You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
Bugallon II District
Salomague Norte Elementary School

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON SA ESP 3


IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
S.Y. 2023-2024
Learning No. of No. Level of Behavior, Knowledge Dimension and Item
Competencies Days of % of Placement
(with Code) Item Items R U Ap An E C
s
Nakapagpapadama ng
malasakit sa kapwa na
may karamdaman sa
pamamagitan ng mga
simpleng gawain
1.1.pagtulong at pag- 1,7,9
12 10 25% 3,4 2,8 5,6
aalaga 10
1.2.pagdalaw, pag-aliw
at pagdadala ng pagkain
o anumang bagay na
kailangan
EsP3P- IIa-b – 14
Nakapagpapakita ng
malasakit sa may mga
kapansanan sa
pamamagitan ng:
2.1.pagbibigay ng
simpleng tulong sa
kanilang
pangangailangan
2.2.pagbibigay ng
pagkakataon
upang sumali at lumahok 14,15 18,19
12 10 25% 11,13 12
sa mga 16,17 20
palaro o larangan ng
isport at iba
pang programang
pampaaralan
2.3 pagbibigay ng
pagkakataon
upang sumali at lumahok
sa mga
palaro at iba
EsP3P- IIc-e – 15
Naisasaalang-alang ang 13 10 25% 24 21,22. 23
katayuan/ 25.26,
kalagayan/ pangkat 27,28,
etnikong 29,30
kinabibilangan ng kapwa
bata sa pamamagitan ng:
pagbabahagi ng pagkain,
laruan, damit, gamit at
iba pa
EsP3P- IIf-g –16
Nakapagpapakita nang
may
kasiyahan sa pakikiisa sa
mga
gawaing pambata 34,36, 33,35,
13 10 25% 31,32
Hal. paglalaro 39,40 38,37
programa sa paaralan
(paligsahan,
pagdiriwang at iba pa)
EsP3P- IIh-i – 17
TOTAL 50 40 100% 60% 30% 10%
EASY AVERAGE DIFFICULT

PREPARED BY:
LIWAYWAY S. PALAGANAS
GRADE -3 Adviser

CHECKED & VERIFIED


JOCELYN C. TANIGUE
MT-III

NOTED BY:
HAZEL D. TENEPERE
HEAD TEACHER

Republic of the Philippines


Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
Bugallon II District
Salomague Norte Elementary School

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ESP 3
Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.
1. Alin ang mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa taong may karamdaman.
A. Pagtulong sa pagpapainom ng gamot.
B. Hindi pagbisita sa taong may sakit
C. Pagtawanan ang taong may karamdaman.
D. Pang –bubully sa taong may sakit.
2. Ang iyong kaklase ay umiiyak dahil sa tindi ng sakit ng kanyang ngipin. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Pabayaan lamang siyang umiyak.
B. Pagtawanan ang kaklaseng masakit ang ngipin
C. Samahan siyang nagpunta sa dentist upang magamot ang sumasakit na ngipin.
D. Bigyan ng tsokolate ang kaklase upang lalo pang sumakit ang ngipin.
3. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mong maitulong sa iyong kaklase na may sakit?
A. Pagtawanan ang kaklaseng may sakit
B. Pagdalaw at pagbibigay ng prutas sa kaklaseng may sakit
C. Pag –aaya sa kaklaseng ay sakit na maligo at maglaro sa ulan.
D. Wala kang gagawin.
4. May sakit ang nanay ni Samuel kaya hindi ito makagawa ng gawain sa bahay. Ano ang
dapat gawin ni Samuel?
A. Umalis ng bahay
B. Manood ng sine at mamasyal sa mall.
C. Makipag laro sa kapit-bahay.
D. Gumawa ng gawaing bahay atb alagaan ng nanay.
5. Kailan dapat magpakita ng malasakit sa taong may karamdaman o kapansanan.
Isulat ang iyong sagot: ________________________
6. Ano ang iyong nararamdaman tuwing nagpapakita ka ng pagmamalasakit sa mga may
kapansanan? Isulat ang iyong sagot: ________________________
7. Alin ang dapat mong gawin kapag nabalitaan mong may sakit ang iyong guro.
A. Mag-iingay at mang-gugulo sa klase
B. Pupulungin ang buong klase at sasbihing dalawin ninyo ang guro.
C. Hindi na lang papasok sa klase.
D. Hihintayin na lamang na pumasok ang guro.
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo dapat gawin kung nabalitaan mong nagkasakit ang
kaibigan mong nasa malayong lugar.
A. Papadalhan ng get-well soon card.
B. Dadalawin siya sa kanilang lugar.
C. Ipagdarasal ko siya sa madali niyang paggaling.
D. Wala kang gagawin.
9. May sakit ang iyong nakababatang kapatid, Ano ang dapat mong gawin upang mapagaan ang
kanyang pakiramdam?
A. Babasahan ng nakakatakot na kwento.
B. Iiwan ang kapatid at makikipaglaro sa mga kaibigan.
C. Kukwentuhan ng nakaka-aliw ang kapatid.
D. Manood ng T.V. at hahayaag mag-isa sa kwarto ang kapatid.
10. May sakit ang iyong lolo at lola sa probinsya, sinabihan ka ng nanay mo na dadalawin nyo
sila sa araw ng Sabado. Ano ang gagawin mo?
A. Sasama sa nanay sa pagdalaw sa mga lolo at lola.
B. Magdadahilan na marami kayong gagawin sa paaralan.
C. Sasama sa nanay ngunit masama ang loob
D. Hindi na lang sasama.
11. Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa bulwagan ng inyong paaralan. Nakita mo na
ang kaklase mong pilay ay nakatayo lamang sa may unahan ng bulwagan dahil wala ng
bakanteng upuan. Ano ang gagawin mo?
A. Titingnan ko siya at pagtatawanan dahil wala siyang upuan.
B. Lalapitan ko siya upang ibigay ang aking upuan.
C. Mananatili ako sa aking upuan at hahayan ko siyang nakatayo hanggang matapos
ang palatuntunan.
D. Nagpapanggap akong di ko siya nakita.
12. Palabas ka na ng paaralan para umuwi na ng makita mo ang iyong kamag-aral na pilay na
nahihirapan sa pagtayo sa upuan . Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan na lamang na mag-isa itong tumayo
B. Aalis na parang walang nakita.
C. Lalapitan ko siya at pagtatawanan.
D. Lalapitan ko siya at tutulungang tumayo.
13. Nakasakay si Tricia sa sasakyan. Sa isang kanto,umakyat ang isang matandang babae. Wala
ng bakanteng upuan. Ano kaya ang maaring gawin ni Tricia?
A. Hayaan niyang nakatayo ang matanda.
B. Pababain na lamang niya ang matanda.
C. Ibigay niya ang kanyang upuan sa matanda.
D. Hintaying may bumaba saka paupuin ang matanda.
14. Anong ugali ang ipinakikita mo sa pagtulong sa mga matatanda na may kapansanan sa
pagtawid sa daan?
A. Pagkamagalang C. Kagandahang-loob
B. Pagkamatulungin D. Katapatang-loob
15. May paligsahan sa pagsayaw ang inyong paaralan,alam mong marunong sumayaw ang
kaibigan mong si Roy .Ano ang sasabihin mo sa kanya?
A. Huwag na lamang siyang sasali dahil siya ay may kapansanan.
B. Hihikayatin kong sumali si Roy dahil alam kong mahusay siyang sumayaw.
C. Hindi ko sasabihin kay Roy na may paligsahan sa pagsayaw sa paaralan.
D. Wala akong gagawin.
16. Nagbigay ng wheel chair ang balik-bayang kapitbahay sa batang may kapansanan. Ito ba ay
nagpapakita ng malasakit sa taong may kapansanan?
A. Oo B. Hindi C. Ewan D. Wala sa nabanggit
17. Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong may bingot. Hindi ninyo
masyadong naunawaan ang kanyang sinabi. Ano ang dapat mong gawin?
A. Makikinig ako sa sagot ng kaklase ko.
B. Tatayo rin ako at sasabayan ko siyang sumagot upang maunawaan ng iba kong
kaklase.
C. Sasabihin ko sa katabi ko ang tamang sagot.
D. Pagtatawanan ko siya dahil hindi maintindihan ng buong klase ang sinabi niy.
18. Nagkaroon ng palatuntunan ang mga special education children sa inyong paaralan. Unang
nagpakita ng kakayahan sa larangan ng tula ay ang hearing impaired child na si Jano. Nasa
kalagitnaan na siya ng kaniyang tula nang bigla niyang makalimutan ang susunod na linya.
Kung ikaw ay isa sa mga manonood,ano ang dapat mong gawin?
A. Tatawanan ko si Jano.
B. Tatawagin ko na siya para umupo na.
C. Tahimik akong mananalangin n asana ay maalala niya ang nalimutang linya.
D. Sisisihin ko siya at sasabihan n asana hindi na lang sumali sa palatuntunan.
19. Simbang gabi. Siksikan ang mga tao sa loob ng simbahan . Isang babaeng pilay ang
nakasandal sa dingding. Ano ang nararapat mong gawin kung isa ka sa mga nakaupo.?
A. Palabasin ang babae.
B. Magpapanggap na hindi nakita ang babaeng pilay.
C. Hayaang nakatayo ang babaeng pilay.
D. Ibibigay ang upuan sa babaeng pilay.
20. Pumasyal si Aling Meding sa paaralan upang dumalo sa isang pulong. Paano mo
maipapakita ang iyong kabutihang –loob?
A. Yayayain siyang lumabas C. Bigyan siya ng upuan.
B. Hahayaang nakatayo. D. Itago ang mga upuan.
21. Mayroon kayong pagsusulit sa Filipino. Napansin mo ang bago mong kaklase na Aeta hindi
mapakali sa kanyang upuan,dahil wala itong lapis at papel. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi papansinin ang bagong kaklase.
B. Lalapitan ko ang kaklase kong Aeta at papahiramin ng lapis at papel.
C. Tutuksuhin ko ang kaklase ko.
D. Pagtatawanan ko siya dahil sa siya ay Aeta at walang gamit.
22. Sinabi ng inyong guro na ang kamag-aral ninyong Tausug ay nasunugan,at kinakailangan
ninyong tumulong.Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi papansinin ang ibinalita ng guro.
B. Magbibigay ako ng mga lumang damit na pwede pang pakinabangan, upang
makatulong sa aking kamag-aral.
C. Sasabihan ang mga kamag-aral na hindi dapat tumulong dahil hindi nila ito kauri.
D. Makikinig sa guro ngunit hindi tutulong.
23. May outreach program ang inyong barangay nagpapadala ng pagkain at mga damit sa mga
batang nasa malalayong lugar.Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasama ako,ngunit hindi tutulong
B. Hindi ako sasama at magkukulong na lamang sa aming bahay.
C. Sasama ako at buong pusong tutulong.
D. Wala sa nabanggit.
24. Alin ang dapat mong gawin kung nakakita ka ng batang nagugutom?
A. Pagtatawanan ang batang gutom.
B. Hindi papansinin ang batang gutom.
C. Bibigyan ng panis na pagkain
D. Lalapitan ko at pakakainin ang batang gutom.
25. Nakita mong naglalaro ang batang punit-punit ang damit, ano ang dapat mong gawin?
A. Lalapitan ko siya ,bibigyan ng damit na di ko na ginagamit at makikipaglaro.
B. Paaalisin ko siya sa lugar naming.
C. Ipapahabol ko sa aso naming.
D. Pagtatawanan ang bata.
26. May isang batang nakatingin sa inyo habang kumakain kayo sa isang restawran ,Ano ang
gagawin mo?
A. Itutuloy pa rin ang pagkain,habang nakatingin ang bata sa amin.
B. Hindi papansini ang bata at magkukunwaring walang nakita
C. Pagtatawanan at iingitin ang bata.
D. Lalapitan ang bata at bibigyan ng pagkain.
27. Nakita mo ang isang batang katutubo na putol ang isang kamay at hindi kayang dalhin ang
kanyang gamit. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi ko papansinin ang bata.
B. Tutulungan ang bata na dalhin ang kanyang gamit.
C. Magkukunwaring hindi nakita ang bata.
D. Walang gagawin.
28.Ilang araw ng hindi pumapasok ang kamag-aral mong Bicolano,nalaman mo na sila pala ay
kasama sa mga nag evacuate dahil sa masamang lagay ng bulkang Mayon.Ano ang dapat mong
gawin?
A. Hahayaan na lamang dahil malayo na siya sa inyo.
B. Magkukunwaring hindi alam ang nangyari sa kamag-aral.
C. Magbibigay ng tulong sa abot ng aking makakaya.
D. Wala sa nabanggit.
29. Marami kang laruan sa bahay ninyo na hindi mo na ginagamit. Hinimok kayo ng inyong
guro na mag donate ng mga gamit para sa mga biktima ng bagyo. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihi sa guro na mag dodonate ngunit hindi magbibigay.
B. Hindi papansinin ang sinabi ng guro.
C. Buong pusong i- dodonate ang mga laruan, para mapakinabangan ng ibang bata.
D. Magbibigay ngunit hindi na maaring pakinabangan.
30. May palatunyunan sa inyong paaralan,nakita mong ang isang batang Aeta ay sumali,bilang
manonood ano ang gagawin mo?
A. Panonoorin ko siya at susuportahan sa kanyang talent.
B. Lalapitan ko siya at sasabihang huwag na siyang sumali.
C. Pagtatawanan ko siya dahil sumali siya sa palatuntunan.
D. Hindi ko na lamang siya papansinin.
31. Ang sumusunod ay mga katangian ng pakikiisa na may kasiyahan sa kalooban, maliban sa
isa:
A. Pagsali sa mga programa sa paaralan
B. Nasisiyahan kapag kasama ang ibang bata
C. Nagagalit kung kasama ang ibang bata sa paglalaro
D. Pagpapakita ng magandang katangian sa ibang bata
32. Sa kabila ng iyong kapansanan, napili kang maging lider sa isang paligsahan ng inyong
paaralan. Ano ang nararapat mong gawin upang sundin ka ng iyong mga kaklase?
A. Hindi kikibo at pababayaan na lang.
B. Hahayaan mo ang mga kaklase mo na sila ang gagawa.
C. Magpunta sa guro at sasabihin na hindi mo kaya ang gawaing ipinagagawa.
D. Tawagin ang mga kaklase at pag-usapan ang dapat gawin upang maisakatuparan
ang mga gawain.
33. May sasalihan kang patimpalak sa paaralan ninyo, at isa rin sa mga kalahok ay ang matalik
mong kaibigan. Ano ang gagawin mo?
A. Magpalakas sa mga hurado.
B. Pabayaan at magpatuloy sa patimpalak.
C. Takutin ang kaibigan para hindi magpatuloy.
D. Makipag-usap sa kaibigan na kahit anong mangyari, manalo man o matalo,
magkaibigan pa rin kayo.
34. Maipakikita mo ang pakikiisa sa iyong kapuwa bata sa pamamagitan ng ______________.
A. Paglalaro na mag-isa.
B. Pagmamalasakit sa kapuwa
C. Pagpapakita ng takot sa Diyos.
D. Pagtulong sa mga gawain sa paaralan kasama ang ibang bata.
35. Isa sa programa sa paaralan ay ang Brigada Eskwela. Paano ka makatutulong upang
maisakatuparan ang ganitong gawain?
A. Gagawa ako na mag-isa.
B. Sasali na lang sa susunod.
C. Mag-ipon ng lakas para makatulong sa Brigada Eskwela.
D. Magyaya ng mga kaibigan at makikiisa sa gawain ng paaralan.
36. Nabalitaan mong mayroong gaganaping patimpalak sa pagkanta sa inyong paaralan. Naisip
mo ang bago mong kaklase na si Josie dahil alam mong mayroon siyang talento sa pagkanta sa
kabila ng kaniyang pagkamahiyain. Paano mo siya kukumbinsihing sumali?
A. Takutin para kumanta.
B. Aawayin para kumanta.
C. Bibigyan siya ng pagkain para sumali.
D. Kakausapin siya nang maayos na nararapat niyang ibahagi ang angking talento.
37. . Sumali kayo sa patimpalak sa pagsasayaw sa inyong barangay. Isa sa mga hurado ay
kakilala ng kagrupo mo. Ano ang gagawin mo?
A. Ngingitian ang hurado.
B. Magpalakas sa hurado.
C. Ipakita ang kasiyahan at pakikiisa sa pagsasayaw.
D. Kakausapin ang hurado na kaibigan ng kagrupo mo na kayo ang dapat manalo sa
patimpalak.
38. Naglalaro kayo ng iyong mga kaibigan. Napansin mo na may isang bata na gustong sumali
sa laro ninyo. Ano ang gagawin mo?
A. Aawayin ninyong magkakaibigan ang bata.
B. Pabayaan ang kapuwa bata at hindi siya papansinin.
C. Kakausapin ang mga kaibigan na isali ang bata sa laro.
D. Manghingi muna ng pagkain sa bata para isali siya sa laro.
39. May programa sa inyong paaralan na tinatawag na coastal clean-up. Gusto mong sumali,
ngunit alam mo na hindi ka papayagan ng iyong mga magulang. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi na lang sasali.
B. Magagalit sa magulang.
C. Sasali nang hindi magpapaalam sa mga magulang.
D. Kakausapin ang mga magulang at magpapaliwanag nang maayos upang
coastal clean-up.
40. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng pakikiisa at kasiyahan sa mga gawaing
pambata?
A. Tumutulong sa ibang bata
B. Masayang kasama ang ibang bata
C. Hindi nakikipag-away kung nakikipaglaro
D. Lahat ng nabanggit

PREPARED BY:
LIWAYWAY S. PALAGANAS
GRADE -3 Adviser

CHECKED & VERIFIED


JOCELYN C. TANIGUE
MT-III

NOTED BY:
HAZEL D. TENEPERE
HEAD TEACHER

You might also like