You are on page 1of 10

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Grade 8

Petsa:

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang
kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng
mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon
B. Pamantayang Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa
pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para
sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon
C. Kasanayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig
Code: AP8HSK-Id-4
 Nasusuri ang mga larawang makikita sa Geopardy Board;
 Nakasusulat ng opinion sa Graffiti Wall;
 Naipapakita ang pangangalaga ng daigdig at pagpapayabong ng kultura at kasaysayan

II. Nilalaman
Paksa: Heograpiyang Pisikal: Limang Tema ng Heograpiya
Sanggunian: Mga Pahina sa Gabay ng Guro Modyul ph.13-14
Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral Modyul ph. 10-13
Kagamitan: pisa, pisara,larawang pisikal ng daigdig at PowerPoint presentation

III. Pamamaraan
Panimulang Gawain:
 Pagbati
 Panalangin
 Pagsasaayos ng silid
 Pagtala ng Lumiban
 Pangganyak
Gawain 1: GEOpardy
Suriin ang mga nakasulat sa GEOpardy board. Pagkatapos, bumuo ng tanong na ang
sagot ay salita o larawang makikita sa GEOpardy board. Isulat sa sagutang papel ang
nabuong tanong at ang sagot nito.
A. Gawain
Gawain 2: Graffiti Wall 1
Isulat sa Graffiti Wall 1 ang iyong sariling ideya tungkol sa tanong sa
ibaba.Masasagot ito sa anyo ng pangungusap o guhit.

B. Pagsusuri
Gawain 3. Tukoy- Tema- Aplikasyon
Ipasuri sa mga mag-aaral ang sumusunod na impormasyon. Pagkatapos, ipatukoy
kung ito ay may kaugnayan sa lokasyon, lugar. Modyul ph.

Gamit ang AICDR (Ask, Investigate, Create, Discuss, Reflect) ang mga mag-aaral ay
sasagutin ang katanungan na
1. Ano ang masasabi mo tungkol sa heograpiya ng isang bansa ayon sa limang tema
nito.
2. Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng katangiang
pisikal ng bansa?
3. Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa heograpiya ng isang
bansa?

C. Paghahalaw
Pagpapahalaga
Paano mo bibigyang kahulugan ang salitang heograpiya?
Paano maipapakita ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng
mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa hamong dulot ng kapaligiran nito?
Paglalahat
Nagmula ang salitang heograpiya sa wikang Greek na geo o daigdig at graphia o
paglalarawan. Samakatuwid, ang Heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-
aaral ng katangiang pisikal ng daigdig

D.Paglalapat
Bilang isang mag-aaral paano ka makakatulong sa pangangalaga ng daigdig at
pagpapayabong ng kultura at kasaysayan nito?

IV. Pagtataya
1. Ano ang nagpapakita ng paggalaw bilang isa sa limang tema ng Heograpiya?
A. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog-Silangang Asya.
B. Hitik sa likas na yaman ang bansa.
C. Pangingisda ang isa sa hanap-buhay ng mga tao sa Pilipinas.
D. Maraming Pilipino ang naghahanap buhay sa ibang bansa .
2. Taun-taon iba’t ibang lahi ang pumupunta sa Pilipinas. Ano ang nagiging sanhi ng malimit
na pagbisita ng mga dayuhan sa ating bansa ayon sa teksto?
A. Angkop ang klima ng Pilipinas sa iba’t ibang lahi.
B. Hitik sa likas na yaman at magandang tanawin ang Pilipinas.
C. Hinihikayat ng pamahalaan na mamuhunan sa bansa.
D. Inaakit ang mga dayuhang pumunta sa Pilipinas
3. Libo-libong Pilipino ang nangingibang bansa sa Australia at New Zealand. Anu – ano ang
maaring maidulot nito sa Pilipinas?
A. Uunti ang populasyon ng Pilipinas
B. Dadami ang populasyon ng Australia at New Zealand
C. Yayaman ang Pilipinas dahil sa trabahong ibinibigay ng ibang bansa
D. Mawawalan ng magagaling na Propesyonal ang Pilipinas
4. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa bansang may
magagandang pasyalan. Ano ang maitutulong nito sa ekonomiya ng bansa?
a. Madaling makikilala ang magagandang tanawin ng Pilipinas
b. Maraming mga dayuhan ang pupunta sa bansang Pilipinas
c. Mabibigyang hanapbuhay ang maraming mga Pilipino
d. Madaling yayaman ang Pilipinas
5. May tropikal na Klima ang Pilipinas. Ano ang maaring implikasyon nito sa pamumuhay ng
mga Pilipino?
a. Magaganda ang lahi ng mga Pilipino
b. Pagtatanim ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Pilipino
c. Maraming mga likas na yaman ang nabubuhay dito
d. Maraming mga dayuhan ang nais pumunta ditto

IV. Takdang Aralin


Kumuha ng mga news clips tungkol sa pagbabago ng daigdig (global warming) at
sumulat ng isang tula kung paano maiuugnay ang kaalamang pangheograpiya.

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Grade 8

Petsa:
I. Layunin
 Nailalarawan ang daigdig sa solar system;
 Natatalakay ang mahahalagang guhit sa globo at mapa;
 Nakapagmumungkahi ng mga batas na maaring makatulong sa pangangalaga
at pagpapanatiling maayos ang ating daigdig;
II. Nilalaman
Paksa: Heograpiyang Pisikal: Lokasyon
Sanggunian: Mga Pahina sa Gabay ng Guro Modyul ph.15-16
Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral Modyul ph. 15-20
Kagamitan: T.V, mapa ng daigdig, globo, larawan ng solar system
III. Pamamaraan
Panimulang Gawain:
 Pagbati
 Panalangin
 Pagsasaayos ng silid
 Pagtala ng Lumiban
 Balitaan
Magtalaga ng pangkatang balitaan
 Balik-aral
Ano ang tinatawag na heograpiya?
Bakit mahalagang pag-aralan ang Heograpiya ng daigdig?

 Pangganyak

Ipapakita ang larawan ng daidig sa Solar system


Ano ang masasabi ninyo sa sa posisyon ng daigdig sa solar system?

A. Gawain
Gamit ang diyagram 1.3 ipapakita ang Estruktura ng daigdig

Paano nakakaapekto ang mga plate sa pagbabago ng hitsura ng ibabaw ng daigdig?

Modyul ph.16

B. Pagsusuri
Ipapakita ang Diyagram 1.3 ang mahahalagang imahinasyong guhit na matatagpuan sa
mapa o globo.
Ano ano ang mga mahahalagang guhit na matatagpuan sa globo o mapa?

Moyul ph. 16

Gawain 4.KKK GeoCard Completion


Modyul ph. 20
Paano nakaiimpluwensiya/nakaaapekto ang naturang konsepto sa buhay ng tao at sa iba pang
nabubuhay na organismo sa daigdig sa kasalukuyan?

C. Paghahalaw
Paglalahat
Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay. Ang
malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-ayang atmospera at sapat na sinag ng araw.
D.Paglalapat
Bilang isang mag-aaral ano ang iyong maiimungkahing batas na maaring makatulong sa
pangangalaga at pagpapanatiling maayos ang ating daigdig?

IV. Pagtataya
Kung patuloy ang pangingibang bansa ng mga Pilpino para maghanap-buhay at manirahan na
rin at patuloy ang paglago ng turismo.
1. Ano ang maaaring dulot nito sa bansa sa aspetong kultural.
A. Mapapalakas nito ang aspetong cultural ng mga Pilipino.
B. Maaaring maging dahilan ito ng pagkawala o paghina ng kulturang Pilipino.
C. Wala gaanong maidudulot ito sa paglakas at paghina ng kulturang Pilipino.
D. Magkakaroon tayo ng pagbabagong bihis ng kulturang Pilipino.
2. “ Ang USA ay matatagpuan sa kanlurang hemispiro partikular sa kontinente ng Hilagang
Amerika”. Anong tema ng heograpiya ang sumasaklaw sa pangungusap sa itaas?
A. paggalaw
B. rehiyon
C. lugar
D. interaksyon ng tao at kapaligiran
3. “ Masasabing ang kultura ng mga Amerikano ay produkto ng napakaraming kultura”.
Anong pangungusap ang makapagbibigay patunay dito?
A. Maraming mga lahi ang nandarayuhan dito para maghanap ng hanap-buhay at
manirahan.
B. Ginaya ng mga Amerikano ang paraan ng pamumuhay ng mga mayayamang
bansa.
C. Binago ng mga Amerikano ang mga lumang kultura nila at pinalitan ng
makamodernong kultura.
D. Inayos ng mga Amerikano at ang ating kultura
4. Kristiyanismo ang opisyal na relihiyon ng mga Pilipino. Anong tema ng heograpiya ang
sumasaklaw sa pangungusap sa itaas?
A. paggalaw
B. rehiyon
C. lugar
D. interaksyon ng tao at kapaligiran
5. Palagiang dinadalaw ng bagyo ang Pilipinas lalo na ang Batanes. Ano ang naging epekto
nito sa kanilang pamumuhay?
a. Sila ay lalong naging madasalin
b. Sila ay naging matatakutin
c. Sila ay lalong naging masipag
d. Natuto silang magtipid at mag-impok

V. Takdang Aralin
Paghambingin ang kalagayan ng Daigdig Noon at Ngayon gamit ang Venn Diagram.

Petsa:
I. Layunin
 Nabibigyang kahulugan ang katangiang pisikal ng daigdg;
 Naibibigay ang kahalagahan ng kapaligiran sa tao;
 Nakapagbibigay ng opinyon sa mahahalagang papel sa pamumuhay ng mga taong
nanirahan sa isang bansa/daigdig.
II. Nilalaman
Paksa: Heograpiyang Pisikal: TOPOGRAPIYA
Sanggunian: Mga Pahina sa Gabay ng Guro Modyul ph.17
Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral Modyul ph. 13-14
Kagamitan: Telebisyon, larawan ng mga katangiang pisikal ng daigdig.
III. Pamamaraan
Panimulang Gawain:
 Pagbati
 Panalangin
 Pagsasaayos ng silid
 Pagtala ng Lumiban
 Balitaan
Ang guro ay maaaring magtalaga ng magbabalita sa bawat araw. Ito rin ay maaring
pangkatan
 Balik-aral
Magbigay ng limang kaisipan tungkol sa lokasyon o kinalalagyan ng daigdig.

 Pangganyak

Loop A word

Ang gawaing ito ay susubok sa iyong kakayahang humanap ng mga salitang bubuo sa kaisipan
tungkol sa paksa, at kung paano mo ito bibigyang kahulugan. Sa pamamagitan nito ay
makakabuo ka ng mga pangungusap na may kaugnayan sa ktangiang pisikal ng daigdig.?

A. Gawain
Matapos matukoy ang mga mahahalagang salita ay susubukin mo naming bumuo ng isang
konsepto tungkol sa kahalgahan ng kapaligiran sa tao sa pamamagitan ng pagsamasama-sama
ng lima o higit pang salita at isulat ang mabubuo mong konsepto sa loob ng oval callout.

C. Pagsusuri
Sa mga salitang iyong nahanap at naitala, alin sa mga ito ang masasabi mong lubhang mahalaga
kung ang pag-uusapan ay ang katangiang pisikal ng daigdig? Bakit?

Paano mo nabuo ang iyong sariling konsepto o kaisipan mula sa mga salitang iyong pinagsama
sama? Ano ano ang naging batayan mo upang humantong ka sa nabuo mong kaisipan?

Kung ang daigdig kaya ay hindi nahahati at ito’y nanatiling isang malaking buong lupalop,
may pagbabago kaya sa katangiang pisikal nito at anong uri kaya ng pamumuhay, kultura
mayroon ang mga tao sa buong daigdig?
C. Paghahalaw
Paglalapat
Masasabi mo bang ang mga katangiang pisikal ay gumanap at patuloy ito na gumaganap ng
mahalagang papel sa pamumuhay ng mga taong nanirahan sa isang bansa/daigdig? Pangatuwiranan
ang sagot
D.Paglalahat
Malaki ang kinalaman ng Pisikal na kapaligiran sa pag-unlad ng katangiang kultural at ng kabihasnan.
IV. Pagtataya
Gawain 10. My Travel Reenactment

Rubrics (pahina )

B. Takdang Aralin
Gumawa ng isang brochure na naghihikayat sa ibang lalawigan na pumunta sa inyong lugar,
upang ipakita ang pisikal na ganda ng inyong lugar/ pamayanan.
Petsa:
I. Layunin
1. Nasusuri ang sitwasyon kung klima o panahon;
2. Naipaliliwanag ang pagkakaiba –iba ng klima sa ibat ibang panig ng daigdig at ang
kaugnayan nito sa mga likas na yaman na matatagpuan sa lugar
3. Natutukoy kung paano nakakaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao.
IV. Nilalaman
Paksa: Katangiang Pisikal ng Daigdig ( anyong lupa, anyong tubig, klima at yamang likas
Sanggunian: Mga Pahina sa Gabay ng Guro Modyul ph.18
Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral Modyul ph. 21-22
Kagamitan: Telebisyon, mga larawan na may kaugnayan sa klima
Pamamaraan
Panimulang Gawain:
 Pagbati
 Panalangin
 Pagsasaayos ng silid
 Pagtala ng Lumiban
 Balitaan
Ang guro ay maaaring magtalaga ng magbabalita sa bawat araw. Ito rin ay maaring
pangkatan
 Balik-aral
Magbigay ng limang kaisipan tungkol sa lokasyon o kinalalagyan ng daigdig.
 Pangganyak

Ayusin ang salita

mklai

A. Gawain
Susuriin ng mga mag-aaral ang mga sitwasyon. Babanggitin kung ito ay klima o panahon

1. Ang kalagayan ng panahon/ klima ngayong maghapon.


Ang kalagayan ng panahon/ klima sa loob ng isang taon.
B. Pagsusuri
Gawain 5: Dito sa Amin Modyul ph. 21

1. Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa ibat ibang panig ng daigdig?


2. Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan sa lugar?

C. Paghahalaw
Paglalapat
Paano nakakaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao?
D.Paglalahat
Ano ano ang kapakinabangang naidudulot ng mayroong magandang klima?

V. Pagtataya

1.Ang Pilipinas ay may tropical na klima. Sagana ang ulan at init sa ganitong uri ng klima Ano ang
angkop na hanapbuhay sa ganitong uri ng klima?

A. Industriya o mga Pabrika

B. pagtatanim at paghahayupan

C. pagmimina

D. Pangangalakal

2. Taun-taon dumadami ang mga turista sa ating bansa dahil sa magandang tanawin at klima nito.
Ano ang magiging epekto nito sa ating bansa ?

A. Lalago ang Ekonomiya ng ating bansa.

B. Makikilala ang kaugalian ng mga Pilipino.

C. Walang maidudulot ito sa paglakas at paghina ng ekonomiya.

D. Magkakaroon ng bagong bihis ang kultura ng mga Pilipino.

3 Dahil sa saganang torso sa kagubatan, ang ilan sa mga Pilipino ay walang habas na pumuputol ng
mga puno upang pagkakitaan.Ano ang maaaring idulot nito sa ating bansa?

A.Lalago ang kita ng bansa

B. Maaring magdulot ito ng pagdami ng mga bahay at gusali.

C. Walang maidudulot ito sa kalagayan ng bansa.

D. Masisira ang Likas na Yaman na magbubunga ng patuloy na pag-iinit ng mundo.


4. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na dinadaanan ng maraming bagyo.Ayon sa mga siyentipiko ilan
sa mga nagiging dahilan ng paglakas ng bagyo ay ang pagkaubos ng mga puno at ng mga halaman.
Anu ang ibig ipahiwatig nito.

A. Marami pang darating na bagyo sa Pilipinas kaya dapat na maging handa.

B. Ipinababatid nito na dapat nating alagaan an gating likas na yaman at maging handa sa
anumang hamon ng kalikasan.

C. Maging alerto sa mga balita upang manatiling ligtas.

D. Laging maging handa dahil ng lokasyon ng Pilipinas ay daanan talaga ng mga bagyo.

5. Kung patuloy na masisira ang kalikasan at patuloy na magkakaroon ng malakas na bagyo,


ano ang maaring maging epekto nito sa bansa?

A. Mahihirapang bumangon ang ekonomiya ng Pilipinas

B. Walang papasok na mamumuhunan sa bansa

C. Tataas ang Kriminalidad

D. Uunlad ang ekonomiya ng bansa.

VI. Takdang Aralin


Magsaliksik tungkol sa mga kontinente.

You might also like