You are on page 1of 4

S.Y.

2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q3
WK1
303421
JHS LEARNING ACTIVITY SHEET
LAS No.: 1
Pangalan:DANNY B.ELAGO ______________________________ Grade/Puntos:____________
Taon at Pangkat: GRADE-9-HUMILITY______________________Petsa___________________
Asignatura: Araling Panlipunan 9

Uri ng Gawain: Mga Tala ng Konsepto

Pamagat ng Gawain: Paikot na daloy ng Ekonomiya.

MELC: Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya. ( AP9MAK-
IIIa-1)
Layunin: Nalalaman ang Una at ikalawang paikot na daloy ng Ekonomiya.
Sanggunian: Ekonomiks, Consuelo M.imperial,EvelinaM.Viloria.
Unang Modelo. Payak na Ekonomiya. Ito ay nagpapakita ng isang payak na ekonomiya na
kung saan ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa. Ang gumagawa ng produkto ay siya ring
kumukonsumo.

Ikaw ay bibisita sa iyong kamag-anak sa Visayas. Habang nasa laot, inabutan kayo ng bagyo at
nasira ang inyong sinasakyang barko. Dinala kang alon sa pampang at napagtanto mong mag-isa
kang nakaligtas, walangkasama at hindi kaagad agad makakaalis sa lugar.Ano ang gagawin
moupang makuha ang iyong pangangailangan? Hindi ba’t gagawa ka ng paraan para makuha
ang iyong pangangailangan? Hahanap ka ng makakain, mgabagay na kakailanganin mo upang
ikaw ay mabuhay. Ikaw ang gagawa ng
paraan upang makaalis ka sa iyong kinalalagyan sapagkat walang ibanggagawa nito para sa iyo.
Pigura 1
Payak na Ekonomiya

Lumilikha ng mga
produkto
Kumukonsumo ng
mga produkto

Ikalawang Modelo. Ang Bahay-kalakal at Sambahayan. Sa modelong ito,ang ekonomiya


ay nahahati sa dalawang sektor: ang sambahayan at bahay kalakal.Mayroong itong dalawang
pamilihan: (1) ang pamilihan ng salik ng produksiyon o factor markets (lupa, lakas-paggawa,
entreprenyur, kapital) at (2) pamilihan ng mgatapos na produkto o commodity (kilala bilang
goods market o commodity market) at
serbisyo.

Makikita sa Pigura 2, na ang nasa loob na daloy ay mga produkto atserbisyo sa pagitan ng
sambahayan at bahay-kalakal. Ipinagbibili o pinapaupahanng sambahayan ang paggamit ng
kanilang lupa, lakas-paggawa, kapital,pamamahala sa pamilihan ng salik ng produksiyon. Binibili
naman ito ng bahaykalakal na ginagamit sa paggawa ng mga produkto at serbisyo na ipinagbibili
sasambahayan sa pamamamagitan ng pamilihan ng mga tapos na produkto at serbisyo. Ang
nasa labas naman na daloy ay nagpapakita ng kita ng ekonomiya.Ginagamit ng sambahayan ang
salapi sa pagbili ng mga produkto at serbisyo mulasa bahay-kalakal. Ang bahay-kalakal naman ay
ginagamit ang kanilang kinikitangsalapi sa pagbabayad ngpaggamit nila ng mga salik ng
LANGSOCTECH Department - LAS No. 1 - Page 1 of
2
S.Y. 2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q3
303421 JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK1

produksiyon gaya ngsahod, renta, interes at ang matitira ay tubo para sa may-ari ng bahay-
kalakal.

May prinsipyong makukuha sa modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya.


1. Ang paikot na daloy ay nasa ekwilibriyo. Dahil ito ay paikot, kung ano angdumadaloy palabas
sa bawat sektor ay siya ring dadaloy papasok. 2. Ang gastos sa pagbili ng mga produkto at
serbisyo ay dumadaloy mula sa sambahayan patungo sa bahay-kalakal at ang kita sa salik ng
produksiyon ay dumadaloy mula bahay-kalakal patungo sa sambahayan.

LANGSOCTECH Department - LAS No. 1 - Page 2 of 2


S.Y. 2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q3
303421 JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK1

LANGSOCTECH Department - LAS No. 1 - Page 3 of 2


S.Y. 2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q3
303421 JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK1

LANGSOCTECH Department - LAS No. 1 - Page 4 of 2

You might also like