You are on page 1of 3

EXCELLENT ACHIEVERS LEARNING

Tel. no.: 838-6643 / 553-9316


CENTER,INC.
No. 36 Quirino St., Zone 6, South Signal Village, Taguig City

BRIEF SUMMARY OF CURRICULUM


1st Quarter SY 2021-2022

SUBJECT AREA : Araling Panlipunan 8

I. Background :
Ang Kasaysayan ng Daigdig ay tugon sa pagpupunyaging mapag-aralan ang
heograpiya. kabihasnan, at kasaysayan ng daigdig tungo sa pagbubuo ng
kamalayang pandaigdig. Nakabatay ang tunguhin at layunin nito sa K-12 Kurikulum.
Bilang bahagi ng komprehensibong pagtingin sa kasaysayan ng daigidig,
pagtutuonan ng pansin hindi lamang ang kronolohiya ng mga pangyayari kundi
maging ang mga aspektong politikal, ekonomiko, kultural, at panlipunan mula sa
sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Ang Yunit I ay nakatuon sa pagtalakay
sa heograpiya ng daigdig at ang pakikipag-ugnayan ng tao sa kaniyang kapaligiran na
humantong sa pagkabuo ng mga sinaunang kabihasnan sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig. Bibigyang- pansin din sa yunit na ito ang mga pamanang nagmula sa mga
nasabing kabihasnan na makabuluhan pa rin sa pamumuhay sa kasalukuyan.
Mula sa pagsibol ng mga unang tao at sinaunang kabihasnan, tatalakayin
naman sa Yunit 2 kung paano naapektuhan ng mga pangyayari sa klasiko at
transisyonal na panahon ang pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.
Tuon naman ng Yunit 3 ang transpormasyon tungo sa makabagong panahon dulot
ng mga pagbabago sa mga kaisipan sa larangan ng agham, politika, at ekonomiya.
Tampok sa bahaging ito ang paglaganap ng kolonyalismo at imperyalismo, gayundin
ang pag-unlad ng nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig at ang naging
epekto nito sa pandaigdigang kaayusan at pagkakakilanlan. At sa Yunit 4, bibigyang-
pansin ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan at sama-samang pagkilos sa
kontemporaryong daigdig tungo sa pagkakamit ng pandaigdigang kapayapaan,
pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.
Bukod sa layuning mapalawak at mapalalim ang iyong kaalaman sa kasaysayan ng
daigdig, mithiin din ng aklat na ito na linangin ang iyong kasanayan sa pagsisiyasat,
pagsusuri at paggamit ng iba’t ibang sanggunian, pananaliksik, kritikal na pag-iisip,
at epektibong komunikasyon at matalinong pagdedesisyon. Ito ay inaasahang
makamit sa pamamagitan ng mga mapanghamon at kawili-wiling mga gawain sa
aklat at sa Gabay sa Guro na kasama ng aklat na ito, na batay sa learner-centered at
inquiry-based approach. Bukod dito, maipagmamalaki rin ng aklat na ito ang
pananaw na ginamit sa pagsasakasaysayan kung saan ang tuon ay ang pagkilala sa
ambag ng mga kabihasnan at lipunan sa daigdig, pagsasakonteksto sa mga
kaganapan, at ang pagtatanghal sa saysay ng mga kaganapang ito sa atin bilang mga
mamamayan ng daigdig.
II. Learning Competency :
Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig
Week 1
AP8HSK-Id-4
Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan
sa daigdig (lahi, pangkat- etnolingguwistiko, at relihiyon sa daigdig)
Week 2-3
AP8HSK-Ie-5
Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko
Week 4
Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig
Week 5
AP8HSK-Ig-6
*Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India at China
batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan
Week 6-7
Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
Week 8
Content Standard
Ang mag-aaral ay…
naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na
nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan
Performance Standard
Ang mag-aaral ay…
nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at
preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa
kasalukuyan at sa susunod na henerasyon

II Topic/s –Lesson :
1 . Heograpiya ng Daigdig
2. Ang Panahong Prehistoriko
3. Ang Panahong Prehistoriko
4. Mga Unang Kabihasnan sa Daigdig

III. Guide Questions


1. Bakit mahalagang maunawaan ang iba’t ibang estrukturang bumubuo sa daigdig?
2. Paano naging salik ang heograpiya sa pagsisimula ng mga unang kabihasnan sa daigdig?
1
3. Paano nagkakaiba ang mga terminong kabihasnan at sibilisasyon?
4. Ano-ano ang salik sa pagiging isang kabihasnan?
5. Bakit mahalaga ang mga anyong tubig sa pagsisimula ng mga kabihasnan sa daigdig?
III. Rubric for Scoring
PAMANTAYAN PUNTOS NAKUHANG PUNTOS
Angkop ang mga larawang ginamit. 10 ______________
Angkop at wasto ang deskripsiyon ng mga larawan .. 5 ______________
Maayos at organisado ang pagkakaayos ng mga larawan .. 3 ______________
Malikhain, makulay, at kaaya-ayang tingnan
ang mga larawan at disenyo ……………………………………………. 2
KABUOANG PUNTOS …………………………………………………… 20 ______________

IV. Reflection
Natutuhan ng mga mag-aaral ang mga leksiyon na dapat nilang mapag-aralan

V. References : Kasaysayan, Kabuhayan at Kamalayan


Vibal Book

VI. Answer Key

You might also like