You are on page 1of 10

Halimbawa ng Impormatibo

Pamagat: Kalikasan ay dapat pangalagaan

Isinulat ni: Charlene Calica

Ang kalikasan ang nagbibigay kula sa ating kapaligiran na sadyang pinagkaloob ng ating
panginoon. Dapat natin itong ingatan at alagaan. Pahalagahan natin ang kalikasan, dahil
pinagkukunan ito ng pagkain, malinis na hangin at pangsangga sa anumang kalamidad na
darating. At ito ay mahalagang bagay na dapat nating palaguin at huwag abusuhin para sa
kapakanan sa susunod na henerasyon.
Ang kalikasan ay pinagmulan ng iba't-ibang pinagkukunang yaman. Ang mga yamang ito
ay maaring renewable at non-renewable. Ano nga ba ang renewable at non-renewable? Ang
renewable energy ay mga energy na napapalitan ng mabilis, hindi katulad ng non-renewable
energy na aabutin pa ng milyong taon. Ibig sabihin ang renewable energy ay isang bagay na
mabilis lamang itong palitan at halimbawa nito ay tulad ng tubig, hangin, at solar energy.
Kabaliktaran naman nito ang non-renewable , dahil ang non-renewable ay matagal na mawala o
maglaho. Halimbawa nito ay carbon-based, organic na nagmula sa gasolina at oil o gas. Dito rin
nagmula ang materyales sa paggawa ng mga bahay at iba't-ibang mga gusali. Ang kalikasan ay
tumutulong na mabawasan ang mga dumi at usok na dulot ng proseso ng produksiyon at
pagkonsumo.
Ngunit anong ginawa natin? Ito ay unti-unting winasak at inabuso na kung saan-saan natin
tinatapon ang basura sa dagat na kung saan nilalason natin ang mga isda at manira pa. Dapat na
hindi natin ito ginawa. Sa una pa lang dapat nating pinangalagaan ang kalikasan dahil tayo rin
naman ang makikinabang nito. Kung ikukumpara mo ang kalikasan noon at ngayon, ay ang dami na
itong pinagbago.
Kung mas lalo natin itong pababayaan. Dahil magkakaroon ito ng maraming epekto sa
kalikasan. Tulad ng pagkakaroon ng pagbaha, landslide, Flashfloods at marami pang iba na
makakasama sa ating kalikasan. Halimbawa nito ay katulad ng bagyong Yolanda, nagkaroon ito ng
pagbaha at pagFlashFlood, Ang tanong, Ano ang sanhi nito? Isa na dito ay ang pagpapabaya sa
ating kalikasan.
Ayon kay Bernie sa komento nya sa isang Blog Post, "Tunay nga na mahalaga ang kalikasan
sapagkat hindi mabubuhay ang tao kung wala ito, nakadepende ang bawat tao sa kung ano ang
maibibigay sa kanya ng kapaligiran. Minsan sobra, minsan naman kulang, subalit hindi ito sapat na
dsahilan upang tayo ay umabuso at dapat simulan natin ang pagbabago ng ating mga sarili".
Ang kanyang pahayag ay makahulugan pero marami parin ang pwedeng gawin para hindi ito
mangyari ulit. Na kailangan gawin ang mga wastong gawain, tulad ng wastong pagtapon ng basura,
upang mabawasan ang pagbaha. At alagaan ito ng may pagmamahal sa ating kalikasan.

1. Bakit ito kabilang sa tekstong Impormatibo? Ano ang layunin ng halimbawa ng teksto?
Sagot: Dahil ang halimbawang ito ay nagbibigay-kabatiran at nagbibigay aral sa atin. Ang layunin
ng tekstong ito ay ipahayag sa mga mambabasa na ang kalikasan ay dapat pangalagaan at hindi
dapat wasakin.

2. Naipaliwanag ba at malinaw ang paksa ng halimbawa teksto?


Sagot: Oo sapagkat malinaw at mainam ang pagkaka detalye sa bawat teksto.
Halimbawa ng Naratibo

Pamagat: Karanasan sa Pag-ibig

Isinulat ni: Vennie-cer Borbe

Minsan, may isang tao sa ating buhay na nagpapakita ng kakaibang klase ng pagmamahal.
Pagmamahal na ipaparamdam sayo na mahalaga ka sa buhay ng isang tao. Pagmamahal na
nagbibigay ng kakaibang pag-aalaga sayo. Pagmamahal na nagbibigay ng inspirasyon upang
magawa ang mga bagay na sa tingin mo ay imposible hanggang sa dumating ang pagkakataon na
ang taong nagpaparamdam sayo ng kakaibang pagmamahal, ay hindi mo na rin kayang bitawan.

Itago mo ako sa pangalang Angel. Ako po ay isang lalaki, nag-aaral bilang isang Animation at
Computer Progamming sa paaralan ng Brokenshire College Toril sa baitang 11. Ako'y labin-
walong gulang. Sa haba ng karanasan ko sa pagmamahal, minsan tumatakbo na sa isip na tumigil
nalang dahil sa paulit-ulit na sakit na aking nararamdaman. Dahil sa hindi mawala saking isipan
ang kasabihan na, " Feelings are not permanent ". Yung tipong mamahalin ka sa simula, at kapag
lumaon na'y iiwan ka sa hindi maipaliwanag na dahilan. Itago niyo siya pangalang Rouge. Ang
babaeng nagpabago sa buhay ko. Mula sa madilim na karanasan, binigyan niya ng liwanag ang
aking daan. Mula sa isang binatang walang plano at pamamaraan sa buhay, tinuruan niya ako
kung paano bigyan ng halaga ang pag-aaral. Mula sa isang binatang ayaw nang magmahal,
ngayon, tinuruan niya akong kung paano ulit mahal.
Vennie-cer
Madami na kaming pinagdaanan sa buhay. Naging lovers kami ngunit walang lebel sa sitwasyon
ng pagmamahalan. Ang alam lang namin ay merong ako, at merong ikaw, pero walang kami. Alam
namin saming sarili na mahal namin ang isa't - isa. Marami na kaming pinagdaan na mga
pabsubok sa buhay, lalong - lalo na sa aming pagmamahalan. Ngunit hindi namin ito nagawang
sukoan. Marami narin kaming naranasan na kasiyahan at kalungkutan sa buhay. Alam ko sa sarilo
ko, na mahal niya ako, kaya sa huling pagkakataong ito, mananatili akong tapat sa pagmamahalan
naming iyon. Tumatak na sa isipan ko na hindi ako susuko at maghihintay ako sa tamang
panahon na maririnig ko sa kanya harap - harapan ang salitang, " OO ". Niligawan ko siya sa
pamamarang gusto ko at gusto ng pamilya niya. Hindi ko aiya pinabayan na maging malungkot
araw-araw. Hanggang sa dumalas na ang pag-aaway, pagsisigawan at di pagkakaintindihan.
Vennie-cer
Dumating na ang panahon na kung saan madalas na kaming nag-aaway dahil sa selos, di
mapaliwanag na dahilan at dahil sa pride. Dito ko na naisip at naramdaman na unti-unti nang
nawawala ang pagmamahal niya na pinaramdam sakin. Takot akong mawala pa siya sa buhay ko,
pero hindi naman natin mapipilit ang isang tao na mahalin tayo. Ngunit handa ka ba kung sakaling
mangyari ito sa buhay mo na isang araw, yung taong nagturo sayo kung paano magmahal ulit,
siya pa yung mawawala nang hindi mo malaman-laman ang tunay na dahilan.

Oo di siya nawala sa pisikal na antas, pero yung pagmamahal niya na dati kong naramdaman sa
kanya, tila ba parang bula na sa isang idlap ay nawala.Palagi ko pa rin siya nakikita saming
eskwelahan, ngunit ang pagpapansinan na kadalasan naming ginawa ay naglaho naglaho nalang
bigla. Pakiramdam ko, nawala na talaga siyang nararamdaman para sakin. Kaya nagdisisyon ako
na itigil na rin ang nararamdaman ko para sa kanya at lumayo-layo para makalimut sa sakit na
nararamdaman. Ngunit ipinangako ko sa sarili ko, na siya ang kahuli-huling babae na mamahalin
ko.

Hanggang dito nalang at maraming salamat.

1. Bakit ito kabilang sa tekstong Naratibo? Ano ang layunin ng halimbawa ng teksto?
Sagot: Nabibilang ito sa tekstong naratibo dahil naibigay at napaliwanag ng maayos ang mga
mahalagang impormasyon. Ang layunin ng tekstong ito ay ang pag bigay ng kalayaan sa kanyang
minamahal.

2. Matutukoy ba ang paksa,estruktura,oryentasyon at pamamaraan ng narasyon sa halimbawa


teksto?
Sagot: OO
Halimbawa ng Persuweysib

Pamagat: Edukasyon: Susi ng Tagumpay!

Isinulat ni: Rona Jean M. Diaz

Maraming kabataan ngayon ang tinatamad ng mag-aral, may iilan naman nahinto dahil
sa kahirapan at pinili na lang magtrabaho para may makain. Isa ito sa problemang kinakaharap
ng ating bansa. Dumarami ang out-of-school youth sa mga lugar na hindi na abot ng tulong ng
pamahalaan.

Isa ka ba sa mga kabataan na iyon? Kung oo, isapuso ang bawat mababasa mo sa
tekstong ito. Edukasyon ang susi sa tagumpay mo sa buhay, kung mananatili ka lamang sa
sitwasyon mo ngayon walang uusbong na pagbabago sa ating bansa. Nahinto ka man sa pag-
aaral, maraming ahensya ang gobyerno na nagbibigay ng pagkakataon sa mga tulad mo na
makapag-aral ulit.

Edukasyon ang tanging sandata mo para magtagumpay sa buhay. Hindi ka matatapakan


at yuyurakan ng iba dahil alam mo sa sarili mo na may pinag-aralan ka at ginagamit mo ito sa
tama. Alalahanin mo na pagnakatapos ka magiging masaya ang mga magulang mo. Mabibigay
mo sa kanila ang gusto mo at mapapasyal mo sila sa magagandang lugar.

Pagnatapos mo ang kursong iyong kinuha magiging madali sa iyo na makahanap ng


trabaho. Makakaipon ka at mabili ang gusto mo. Makakapaglaan ka ng pera para sa pagbuo mo
ng sarili mong pamilya. Isang paalala sa iyo ang naging karanasan mo noong bata ka pa, mas
mabuting makapagtapos ng pag-aaral ang magiging anak mo.

O ano? Nagising ko ba ang diwa mo? Mag-aral ka ulit kapwa ko kabataan, hindi pa huli
ang lahat. Magsikap ka at may tutulong sayo upang matupad mo ang iyong mga pangarap sa
buhay. Bangon kabataan, bangon para sa kinabukasan ng ating bayan.

1. Bakit ito kabilang sa tekstong Persuweysib ? Ano ang layunin ng halimbawa ng teksto?
Sagot: dahil mainam ang pagkalahad. Ang layunin nito ay dapat di sumuko sa pag aaral at hindi
hadlang ang pagiging mahirap.

2. Sa ano paraan nang panghihikayat ang halimbawa teksto?


Sagot: hinihikayat ang mga kabataan na mag aral at tumapos ng pag-aaral para mabigyan ng
magandang kinabukasan para sa bayan.
Halimbawa ng Argumentatibo

Pamagat: Droga sa kabataan

Isinulat ni: Cristine Castillo

Isa sa pinakamalaking problemang kinakaharap ng bansa ay ang kasalukuyang hindi maayos na


gawain ng mga kabataan. Mga gawang pawing nakakasira sa harapan ng iba katulad na lamang ng
masasamang bisyo. Ang pagkalat at pagpapabaya sa mga naiwang problema ay nagiging sanhi o
mas lalo pang nagiging malaki itong problema na siyang kakalat pa sa marami.
Marami na akong nalalaman tungkol sa masamang gawaing gawa ng mga kabataan. dahilan na ng
mga balitang naririnig ko sa telebisyon at radio. Isa na rito ang pagkalulong sa droga. Ngunit
masama ba talaga ito sa tao ?
Pagkalulong sa droga. Marami tayong nababalitaan na nangyayari na tumutukoy sa masamang
bisyong ito. Maraming namamatay araw-araw dahil sa pagpatay sa mga lulong sa bisyong ito. Oo, at
naniniwala na ako na sobrang masamang-masama na ang naidudulot ng ilegal na droga sa
kabataan ngayon ay nakakagawa tayo ng maling gawain. Hindi maayos ang nagiging laman ng
ating isip at lalong-lalo na hindi sumasang-ayon sa tama ang tibok ng puso. Sa katunayan,ang
droga, isa na itong kadahilanan kung kaya’t hindi nakakapagtapos ng pag-aaral ang mga bata sa
bansa. Ang ilan ay nalulong na rito at pawang dito na lamang nakatuon ang kanilang mga isip at
pansin. Ang droga ay masama dahil ginagawa niya tayong pabaya sa mga baga-bagay na dapat
nating gawin.
Ngunit mayroon nagsasabi na hindi delikado ang paggamit ng droga. Ang droga ay nakaka adik
lamang ngunit wala pang patunay na masama ito sa atin. Ang mga sumusulpot na balitang katulad
nito ay mga bagay-bagay lamang na sadyang nagpapatunay na ito ay walang masamang epekto.
Oo, marahil isipin ng iba na magulo ang sitwasyon ngayon tungkol rito. May mga positibo at
negatibong ebidensya pero hindi pa ito maayos napapatunayan. Ang totoong dahilan lang naman
kung bakit ito ay mabuti ay nakakaadik at nagiging masama lamang ito dahil sinasabing nakakasira
ng buhay. Sabi nga nila, lahat ng masarap ay nakakaadik at kaya sila gumagamit kasi gawi at
nakasanayan na nila ito.

1. Bakit ito kabilang sa tekstong Argumentatibo? Ano ang layunin ng halimbawa ng teksto?
Sagot: Dahil mainam ang pagpahiwatig ng argumento. Ang layunin ng tekstong ito ay dapat
nating aksyonan at bigyang pansin ang nangyayari sa ating mga kabataan.

2. Ano ang katangian at nilalaman ng halimbawa ng teksto upang maging mahusay?


Sagot: ang tekstong ito ay sinasabing may magagawa ang ating kabataan para maiwasan ang
masasamang Gawain.
Halimbawa ng Deskriptibo
Pamagat: Ang ginto sa ating Kapaligiran

Isinulat ni: John Linarson Z. Napoles

May mga bagay na hindi natin napapansin na mahalaga saating pamumuhay at sa pang araw-
araw. Mga bagay na ating napagkukunan ng enerhiya, hangin, at pagkain. Mga bagay na
matatagpuan natin sa ating paligid na nagsisilbing ginto saating mga tao. Kapag sinabing ginto, ang
pumapasok sa ating isipan ay maaaring ito ay mahiwaga, mahal, mabigat, at makinang. Ngunit
hindi lahat ng ginto ay makinang, mahal, at mabigat, ang ilan ay narito lamang sa ating kapaligiran.
Ang mga punong kahoy, na nagbibigay saatin ng napaka sarap na simoy ng hangin, at
bumubuo sa sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga tahanan. Mga punong kahoy na may
mga malalapad at matangkad, na nagbibigay saatin ng iba’t-ibang kabuhayan at mapagkaki-kitaan.
Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating buhay ay ang mga munting gulay na ating kinakailangan
sa pang araw-araw dahil ito ay nagbibigay saatin ng pagkain. Mga gulay na masustansya,
nangungulay berde, ang iba ay kulay lila, kulay dilaw, at kulay pula. Mga gulay na bilog na bilog na
parang hugis bola, mga gulay na walang kasing sarap dahil ito ay walang katulad at natural ang
pagtubo.
Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na malayang umaagos.
Tubig na nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang tubig ay minsa’y malinaw na kasing linaw
ng paningin natin at minsa’y kulay asul na nag papahiwatig na ito ay malalim.
Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang katangian nito, ang mga kulay
berde na dahon, ang mga gulay na nagsisigandahan ang kulay, at ang dagat na nagdadagdag
kagandahan sa paligid.
At ang pinaka-magandang ginto sa ating kapaligiran ay ang ating nasisilayan sa oras ng
pagmulat ng ating mga mata, ang araw – na nagbibigay saatin ng liwanag, ang araw na bilog na mas
malaki pa sa ating planeta, araw na nagbibigay saatin ng buhay at pag-asa sa araw-araw.

1. Bakit ito kabilang sa tekstong Deskriptibo? Ano ang layunin ng halimbawa ng teksto?
Sagot: dahil ito ay nag lalarawan. Layunin nito ay ang mga bagay na ating nakikita at
napakikinabangan ay ang tunay nag into sa atin.

2. Malinaw ba ang paglalarawan ng teksto? Detalyado ba at nakalilikha ng pangunahing


impresyon sa mambabasa?
Sagot: Oo.
Halimbawa ng Prosidyural
Pamagat: Paano magluto ng Leche Flan

Isinulat ni: Jeanne Tiong

Madali lang magluto ng leche flan. Kailangan lang ay mayroon kang oven o kaya ay steamer.
Kapag wala ka ng mga kagamitang ito, maaari kang gumamit ng malaking kawali. Lagyan mo
lang ng mapapatungan ang llanera (yung pagsisidlan ng leche flan).

MGA SANGKAP NG LECHE PLAN


1 tasang asukal na pula

3/4 tasang tubing

12 pula ng itlog (egg yolk)

2 lata ng gatas na condensada

2 lata ng gatas na evaporada

1 kutsarita katas ng lemon

Kaunting asin

PARAAN NG PAGLUTO NG LECHE PLAN


1. Paghiwalayin ang pula at puting bahagi ng itlog. Ang pula lang ang kailangan sa leche flan.
2. Sa isang mangkok, paghaluin ang lahat ng pula ng itlog, gatas na kondensada at evaporada.
3. Ilagay ang katas ng lemon at haluin ng maigi upang maiwasan ang mga bula.
4. Maaari rin maglagay ng kaunting asin.
5. Sa isang kawali, paghaluin ang tubig at asukal. Isalang sa apoy at hayaang kumulo
hanggang mag-caramelize ang asukal. Ibuhos ito at ikalat sa mga llanera. Hayaang
lumamig.
6. Unti unting ibuhos ang pinaghalong kondensada at evaporada sa loob ng llanera na may
nakabanig na caramelized na asukal. Huwag punuin ang sisidlan. Maglagay lang ng
hanggang 1 ¼ pulgada ang lalim.
7. Maaring lagyan ng takip na aluminum foil kapag walang dala na takip ang llanera.
8. Ilagay sa lutuan na iyong napili at i-steam ng 35 hanggang 45 minuto. Kung sa oven naman,
i-bake ng 45 minuto sa setting na 370 Celsius.
9. Kapag naluto na, haungin at palamigin. Palamigin sa loob ng ref – huwag sa freezer.
10. Bago ilipat sa plato, padaanin ang kutsilyo sa pagitan ng leche flan at ng llanera upang hindi
mabiyak ang leche flan. Ilagay sa plato ng nakabaligtad upang yung bahagi na may
caramelized sugar ang nasa ibabaw.

1. Bakit ito kabilang sa tekstong Prosidyural? Ano ang layunin ng halimbawa ng teksto?
Sagot: Dahil ito ay isang gabay at ang layunin nito ay para matagumpay ang isinasagawang
pagluluto.

2. Makikita sa halimbawa ng tekstong Prosidyural (layunin,kagamitan,metodo,at ebalwasyon)


Sagot: Oo, dahil makikita ang layunin kagamitan, metodo at ebalwasyon sa ginagawang
pagluluto.
PAGSASAMA-SAMA
NG IBA’T-IBANG TEKSTO

FIL 002

IPINASA NI:
ZALSOS, JOHNLLOYD P.

IPINASA KAY:
MS. GIL JEAN PATILAN

You might also like