You are on page 1of 24

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 7 (1st QUARTER)

S.Y 2020-2021
Yunit 1: Heograpiya at Kabuhayan sa Asya

Aralin 1: Klima ng Asya


Nararanasan ng Asya ang mga sumusunod na Klima:

 Monsoon – Ito ay uri ng panahon na nagtatagal nang ilang buwan at tumutukoy rin sa
pagdadala ng tubig-ulan galling sa mga katubigan.
 Tropikal – Ito ay uri ng klima na nagtataglay ng dalawang tiyak na panahon: tag-ulan at
tag-init.
 Temperate – Binubuo ng klimang temperate ang katamtamang init at lamig na
nararanasan halos sa buong taon.
 Polar – Buong taon naglalamig at nagyeyelo ang mga lugar na sakop ng klimang polar.

Makikita sa mga biomes o mga lugar na may iisang uri ng klima, halamanan, pangkat ng mga tao, at
hayop, ang uri ng pamayanan ng mga Asyano.

 Tundra – lugar na halos walang puno at nakakaranas ng klimang malamig buong taon; sa
Gitna at Timog Asya ito kadalasang nararanasan.
 Taiga – lugar na may mga kagubatang malamig at nakararanas ng klimang malamig
buong taon; sa Gitna at Timog Asya ito kadalasang nararanasan.
 Grassland – lugar na maraming uri ng halaman at damong namumuhay sa katamtamang
klima; sa Bhutan, India, at Nepal ito makikita.
 Disyerto – tuyo ito sa buong taon at kakaunti ang halaman na nabubuhay ritol ang
maraming bansa sa Kanlurang Asya ay katatagpuan ng mga disyerto.
 Tropical Rainforest – maraming halaman, ngunit maulan at mainit na panahon ang
nararanasan dito.
 Mountainous Forest – mga lupaing sakop nito ay puno ng mga kagubatan sa mga
kabundukan kadalasang temperate ang klimang nararanasan dito; sa Silangang Asya
makikita ang lupaing ito.

Pahina 1
Mga Kahanga-hangang Likhang Asyano
Kilala rin ang mga Asyano sa pagiging malikhain, matiyaga, masipag, at matapang. Ang ilan sa
kanilang nabuo ay ang mga sumusunod:

1. Hagdan-hagdang Palayan na binuo ng mga Ifugao sa Banaue. Nilikha ito ng mga Ifugao 2,000
taon nang nakalilipas at nagpapatunay sa kanilang kagalingan at larangan ng inhinyeriya at
agrikultura.
2. Dakilang Pader ng Tsina. Sinumulang itayo ito ng mga Tsino sa panahon ng pamumuno ni Qin
Shi Huangdi ng Dinastiyang Qin noong ika-7 na siglo BCE o Before Commen Era upang magsilbing
pananggalang sa pananakop ng mga barbarong Mongol na mula sa disyerto ng Gobi sa hilagang
bahagi ng Tsina.
3. Angkor Wat sa Cambodia. Ang templong ito naipatayo ni Suryavarman II sa gitna ng kagubatan
ng Cambodia noong Ika-12 na siglo CE o Common Era ay nagsilbing patunay na pagiging maka-
Diyos ng mga Khmer.
4. Borobudur sa Indonesia. Ito ay temple naman ng Mahayana Buddhismo na itinayo noong ika-9
na siglo AD upang magsilbing sentro ng mga mananampalataya ng Buddhismo.
5. Taj Mahal sa India. Ito ay isang mawsoleo na nagsilbing libingan ni Mumtaz Mahal na
paboritong asawa ng Mughal na Emperador na si Shah Jahan.
6. Al-Masjid Al-Haram. Ito ay ang pinakamalaking mosque sa buong daigdig at ang pinakabanal na
lugar sa Islam itinayo ito 3,000 taong nakalipas.
7. Mga Templo at Pagoda ng Bagan sa Burma. Matatagpuan dito ang mahigit sa 10,000 na
estruktura ang nakalaan sa relihiyon ng Buddhismo na makikita sa Silangan ng Burma.
8. Palayo ng Potala sa Tibet, Tsina. Dito nakatira ang Dalai Lama ang pinuno ng relihiyong
Buddhismo.

Pahina 2
TAKDANG ARALIN
Buuin ang analohiya. Isulat ang tamang salita bubuo sa analohiya sa bawat patlang.

1. Shah Jahan: Taj Mahal; Suryavarman II: _______________________________________


2. Rub Al-Khali: Saudi Arabia; Dakilang Pader: _______________________________________
3. Borobudur: Mahayana Buddhismo; Angkor Wat: ________________________________
4. Klimang malamig buong taon: tundra; tuyo buong taon. ______________________________
5. Hilagang Asya: Malamig na klima; timog Asya. __________________________________

Pahina 3
PAGSASANAY
Pagtambalin ang estruktura sa Hanay A sa bansang kinabibilangan nito sa Hanay B. Maaring
magkaroon ng isa pang sago ang dalawang estruktura sa Hanay A sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

______1. Angkor Wat a. Saudi Arabia

______2. Taj Mahal b. Tsina

______3. Mga Pagoda ng Bagan c. Cambodia

______4. Palasyo ng Potala d. Pilipinas

______5. Borobudur e. Myanmar/Burma

______6. Hagdan-Hagdang Palayan ng Banawe f. India

______7. Al-Masjid Al-Karam g. Indonesia

Pahina 4
PAGSUSULIT
A. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay lugar na halos walang puno at nakararanas ng klimang malamig sa buong taon.
a. taiga c. mountainous forest
b. tundra d. tropical rainforest
2. Ang lupaing sakop nito ay puno ng mga kagubatan sa mga kabundukan at kadalasang
may katamtamang klima.
a. disyerto c. mountainous forest
b. tropical rainforest d. taiga
3. Tuyo ito sa buong taon at kakaunti ang halamang nabubuhay rito.
a. disyerto c. tundra
b. taiga d. mountainous forest
4. Ito ay uri ng klima na may dalawang tiyak na panahon: tag-ulan at tag-init.
a. amihan c. monsoon
b. habagat d. tropical
5. Tinagurian itong “Bubong ng Daigdig”.
a. Palasyo ng Potala c. Philippine Deep
b. Bundok Everest d. Talampas ng Tibet
6. Ito ay pinakamainit na disyerto sa daigdig.
a. Rub al-Khali c. Sahara
b. Gobi d. Ural
7. Sa rehiyong ito matatagpuan ang pinakamalaking reserba ng langis sa daigdig.
a. Silangang Asya c. Timog-Silangang Asya
b. Kanlurang d. Hilagang Asya
8. Ito ang hangganan ng Asya sa kanluranan.
a. Bulunbunduking Ural c. Dagat Aegean
b. Caspian Sea d. Karagatang Pasipiko
9. Siya ang nagpatayo ng Angkor Wat.
a. Dalai Lama c. Qin Shi Huangdi
b. Suryavarman II d. Shah Jahan
10. Ipinatayo niya ang Taj Mahal.
a. Mumtaz Mahal c. Dalai Lama
b. Suryavarman II d. Shah Jahan
B. Tukuyin ang salitang inilalarawan ng mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot
sa patlang bago ang bilang:

__________________________________1. Pinakamalalim na bahagi ng dagat.

Pahina 5
__________________________________2. Pinakamalawak na karagatan sa daigdig.

__________________________________3. Pader na ipinatayo ni Qin Shi Huangdi upang


makaiwas sa mga mananakop.

__________________________________4. Pinakamataas na bundok sa daigdig.

__________________________________5. Ilog na nagsilbing patubig ng sinaunang


pamayanang Tsino.

__________________________________6. Ilog na nagdulot ng masaganang pananim sa


Thailand, Myanmar, at Vietnam.

__________________________________7. Tinaguriang “Empty Quarter”.

__________________________________8. Pinakabanal na lugar para sa relihyong Islam.

__________________________________9. Bansang may pinakamalaking bahagdan ng


suplay ng niyog.

__________________________________10. Gusaling ipinagawa ni Suryavarman II na nasa


gitna ng kagubatan ng Cambodia.

Pahina 6
Aralin 2: Mga Bansa sa Asya
Ang Asya ay binubuo ng 48 na mga bansa na may sari-sariling pamahalaan, teritoryo, batas, at
mamayang kumikilala sa kanilang pagkabansa. Iba-iba ang kanilang wika, kultura, lipunan,
ekonomiya, at politika. Alam mo ba kung ano-ano ang mga bansang bumubuo sa Asya? Ating
alamin.
Silangang Asya
1. Tsina- ito ang pinakamalaking bansa sa Asya na may sukat na 9,560,980 kilometro kuwadrado at sakop
nito ang malaking bahagdan ng lupain sa Silangang Asya.
2. Hapon- Ang Bansang Hapon ay may sukat na 377,944 kilometro kuwadrado na binubuo ng apat na
pangunahing pulo: Hokkaido, Shikoku, Honshu, at Kyushu.
3. Hilagang Korea- Ang bansang ito ay nasa pinakahilagang bahagi ng Asya. May lawak itong 120,538
kilometro kuwadrado.
4. Timog Korea- Nasa timog ito ng Hilagang Korea. Ang bansa ay may lawak na 100,210 kilometro
kuwadrado.
5. Mongolia- Ito ang tanging bansa na nasa Gitang Asya. May laki itong 1,564,115 kilometro kuwadrado.
6. Taiwan- Ito ay isang pulong nasa silangan ng Tsina. Ito ay may laki na 36,100 kilometro kuwadrado.

Timog-Silangang Asya
7. Brunei Darussalam- Ito ay may lawak na 5,765 kilometro kuwadrado. Isa sa bansang may pinakamalaking
reserba ng langis sa Timog-Silangang Asya.
8. Cambodia- Ito ay may lawak na 181,040 kilometro kuwadrado.
9. Indonesia- Ito ang pinakamalaking kapuluan sa buong daigdig na may lawak na 1,919,440 kilometro
kuwadrado.
10. Laos- May laki ito na 236,800 kilometro kuwadrado at tinagurian itong “Lupain ng Milyong Elepante”.
11. Malaysia- Inaabot ito ng 329,847 kilometro kuwadrado sa laki.
12. Myanmar- Burma lang isa pang pangalan para sa bansang ito. May 676,578 kilometro kuwadrado ang laki.
Tinagurian itong “Lupain ng Ginintuang Pagoda”.
13. Pilipinas- Ito ay may laki na 300,000 kilometro kuwadrado. Binubuo ito ng 7,107 na mga pulo. Tinatawag
din itong “Perlas ng Silangan” at binubuo ng mga pangunahing pulo ng Luzon, Visayas, at Mindanao.
14. Singapore- Ito ay pinakamaliit na bansa sa Timog-Silangang Asya na may laki na 716 kilometro kuwadrado.
15. Timor-Leste- May laking 15,000 kilometro kuwadrado ang Timor-Leste na kilala rin sa pangalang East
Timor.
16.Vietnam- May laki ang Vietnam na nasa 331,210 kilometro kuwadrado. Ito ang bansang nakaranas ng ilang
libong taon ng pananakop ng mga dayuhan tulad ng Tsino, Pranses, at Ruso.
17. Thailand- Ang tanging bansan sa Timog-Silangang Asya na hindi nasakot ng mga Kanluranin. Ito ay may
Pahina 7
lawak na 513,120 kiilometro kuwadrado.
Timog Asya
18. Afghanistan- Ito ay bansang may lawak na 652,000 kilometro kuwadrado. Naging tahanan din ito ng mga
kaharian ng mga sinaunang kabihasnan tulad ng Maurya at India.

19. Bangladesh- Ito ay may laking 147,570 kilometro kuwadrado at matatagpuan sa Silangan ng India.

20. Bhutan- Kaharian ito na may laking 38,394 kilometro kuwadrado. Tinagurian itong “Lupain ng Dragong
Kidlat”.

21. India- Ito ay ang pinakamalaking bansan sa Timog Asya na may lawak na 3,287,590 kilometro kuwadrado.
22. Maldives- Ang mga pulo ng Maldives ay may lawak na 300 kilometro kuwadrado. Ito ay ang pinakamaliit
na bansa sa buong mundo.

23. Nepal- May laking 140,797 kilometro kuwadrado ang Nepal. Dito matatagpuan ang pinakamataas na
bundok daigdig, ang Mt. Everest.

24. Pakistan- Ito ay may lawak na 803, 943 kilometro kuwadrado.

25. Sri Lanka- Ito ay may lawak na 65,600 kilometro kuwadrado. Dating tinawag ito na “Ceylon” ng mga
mananakop na Briton at nakilala ito bilang isa sa mga pinakamalaking tagaluwas ng tsaa sa daigdig.

Kanlurang Asya
26. Armenia- Ang bansang Armenia ay may lawak na 29,700 kilometro kuwadrado. Ito ay isang dating
kaharian na unang kumilala sa Kristiyanismo noong taong 301 AD.

27. Azerbaijan- May laking 86,600 kilometro kuwadrado ang bansang Azerbaijan.

28. Bahrain- Kaharian ito na may laki lamang na 760 kilometro kuwadrado. Ito ang bansang walang langis,
ngunit isa ito sa mga pinakamaunlad na bansa sa rehiyon.

29. Cyprus- Sa kanluran ng Lebanon matatagpuan ang Cyprus. May laki itong 9,200 kilometro kuwadrado.

30. Georgia- May laking 69,700 kilometro kuwadrado ang Georgia at kilala ito bilang isang bansang
gumagawa ng masarap na wine o alak.

31. Jordan- Ang laki ng Jordan ay 92,300 kilometro kuwadrado. Ang opisyal na pangalan nito ay ang”
Hashemite Kingdom of Jordan” na tahanan ng mga Hashemite, isang tribo ng mga nomadikong Arabo.

32. Iran- Ito ay may laki na 1,648,000 kilometro kuwadrado.

33. Iraq- May laki itong 434,924 kilometro kuwadrado.

34. Israel- Ang Lupain ng Israel ay may lawak na 20,370 kilometro kuwadrado. Ito ay lupain ng mga hudyo at
naging tahanan ng Kristiyanismo.

35. Lebanon- Ito ay pinakamaliit na basan sa Kanlurang Asya. May laki itong 10,400 kilometro kuwadrado.
Pahina 8
36. Kuwait- May laki itong 17,818 kilometro kuwadrado. Napakayaman sa langis ang bansang ito at isa ito sa
pinakamayaman sa rehiyon.

37. Oman- May laking 212, 460 kilometro kuwadrado. “Guwardiya ng Golpo”

38. Qatar- may laki itong 11,000 kilometro kuwadrado. Masagana ang bansang ito sa natural gas at perlas.

39. Saudi Arabia- ito ang pinakamalaking bansa sa Kanlurang Asya na may laking 2,150,000 kilometro
kuwadrado. Narito ang pinakamalaking reserba ng langis sa buong daigdig.

40. Syria- ang laki ng Syria ay 71,498 kilometro kuwadrado. Narito naman ang isa sa mga lugar na tinitirhan
ng kabihasnang Sumer, ang pinakamatandang kabihasnan sa daigdig.

41. United Arab Emirates- Binubuo ito ng pitong emirates at may laking 82,800 kilometro kuwadrado.
Matatagpuan ditto ang Burj Khalifa, ang pinakamataas na gusali sa daigdig.

42. Turkey- Umabot sa 783,600 kilometro kuwadrado ang laki ng bansang Turkey.

43. Yemen- may laking 527,940 kilometro kuwadrado ang Yemen. Narito ang Gulf of Aden, isa sa mga
makasaysayang daungan ng barko sa daigdig.

Gitnang Asya
44. Kazakhstan- May laki itong 2,794,900 kilometro kuwadrado. Ito ang pinakamaunlad na bansa sa Gitnang Asya
dahil sa reserba nitong langis. Maituturing na pinakamalaking bansa sa relihiyon na hindi napapalibutan ng tubig.

45. Kyrgyzstan- Ang laki ng Kyrgyzstan ay 199,900 kilometro kuwadrado.

46. Tajikistan- May laking 143,100 kilometro kuwadrado ang bansang Tajikistan.

47. Uzbekistan- May lawak itong 447,400 kilometro kuwadrado. May sari-saring yamang mineral dito tulad ng ginto,
uranium, at natural gas.

48. Turkmenistan – May laki itong 488,100 kilometro kuwadrado. Isang mahalagang likas na yaman ditto ang natural
gas. Ika-apat ito sa may pinakamalaking reserba ng natural gas sa daigdig.

Pahina 9
TAKDANG ARALIN

Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag tungkol sa mga bansa sa Asya at MALI
kung ito ay hindi wasto.
________________1. Hindi lahat ng bansa ay may kabisera.

________________2. Sabay naging bansa ang mga estado sa Gitnang Asya noong 1991.

________________3. Ang mga bansang Indonesia at Malaysia ay parehong gumagamit ng


Bahasa Indonesia bilang pangunahing wika.

________________4. Ang araw ng pagkabansa ay ang araw ng pagiging ganap na bansa ng


isang teritoryo o lugar.

________________5. Naging bahagi ng Unyong Soviet ang mga bansa sa Gitnang Asya.

________________6. Ang pinakamalaking bansa batay sa populasuon at laki ng teritoryo ay ang


Tsina.

________________7. Thai ang pangunahing wika sa Thailand.

________________8. Kasama ang Bahasa sa listahan ng mga pangunahing wika sa Singapore.

________________9. Ang mamamayan ng isang bansa ay ang kabuuang dami ng tao sa loob ng
teritoryo nito.

________________10. Apatnapu’t lima ang kabuuang bilang ng mga bansa sa Asya.

Pahina 10
PAGSASANAY

Pumili ng isang bansa sa bawat rehiyon sa Asya. Magsaliksik tungkol sa watawat


ng mga bansang napili. Isulat sa papel ang hinihingi ng mga sumusunod:

1. Sagisag ng mga kulay ng watawat

2. Kahulugan ng mga simbolo

3. Dahilan kung bakit napili ang watawat.

Pahina 11
PAGSUSULIT

Tukuyin kung saang rehiyon ng Asya matatagpuan ang mga sumusunod na bansa.
Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

______________________________1. Tsina

______________________________2. Brunei Darussalam

______________________________3. Thailand

______________________________4. India

______________________________5. Maldives

______________________________6. Armenia

______________________________7. Azerbaijan

______________________________8. Taiwan

______________________________9. Pilipinas

______________________________10. Uzbekistan

______________________________11. Tajikistan

______________________________12. Yemen

______________________________13. Oman

______________________________14. Georgia

______________________________15. Bangladesh

Pahina 12
Aralin 3: Heograpiya ng Timog-Silangang Asya
Nahahati sa dalawa ang rehiyon sa Timog-Silangang Asya: ang rehiyong nasa lupa o mainland at
ang rehiyong maritime na binubuo ng mga kapuluan.

MAINLAND NA TIMOG-SILANGANG ASYA

1. Cambodia – Ito ang kanlungan ng kabihasnang Khmer.


2. Laos – Napapaligiran ito ng dalawang bansa at tanging bansa sa Timog-Silangang Asya
na landlocked o hindi napaliligiran ng tubig.
3. Myanmar – Ang isa pang tawag dito ay Burma.
4. Thailand – Dati itong tinawag na Siam.
5. Vietman – Ito ang bansang nag-uugnay sa Tsina at Timog-Silangang Asya.

MARITIME NA TIMOG-SILANGANG ASYA

1. Brunei Darussalam – Isa itong bansa na nasa isla ng Borneo, ang pinakamalaking pulo sa
Asya.
2. Indonesia – Ito ang bansang nasa pinakatimog na bahagi ng Timog-Silangang Asya.
3. Malaysia – Ang Malaysia ay bansang nahahati sa dalawang bahagi: ang Kanlurang
Malaysia na nasa bahaging mainland ng Timog-Silangang Asya, at ang Silangang
Malaysia na nasa isla ng Borneo sa bahaging maritime ng Timog-Silangang Asya.
4. Pilipinas- Nasa gawing silangan ang Pilipinas na nasa tabi ng Karagatang Pasipiko at
binubuo ito ng 7,107 na pulo.
5. Singapore – Ito ay isang lungsod na isa ring ganap na bansa o estado.
6. Timor-Leste – Nakapaloob sa mga kapuluan ng Indonesia ang bansang Timor-Leste.

TOPOGRAPIYA

Anyong Lupa

- Ang mga bansa na kabilang sa insular o mainland ay karaniwang nababalot ng mga


tropical rainforest na may mga punong tropical tulad ng niyog, saging, at manga.

Pahina 13
Anyong Tubig

1. Ilog Irrawaddy sa Myanmar – Ito ang pangunahing ilog sa Myanmar.


2. Ilong Mekong sa Vietman – Ito ang pangunahing ilog sa Timog-Silangang Asyana
dumadaloy sa limang bansa: Thailand, Laos, Cambodia, Vietnam, at Tsina.
3. Ilog Cagayan sa Pilipinas – Ito ang pangunahing ilog sa Pilipinas.
4. Ilog Chao Phraya sa Thailand – Ito ang pangunahing ilog sa Thailand.
5. Tonle Sap sa Cambodia –Matatagpuan sa Cambodia at itinuring ito na isang lawing
tubig-tabang o freshwater lake na may iba-ibang uri ng isdang namumuhay.
6. Laguna de Bay sa Pilipinas – Ito ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas.
7. Golpo ng Tonkin sa Vietnam –Ito ang pangunahing Golpo sa Vietnam.
8. Golpo ng Leyte sa Pilipinas – Dito naganap ang pinakatanyag na labanang pandagat o
naval battle noong ikalawang Digmaang Pandaigdig.

LIKAS NA YAMAN

Yamang Lupa

- Ang rehiyon ay sagana sa mga hilaw na sangkap o raw materials mula sa yamang lupa.

Yamang Hayop

 Tamaraw
 Binturong
 Sumatran tiger

Yamang Mineral

- Sinasabi na may malalaking deposito ng mga mineral ang Timog-Silangang Asya.

Yamang Tubig

 Tuna
 Butanding

MGA TANYAG NA POOK SA TIMOG-SILANGANG ASYA

Lungsod ng Singapore Ha Long Bay (Vietnam) Borobudur (Indonesia)

Boracay (Pilipinas) Banawe (Pilipinas) Bali (Indonesia)

Bagan (Myanmar) Angkor Wat (Cambodia) Pahina 14


TAKDANG ARALIN
Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____________1. Alin sa mga sumusunod ang tama tungkol sa heograpiya ng Timog-Silangang


Asya?

a. Nagbunga ito ng kaunlaran sa rehiyon


b. Nagkaroon ng ibat’ibang mga kultura dahil sa heograpiya
c. Naging tampok ang rehiyon sa imperyalismo
d. Lahat ng nabanggit

_____________2. Paano nakatulong ang klima sa mga mamamayan sa Timog-Silangang Asya?

a. Nakaiwas sila sa mainit na klima


b. Nakatulong ang malamig na klima sa mga tao
c. Naging angkop sa pagsasaka ang mga lupain
d. Nakaiwas sila sa pagdating ng mga bagyo

_____________3. Bakit hindi na kinakailangang magbayad ng buwis ang mga mamamayan ng


Brunei?

a. Dahil walang kakayahan na magbayad ng buwis ang mga mamamayan dito.


b. Dahil walang gaanong programa ang pamahalaan ng Brunei
c. Dahil kakaunti lamang ang mga mamamayan dito
d. Dahil malaki ang kinikita ng kanilang pamahalaan sa mina ng langis

_____________4. Paano nakatulong sa Thailand ang lokasyon nito sa Timog-Silangang Asya?

a. Dahil dito ay nakaiwas sila pananakop


b. Dahil dito ay naging angkop sila sa pangingisda
c. Dahil dito naging sentro sila ng kalakalan
d. Dahil dito ay yumabong ang kanilang turismo

_____________5. Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa heograpiya ng Timog-


Silangang Asya ang mali?

a. Binubuo ng mga kapuluan ang maraming bansa sa Timog-Silangang Asya.


b. Tropikal ang klima sa Timog-Silangang Asya.
c. Mayaman sa mineral ang Timog-Silangang Asya.
d. Walang maling pahayag

Pahina 15
_____________6. Ano ang tawag sa pinakamalaking perlas na natagpuan sa Pilipinas?

a. Perlas ng Silanganan
b. Perlas ni Allah
c. Perlas ng Dapit Hapon
d. Perlas ng Pilipinas

_____________7. Bakit mahalagang mapangalagaan ang Ilong Mekong?

a. Dahil maraming perlas na makikita dito


b. Dahil maraming mga ginto ang itinago dito
c. Dahil isa itong santuwaryo ng mga bibihirang uri ng mga isda
d. Dahil maraming mga nangingisda dito

_____________8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang mali tungkol sa Singapore?

a. Patag ang mga lupain nito


b. Wala gaanong likas na yaman
c. Bahagi ito ng Malaysia noon
d. Lahat ay tama

_____________9. Alin sa mga sumusunod ang tama tungkol sa mga likas na yaman ng Timog-
Silangang Asya?

a. Ang mga mamamayan ay umaasa lamang sa agrikultura.


b. Limitado ang likas na yaman ng rehiyon
c. Sagana sa langis ang lahat ng mga bansa
d. Ang mga lupain ay angkop sa pagtatanim

_____________10. Alin sa mga sumusunod ang patunay ng ugnayan ng mga bansa sa Timog-
Silangang Asya?

a. Iisa ang relihiyon nilang lahat


b. Magkakahawig ang kanilang mga kultura
c. Ang pisikal na katangian ng kanilang mga bansa ay magkatulad
d. Lahat ng nabanggit

Pahina 16
PAGSASANAY
Tukuyin ang inilalarawan ng mga sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.

______________________________1. Hayop na matatagpuan sa kabugatan ng Mindoro

______________________________2. Pangunahing iniluluwas ng bansang Brunei

______________________________3. Bilang ng isla sa Indonesia

______________________________4. Tinaguriang “Lupain ng mga Malalaya”

______________________________5. Yamang lupa na sa Pilipinas matatagpuan.

______________________________6. Pinakamalaking lawa na tubig-tabang sa rehiyon.

______________________________7. Pangunahing ilong sa Myanmar

______________________________8. Pangunahing ilog sa Thailand

______________________________9. Pinakamalaking kapuluan sa Asya

______________________________10. Tanging bansa sa Timog-Silangang Asya na hindi


nasakop.

Pahina 17
PAGSUSULIT
A. Maglista ng mga anyong lupa at anyong tubig na makikita sa mga bansa sa tsart sa
ibaba.

Pilipinas Vietnam Cambodia Thailand Malaysia

B. Magsulat ng isang reaksiyon tungkol sa sumusunod na pahayag nang hindi bababa sa


100 salita. Isulat ito sa nakalaang espasyo sa ibaba.
“Naging madali para sa mga Kanluranin na sakupin ang Timog-Silangang Asya dahil sa
mga anyong tubig na nakapalibot sa labas at loob ng mga bansa nito.”

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Pahina 18
Aralin 4: Heograpiya ng Timog Asya

Topograpiya
Anyong Lupa

 Hindu Kush
 Grassland
 Maldives

Anyong Tubig

1. Ilog Ganges
2. Ilong Indus
3. Ilong Brahmaputra

Klima

 monsoon
 taiga
 grassland

Likas na Yaman

Yamang Lupa

 Tsaa ng Sri Lanka


 Agrikultura

Yamang Hayop

 Bengal White Tiger


 Elepante
 Oso
 Pilandok
 Ibon
 Rhinoceros

Yamang Mineral

 coal
 graphite

Pahina 19
 iron
 ore
 manganese
 mica
 ginto

Yamang Tubig

 landlocked

MGA TANYAG NA POOK SA TIMOG ASYA

Lungsod ng Mohenjo-
Taj Mahal
Daro
(India)
(Pakistan)

Lumbini, Lundayan ni
Ang Ginintuang Temple Buddha (Nepal)
ng Amritsar

Pahina 20
TAKDANG ARALIN
Hindi tuwirang naranasan sa Pilipinas ang impluwensiyang Indyano sa pamamagitan ng
kalakalan. Naging mahalaga ang kalakalan sa pagitan ng Timog Asya at Timog-Silangang Asya, at
ang heograpiya ay may tungkulin sa pagpapatibay ng ugnayan ng Timog at Timog-Silangang
Asya. Kung ikaw ay namuhay noong panahon ng kalakalan ng India at Timog-Silangang Asya,
ano ang iyong sasabihin sa mga mangangalakal na Indyano? Paano mo sila pasasalamatan?
Magsulat ka ng lihan ng pasasalamat sa isang mangangalakal.

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Pahina 21
PAGSASANAY
Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

________________1. Ano ang pinakabanal na ilog sa India?

a. Ilog Brahmaputra
b. Ilog Ganges
c. Ilog Indus
d. Wala sa nabanggit

________________2. Bakit hindi nasakop ng mga Kanluranin ang Bhutan at Nepal?

a. Dahil sa husay ng kanilang mga pinuno


b. Dahil sila ay pinaliligiran ng mga bulubundukin
c. Dahil mahusay sila sa pakikidigma
d. Dahil malamig ang klima sa lugar nila

________________3. Pag dating sa mga yamang tubig, saan kilala ang India?

a. Teknolohiya sa pangingisda
b. Pangingisda ng alamang
c. Pangingisda ng hipon
d. Wala sa nabanggit

________________4. Ano ang dating tawag sa Timog Asya?

a. Indian Subcontinent
b. Indian Continent
c. Kaharian ng India
d. Estado ng India

________________5. Anong hayop ang may katangi-tanging kulay na nasa Timog-Asya lamang
makikita?

a. rhinoceros
b. pilandok
c. tigre
d. tigreng Bengal

Pahina 22
________________6. Saang lugar sa India mararanasan ang panahong tropical at makikita ang
mga magagandang dalampasigan?

a. New delhi
b. Goa
c. Dhaka
d. Colombo

________________7. Saang ilong diumano nagsimula ang kabihasnang Indyano?

a. Ilog Brahmaputra
b. Ilog Tigris
c. Ilog Ganges
d. Ilong Indus

________________8. Bakit naging madali ang pananakop ng mga Kanluranin sa Timog Asya?

a. Dahil malapit sa Europa at pinagdurugtong ito ng Karagatang Indian


b. Dahil ang rehiyon ay hindi protektado ng mga malalakas na armas
c. Dahil ang mga katubigan nito ay hindi nagkakaroon ng malakas na
alon
d. Dahil ang Karagatang Indian ay mapayapa

________________9. Ano ang resulta ng pagiging kapuluan ng Maldives?

a. nagiging maselan ito sa mga bagyo


b. mainit ito buong taon
c. nagiging tampok ito ng mga turista
d. dumarami ang nangingisda dito

________________10. Siya ang Kanluranin na unang namuno sa paggalugad sa Timog Asya


noong ika-15 na siglo.

a. Ferdinand Magellan ng Portugal


b. Vasco de Gama ng Portugal
c. Christopher Columbus ng Italya
d. Wala sa nabanggit

Pahina 23
PAGSUSULIT
A. Ayusin ang mga titik sa bawat bilang upang makabuo ng isang kumpletong salita.
Ipangkat sa tsart ang mga nabuong salita.

NIHPO RGIET AGMO IAPGTREH

ISBGA MLAAGNA NNGEMAAES ONPGGA

ATSA PNETLEEA BAOKAT

Yamang Lupa Yamang Tubig

Yamang Hayop Yamang Mineral

Pahina 24

You might also like