You are on page 1of 2

S.Y.

2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q1
303421
JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK4
LAS No.: 1
Name: _________________________________________________________________ Grade/Score: _____________
Grade and Section: _______________________________________________________ Date: ___________________
Subject: Filipino 9

Type of Activity: Concept Notes

Activity Title: Konsepto ng Maikling Kuwento


MELC: Nasusuri ang maikling kwento batay sa paksa, tauhan, pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari, estilo
sa pagsulat ng awtor, at iba pa. (F9PS-Ia-b-41)
Learning Target: Nasusuri ang maikling kwento batay sa paksa, tauhan, pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari, estilo
sa pagsulat ng awtor, at iba pa.
References: Avena,Lorenza P., Dominguez,Leticia F. Ph.D. at Badua, Zenaida S. Wika at Panitikan Filipino
Ikatlong Taon. Don Pepe cor. Simoun Streets, Sta Mesa Heights Quezon City : JGM & S Corporation

KONSEPTO:
Ilan sa mga uri ng maikling kuwento:

 Sa kuwento ng tauhan, inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang


nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng mambabasa.
 Sa kuwento ng katutubong kulay, binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga
tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
 Sa kuwento ng kababalaghan, pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapani-paniwala.
Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindaksindak.
 Sa kuwento ng katatawanan, binibigyang-aliw at pinapasaya naman ang mambabasa.
 Sa kuwento ng pag-ibig, matatalakay ang pag-iibigan ng dalawang tao
 Sa kwentong makabanghay, pinagtutuunan ang pagkakabuo ng mga pangyayari. Mahalagang
matukoy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at ang estilo na ginamit ng may-akda.
Tema

 Mayroong pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento.


 Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda ng isang maikling
kuwento. Ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipan ng mga mambabasa.
 Ang mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.
BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO
AKDA – Ito ay isang komposisyon maaring maikling kwento, nobela, tula, pabula o iba pa
na isinulat ng tao at kaniyang nailimbag.

SIMULA - Ang bahaging simula ay nagpapakilala ng tauhan ng akda at nagpapakita ng tagpuan nito.
Mababakas din dito ang suliraning kakaharapin ng pangunahing tauhan sa akda.

GITNA - Sa gitnang bahagi naman ng akda ay matatagpuan ang saglit na kasiglahan, tunggalian, at
kasukdulan.

WAKAS - Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita
ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang
katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o
malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

LANGSOCTECH Department - LAS No. 1 - Page 1 of 2


S.Y. 2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q1
303421 JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK3

LANGSOCTECH Department - LAS No. 1 - Page 2 of 2

You might also like