You are on page 1of 2

S.Y.

2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q1
303421
JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK3
LAS No.: 3
Name: _________________________________________________________________ Grade/Score: _____________
Grade and Section: _______________________________________________________ Date: ___________________
Subject: Filipino 9

Type of Activity: Concept Notes

Activity Title: Pagsusuri ng Maikling Kuwento


MELC: Nasusuri ang maikling kwento batay sa paksa, tauhan, pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari, estilo
sa pagsulat ng awtor, at iba pa. (F9PS-Ia-b-41)
Learning Target: Nasusuri ang maikling kwento batay sa paksa, tauhan, pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari, estilo
sa pagsulat ng awtor, at iba pa.
References: Avena,Lorenza P., Dominguez,Leticia F. Ph.D. at Badua, Zenaida S. Wika at Panitikan Filipino
Ikatlong Taon. Don Pepe cor. Simoun Streets, Sta Mesa Heights Quezon City : JGM & S Corporation

KONSEPTO

Ang pagsusuri ay isang uri ng pagtataya kung saan sinusukat nito ang antas ng kakayahan o kaalaman ng
isang tao ukol sa isang paksa, asignatura o iba pang talakayan. Mahalaga ang pagsusuri sapagkat natatasa nito kung
naintindihan ba ng isang tao ang kanyang napag-aralan at kung epektibo ang paraan ng pagtuturo.
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay
ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Mga Elemento
 Panimula- Nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga
tauhan ng kuwento.
 Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ito ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.
 Suliranin- Ito ang problemang haharapin ng tauhan.
 Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan at tao laban sa
kapaligiran o kalikasan.
 Kasukdulan- Makakamtan dito ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
 Kakalasan- Tulay ito sa wakas.
 Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
 Tagpuan- Nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang panahon
kung kailan naganap ang kuwento.
 Paksang Diwa- Pinakakaluluwa ito ng maikling kuwento.
 Kaisipan- Mensahe ito ng kuwento.
 Banghay- Pagkakasunod-sunod ito ng mga pangyayari sa kwento.
 Estilo sa Pagsulat ng Awtor - Dito makikilala ang manunulat. Ano ang kaniyang naging gawain o
katungkulan? Paano nito maiuugnay ang kaniyang background sa estilo ng kaniyang pagsulat?
Gawin 1
Panuto. Batay sa binasang kwento, sagutin ang mga sumusunod na tanong hinggil sa iyong nauunawaan.
Ilahad ang sagot sa loob ng isa o dalawang pangungusap lamang. Dalawang puntos ang bawat ang bilang.
1. Saan ang tagpuan ng kwento?
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
3. Anu-anong katangian ng ama ang makikita sa kwento?
4. Anong pangyayari sa kwento ang nakapagpabago sa di-mabuting pag uugali ng ama? Isalaysay ito.
5. Paano ipinakita ng ama ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang mga anak?

PANUTO: SA BAHAGING LIKOD NG PAPEL NA ITO, DOON ISULAT ANG IYONG SAGOT. LINAWAN AT
AYUSIN ANG PAGKAKASULAT NG SA GAYO’Y MABASA ITO NG GURO AT MAINTINDIHAN. SALAMAT!
LANGSOCTECH Department - LAS No. 3 - Page 3 of 4
S.Y. 2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q1
303421 JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK3

LANGSOCTECH Department - LAS No. 3 - Page 2 of 2

You might also like