Professional Documents
Culture Documents
2. Siya ang ilaw ng tahanan, nangagasiwa at nag-aalaga sa mga anak sa loob ng tahanan
a. Ama b. Ina c. Mga Anak d. Tiyo/Tiya
4. Mahalaga ang pagsunod sa mga itinakdang batas tulad ng batas trapiko. Bakit kailangan pang sundin ito?
a. Upang hindi mahuli ng pulis c. upang hindi mahuli sa klase
b. Upang maging ligtas sa anomang aksidente d. wala lang
5. Alin sa mga sumusunod na panghihikayat para sa kalinisan ang magagawa ng batang tulad mo?
a. Pagsabihan ang mga pinuno na maglinis ng pamayanan
b. Magsama-sama ang mga magkaibigan para damputin ang mga basura sa kalsada kapag walang pasok
c. Manawagan sa radio at telebisyon para sa paglilinis ng mga masisipag na tao
d. Wala dapat sa edad ko ay naglalaro lamang
7. Ano ang maaaring mangyari sa batang kumakain sa tamang oras at nag-eehersisyo araw-araw?
a. Magiging masigla at malusog c. Magkakaroon ng muscle ang braso at binti
b. Hahangaan ng ibang magulang dahil magaling kumain d. Nakahiga lamang maghapon
8. Kung laging sinusunod ng mga anak ang utos at tagubilin ng mga magulang, ano ang maidudulot nito sa kanilang
pamilya?
a. Pagkakaisa, pagkakasundo ng masayang pamilya
b. Pag-aawayan ng mga anak dahil sa maraming mga utos
c. Pagiging palautos ng mga magulang sa kanilang mga anak
d. Pagiging tamad
11. Mahilig kang gumuhit at magpinta sa oras na walang ginagawa. Paano mo maipakikita ang iyong kakayahan ng
may pagtitiwala sa sarili?
a. Paghusayin ang sarili sa paglahok sa mga paligsahan
b. Ipakita sa mga kamag-aral ang mga iginuhit sa bahay
c. Itabi ang lahat ng mga magagandang iginuhit at ipininta
d. Isekreto na lamang dahil nahihiya
12. Ano ang dapat mong gawin kapag medyo kinakabahan ka pa sa pagpapakita mo ng iyong kakayahan?
a. Gawin ang kakayahan kahit na kinakabahan at panatilihin ang lakas ng loob
b. Ipagpatuloy lang hanggat kaya pa
c. Huminga ng huminga ng malalim para mawala ang kaba
d. Huwag ng tumuloy
13. Dapat bang magkaroon ng Tungkulin sa tahanan ang tulad ninyong mga bata?Bakit?
a. Opo, dapat may tungkulin sa tahanan, dahil kami ay kasapi ng pamilya na may responsibilidad at tungkulin dapat
gampanan
b. Opo, dapat para wala ng gaanong ginagawa si nanay at tatay
c. Hindi po dapat, dahil wala pa kaming alam na Gawain
d. Hindi, dapat ako ay naglalaro lamang
14. Inutusan ka ng iyong nanay na maghugas ng mga pinagkainan. Ano ang dapat mong gawin?
a. Sasabihin kay nanay na mamaya na lang huhugasan dahil maglalaro ka pa
b. Susunod kay nanay sa kanyang ipinag-uutos
c. Sasabihin na si ate o si kuya na lang muna ang maghugas ng mga plato
d. Magdabog dahil maraming pinggan ang huhugasan
15. Habang naglilinis ka sa silid-aralan ay nasagi mo ang isang plorerang babasagin. Ano ang tamang dapat mong
gawin?
a. Itago agad sa sulok ang nabasag na plorera para hindi malaman ng guro
b. Sabihin sa guro ang totoong nangyari sa nabasag mong plorera
c. Pagbintangan ang iba na sila ang nakabasag
d. Manahimik lamang
16. Sa paaralan ay mayroon kang kamag-aral na mayabang at naiinis ka sa kanyang ugali. Ano ang dapat mong
gawin?
a. Magyabang na lang din sa kanya para matalo mo s’ya sa kayabangan
b. Humanap ng mga kakampi para malabanan ang kayabangan niya
c. Magkaroon ng pagtitimpi sa sarili at huwag pansinin ang mayabang na kamag-aral
d. Saktan siya ng pisikal
17. Kapag kinakausap mo ang iyong guro o matatandang tao ay hindi ka marunong gumamit ng po at opo, kayat
pinagsabihan ang iyong guro na palaging gumalang sa nakatatanda sa pamamagitan ng paggamit ng po at
opo. Ano ang tamang damdamin sa sitwasyon?
a. Huwag nalang kausapin ang matatanda at guro para hindi mapansin ang mali.
b. Sabihin na ayaw mong gumamit ng po at opo
c. Tanggapin ang ano mang puna at gagamit na ng po at opo
d. Wala pakialam kung sino ang kausap matanda man ito o hindi
18. Sinabihan ka ng iyong kamag-aral na palaging maligo sa araw-araw dahil sa mabaho mong amoy. Ano and dapat
mong gawin?
a. Huwag pansinin ang sinabi ng kamag-aral
b. Magpabango na lang para hindi maging mabaho
c. Maligo araw-araw at ng maging mabango na
d. Maging tamad pa rin
19. Pinaaalalahanan ka ng iyong nanay dahil palagi mong inaaksaya ang tubig na inigib ng iyong kuya. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Umigib din ng tubig na katumbas ng iyong inaksaya
b. Hayaan lang si nanay na pagsabihan ka
c. Hindi na mag-aaksaya ng tubig na inigib ni kuya at hihingi ng paumanhin kay nanay sa maling nagawa
d. Panatilihing nakabukas ang gripo kahit hindi ito ginagamit
II. Panuto. Tama o Mali. Isulat ang T sa patlang kung wasto ang isinasaad ng bawat pangungusap at M kung di– wasto.
________1. Kailangang ipakita at pagyamanin ang mga kakayahang ibinigay sa atin ng Diyos.
________2. May ibat ibang kakayahan ang bawat tao.
________3. Bilang bata, unti-unti mong natututuhan at nalalaman ang mga kakayahang taglay mo.
________4. Ang pagkukusa ay isang mahalagang Gawain na dapat isakatuparan.
________5. Huwag gawin ang mga iniatang na Gawain kahit ito ay kaya mo.
________6. Bilang kasapi ng pamilya, kailangang tumulong sa paggawa.
________7. Ang pagtitimpi ay damdaming nagpapakita ng katatagan ng loob.
________8. Ang kalusugan ay kayamanan ay isang makatotohanang kaisipan na dapat paniwalaan.
________9. Ang katawan ay maaring ligtas mula sa karamdaman kung nakagagawa ng wastong kilos at
gawi tulad ng pagpapanatiling malinis ang katawan
________10. Hindi kayang gawin ng isang batang katulad mo ang sumali sa advocacy tungkol sa
kalusugan.
16-20. Piliin ang mga katangian ng isang batang malusog at isulat ito sa loob ng kahon
16.
17.
18.
19.
20.