You are on page 1of 5

UNANG LINGGO NG MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN: KASAYSAYAN NG DAIGDIG

Yunit I
ANG HEOGRAPIYA AT MGA SINAUNANG TAO SA DAIGDIG
ARALIN 1
PAG-AARAL NG HEOGRAPIYA NG DAIGDIG
LAYUNIN: pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay;

• Nasusuri ang limang temang heograpikal bilang kasangkapan sa pag-unawa sa daigdig


• Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig

PANIMULA

Isa ang HEOGRAPIYA sa mga salik na nakaaapekto sa daloy ng kasaysayan. Sa katunayan, malaki
ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa pag-usbong at pagbagsak ng isang kabihasnan. Ito rin
ang humubog at patuloy na humuhubog sa pag-unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura ng tao.

Sa Yunit na ito, mauunawaan ang ugnayan ng heograpiya at ng kasaysayan. Maiisip kung paano nilinang at
ginamit ng mga prehistorikong tao ang kanilang kapaligiran upang matugunan ang mga pangangailangan at
tuluyang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Dahil sa kanilang mahusay na pakikiayon sa kapaligiran,
nabigyang daan ang pagtatatag ng maunlad na pamayanan at kalinangang kultural na tinawag na kabihasnan.

Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, partikular sa Asya, Africa, at America, ay nag-iwan ng mga
kahanga-hangang pamanang maipagmamalaki sa lahat ng panahon at nakapagbigay ng malaking
kapakinabangan sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan. Sa modyul na ito, susuriin kung paano
maipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang
kabihasnang nagtagumpay sa mga
hamong dulot ng kapaligiran.

Gawain 1
Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa iyong kaalaman sa Heograpiya.
1. Ano ang Heograpiya sa iyong sariling pangunawa?

2. Bakit kailangan nating pag-aralan ang Heograpiya?

Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay sa unang aralin ng yunit na ito, pagtutuunan mo ng


pansin ang dalawang gawaing pupukaw sa iyong interes. Bukod dito, ipakikita sa mga gawaing ito
ang iyong dati nang alam tungkol sa heograpiya, gayon din ang antas ng kahandaan ng bawat isa
sa mga paksang nakaloob dito. Simulan mo na.
UNANG LINGGO NG MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN: KASAYSAYAN NG DAIGDIG

Gawain 2. GEOpardy!

Suriin ang kasunod na GEOpardy board. Pagkatapos, bumuo ng tanong na ang sagot ay salita
o larawang makikita sa GEOpardy board. Isulat sa sagutang papel ang nabuong tanong at ang
sagot nito.

Pacific Ocean Antarctica gubat

lahing Austronesian globo bundok

compass bagyo Tropikal

HALIMBAWA

Ano ang pinakamalaking karagatan sa buong daigdig? (Pacific Ocean)

Sa iyong pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig, malaki ang bahaging ginagampanan ng


heograpiya sa paghubog ng pamumuhay ng tao mula pa noong sinaunang panahon. Sa
pagbubukas ng bagong asignatura sa ikawalong grado,
una mong pagtutuunan ng pansin ang pag-aaral ng heograpiya ng daigdig. Tatalakayin sa
araling ito kung paano nakaaapekto ang heograpiya sa pamumuhay ng mga tao.
Halina at simulang tuklasin ang pisikal at kultural na heograpiya ng daigdig.
UNANG LINGGO NG MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN: KASAYSAYAN NG DAIGDIG

Gawain 3. Graffiti Wall 1

Isulat sa Graffiti Wall 1 ang iyong sariling ideya tungkol sa tanong sa ibaba. Masasagot ito sa anyo
ng pangungusap o guhit.

Paano maipapakita ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga


pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang
nagtagumpay sa hamong dulot ng kapaligiran nito?

Sa pagbabalik-tanaw sa mga nalalaman mo tungkol sa daigdig, sisimulan ang


pagtalakay sa mga konsepto at klasipikasyon ng heograpiya bilang asignatura. Bukod
dito,tatalakayin ang katangiang heograpikal ng daigdig bilang planeta at tirahan ng
lahat ng organismo, kabilang ang tao. Sasagutan mo rin ang mga mapanghamong
gawaing magbibigay ng karagdagan at wastong kaalaman tungkol sa heograpiya ng
daigdig.

PAUNLARIN

Aralin 2 : Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya

Malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya mula pa noong sinaunang panahon hanggang sa
kasalukuyan. Ang idinikta ng katangiang pisikal ng lugar kung saan nanirahan ang mga sinaunang tao ang
humubog sa kanilang pamumuhay. Bagama’t hindi maitatangging nagdulot din ang heograpiya ng
mapanghamong sitwasyon sa buhay ng mga sinaunang tao, malaki pa rin ang naging epekto nito sa
pagkakaroon ng maayos na pamumuhay ng mga prehistorikong tao hanggang sa tuluyang pagkakamit ng
mauunlad na pamayanang tinawag na kabihasnan.
Nagmula ang salitang heograpiya sa wikang Greek na geo o daigdig at graphia o paglalarawan.
Samakatuwid, ang Heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
UNANG LINGGO NG MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN: KASAYSAYAN NG DAIGDIG

Ipinakikita sa Diyagram 1.1 ang saklaw ng pag-aaral ng heograpiya:


Punan ng tamang salita ang mga kahon sa ibaba. Ang mga kasagutan ay mahahanap sa librong
KASAYSAYYAN NG DAIGDIG pahina 6 hanggang 11.

LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA

HEOGRAPIYA

Gawain 4. Tukoy-Tema-Aplikasyon
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap. Pansinin ang bawat sitwasyon
tungkol sa lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran, at paggalaw.

1. May tropikal na klima ang Pilipinas.


2. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at
silangan ng West Philippine Sea.
3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng dagat
ang bansa.
4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New Zealand upang
magtrabaho.
5. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.
6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region sa Pilipinas ang nagbigay-daan
upang patuloy na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at
ng pabahay sa kalungsuran.
7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang
may magagandang pasyalan.
8. Islam ang ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng Saudi Arabia. 9. Ang Singapore
ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ silangang
longhitud.
10. Español ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico.

ARALIN 3
ANG MGA TEORYANG PINAGMULAN NG DAIGDIG

Dalawang teoryang pinagmulan ng daigdig

TEORYANG PAGLALANG
• ang teoryang ito ay batay sa paliwanag na nakasulat sa Bibliya
•Ang Diyos ang lumikha ng ating daigdig.

Ang 7 araw na paglikha ng Diyos sa daigdig


1. PAGLIKHA NG DAIGDIG AT LIWANAG
2. PAGHIHIWALAY NG TUBIG SA KAITAASAN AT SA IBABA AT
3. PAGKAKAROON NG KALAWAKAN
4. PAGLALANG NG ARAW, BUWAN AT BITUIN
UNANG LINGGO NG MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN: KASAYSAYAN NG DAIGDIG

5. PAGLALANG NG MGA ISDA AT MGA HAYOP NA LUMILIPAD


6. PAGLALANG SA MGA HAYOP SA LUPA AT SA TAO
7. HANGGANAN NG PAGLALANG at SABBATH DAY

TEORYANG SIYENTIPIKO

TEORYANG NEBULAR
 Nagmula sa nebula ang solar system, kasama na ang daigdig.
 Ang Nebula ay isang namumuong ulap na binubuo ng sari-saring gas.
 Ang ultraviolet o sinag ng mainit na bituin ang dahilan ng pagsabog ng liwanag sa lahat ng direksyon.
 Mabilis na nagpaikot-ikot sa sansinukob ang nebula sa loob ng ilang milyong taon hanggang bumagal
at dahilan ito ng paglamig at pagtigas ng mga masa.
TEORYANG BIGBANG
 malaking bolang apoy na sumabog sa kalawakan. Napira-piraso hanggang nanigas ang iilan at lumikha
ang solar system na kasama na ang ating mundo.

Gawain 5: “sketch me”


Panuto: Maghanap ng larawan na tungkol sa BigBang at ito ay iguhit sa espasyong inilaan.

Rubrics
Kalinisan at 20 40%
kaayusan
kalinawan 25 50%
Ayon sa oras 5 10%
ang pagpasa
Total score 50pts 100%

You might also like