You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Pagadian City

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Absolute at Relatibong Lokasyon ng
Pilipinas Bilang Bansang Archipelago

Learning Activity Sheets


(Extracted/Modified from CO/RO10 SLMs)

Name:
Year Level:
Grade & Section:

DO_Q1_Araling Panlipunan 5_ Modyul 1


Alamin

Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay


inaasahang:

1. Natutukoy ang lokasyon ng Pilipinas (absolute at relatibo) gamit ang


mapa
2. Nasusuri ang katangian ng Pilipinas bilang isang bansang
archipelago Para masunod natin ang mga layunin na
inanggit,gagawin natin ang sumusunod: Balikan

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang


papel ang tamang sagot.

1. Ano ang pumapaligid sa kapuluan ng Pilipinas?


2. Ano ano ang apat na pangunahing direksyon?
3. Ano ano ang tatlong malalaking pulo sa Pilipinas?

Absolute at Relatibong Lokasyon ng Pilipinas Bilang Bansang


Archipelago

Tuklasin
1. Ano ang ibig sabihin ng mapa
2. Ano ano ang makikita sa mapa?
3. Ano ano kaya ang mga guhit na makikita sa mapa?
4. Ano ano ang pumapalibot sa Pilipinas kung pagbabatayan ang mga
pangunahing direksiyon?

1 DO_Q1_Araling Panlipunan 5_ Modyul 1


Suriin
ANG GLOBO AT ANG MAPA

Kung titingnan ang globo at ang mapa, mapapansin na may mga


guhit ito.Sadyang inilagay ang mga guhit na ito upang higit na maunawaan
ang mundo na siyang kinakatawan nito.Ang

mga guhit na ito ay pawang mga kathang-isip lamang. Hindi makikita ang
mga guhit na ito sa mundo.

https://images.app.goo.gl/LdQzX5CvVFR6dTmn8

2 DO_Q1_Araling Panlipunan 5_ Modyul 1


Ekwador
Nakikita mo ba ang guhit na tila humahati sa globo? Ito ang
Ekwador. Pabilog na guhit ito sa pinakagitnang bahagi ng globo.
Hinahati nito ang globo sa dalawang hatingglobo. Ang Hilagang
Hatingglobo at Timog Hatingglobo.

Prime Meridian
Ang guhit na patayo na may bilang na zero digri (°) ay tinatawag
na Prime Meridian. Ito ang nag-uugnay sa dalawang polo (Hilaga at
Timog) at naglalagos sa Greenwich, England. Ang Prime Meridian ay
naghahati sa globo sa Silangan at Kanlurang Hatingglobo.

International Date Line


Matatagpuan ang International Date Line o IDL sa kabilang
bahagi ng globo, katapat ng Prime Meridian. Tulad ng Prime Meridian,
ito rin ay nag-uugnay sa dalawang polo. Ang International Date Line ay
batayan sa pagkakaiba ng araw o petsa sa magkabilang panig ng
mundo.

Tropic of Cancer o Tropiko ng Kanser


- ang guhit sa 23 ½ °hilaga ng Ekwador.

Tropic of Capricorn o Tropiko ng Kaprikornyo

-Ang guhit sa 23 ½ timog ng Ekwador

Kabilugang Arktiko- espesyal na guhit sa 66 ½ ° hilaga ng ekwador

Kabilugang Antartiko- espesyal na guhit sa 66 ½ timog ng ekwador

Rehiyong Polar- pook na nasasakop mula sa Kabilugang Arktiko hanggang


polong hilaga at mula sa Kabilugang Antarktiko hanggang
timog polo. Malamig ang klima rito. Ang paligid ay
nababalot ng yelo sa buong taon

3 DO_Q1_Araling Panlipunan 5_ Modyul 1


Relatibong Lokasyon
Kaugnay na kinalalagyan ng bansa ay ang direksyon o lokasyon
ng isang lugar batay sa kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong lugar.
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyong Timog-silangang Asya sa
kontinente o lupalop ng Asya. Ang mundo ay binubuo ng maraming bansa.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang ito. Higit na malaki ang bahagi ng tubig
kaysa bahagi ng lupa sa mundo.

Ang Relatibong lokasyon ay isang paraan ng pagtukoy sa lokasyon ng


Pilipinas, ito ay may dalawang paraan. Una ay ang Insular na pagtukoy ng
lokasyon kung saan ginagamit ang kinaroroonan ng mga anyong tubig na
nakapaligid dito. At ang ikalawa ay ang Bisinal na pagtukoy sa lokasyon
kung saan ginagawang batayan ang mga bansang katabi nito.

Mga Direksyon- pagturo ng lokasyon o inalalagyan ng isang lugar o


bansa. Pangunahing Direksyon- hilaga, Timog, Silangan at Kanluran
Pangalawang Direksyon- sa pagitan ng mga pangunahing direksyon ay ang
mga pangalawang direksyon. Ito ang hilagang-silangan, timog-silangan,
hilagang-kanluran, at timog-kanluran. Compass Rose sa mapa.

4 DO_Q1_Araling Panlipunan 5_ Modyul 1


Arkipelago -napabilang ang Pilipinas sapagkat ito ay lipon ng
kapuluan na binubuo ng 7,641 na malalaki at maliliit na pulo o isla
Pilipinas – nahahati sa ( 18 )labinwalong rehiyon. Luzon-(8) walong
rehiyon , Visayas- (4) apat Mindanao(6) anim.

Pagyamanin

A. Hanapin sa mapa o globo kung saang latitud nabibilang ang mga


sumusunod na bansa.

1. Indonesia
2. New Zealand
3. Germany
4. Pilipinas
5. United States of America
B. Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay nakatutulong sa pagsasabi kung ang mga lugar sa


mundo ay nasa hilaga o nasa timog.
A. Ekwador C. Prime Meridian
B. Arctic Circle D. Parallel

2. Ito ang batayan ng isang lugar kung ito ay huli o nauuna ng


isang araw.
A. Prime Meridian C. International Date
B. Antarctic Circle D. Tropic of Cancer

3. Ito ay ang mga guhit latitude na kinalalagyan ng Pilipinas.


A. 4° H at 21°H latitud C. 6°H at 25°H latitud
B. 3°H at 12°H latitud D.14°H at 21°H latitud

5 DO_Q1_Araling Panlipunan 5_ Modyul 1


4. Ito ay ang mga guhit longhitud na kung saan matatagpuan ang
Pilipinas.
A. 116°S at 125°S longhitud C. 127°S at 118°S longhitud
B. 118° S at 12°S longhitud D. 115°S at 126°S longhitud

5. Ito ay ang sukat ng layo ng isang lugar o pook mula sa Ekwador.


A. Ekwador C. Parallel
B. Latitud D. Prime Meridian

6. Ilang rehiyon ang bumubuo sa Pilipinas?


A. 6 C. 18
B. 28 D. 8

7. Ilang pulo ang bumubuo sa Pilipinas?


A. 107 C. 7,710
B. 1,107 D. 7,107

Isaisip
Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kwaderno.

1. Anong guhit na patayo na nag-uugnay sa dalawang polo (hilaga at


timog) at naglalagos saGreenwich, England?
2. Anong guhit ang naghahati sa globo sa Silangan at Kanlurang
Hatingglobo?
3. Anong guhit ang matatagpuan sa kabilang bahagi ng globo at
katapat ng Prime Meridian?
4. Ano ang pabilog na guhit sa pinakagitnang bahagi ng globo?
5. Ito ang pinakamalayong lugar sa hilaga ng ekwador?

Isagawa

Gumawa ng mapa ng iyong pamayanan. Ipakita ang lokasyon ng


inyong bahay, plasa, Simbahan, paaralan at iba pang bahay at gusali.
Lagyan ng Compass Rose o North Arrow ang mapa.

6 DO_Q1_Araling Panlipunan 5_ Modyul 1


Tayahin
Gawain A
Punan ang mga patlang mga pangunahin at pangalawang direksyon.

Gawain B

Gumuhit ng halimbawa ng mapa na nagpapakita ng archipelago/isla.

7 DO_Q1_Araling Panlipunan 5_ Modyul 1

You might also like