You are on page 1of 1

Search

araling panlipunan grade 8 module (whole)


Uploaded by Kc Glenn M. David

Download

MODYUL 1: Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa


Daigdig

PANIMULA

Isa ang HEOGRAPIYA sa mga salik na nakaaapekto sa daloy ng


kasaysayan. Sa katunayan, malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa
pag-usbong at pagbagsak ng isang kabihasnan. Ito rin ang humubog at patuloy
na humuhubog sa pag-unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura ng tao.

Sa Yunit na ito, mauunawaan ang ugnayan ng heograpiya at ng


kasaysayan. Maiisip kung paano nilinang at ginamit ng mga prehistorikong tao
ang kanilang kapaligiran upang matugunan ang mga pangangailangan at
tuluyang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Dahil sa kanilang mahusay na
pakikiayon sa kapaligiran, nabigyang daan ang pagtatatag ng maunlad na

DRAFT
pamayanan at kalinangang kultural na tinawag na kabihasnan.

Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, partikular sa Asya, Africa, at


America, ay nag-iwan ng mga kahanga-hangang pamanang maipagmamalaki sa
lahat ng panahon at nakapagbigay ng malaking kapakinabangan sa pamumuhay
ng mga tao sa kasalukuyan. Sa modyul na ito, susuriin kung paano

March 24, 2014


maipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang
ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa mga
hamong dulot ng kapaligiran.

Mga Aralin at Sakop ng Modyul

Aralin 1 – Heograpiya ng Daigdig


Aralin 2 – Ang mga Sinaunang Tao
Aralin 3 – Ang mga Sinaunang Kabihasnan

Related titles

Trusted by over 1 million members

Try Scribd FREE for 30 days to access over 125 million


titles without
Script of Florante ads or
Kasaysayan nginterruptions!
Banghay-Aralin aral
at Laura Daigdig Araling… (Grade 8) (1).p
Panlipunan K-12
Start8 Learner's
Grade Free Trial
Module
Cancel Anytime.

Sa modyul na ito, ay inaasahang matututuhan ang mga sumusunod.

! Nasusuri ang limang temang heograpikal bilang kasangkapan


sa pag-unawa sa daigdig
Aralin 1 ! Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig
! Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon,
bansa, at mamamayan sa daigdig, kabilang ang lahi,
pangkat-etniko, at relihiyon.
! Nasusuri ang kondisyong heograpikal sa panahon ng mga
unang tao sa daigdig
Aralin 2 ! Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa
daigdig
! Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong
prehistoriko
! Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig
! Nasusuri ang pinagmulan at batayan ng mga sinaunang
Aralin 3 kabihasnan sa daigdig.

DRAFT
! Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa
politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan
! Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig

March 24, 2014


PANIMULANG PAGTATAYA

Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa
mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya na tumutukoy sa bahagi ng


daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o cultural? (K)
A. lokasyon C. paggalaw
B. lugar D. rehiyon

2. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na


pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao batay sa mga ginamit
na kasangkapan at naging hudyat din ng pagtatapos ng Panahong
Pleistocene ? (K)
A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Metal D. Paleolitiko

3. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng


kulturang kinakitaan ng organisadong pamahalaan, kabuhayan,
relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng
pagsulat? (K)
A. imperyo C. kalinangan
B. kabihasnan D. lungsod

4. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni


Nebuchadnezzar para sa kaniyang asawa at kabilang sa “Seven
Wonders of the Ancient World” ? (K)
A. Alexandria C. Pyramid
B. Hanging Gardens D. Ziggurat

5. Suriin ang mapa at sagutin ang tanong.

DRAFT
March 24, 2014 http://www.outline-world-map.com/outline-transparent-world-map-b1b
Indonesia

Alin sa sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Indonesia?


(P/S)
A. Tropikal na klima
B. Maladisyertong init
C. Buong taon na nagyeyelo
D. Nakararanas ng apat na klima

6. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng


maraming wika sa isang bansa? (P/S)
A. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya.
B. Maraming sigalot sa mga bansa.
C. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi
magkakaunawaan.
D. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa.

7. Alin sa mga sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng


prosesong naganap sa mga sinaunang tao sa Panahong Prehistorya?
(P/S)
I. agrikultura III. labis na pagkain
II. kalakalan IV. pangangaso

A. IV, I, III, II C. IV, I, II, III


B. II, I, IV, III D. I, II, III, IV

8. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto


ng pag-unlad ng tao ?
A. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko.
B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko.
C. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng
kalakalan.
D. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng

DRAFT metal.

9. Unawain ang mapa. Sagutan ang tanong pagkatapos. (P/S)

March 24, 2014


mrsommerglobal10.pbworks.com

Batay sa mapa, ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang


kabihasnang umunlad sa Mesopotamia, Egyptian, Indus, at Tsino?

A. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining.


B. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog.
C. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan.
D. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.

10. Buuin ang tsart ng sanhi at bunga sa pamamagitan ng pagtatala ng


angkop na dahilan at epekto tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan sa
Mesopotamia. (P/S)

w. Natuklasan ng mga nomadikong tao ang matabang lupain


sa pagitan ng Euphrates at Tigris.
x. Sinalakay ng mga Assyrian ang Imperyong Babylonia na
tuluyang ikinabagsak nito.
y. Nanaig ang mga Chaldean laban sa mga Assyrian.
z. Permanenteng nanirahan ang mga sinaunang tao sa
Mesopotamia at pinaunlad ang kanilang pamumuhay sa
lugar na iyon.

A. w at z C. y at z
B. x at y D. z at w

DRAFT
11. Aling pahayag ang may wastong impormasyon batay sa diyagram?
(P/S)

A. May pagkakapantay-pantay sa lipunang


Egyptian noong sinaunang panahon.
B. Ang mga alipin at mangangalakal ay may

March 24, 2014


pantay na karapatan sa Egypt.
C. Mas mataas ang posisyon ng mga paring
Egyptian kaysa sa mga mandirigma.
D. Ang Pharaoh, maharlika, at magsasaka
ang nasa mataas na antas ng lipunang
Egyptian.
historyonthenet.com

12. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng
mga sinaunang tao? (U)
A. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa
mga kabihasnan sa kasalukuyang panahon.
B. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung
kaya’t kaunti ang kanilang mga ambag.
C. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang
mga pamanang ito.
D. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang
makagawa ng mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.

13. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar


bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya? (U)
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang
mamumuhunan.
D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng
Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.

14. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng


iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga
paniniwala? (U)
A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.
B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.
C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang
relihiyon.
D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang
relihiyon.

DRAFT 15. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura


na pinasimulan ng mga sinaunang tao noong panahong Neolitiko? (U)
A. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan.
B. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon

March 24, 2014


tayo ng sapat na pagkain.
C. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong
tao na magpaamo ng hayop.
D. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan
ng pagkain ng mga tao sa kasalukuyan.

16. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na


napakikinabangan pa rin sa kasalukuyan? (U)
A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
C. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.
D. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao.

Trusted by over 1 million members

Try Scribd FREE for 30 days to access over 125 million


titles without ads or interruptions!

Start Free Trial


Cancel Anytime.

17. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang


heograpiya-kasaysayan? (U)
A. May klimang tropikal ang mga bansa malapit sa equator.
B. Napaliligiran ang China ng malalawak na disyerto at nagtataasang
bulubundukin.
C. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na
nagbigay-daan sa pagtatag ng unang imperyo sa daigdig.
D. Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang
dulot ng Nile sa mga sinaunang taong nanirahan sa mga lambak
nito.

18. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng


kabihasnan sa Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi nararapat na
maganap sa iyong lungsod-estado?(U)
A. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi
madaling masakop ang mga teritoryo nito.
B. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na

DRAFT magpapaunlad sa iyong pamumuhay.


C. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba
pang bagay.
D. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng
lungsod.

March 24, 2014 19. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang
umunlad sa Mesoamerica? (U)
A. Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito sa America.
B. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga-
Mesoamerica kaysa sa mga kabihasnang itinatag sa Asya at
Africa.
C. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa
kasalukuyang panahon.
D. Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng
mahusay na pamayanan sa kabila ng mga hamon ng kapaligiran
sa kanilang buhay.

20. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang


inihandog ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
(U)
A. Limitado lamang ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa
pagnakaw ng mga kayamanan at pagkasira ng mga estruktura
nito.
B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang
naimbento ng mga sinaunang Tsino.
C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat
maging asignatura sa mga paaralan sa kasalukuyan.
D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig.

ARALIN 1: Heograpiya ng Daigdig

Sa iyong pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig, malaki ang bahaging

DRAFT
ginagampanan ng heograpiya sa paghubog ng pamumuhay ng tao mula pa noong
sinaunang panahon. Sa pagbubukas ng bagong asignatura sa ikawalong grado,
una mong pagtutuunan ng pansin ang pag-aaral ng heograpiya ng daigdig.
Tatalakayin sa araling ito kung paano nakaaapekto ang heograpiya sa pamumuhay
ng mga tao.
Halina at simulang tuklasin ang pisikal at kultural na heograpiya ng daigdig.

March 24, 2014 ALAMIN

Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay sa unang aralin ng yunit na ito, pagtutuunan


mo ng pansin ang dalawang gawaing pupukaw sa iyong interes. Bukod dito, ipakikita sa
mga gawaing ito ang iyong dati nang alam tungkol sa heograpiya, gayon din ang antas ng
kahandaan ng bawat isa sa mga paksang nakaloob dito. Simulan mo na.

Gawain 1. GEOpardy!

Suriin ang kasunod na GEOpardy board. Pagkatapos, bumuo ng tanong


na ang sagot ay salita o larawang makikita sa GEOpardy board. Isulat sa
sagutang papel ang nabuong tanong at ang sagot nito.

Pacific Ocean Antarctica gubat

lahing Austronesian globo bundok

compass bagyo Tropikal

Ano ang pinakamalaking karagatan sa buong daigdig?

DRAFT
Halimbawa:
(Pacific Ocean)

Gawain 2. Graffiti Wall 1

Isulat sa Graffiti Wall 1 ang iyong sariling ideya tungkol sa tanong sa


ibaba. Masasagot ito sa anyo ng pangungusap o guhit.

March 24, 2014 Paano maipapakita ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga


pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang
nagtagumpay sa hamong dulot ng kapaligiran nito?

Sa pagbabalik-tanaw sa mga nalalaman mo tungkol sa daigdig,


sisimulan ang pagtalakay sa mga konsepto at klasipikasyon ng heograpiya
bilang asignatura. Bukod dito,tatalakayin ang katangiang heograpikal ng
daigdig bilang planeta at tirahan ng lahat ng organismo, kabilang ang tao.
Sasagutan mo rin ang mga mapanghamong gawaing magbibigay ng
karagdagan at wastong kaalaman tungkol sa heograpiya ng daigdig.

10

PAUNLARIN

Paksa: Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya

Malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya mula pa noong


sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Ang idinikta ng katangiang
pisikal ng lugar kung saan nanirahan ang mga sinaunang tao ang humubog sa
kanilang pamumuhay. Bagama’t hindi maitatangging nagdulot din ang
heograpiya ng mapanghamong sitwasyon sa buhay ng mga sinaunang tao,
malaki pa rin ang naging epekto nito sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay
ng mga prehistorikong tao hanggang sa tuluyang pagkakamit ng mauunlad na
pamayanang tinawag na kabihasnan.
Nagmula ang salitang heograpiya sa wikang Greek na geo o daigdig at
graphia o paglalarawan. Samakatuwid, ang Heograpiya ay tumutukoy sa
siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.

DRAFT
Ipinakikita sa Diyagram 1.1 ang saklaw ng pag-aaral ng heograpiya:

HEOGRAPIYA anyong lupa likas na yaman


at anyong tubig
flora (plant life)

March 24, 2014


klima at panahon fauna (animal life)
na
saklaw distribusyon at interaksyon ng tao at iba pang
ang organismo sa kapaligiran nito
http://digital-vector-maps.com/WORLD/GL-1068-Asia-
Globe.htm

Basahin at unawain ang teksto gayon din ang diyagram tungkol sa limang
tema ng heograpiya.

Taong 1984 nang binalangkas ang limang magkakaugnay na temang


heograpikal sa pangunguna ng National Council for Geographic Education at ng
Association of American Geographers. Layunin ng mga temang ito na gawing
mas madali at simple ang pag-aaral ng heograpiya bilang isang disiplina ng
agham panlipunan. Sa tulong ng mga temang ito, mas madaling mauunawaan
ng tao ang daigdig na kaniyang ginagalawan. Unawain ang kasunod na
diyagram.
Diyagram 1.2 – Limang Tema ng Heograpiya

11

Limang Tema ng Heograpiya


Lokasyong Absolute na gamit ang
mga imahinasyong guhit tulad ng
latitude line at longitude line na
Lokasyon: Tumutukoy sa kinaroroonan bumubuo sa grid. Ang pagkukrus ng
ng mga lugar sa daigdig dalawang guhit na ito ang tumutukoy
sa eksaktong kinaroroonan ng isang
na may dalawang lugar sa daigdig
pamamaraan sa pagtukoy
Relatibong Lokasyon na ang batayan
ay mga lugar at bagay na nasa
paligid nito. Halimbawa ang mga
Lugar: Tumutukoy sa mga katangiang anyong lupa at tubig, at mga
natatangi sa isang pook estrukturang gawa ng tao

na may dalawang Katangian ng kinaroroonan tulad ng


klima, anyong lupa at tubig, at likas

DRAFT
pamamaraan sa pagtukoy
na yaman
Katangian ng mga taong naninirahan
tulad ng wika, relihiyon, densidad o
dami ng tao, kultura, at mga
Rehiyon: Bahagi ng daigdig na
sistemang politikal
pinagbubuklod ng magkakatulad na

March 24, 2014


katangiang pisikal o kultural
Kapaligiran bilang pinagkukunan ng
pangangailangan ng tao; gayon din
Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran: ang pakikiayon ng tao sa mga
ang kaugnayan ng tao sa pisikal na pagbabagong nagaganap sa
katangiang taglay ng kaniyang kaniyang kapaligiran
kinaroroonan

may tatlong uri


Paggalaw: ang paglipat ng tao mula ng distansiya ang isang lugar
sa kinagisnang lugar pa tungo sa ibang
lugar; kabilang din dito ang paglipat ng
mga bagay at likas na pangyayari,
(Linear) Gaano kalayo ang isang lugar?
tulad ng hangin at ulan
(Time) Gaano katagal ang paglalakbay?
(Psychological ) Paano tiningnan
ang layo ng lugar?

12

Trusted by over 1 million members

Try Scribd FREE for 30 days to access over 125 million


titles without ads or interruptions!

Start Free Trial


Cancel Anytime.

Gawain 3. Tukoy-Tema-Aplikasyon
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap. Pansinin ang
bawat sitwasyon tungkol sa lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at
kapaligiran, at paggalaw.

1. May tropikal na klima ang Pilipinas.


2. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi
Channel, at silangan ng West Philippine Sea.
3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil
napalilibutan ng dagat ang bansa.
4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New Zealand
upang magtrabaho.
5. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.
6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region sa Pilipinas ang
nagbigay-daan upang patuloy na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad
ng sistema ng transportasyon at ng pabahay sa kalungsuran.
7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao
sa mga bansang may magagandang pasyalan.
8. Islam ang ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng Saudi Arabia.

DRAFT
9. Ang Singapore ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ silangang
longhitud.
10. Español ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico.

Sa pagpapatuloy ng gawaing ito, pumili ng isang bansa na bibigyang-


pansin ng iyong kapangkat. Suriin ang kalagayang heograpikal ng napiling bansa

March 24, 2014


sa tulong ng mga kongkretong halimbawang naaayon sa limang tema ng
heograpiya. Gamitin ang Flower Chart sa pagsagot sa gawain.

[Lugar]

[Lokasyon] [Rehiyon]
[Bansa]

[Interaksyon ng tao
[Paggalaw]
at kapaligiran]

Pamprosesong Tanong

1. Magbigay ng sariling reaksiyon tungkol sa heograpiya ng bansang napili


ayon sa limang tema nito.

13

2. Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng


katangiang pisikal ng bansa?
3. Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa heograpiya
ng isang bansa?

Pagkaraan matutuhan ang heograpiya bilang isang konsepto, susunod


na tatalakayin ang katangiang pisikal ng daigdig. Sa paksang ito, higit na
mauunawaan ang heograpiya ng daigdig bilang nag-iisang planeta sa solar
system na maaaring tirahan ng tao at ng lahat ng nabubuhay na organismo.
Simulan mo na.

Paksa: Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig

DRAFT
March 24, 2014 http://en.wikipedia.org/wiki/File:Planets2013.jpg

Nasaan ang planetang daigdig sa solar system? Ano ang iyong masasabi sa
posisyon ng daigdig sa solar system?

Isa ang daigdig sa walong planetang umiinog sa isang malaking bituin,


ang araw. Bumubuo sa tinatawag na solar systemang mga ito. Ang lahat ng
buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng enerhiya mula sa
araw. Gayon, halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon,
ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan ng araw.Mahalaga rin ang sinag ng
araw sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis.
Samantala, ang mga halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa
lahat ng nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng
tiyak na posisyon nito sa solar system, patunay na ang pag-inog nito sa sariling
aksis at ang paglalakbay paikot sa araw bawat taon.

14

Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang estruktura ng daigdig.

Ang daigdig ay binubuo ng crust,ang


matigas at mabatong bahagi ng planetang
ito. Umaabot ang kapal nito mula 30-65
kilometro (km) palalim mula sa mga
kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito
ay may kapal lamang na 5-7 km.

Ang mantle ay isang patong ng mga


batong napakainit kaya malambot at
natutunaw ang ilang bahagi nito.

Tinatawag na core ang kaloob-loobang


http://www.rocksandminerals4u.com/earths_interio
r.html
bahagi ng daigdi na binubuo ng mga metal
tulad ng iron at nickel.

DRAFT
Ang daigdig ay may
plate o malalaking Estruktura ng Daigdig
masa ng solidong bato
na hindi nananatili sa
posisyon. Sa halip, ang
mga ito ay gumagalaw
na tila mga balsang
inaanod sa mantle.

March 24, 2014


http://en.wikipedia.org/wiki/Plate_t
ectonics

Ang daigdig ay may apat na hating-


globo (hemisphere): Ang Northern
Hemisphere at Southern
Hemisphere na hinahati ng equator,
at ang Eastern Hemisphere at
Western Hemisphere na hinahati ng
http://www.studyzone.org/testprep/ss5/b/c
Prime Meridian. omcontocheml.cfm

Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na Sa katunayan,


umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Paano nakaaapekto
Gayunpaman, ang paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ang mga plate sa
ay napakalakas at nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng pagbabago ng
mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan tulad ng hitsura ng ibabaw ng
Himalayas. Ito rin ang makapagpapaliwanag kung bakit sa loob
daigdig?
ng milyon-milyong taon, ang posisyon ng mga kontinente sa
daigdig ay nagbabago-bago.

15

Talahanayan 1.1: Ilang Mahalagang Kaalaman Tungkol sa Daigdig

Tinatayang Bigat (mass) 5.9736 x 10 24 kg


Tinatayang Edad 4.6 bilyong taon
Populasyon (2009) 6,768,167,712
Kabuuang Lawak ng Ibabaw ng Daigdig 510,066,000 kilometro kuwadrado (km 2)
Lawak ng Kalupaan 148,258,000 km kwd (29.1%) (km 2)
Lawak ng Karagatan 335,258,000 km kwd (km 2)
Pangkalahatang Lawak ng Katubigan 361,419,00 km kwd (70.9%) (km 2)
Uri ng Tubig 97% alat, 3% tabang
Circumference o Kabilugan sa Equator 40,066 km
Circumference o Kabilugan sa Poles 39,992 km
Diyametro sa Equator 12,753 km
Diyametro sa Poles 12,710 km
Radius sa Equator 6,376 km
Radius sa Poles 6,355 km
Bilis ng Pag-ikot Lumiligid ang daigdig paikot sa araw sa
bilis na 66,700 milya bawat oras (mph),
107,320 km bawat oras
Orbit sa Araw Lumiligid ang daigdig paikot sa araw sa

DRAFT
loob ng 365 araw, limang oras, 48
minuto at 46 na segundo

Longitude at Latitude
Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa, mahalagang
mabatid ang ilang termino at konseptong may malaking kaugnayan dito. Sa

March 24, 2014


pamamagitan ng pagbibigay ng longitude at latitude ng isang lugar, maaaring
matukoy ang lokasyon nito sa globo o mapa sa paraang absolute, astronomical,
o tiyak.
Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang mahahalagang imahinasyong guhit na
matatagpuan sa mapa o globo.
Ang 180 degrees longitude mula sa
Tinatawag na longtitude ang Ang Prime Meridian na Prime Meridian, pakanluran man o
distansiyang angular na nasa Greenwich sa pasilangan, ang International Date
nasa pagitan ng dalawang England ay itinatalaga Line na matatagpuan sa kalagitnaan
meridian patungo sa bilang zero degree ng Pacific Ocean. Nagbabago ang
kanluran ng Prime Meridian. longitude. pagtatakda ng petsa alinsunod sa
Ito rin ang pagtawid sa linyang ito, pasilangan o
mga bilog (great pakanluran.
circles) na
tumatahak
mula sa North Pole
patungong South
Pole.

http://www.learner.org/jnorth/tm/mclass/
http://images.yourdictionary.com/internat
Glossary.html ional-date-line
http://www.avontrail.ca/coordinates.html

16

http://2012books.lardbucket.org/books/regional-geography-
of-the-world-globalization-people-and-places/s04-01-
geography-basics.html

Tinatawag na latitude Ang equator ang Ang Tropic of Cancer ang pinaka -
ang distansyang humahati sa globo sa dulong bahagi ng Northern Hemisphere
angular sa pagitan ng hilaga at timog na direktang sinisikatan ng araw.
dalawang parallel hemisphere o hemispero. Makikita ito sa 23.5o hilaga ng equator.
patungo sa hilaga o Ito rin ay itinatakdang
timog ng equator. zero degree latitude.
Ang Tropic of Capricorn ay ang
pinakadulong bahagi ng Southern
Hemisphere na direkta ring
sinisikatan ng araw. Matatagpuan ito
sa 23.5o timog ng equator.

DRAFT Gawain 4. KKK GeoCard Completion


Panuto: Gumawa ng sariling KKK GeoCard batay sa kasunod na format.
Kumpletuhin ang KKK (Kataga-Kahulugan-Kabuluhan) GeoCard na may
kaugnayan sa katangiang pisikal ng daigdig. Isulat sa unang bahagi ng KKK
GeoCard ang kataga na nasa loob ng kahon. Sa ikalawang bahagi, isulat ang

March 24, 2014


kahulugan ng nakatalang salita. Sa ikatlong bahagi, itala ang kabuluhan ng
naturang kataga sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na:

Paano nakaiimpluwensiya/nakaaapekto ang naturang konsepto sa buhay ng tao at iba


pang nabubuhay na organismo sa daigdig sa kasalukuyan?

G Mga Kataga:
K 1. Planetang Daigdig
E
O 2. mantle
C 3. plate
A 4. pagligid sa araw
R 5. longtitude at latitude
K
D

17

Trusted by over 1 million members

Try Scribd FREE for 30 days to access over 125 million


titles without ads or interruptions!

Start Free Trial


Cancel Anytime.

Ang Klima

Ang daigdig ang tanging planeta sa solar


system na kayang makapagpanatili ng buhay. Ang
malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-
ayang atmospera at sapat na sinag ng araw, init at
tubig upang matustusan ang pangangailangan ng
mga halaman at hayop sa balat ng lupa.
Mahalaga ang papel ng klima, ang
kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang
rehiyon o lugar sa matagal na panahon.
Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga
klima sa daigdig ang natatanggap na sinag ng

araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon http://www.qldaccommodation.com/t


din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at ag/alaska
taas mula sa sea level.
Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat
na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming

DRAFT
habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at
hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga
rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at
napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring
mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa
mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon.

March 24, 2014


Gawain 5. Dito sa Amin.
Suriing mabuti ang kasunod na diyagram. Tukuyin ang lugar na
inilalarawan sa mapa. Kumpletuhin ang pahayag sa call out. Magsaliksik ng
impormasyon tungkol sa klima at yamang likas ng lugar na kinaroroonan ng
diyagram. Buuin ang pangungusap sa ilalim na bahagi ng diyagram.

Mapa Ako si _____________________________. Narito ako


sa ___________________________________________

Ang klima dito ay


http://en.wikipedia.org/wiki/File:Thailand_(orthogr
aphic_projection).svg

Batay sa taglay na klima at likas na


Ang mga likas
yaman ng aming lugar, ang
na yaman dito
pamumuhay dito sa amin ay
ay
________________________
________________________
________________________

18

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang klima?


2. Bakit nagkakaiba- iba ang klima sa iba’t ibang panig ng daigdig?
3. Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan sa
lugar?
4. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar?
5. Bakit malaki ang bahaging ginagampanan ng klima at likas na yaman sa
pag-unlad ng kabuhayan ng tao mula noon hanggang ngayon?

Ang mga Kontinente

Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw


ng daigdig.May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay
napapalibutan ng katubigan.
Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental
Drift Theory, dati ng magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super
kontinente na Pangaea. Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke

DRAFT
ng bato kung saan nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea
at nabuo ang kasalukuyang mga kontinente.

Paano nabuo ang mga kontinente ng daigdig? Pag-aralan ang


Diyagram1.4 na nasa ibaba na tungkol sa Continental Drift Theory.

March 24, 2014 240 milyong taon – Mayroon lamang isang


super continent na tinawag na Pangaea na
pinaliligiran ng karagatang tinawag na
Panthalassa Ocean.

200 milyong taon – Nagsimulang


maghiwalay ang kalupaan ng Pangaea
hanggang sa mahati sa dalawa: Laurasia sa
Northern Hemisphere at Gondwana sa
http://geology.com/pangea.htm
Southern Hemisphere.

Sa kasalukuyan – Unti-unti ang paggalaw 65 milyong taon – Nagpatuloy ang


ng mga kontinente. Tinatayang 2.5 paghihiwalay ng mga kalupaan.
sentimetro ang galaw ng North America at Mapapansin ang India na unti-unting
Europe bawat taon. dumidikit sa Asya.

19

May mga kontinenteng nagtataglay ng marami. May pitong kontinente ang


daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Europe, North America, at South America at
Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ang
Oceania tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at
Polynesia.
Ipinakikita sa Diyagram 1.5 ang mapa at mahahalagang datos ng mga
kontinente ng daigdig.
http://geology.com/pangea.htm

Nagmumula sa Africa ang malaking


suplay ng ginto at diyamante. Naroon din ang
Nile River na pinakamahabang ilog sa buong
daigdig, at ang Sahara Desert,na
pinakamalaking disyerto. Ang Africa ang
Mapa ng Africa nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung
ihahambing sa ibang mga kontinente.
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Africa_(orthograp
hic_projection).svg

DRAFT
Samantala, ang Antarctica ang tanging
kontinenteng natatakpan ng yelo na ang kapal
ay umaabot ng halos 2 km. (1.2 milya). Dahil
dito, walang taong naninirahan sa Antarctica
maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng
pag-aaral tungkol dito. Gayunpaman, sagana
sa mga isda at mammal ang karagatang

March 24, 2014


nakapalibot dito.

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Antarctica_(ortho
graphic_projection).svg
Pinakamalaking kontinente sa mundo
ang Asya. Sinasabing ang sukat nito ay mas
malaki pa sa pinagsamang lupain ng North at
South America, o sa kabuuang sukat ng Asya
ay tinatayang sangkatlong ( 1/3) bahagi ng
kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Nasa
Asya rin ang China na may pinakamalaking
populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na
pinakamataas na bundok sa pagitan ng
Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China.
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Asia_orthograph
ic Projection).svg

Samantala, ang laki ng Europe ay


sangkapat ( 1/4) na bahagi lamang ng kalupaan
ng Asya. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na
kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8%
ng kabuuang lupa ng daigdig.
Mapa ng Europe

20

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Europe_orthograp
hic_Caucasus_Urals_boundary.svg
Ang Australia ay isang bansang
kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit sa
daigdig. Napalilibutan ito ng Indian Ocean at
Pacific Ocean,at inihihiwalay ng Arafura Sea at
Timor Sea. Dahil sa mahigit 50 milyong taong
pagkakahiwalay ng Australia bilang isang
kontinente, may mga bukod tanging species ng
hayop at halaman na sa Australia lamang
matatagpuan.Kabilang dito ang kangaroo,
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Oceania_(orthogr
wombat, koala,Tasmanian devil, platypus, at
aphic_projection).svg iba pa.

Ang North America ay may hugis na


malaking tatsulok subalit mistulang pinilasan
sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of
Mexico. Dalawang mahabang kabundukan ang
matatagpuan sa kontinenteng ito – ang

DRAFT
Applachian Mountains sa silangan at Rocky
Mountains sa kanluran.
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Location_North_
America.svg

Gayundin, ang South America ay hugis


tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa
bahaging equator hanggang sa Cape Horn sa

March 24, 2014


katimugan. Ang Andes Mountains na may
habang 7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop
sa kabuuang baybayin ng South America.

http://en.wikipedia.org/wiki/File:South_America_(
orthographic_projection).svg

Talahanayan 1.2 – Ang Ilang Datos Tungkol sa Pitong Kontinente.

Tinatayang Bilang
Kontinente Lawak (km²) Populasyon ng
(2009) Bansa
Asya 44,614,000 4,088,647,780 44
Africa 30,218,000 990,189,529 53
Europe 10,505,000 728,227,141 47
North America 24,230,000 534,051,188 23
South America 12,814,000 392,366,329 12
Antarctica 14,245,000 -NA- 0
Australia at Oceania 8,503,000 34,685,745 14

21

Karagdagan sa natutuhan mo tungkol sa mga kontinente ng


daigdig, ipinaliliwanag sa ibaba ang mala- jigsaw puzzle na hugis ng
South America at Africa, at ang bahaging ginagampanan ng daan-
daang bulkan sa rehiyong tinatawag na Pacific Ring of Fire .

Kung susuriin ang


isang mapa, mapapansing
ang mga baybayin ng
silangang bahagi ng South
America at kanlurang bahagi
ng Africa ay tila lapat at
akma sa isa’t isa na parang
mga piraso ng isang
malaking jigsaw puzzle. Ito
ay sa kadahilanang dating
magkaugnay ang dalawang
lupaing ito. Habang

DRAFT
tumatagal, patuloy pa rin
ang proseso ng paglawak
ng karagatan sa pagitan nito
at ang paglayo ng dalawang
nasabing kontinente. Ang phillipriley.comswiki.wikispaces.net
paliwang na ito ay batay sa
Continental Drift Theory .

March 24, 2014


Ang malawakang hangganan ng Asya, North America, at South America
ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. Saklaw nito ang kanlurang hangganan
ng South America at North America patungong hilaga sa Aleutian Islands ng
Alaska, pababa sa silangang hangganan ng Asya hanggang New Zealand sa
Timog Oceania. Tinatawag itong Ring of Fire dahil matindi ang pagputok ng
bulkan at paglindol sa rehiyong ito bunga ng pag-uumpugan ng mga tectonic
plate o tipak ng crust ng daigdig kung saan nakapatong ang mga naturang
kontinente.

Sa kasaysayan, tinatayang may 540 bulkan na ang pumutok at 75% sa


mga ito ay nasa Pacific Ring of Fire . Ilan sa mga bulkan sa Pacific Ring of Fire
na pumutok at nagdulot ng malaking pinsala, ang Tambora noong nagdulot ng
(92,000 ang namatay); Krakatoa noong 1883 (36,000 ang namatay); at Mt. Pelee
noong 1902 (30,000 ang namatay). Samantala, ilan sa mga bansang labis na
napinsala ng malalakas na lindol ang China noong 1556 (830,000 ang namatay)
at 1976 (242,000 ang namatay); Japan noong 1923 (143,000 ang namatay);
Sumatra noong 2004 (227,898 ang namatay); at Haiti noong 2010 (222,570 ang
namatay).

22

Trusted by over 1 million members

Try Scribd FREE for 30 days to access over 125 million


titles without ads or interruptions!

Start Free Trial


Cancel Anytime.

Gawain 6. Three Words in One


Saang kontinente matatagpuan ang mga pook/ hayop na tinutukoy sa bawat
bilang? Isulat ang sagot sa kahon .
1. 2.
Nile Sahara Hudson Appalachian
River Desert Bay Mountains

Egypt Rocky
Mountains

3. 4.
Andes Cape K-2 Lhotse
Mountains Horn

DRAFT Argentina Tibet

March 24, 2014 5.


Kangaroo Tasmanian
Devil
6.
Iberian
Peninsula
Balkan
Peninsula

Micronesia Italy

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang mga katangi-tanging paglalarawan sa bawat kontinente?


2. Sa anong aspekto nagkakatulad o nagkakaiba ang mga kontinente?
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga paglalarawan tungkol sa mga
kontinente ng daigdig?

23

Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig

Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o


rehiyon. Sa pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa
kanilang kapaligiran.
Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan
ng daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga
lambak ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa
Africa.
Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng
maliit na populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong
daigdig ay matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29,028 talampakan o 8,848
metro). Sa Africa, pinakamataas ang Kilimanjaro (19,340 talampakan o 5,895
metro) at sa Europe, ang Elbrus sa Russia (18,510 talampakan o 5,642 metro).
Tingnan ang Talahanayan 1.4.

Talahanayan 1.4 : Pinakamataas na BUndok ng Daigdig

DRAFT
Bundok Taas (sa metro) Lokasyon

Everest 8,848 Nepal/Tibet


K-2 8,611 Pakistan
Kangchenjunga 8,586 Nepal/India
Lhotse 8,511 Nepal

March 24, 2014


Makalu 8,463 Nepal/Tibet
Cho Oyu 8,201 Nepal/Tibet
Dhaulagiri 8,167 Nepal
Manaslu 8,163 Nepal
Nanga Parbat 8,125 Pakistan
Annapurna 8,091 Nepal

Matagal ding panahong apat na karagatan lamang ang kinilala sa daigdig:


Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic. Noong 2000 lamang itinakda ng International
Hydrographic Organization ang isang panibagong karagatan na pumapalibot sa
Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot hanggang 60 o S latitude. Tingnan
ang Talahanayan 1.5 ang ilang katangian ng mga karagatan sa daigdig.

24

Talahanayan 1.5 : Mga Karagatan sa Daigdig

Lawak Average Pinakamalalim


Karagatan (sa kilometro na lalim na Bahagi
kuwadrado) (sa talampakan) (sa talampakan)

Pacific Ocean 155,557,000 12,926 Mariana Trench, 35,840


talampakang lalim

Atlantic Ocean 76,762,000 11,730 Puerto Rico Trench,


28,232 talampakang
lalim

Indian Ocean 68,556,000 12,596 Java Trench, 23,376


talampakang lalim

You might also like