakasanayan. Lalo pa nga’t naimpluwensiyahan na nito ang iyong katawan at isipan. Pero kung ilalagay mo sa iyong utak ang gawaing ito,
maaaring mapagtagumpayan mo ito kahit sa iyong sariling paraan. Mahirap na kung mahirap, ngunit maraming paraan upang makaalis ka sa iyong bisyo. At kung maghahanap ka
lamang ng mga programa na maaaring makatulong sa iyo, magiging madali ang paghinto sa pag-inom ng alcohol.

Marami pang panahon para tumigil ka. Marami ring available na paraan para mapaglaban ang iyong kondisyon bilang isang alcoholic. Manghinayang ka sa panahon na inuubos mo
lamang sa iyong pag-inom. Sikapin mong pahalagahan ang mga pera na ginagastos mo sa pagtangkilik sa mga inuming nakalalasing. At lagi mong isa-alang-alang ang mga mahal mo
sa buhay na umaasang ikaw ay may kapasidad na magbagong buhay. Hindi kailanman maibabalik ang mga nasayang na ito at lalo pang madaragdagan kung patuloy kang iinom ng
alak. Ngunit kahit hindi man maibalik ang mga nasayang na panahon at salapi, maaari mo pang baguhin ang takbo ng iyong buhay kung ititigil mo na ang iyong bisyo. At sigurado
akong hindi na madaragdagan ang iyong mga problema bagkus ay magkakaroon ka ng mas magandang kalusugan at mabuting pamumuhay ngayon at sa darating pang panahon. 2011
Mga Sanaysay sa Filipino.

Global Warming sa Pilipinas – (Sulating Pormal)

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng
pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang
panahon.

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sadaigdig. Ang lumalalang
sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at
atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng
ozone layer n gating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na sun ’s rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung
ito’y direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang mga mabubuting
sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere.

Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global
warming. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot
ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunod ng mga fossil fuels.

Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin maaagapan
ang pagkasira n gating kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang
masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag n asana tayong dumagdag pa sa mga
taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran.

Sanaysay sa Filipino na Di-Pormal


Istorya ng Pinto
ni: J

Nagdaan ang Araw ng mga Puso. Kumita ng malaki ang mga tindahan ng bulaklak, tindahan ng kapote at tindahan ng balot sa kanto. Malaki rin halos ang kinita ng mga sinehan,
restawran at mga motel maging ang mga pabrika ng tsokolate at stationary. Ang ligayang dulot ng Valentine ’s Day ay binalot sa mga regalong pinagsumikapang ipunin upang
mabigyan ng kahit kaunting saya ang pagbibigyan. Hindi mahalaga ang regalo. Mas mahalaga ang pag-aalala ng nagbigay sa binigyan. At ang kilig na naramdaman sa piling ng iyong
pinakamamahal ay nakamit sa pamamagitan ng PDA at PMS o kahit sa simpleng HHWW ng magsing-irog. Ang mahalaga’y tumitibok ang puso ng bawat isa. And love is in the air.

Kagaya ng mga nagdaang umaga, nagising ako kasabay ng tilaok ng mga manok sa kapitbahay. Sinalubong ako ng lamig na dulot ng hanging amihan paglabas ko ng bahay. Madilim-
dilim pa at siguro ay ako pa lamang ang gising sa hanay ng mga bahay sa lugar na ito.

“Wala pa kaming isang taon na nakalipat dito sa lugar na ito. Iba ito sa lugar na kung saan ko hinasa ang aking tari at kalyo. Sa lugar na kinamulatan ko, hindi natutulog ang oras.
Laging maingay. Laging magulo. Libangan ng tao ang makipag-away sa kapitbahay.

Ngunit sa kabila ng maingay at makulit na kapaligiran nito, natutunan kong mahalin ang lugar na iyon kasama ng pagyakap ko sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw.
Naroon nga ang ingay at gulo ngunit naroon din ang saya’t ligaya na dulot ng pagsasamahan. Laging masigla ang buhay. Gigising kang masaya at matutulog na may ngiti sa mga
labi habang sinasanay ang sarili sa pagtanggap sa mga aberya.

Narito kami ngayon. Lugar na kahit sa panaginip ay hindi naglaro kahit sandali. Tangay sa paligid ang katahimikan at sa umaga ’y gigising kang kapiling ang halumigmig ng simoy
ng hangin. Okay na rin kahit paano. Dito ko naranasan ang katahimikan na hindi naitaguyod ng ingay ng Maynila. Narito ako ngayon sa isang lugar na payapang namumuhay ang mga
tao. Wala sa pusod ng laging nagmamadaling lungsod.

Sa kalaunan ay hinahalagahan ko na rin ang lugar na ito. Marapat lamang marahil. Hindi dahil sa wala akong pagpipilian kundi dahil siguro karapat-dapat lamang siyang mahalin.
Matamis mamuhay sa isang lugar na ang musika sa katanghalian ay huni ng mga ibon sa kalapit na punongkahoy. Masarap sa pakiramdam na ang kaniig mo sa gabi ay ang ilaw ng
mga alitaptap at liwanag ng buwan sa kabukiran. Ang anag-ag ng kumukititap na mga bituin sa langit ay parang bonus na lamang sa buong magdamag.

Okay na rin ang buhay. Malayo na sa mga bisyong sumira nang unti-unti sa buhay na maraming pangarap. Malayo sa daigdig na kahalubilo ang libo-libong tukso sa pagkatao. Okay
na rin kahit paano. Masasanay din ako…Nasasanay na rin ako…”
Naisipan ko nang pumasok ng bahay. Hindi ko kaya ang lamig ng hangin. Tumatayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Pinihit ko ang seradura ng pinto ngunit sa laki ng aking
pagkamangha ay hindi siya sumang-ayon. Naka-lock sa loob! Siguro, nang lumabas ako kanina, nakapindot sa loob ng hatakin ko pasara. Laking katangahan!

Kumatok ako at pinagbuksan ng pupungas-pungas kong ina….

You might also like