You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF OCCIDENTAL MINDORO
CABACAO ELEMENTARY SCHOOL

Table of
specification
FOR THE FIRST PERIODICAL TEST
IN ESP 1
COGNITIVE PROCESS DIMENSIONS
No. of
Percen No. of Item
LEARNING Days
tage Items Place-
COMPETENCIES Studied Rem Und. App. Ana. Eval Crea. ment
1. Nakikilala ang sariling:
1.1 gusto
1.2 interes
1.3 potensyal 6 16% 4 1 3 1-4
1.4 kahinaan
1.5
damdamin/emosyon
2. Naisasakilos ang
sariling kakayahan sa
iba’t ibang pamamaraan
2.1 pag-awit
6 16% 4 2 3 5-9
2.2 pagsayaw
2.3
pakikipagtalastasan
at iba pa
3. Nakapaglalarawan ng
iba’t ibang gawain na
maaaring makasama o
makabuti sa kalusugan
6 17% 3 2 1 10-12
3.1 nakikilala ang iba’t
ibang gawain/paraan na
maaaring makasama o
makabuti sa kalusugan
3.2 nasasabi na
nakatutulong sa
paglinang ng sariling 6 17% 3 3 13-15
kakayahan ang wastong
pangangalaga sa sarili
4. Nakakikila ng mga
gawaing nagpapakita ng
pagkakabuklod ng
pamilya tulad ng
4.1. pagsasama-sama
sa pagkain 6 17% 5 5 16-20
4.2. pagdarasal
4.3. pamamasyal
4.4. pagkukuwentuhan
ng masasayang
pangyayari
5.Nakatutukoy ng mga 6 17% 6 1 4 21-25
kilos at gawain na
nagpapakita ng
pagmamahal at
pagmamalasakit sa mga
kasapi ng pamilya
Hal.
1. pag-aalala sa mga
kasambahay
2. pag-aalaga sa
nakababatang kapatid at
kapamilyang maysakit
TOTAL 36 100% 25 3 4 0 18 0 0 25

Prepared by: Checked and Reviewed by:

ANNA MARIE P. MORANO MELJAY BALDERAS


Adviser MASTER TEACHER
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF OCCIDENTAL MINDORO
CABACAO ELEMENTARY SCHOOL - BUNGAHAN EXT.

UNANG
PAMANAHUNANG -SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1

PAGSUSULIT
PANGALAN: _________________________________________________ ISKOR: ________________
BAITANG AT PANGKAT: ______________________________________

Panuto. Basahin ang mga tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Mahusay kang umawit. Nais ng iyong nanay na iparinig mo ito sa iyong lolo at lola na galing pa sa
probinsya. Ano ang iyong gagawin?
A. Tatakbo papunta sa kuwarto upang magtago.
B. Iparirinig sa lolo at lola ang husay sa pag-awit.
C. Magagalit ka sa iyong nanay.
D. aawit ka ngunit hindi mo gagalingan.
2. Sumali ka sa paligsahan sa pagguhit sa inyong paaralan at ikaw ang nagwagi ng ikalawang gantimpala. Ano
pa ang dapat mong gawin?
A. Mag ensayo upang lalong umunlad ang kakayahan.
B. Maglaro dahil ikaw ay nanalo na.
C. Malungkot dahil hindi ikaw ang nagwagi ng unang gantimpala.
D. Magalit sa mga hurado.
3. Alin sa mga larawan ang HINDI nagpapakita ng pagtulong upang mapalakas ang iyong kahinaan?

A. B. C. D.

4. Tinawag ka ng iyong guro sa unahan ng klase upang magbasa ng tula. Nagkamali ka sa pagbasa kaya
pinagtawanan ka ng iyong mga kamag-aral. Ano ang iyong mararamdaman?

A. B. C. D.

5. Magaling kang umawit at napili ka ng iyong guro na isali sa palatuntunan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasabihin sa guro na ayaw mong sumali dahil nahihiya ka
B. Sasali sa palatuntunan at magsisimula ng mag ensayo.
C. Liliban sa klase upang hindi ka makitang guro.
D. Ituturo mo ang iyong kaklase na siya na lamang ang isali ng inyong guro.
6. May paligsahan ng pagguhit sa inyong paaralan. Mayroon kang kamag-aral na mahusay gumuhit ngunit
siya ay mahiyain. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasabihan ang kamag-aral na sumali sa paligsahan upang maipakita niya ang kanyang talento
B. Pababayaan na lamang ang kamag-aral.
C. Sasabihin sa kamag-aral na nakakahiyang sumali sa paligsahan.
D. Ipagkalat sa paaralan na ayaw sumali ng iyong kamag-aral dahil siya ay natatakot.
7. May natatangi kang kakayahan sap ag-awit. Isinali ka ng iyong guro sa inyong school choir. Napansin mong
may isang miyembro na hindi kagalingan sa pag awit. Ano ang iyong gagawin?
A. Pagtatawanan ito.
B. Tutulungan sa pag eensayo upang mapaunlad ang kakayahan nito.
C. Sabihin sa guro na alisin sa grupo.
D. Ipagkalat sa mga ka miyembro upang mapagtawanan.
8. Ano ang dapat gawin upang mas lalong mapaunlad ang iyong kakayahan?
A. Maglaro maghapon C. Kumopya
B. Mag ensayo D. Hayaan na lamang
9. Bawat isa sa atin ay may natatanging kakayahan na maaaring maipakita sa iba’t-ibang pamamaraan.
A. Tama B. Mali C. Siguro D. Ewan
10. Alin sa mga nasa larawan ang ginagamit sa paghuhugas ng kamay?

A. B. C. D.
11. Alin sa mga sumusunod na larawan ang mga pagkaing pampalusog?

A. B. C. D.

12. Paano magiging malusog ang isang bata?


A. Kumain ng masusutansyang pagkain, mag ehersisyo at matulog ng maaga.
B. Kumain ng burger, fries at soda
C. Maglaro sa initan o ulanan.
D. Magpuyat sa kakapanood ng telebisyon.
13. Alin sa mga gawain ang maaaring makapagdulot ng sakit sa isang bata.
A. B. C. D.
14. Alin sa mga sumusunod na gawain ang HINDI nagpapakita ng pangangalaga sa katawan at kalusugan

A. B. C. D.
15. Mas magagawa natin ng mabuti ang ating mga kakayahan kung tayo ay may malusog na pangangatawan.
A. Tama B. Mali C. Ewan D. Siguro
16. Alin sa mga larawan ang HINDI nagpapakita ng pagkakabuklod buklod ng pamilya?

A. B. C. D.

17. Alin ang nagpapakita ng pagkakabuklod buklod ng pamilya?

A. B. C. D.

18. Alin sa mga gawain ang nagpapakita ng pagkakabuklod-buklod ng pamilya.


A. Naglalaro ang tatay, kuya at ate sa parke.
B. Palaging lasing ang tatay.
C. Maghapon nasa sugalan ang nanay.
D. Nag-aagawan sa pagkain at laruan ang magkakapatid.
19. Maraming ginagawa ang iyong nanay na gawaing bahay, abala din ang iyong ate sap ag-aaral, umiiyak ang
iyong nakababatang kapatid. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa kanila?
A. Magtatago sa kuwarto para hindi mautusan.
B. Makikipaglaro sa nakababatang kapatid upang hindi na ito umiyak.
C. Patitigilin ang ate sap ag-aaral para tulungan ang inyong nanay.
D. Lalabas ng bahay para makipaglaro sa kaibigan.
20. Ang pagkakaisa at pagsasama-sama ng miyembro ng pamilya ay nagpapakita ng pamilyang may pag-ibig sa
isa’t-isa.
A. Tama B. Mali C. Siguro D. Ewan
21. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga taong kasapi ng pamilya na maysakit?

A. B. C. D.
22. Umalis ang nanay mo at ibinilin na alalayan mo ang iyong lolo habang wala siya. Tinatawag ka na ng iyong
kaibigan upang maglaro. Ano ang gagawin mo?
A. Sasama sa kaibigan sa paglalaro sa labas
B. Sasamahan mo ang iyong lolo sa bahay hanggang sa dumating ang iyong nanay.
C. Patutulugin ang lolo para makapaglaro na sa labas
D. Magdadabog dabog habang sinasamahan ang lolo.
23. Paano mo maipapakita ang pagmamalasakit sa kasapi ng pamilya?
A. Pagdabugan ang magulang kapag ikaw ay inuutusan.
B. Aalagaan ang kapamilyang maysakit.
C. Pabayaan ang mga magulang sa mga gawaing bahay.
D. Awayin ang mga kapatid.
24. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapamilyang maysakit?
A. Pagpapakain sa maysakit na kapamilya.
B. Pag-akay papunta sa palikuran.
C. Ipagdarasal para sa mabilisang paggaling.
D. Pagpapainom ng softdrinks.
25. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa iyong pamilya?
A. Igagalang at susundin ang kanilang mga bilin.
B. Babalewalain ang kanilang mga sinasabi.
C. Pabayaan sila kung mayroong sakit.
D. Makipag usap ng pabalang o walang galang.

You might also like