You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 3

Oras: 10:00 ng Umaga Petsa: Ika-14 ng Marso Pangkat: Tatlo

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahan na:
a.) Naipapaliwanag ang kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo at paghubog
ng uri ng pamumuhay ng mga lalawigan o rehiyon;
b.) Nalalaman ang kahulugan at konsepto ng heograpiya;
c.) Natutukoy ang uri ng pamumuhay sa lalawigan o rehiyon

II. NILALAMAN
Paksang Aralin: Heograpiya at uri ng pamumuhay sa isang rehiyon.

Sanggunian: kto12 Curriculum Guide

Kagamitan: Kagamitang pisikal at kagamitang elektroniko

Pagpapahalaga: Naipapakita ang pagmamahal sa uri ng pamumuhay sa

rehiyon.

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
a1. Panalangin
a2. Pagbati
a3. Pagsasaayos ng silid-aralan
a4. Pagtatala ng lumiban sa klase

B. Pagbabalik-aral
Bago tayo dumako sa ating panibagong aralin natatandaan niyo pa ba
ang tinalakay natin kahapon?

Ano na nga ulet ang tinalakay natin kahapon? “Kultura”

Ano na nga ba ang kultura? “Ang kultuta ay ang kabuuang paraan ng


pamumuhay ng mga tao bilang kasapi ng komunidad o lipunan”.

C. Pagganyak
Pag awit ng awiting “Magtanim ay di-biro”

D. Paglalahad ng Aralin

Heograpiya (Geography)
Geo - (daigdig)

Salitang Griyego
Graphia (paglalarawan)

Heograpiya (Geography) - “ Ang paglalarawan ng daigdig”.

Ang heograpiya ay isang siyentipikong pag aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.

Heograpo naman ang tawag sa mga taong dalubhasa sa pag aaral ng heograpiya.

Mayroong dalawang sangay ang heograpiya:


 Heograpiyang pisikal - na tumatalakay sa katangiang pisikal ng daigdig.
 Heograpiyang pantao - naman ay tumatalakay sa pamumuhay ng pangkat ng tao
sa kanilang kapaligiran.

Heograpiyang pantao

Nakadepende sa klima ang kasuotan ng mga tao sa lugar, gayundin ang mga
pananim at iba pang pinagkikitaan ng mga tao.

Kasuotan at kagamitan sa tag-init. Kasuotan at kagamitan sa tag-ulan.

Inaayon din sa klima ang uri ng materyales ng mga tirahan ng mga tao sa komunidad.

May mga pagkain din inaangkop sa klima o panahon.

Isa pang salik ng heograpiya ang lokasyon. Inaayon ng mga tao sa komunidad ang
kanilang hanapbuhay o pagkakatian sa lokasyon ng kanilang tirahan. Halimbawa na
lamang ang mga lugar sa kapatagan gaya ng lugar naten kilala sa pagtatanim ng palay
at pagtatanim ng mga gulay.

Ano nga ba ang heograpiya?


 Ang heograpiya ang batayan sa kabuuang pamumuhay ng mga tao sa isang
komunidad.

Ano ang sangay ng heograpiya?


 May dalawang sangay ang heograpiya. Pisikal at pantao .

Ano ang kinalaman nito sa ating pang araw-araw na pamumuhay?


 Ang mga salik ng heograpiya na klima at lokasyon ay parehong mahalaga sa
pagdikta sa magiging hanapbuhay at uri ng pamumuhay ng mga tao sa isang
lugar o komunidad.

E. Panlinang na Gawain
 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Itaas ang
masayang mukha :) kung ang pahayag ay tama at malungkot :( na mukha kung
mali.

__1. Inaayon ng mga tao sa komunidad ang kanilang tirahan batay sa klima at
lokasyon nito.

__2. Malaki ang impluywensya ng heograpiya sa paghubog ng uri ng pamumuhay ng


mga tao sa isang komunidad.

__3. Pare-pareho ang paraan ng pamumuhay sa buong Pilipinas.

__4. Karaniwang maninipis at maluluwag ang kasuotan ng mga tao sa isang lugar
kapag mainit ang panahon.

__5. Ang Nueva Ecija ay kapatagan.

F. Paglalahat
G. Paglalapat
 Kung ikaw ay nasa malamig na lugar ano isusuot mo na
pananamit? Bakit?
 Kung ikaw naman ay nasa mainit na lugar ano ang iyong
isusuot na damit? Bakit?

IV. PAGTATAYA
 Panuto: Pagtambalin ang hanay A at hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.

V. TAKDANG ARALIN

Inihanda ni:

DARLINE JOYCE B. CONSTANTINO


Nagpakitang-turo

You might also like