You are on page 1of 3

S.Y.

2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q1
303421
JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK4
LAS No.: 5
Name: DANNY B. ELAGO_______________________________________________________Grade/Score: _____________
Grade and Section:GRADE 9- HUMILITY __________________________________________Date:
Subject: Filipino 9

Type of Activity: Skills: Exercise/Drill

Activity Title: Pagsasanay sa Natutuhan


MELC: Nakapagsusunod-sunod ng mga pangyayari gamit ang angkop na mga pang-ugnay. (F9WG-la-b-41)
Learning Target: Nakapagsusunod-sunod ng mga pangyayari gamit ang angkop na mga pang-ugnay.
References: Avena,Lorenza P., Dominguez,Leticia F. Ph.D. at Badua, Zenaida S. Wika at Panitikan Filipino
Ikatlong Taon. Don Pepe cor. Simoun Streets, Sta Mesa Heights Quezon City : JGM & S Corporation

Gawain 1: Pagsasanay sa Natutuhan

Panuto: Bilugan sa loob ng panaklong ang angkop na transitional device na gagamitin sa


pangungusap upang mabuo ng malinaw ang pahayag. Sumanguni sa Learning Activity Sheet No.4 para
sa karagdagang kaalaman.
1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu, (kaya, sa lahat ng ito) hindi
niya lubos maisip kung paano niya ito haharapin. 2. (Datapwat, subalit) nasasabi niyang siya’y
nakakaraos sa buhay, (subalit, kaya) hindi pa rin maipagkakaila ang lungkot na kaniyang nararamdaman.
3. Siya’y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa buhay. 4.
Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito), hindi na niya alintana ang
mga darating pa. 5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon, kaya)
mapipilitan siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit sa kaniyang pamilya.
GAWAIN 2
Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pag punan ng mga transitional devices.
Sumanguni sa Learning Activity Sheet No.4 para sa karagdagang kaalaman.

Isang gabi, maliwanag ang buwan, naisipan ni Brinth na mag ensayo ng diving para sa isang tryout
bilang paghahanda sa SEA Games.1. ____ nga mayaman, sunod ang kaniyang layaw sa anumang
gustuhin niya. 2.____ kakulangan ng oras sa umaga dulot ng paglalakwatsa, naisip niya sa gabi na
lamang siya mag-eensayo.
Alam niyang kahit hindi siya mag-ensayo, matatanggap parin siya 3. ____ matalik na kaibigan ng
kaniyang ama ang Chairman ng Philippine Sports Commission. Pagod siya sa buong araw na pag-aaral
4. ____ pursigido siyang dapat mapanalunan ang kampeonato. Patay ang lahat na ilaw sa paligid ng
paaralan. Ang tanging tumatanglaw lamang ay ang isang ilawan sa covered court at ang maliwanag na
sinag ng buwan. 5.____, habang siya’y nakatayo sa springboard ng pool na may taas na tatlumpung
talampakan, dahan-dahan niyang itinataas ang kaniyang dalawang kamay, 6. ____ umaayos nang
nakadipa bilang paghahanda sa pagtalon. 7.____ biglang nag-brownout. Ang sinag na lamang ng buwan
na nasa kaniyang likuran ang tanging tumatanglaw sa kaniya. 8.____ na lamang ang kaniyang pagkabigla
nang kaniyang
makita ang larawan ng krus sa kaniyang harapan. Siya’y lumuhod sa kinatatayuang springboard at
umusal. “Panginoon, kung ito’y isang pahiwatig na ako’y dapat magbago sa aking kapalaluan, patawarin
N’yo po ako. Taos-puso po akong lumuluhod sa inyong harapan at nagsusumamo na patawarin N’yo po
sana ako.” Patuloy na humagulgol si Brinth at ‘di namalayang bumalik ang kuryente. Siya pa rin ay
nakaluhod at nakayuko nang biglang umilaw ang paligid. 9._____ kaniyang ibuka ang mga mata, doon
lamang niya nakita na wala palang tubig ang pool kung saan siya dapat tumalon kanina bago namatay
ang ilaw. Bigla siyang tumayo at nagwika nang pabulong, “Salamat po, Panginoon.” 10. ______ ay hindi
na siya bumalik sa springboard na ‘yun.

Panuto: Panuto: Gamitin ang bahaging likod ng papel at doon isulat ang sagot. Huwag gumamit ng anumang uri ng
LANGSOCTECH Department - LAS No. 5 - Page 5of 5
S.Y. 2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q1
303421 JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK3

sagutang papel tulad ng intermediate paper, bond paper, or notebook. Unawaing mabuti ang mga panuto bago
sagutan ang mga aktibidad.

LANGSOCTECH Department - LAS No. 5 - Page 2 of 3


S.Y. 2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q1
303421 JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK3

LANGSOCTECH Department - LAS No. 5 - Page 3 of 3

You might also like