You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION
Wangal, La Trinidad, Benguet

PROJECT SMART (Standardized and Meaningful Assessment Result-based Teaching)

IKATLONG MARKAHAN
ARALING PANLIPUNAN 3
Pangkalahatang Panuto:

A. Ang pagsusulit na ito ay binubuo ng 40 aytem tungkol sa mga


kasanayang pampagkatutong binigyang tuon sa buong markahan.
Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem bago sumagot.
B. Piliin ang tama o pinakaangkop na sagot sa mga pamimilian at isulat ang
titik nito sa naibigay na hiwalay na sagutang papel.
C. Huwag sulatan ang talatanungang ito.

1. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa kasuotan ng babae at lalaki na


taga-Kalinga?

A. Ang kasuotan ng lalaki ay ku’val at sa babae ay sa’dey at devit.


B. Ang kasuotan ng lalaki ay badio at abag at sa babae ay badio at bahakat.
C. Ang kasuotan ng lalaki ay baag at sa babae ay alugandi at ginamat.

2. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa tahanan ng ating mga


ninuno?

A. Ang tahanan nila ay isang palapag, yari sa pawid, kahoy, kawayan,


sawali, at kugon at ito ay nakaangat sa lupa.
B. Ang tahanan nila ay may dalawang palapag na yari sa galva, kahoy,
semento, sawali, at kugon at nakaangat sa lupa.
C. Ang tahanan nila ay isang palapag na yari sa galva, kahoy, semento,
sawali, kawayan at kugon at nakababa sa lupa.

3. Alin sa mga pangungusap ang naglalarawan kung paano natuto ang ating
mga ninuno ng di-pormal na pamamaraan ng edukasyon?

A. Tinuruan ang mga kababaihan sa tahanan ng paraan ng pangunguha


ng pagkain habang ang mga kalalakihan ay tinuruang mangaso sa
kagubatan.
B. Tinuruan ang mga kababaihan sa tahanan ng mga gawaing
pantahanan habang ang mga kalalakihan ay tinuturuan ng mga
gawaing kailangan sa pangunguha ng pagkain.
C. Tinuruan ang mga kababaihan sa paraan ng mga gawaing
pantahanan habang ang mga kalalakihan ay tinuturuan ng mga
gawaing kailangan sa pangunguha ng pagkain sa kagubatan.

4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa paraan ng pag-aasawa ng


ating mga ninuno?

A. Bago mag-asawa ang lalaki ay tinuturuan muna siya kung paano


magtrabaho.
B. Bago mag-asawa ang lalaki ay naninilbihan muna siya sa pamilya ng
babaeng ibig niyang pakasalan.
C. Bago mag-asawa ang lalaki ay nagtatrabaho muna sa ibang lugar
upang makapagpundar ng bahay niya.

5. Ang ating mga ninuno ay naniniwala sa kapangyarihan ng iba’t ibang


ispiritong tagabantay tulad ng anito. Paano pinahahalagahan ng ating
mga ninuno ang kanilang mga anito?

A. Iginagalang at pinangangalagaan nila ang mga ito sa pamamagitan ng


pagdarasal at pag-alay ng pagkain.
B. Iginagalang at pinangangalagaan nila ang mga ito sa pamamagitan ng
pagsasayaw at pag-alay ng pagkain sa kagubatan.
C. Iginagalang at pinangangalagaan nila ang mga ito sa
pamamagitan ng pagkakatay ng mga hayop sa kagubatan at iniaalay
sa mga ito.

6. Paano nakakaapekto ang klima sa uri ng pananamit ng mga tao sa bawat


lalawigan sa Rehiyong Cordillera?

A.Gumagawa ang mga tao ng damit ayon sa disenyong gusto.


B. Nagsusuot ang mga tao ng damit na gusto nilang isuot kahit saan sila
magpunta.
C. Iniaangkop ng mga tao ang kanilang kasuotan batay sa uri ng klima sa
kanilang lugar.

7. Bakit malaki ang impluwensiya ng heyograpiya sa paghubog ng


pamumuhay ng mga taong naninirahan sa Cordillera?

A.Dahil naaapektuhan nito ang uri ng hanapbuhay at kasuotan ng mga


tao sa iisang lugar.
B. Dahil naaapektuhan at sinasabi nito ang uri ng pananim at kasuotan ng
mga tao sa iisang lugar.
C. Dahil naaapektuhan nito ang kasuotan, pananim, at iba pang
hanapbuhay na pinagkakakitaan nila.

8. Bakit pagmimina ang pangunahing hanapbuhay ng mga taong naninirahan


sa mga bulubunduking lugar?

A.Dahil sa impluwensiya ng temperatura ng mga lugar


B. Dahil sa impluwensiya ng klima at mga tao sa bawat lalawigan
C. Dahil sa impluwensiya ng lokasyon o kinalalagyan ng mga lugar

9. Ano ang impluwensiya ng lokasyon sa istruktura o mga gusaling


ipinapatayo?

A. Ang mga gusali ay sadyang itinayo na matatag ang pundasyon upang


maging matibay ito lalo na sa panahon ng kalamidad.
B. Ang mga gusali ay sadyang itinayo na mahal ang mga kagamitan
upang maging matibay ito lalo na sa panahon ng kalamidad.
C. Ang mga gusali ay sadyang ginagamitan ng mga mahal na
kasangkapan upang maging matibay ito lalo na sa panahon ng
kalamidad.

10. Bakit angkop na pananim ang mga repolyo, cauliflower, carrots, at


broccoli sa Lalawigan ng Benguet?

A.Dahil angkop ang mga ito sa mga lugar na may mainit na klima.
B. Dahil angkop ang mga ito sa mga lugar na may malamig na klima.
C. Dahil angkop ang mga ito sa mga lugar na may katamtamang lamig na klima.

11. Alin sa sumusunod ang HINDI naglalarawan sa sining ng mga taga-


Cordillera?

A. Pagsusulat at pagguhit sa mga yungib.


B. Naglalagay ang mga ninuno ng tattoo sa katawan.
C. Iba-iba ang disenyo at hugis ng kanilang mga kagamitan.

12. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa tanyag na pagkain ng mga Igorot


na etag?

A. Ang etag ay masarap na panghalo sa mga lulutuing ulam.


B. Ang etag ay ginagawa upang ipakain sa mga bisita lamang.
C. Ang etag ay inilalagay sa loob ng banga at nilalagyan ng gata.

13. Alin ang naglalarawan sa sikat na inumin ng mga ninuno natin na


tinatawag na “tapey”?

A. Ito ay maasim at karaniwang iniinom tuwing may okasyon.


B. Ito ay mapait at karaniwang iniinom tuwing may okasyon.
C. Ito ay manamis-namis at karaniwang iniinom tuwing may okasyon.

14. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa pagdiriwang ng Panagbenga


Festival?

A. Ito ay nilalahukan ng mga sasakyang pinalamutian ng iba’t ibang


gulay at prutas.
B. Ito ay nilalahukan ng mga sasakyang pinalamutian ng sari-sari at
magagandang bulaklak.
C. Ito ay nilalahukan ng mga sasakyang pinalamitian ng iba’t ibang
disenyo ng mga bag at damit.

15. Alin ang naglalarawan sa sayaw na “idudu”?

A. Ito ay ginagawa bilang panghalili sa trabaho ng mga Itneg o


Tingguian.
B. Ito ay sinasayaw ng mga Itneg tuwing may kasal na sumasailalim ng
kanilang buhay.
C. Ito ay pantribung sayaw na sumasailalim o maiaangkop sa buhay ng
mga Itneg o Tingguian.

16. Paano naging saksi ang Bundok Nagchayan sa Mayoyao, Ifugao sa


kasaysayan ng ating rehiyon?

a. Dito ang naging pasyalan ng mga sundalong Pilipino.


b. Dito naganap ang ilang pakikipaglaban sa mga hapon noong World War II.
c. Dito nagtayo ng kampo si Heneral Aguinaldo noong panahon ng digmaang
Pilipino at Amerikano.

17. Bakit mahalaga ang Camp John Hay sa Baguio sa mga sundalong
Amerikano noong 1903?

a. Dito ang naging pahingaan ng mga sundalong Amerikano.


b. Dito ang naging kampo ng 66th Infantry Batallion noong World War II.
c. Dito nagtayo ng kampo si Heneral Aguinaldo noong panahon ng digmaang
Pilipino at Amerikano.

18. Bakit mahalagang mapangalagaan ang mga makasaysayang lugar sa


ating lalawigan at rehiyon?

a. Dahil nagpapasigla ito sa turismo ng ating lalawigan o rehiyon.


b. Dahil maraming tao ang pumupunta upang pasyalan ang mga lugar na ito.
c. Upang maabutan ng mga susunod na henerasyon at patuloy na alalahanin ang
kasaysayang nakapaloob sa bawat pook na ito.

19. Bakit mahalaga ang Camp Utopia noong Ikalawang Digmaang


Pandaigdig?

A. Ito ang naging kampo ng 66th Infantry Battalion.


B. Ito ang nagsilbing pahingahan ng mga sundalo.
C. Ito ang nagsilbing imbakan ng pagkain ng mga sundalo.

20. Ano ang malaking papel na ginampanan ng Mt. Data Hotel noong 1986?

A. Dito naganap ang digmaan sa pagitan ng Pilipino at Amerikano.


B. Dito itinago ng mga sundalong Pilipino ang kanilang mga armas na
ginamit sa pakikipdigma.
C. Dito naganap ang kasunduang pangkapayapaan nina Pangulong
Corazon Aquino at Conrado Balweg.

21. Ano ang pagkakaiba ng Panagbenga Festival ng mga taga-Baguio sa


Ullalim Festival ng mga taga-Kalinga?
A. Ang Panagbenga Festival ay pasasalamat sa mga turista na bumisita sa Baguio City
habang ang Ullalim Festival ay ang tinatawag ding G-string Festival.
B. Ang Panagbenga ay pagpapahalaga sa ibat- ibang uri ng tanim na bulaklak habang
Ullalim Festival ay ang paggunita sa paghihiway ng Kalinga at Apayao.
C. Ang Panagbenga Festival ay pagdiriwang para sa mga nagawang banga habang ang
Ullalim Festival ay pagdiriwang para sa mga ibat-ibang uri ng produkto ng Kalinga.

22. Anong pagdiriwang ang ginaganap ng lalawigang Apayao at Kalinga


tuwing ika14 ng Pebrero bilang paggunita sa kanilang paghihiwalay?

A. Ipinagdiriwang ng Apayao ang Adivay Festival samantalang Kulpi ad Asipulo naman sa


Kalinga.
B. Ipinagdiriwang ng Apayao ang Say-am Festival samantalang Matagoan Festival naman
sa Kalinga.
C. Ipinagdiriwang ng Apayao ang Lang-ay Festival samantalang Panagbenga Festival
naman sa Kalinga.

23. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa mga larong lahi ng lalawigang
Kalinga at sa karatig na lalawigan sa kinabibilangang rehiyon?

A. bahay-bahayan
B. Kadang-kadang
C. tagu-taguan

24. Ano ang pagkakatulad ng Kawayan Festival ng mga Abra sa Adivay


Festival ng mga Benguet?

A. Ito ay magkatulad sa sa ihahandang pagkain.


B. Ito ay magkatulad sa petsa at buwan ng pagdiriwang.
C. Ito ay magkatulad sa layuning may kaugnayan sa produkto at industriya.

25. Alin sa mga sumusunod ang tunay na layunin ng Bodong at Sipat?

A. Ito ay may layuning kupkupin ang mga mahihirap na mamamayan.


B. Ito ay may layuning angkatin ang mga produkto ng bawat lalawigan.
C. Ito ay may layunin na pangkapayapaan ng bawat tribo sa bawat lalawigan ng CAR.

26. Paano mo maihahalintulad ang iyong tradisyon, paniniwala at kaugalian


ng iyong lalawigan sa karatig na lalawigan sa kinabibilangan mong
rehiyon?

A. Tayo ay pare-parehong mayaman sa kultura na ipinamana ng ating mga ninuno.


B. Tayo ay pare-pareho sa ugali at paniniwala.
C. Tayo ay pare-pareho sa uri ng pananamit at sining.

27. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagkakatulad ng mga sinaunang


taga-Cordillera sa paniniwala?

A. Naniniwala sila na ang lahat ng mga nandito sa lupa ay likha ng Diyos.


B. Naniniwala sila kay Kabunyan na siyang lumikha ng lahat ng bagay na
nandito sa lupa.
C. Naniniwala sila sa anito na siyang laging gumagabay sa lahat ng mga
ginagawa ng tao sa lupa.
28. Ano ang pagkakaiba ng Ammong ad Alfonso Lista at Kulpi ad Asipulo na
parehong ipinagdiriwang sa Lalawigan ng Ifugao?

A. Ipinagdiriwang ang Ammong ad Alfonso Lista tuwing Mayo 15 habang


ang Kulpi ad Asipulo ay ipinagdiriwang tuwing Abril 16
B. Ipinagdiriwang ang Ammong ad Alfonso Lista tuwing Mayo 11 habang
ang Kulpi ad Asipulo ay ipinagdiriwang tuwing Hunyo 16-19.
C. Ipinagdiriwang ang Ammong ad Alfonso Lista tuwing Hulyo 11 habang
ang Kulpi ad Asipulo ay ipinagdiriwang tuwing Agosto 16-19.

29. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng layunin at pagkakatulad


ng ritwal na Anito ng mga Kalinga at Begnas ng mga Mt. Province? Ang
pagkakatulad ng Anito at Begnas ay mga ritual na ________

A. sumasamba sa mga yumaong ninuno.


B. nagpapasalamat sa mga naaning produkto ng kumunidad.
C. Nanggagamot at nag-aalis ang masasamang ispirito na dumapo sa isang tao.

30. Ano ang pagkakatulad sa uri ng pananamit ng mga sinaunang


Cordilleran?

A. Ang mga lalaki ay nagsusuot ng bahag at tapis sa mga babai.


B. Ang mga lalaki ay nagsusuot ng barong at saya sa mga babai.
C. Ang mga lalaki at babai ay nagsusuot ng ibat-ibang uri na yari sa dahon ng mga puno.

31. Paano maipapakita ang pagpapahalaga sa mga iba’t-ibang pangkat


etniko sa rehiyon natin?

A. Pakikipag-away sa kabit-bahay na kalilipat mula sa Ifugao.


B. Tinatawanan ang salita ng iyong kaklase na mula sa ibang lalawigan.
C. Pagrespeto sa bawat kultura at tradisyon ng iba’t-ibang pangkat etniko.

32. Mayroon kayong bagong kapitbahay na taga ibang probinsya? Parehas


kayu ng edad pero iba ang kanyang kultura sa inyo. Gusto niyang
makipaglaro sa iyo. Ano ang gagawin mo?

A. Makipaglaro sa kanya.
B. Huwag pansinin si Ana.
C. Magagalit ka sa kanya.

33. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa ibang


pangkat-etniko?

A. Tinatawanan ni Endong ang sayaw ng mga batang Kalinga.


B. Nakilahok si May sa sayaw ng Igorot kahit hindi siya isang Igorot.
C. Ayaw isuot ni Santi ang bag na galing sa Sagada dahil siya ay nahihiya.

34. Si Konay ay taga Abra at marunong sumayaw ng katutubong sayaw nila.


Inimbitahan siya ng kanyang mga kaibigan para magpaturo ng katutubong
sayaw nila. Ano ang nararapat na gawin ni Konay?

A. Ituturo nang maayos ang sayaw.


B. Pagagalitan ang tao na nag-imbita sa kanya.
C. Magdahilan na may pupuntahan na mas mahalaga.

35. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa ibang


pangkat-etniko?
A. Pinagtatawanan ng mga bata ang mga katutubo dahil sa suot nilang bahag o wanes.
B. Hindi naiintindihan ni Lugay ang katutubong awit na inaawit ni Liyan kaya siya
umalis.
C. Bumili sina Budang at Ayyan ng mga bag na ginawa ng mga katutubo mula sa Apayao.

36. Ang Uggayam ay masayang ina-awit ng mga dalaga sa isang tanghalan.


Hindi maintindihan ni Bebot ang awiting ito. Ano ang gagawin ni Bebot?

A. Umalis sa lugar na iyon


B. Sigawan ang mga umaawit dahil
C. Makinig kahit hindi naintindihan

37. May bago kayong kapitbahay na nanggaling sa Abra. Napansin mo na may


mga tattoo siya sa katawan. Tuwing nakikita siya ng kapatid mo ay tumatakbo
siya sa loob ng bahay dahil sa takot. Ano ang gagawin mo?

A. Sabihin sa kapatid na igalang ang kapitbahay dahil iyon ay parte ng


kanilang sining.
B. Sabihin sa kapitbahay na huwag lumabas ng bahay dahil natatakot ang
kapatid mo.
C. Sabihin sa kapatid na huwag na lang siyang pansinin at manatili na
lamang sa loob ng bahay.

38. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa iba’t-ibang


sining ng ating rehiyon?

A. Igiit na mas maganda ang likhang sining ng inyong lalawigan kaysa sa iba.
B. Magbigay ng hindi magandang puna sa disenyong sining na ginagawa ng kaklase.
C. Nasasagot ng mga bata ang mga tanong ng guro tungkol sa awit at sayaw ng Mt.
Province.

39. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa iba’t-ibang


sining ng ating rehiyon?

A. Ikinakahiya ni Killeng na awitin ang awit sa kanilang lugar.


B. Itinuturo ni Finsay ang awiting “Pacpacada” sa mga bata.
C. Nahihiyang sayawin ng mga dalaga ang katutubong nilang sayaw.

40. Paano natin mapauunlad ang sarili nating sining sa rehiyon?

A. Itigil ang pag-aaral sa mga ito.


B. Ipagmalaki ang sining ng ibang rehiyon kaysa sa atin.
C. Patuloy na pag-aaral at pagsasagawa sa ating sining upang hindi malimutan.

*Wakas ng Pagsusulit*

You might also like