You are on page 1of 7

RO_MIMAROPA_WS_AralPan5_Q4

Araling Panlipunan 5
Ikaapat na Markahan
Linggo 3-4

Aralin: Pananaw at Paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong Muslim) sa pagpapanatili ng


kanilang kalayaan.
MELC: Naipapaliwanag ang mga pananaw at paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong
Muslim) sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan.

Susing Konsepto

• Mahalaga sa mga Muslim na mapanatili ang kalayaan lalo na sa aspekto ng relihiyon.

Para sa kanila, ang Islam ay hindi lamang isang relihiyon kung hindi isa ring

pamamaraan ng pamumuhay. Ang kanilang araw-araw na pamumuhay ay umiinog sa

pagsamba kay Allah. Ang kanilang mga paniniwalang pangrelihiyon gaya ng Salat o

pagdarasal ng 5 beses isang araw ay nanganganib na mawala. Bukod dito, dinatnan

na ng mga Espanyol ang mga Muslim na may matatag at malakas na mga Sultanato

at may mabuting ugnayan sa Brunei at Indonesia kung kaya malakas ang loob ng

mga Sultan na labanan ang mga Espanyol. Kung mapapasailalim sa mga Espanyol ay

masasayang lamang ang kaunlaran at katatagang tinamasa ng kanilang mga Sultanato

at ang kalayaan nila sa paniniwala.

• Mga Katangian ng Sultanato at mga Pananaw ng mga Katutubong Muslim

➢ Ang Sultanato ay ang pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao. Higit itong

malaki kaysa sa pamahalaang barangay.

➢ Pinamumunuan ito ng Sultan. Organisado ang Sultanato. Ito ang tumakot sa

mga Espanyol na agad sakupin ang mga Muslim sa Mindanao.

1
RO_MIMAROPA_WS_AralPan5_Q4

➢ Matatapang ang mga Muslim. Hindi sila basta nakikipagkasundo sa mga

dayuhan.

➢ Malaki ang pagmamahal nila sa kanilang pamahalaan at teritoryo. Ang

pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng malaking digmaan

hanggang kamatayan.

➢ Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan.

• Mga dahilan kung bakit higit na katanggap-tanggap ang Sultanato kaysa

Kolonyalismo

➢ Sultanato- hindi sapilitang ipinasailalim sa kapangyarihan ng Sultan ang mga

dating Datu at Rajah sa halip kinilala nila ang kanilang pamumuno sa kani-

kanilang teritoryo kasabay ng pagkilala nila sa kanilang Sultan.

➢ Kolonyalismo-tanging ang mga mananakop na Espanyol ang kinikilalang

pinakamakapangyarihang pinuno ng bansa.

• Mahihinuha mula sa talumpati ni Sultan Kudarat sa mga datu na napasailalim sa

kapangyarihan ng mga Espanyol kung bakit hindi nila dapat pinahintulutan ang

pananakop ng mga Espanyol. Sa talumpati ni Kudarat, tinanong nito kung alam ba

nila ang ibig sabihin ng pagpapasakop sa mga Espanyol. Binalaan din niya ang mga

datu na huwag magpadala sa matatamis na pananalita ng mga Espanyol. Dahil

ibinigay din ng mga Espanyol ang mga matatamis na salita sa mga lokal na pinuno sa

ibang bansang sinakop subalit hindi naman nila tinupad ang mga pangako.

• Mula sa pagdating ng mga Espanyol hanggang sa sila ay umalis, naging malaking

hamon ang mga Muslim sa kanila. Maraming matapang na Pilipinong Muslim ang

lumaban sa mga Espanyol upang hindi sila masakop ng mga ito. Sila ay gumawa ng

sariling armas na kanilang ginamit laban sa mga dayuhan.

2
RO_MIMAROPA_WS_AralPan5_Q4

Gawain 1

Panuto: Tama o Mali. Isulat ang salitang TAMA kung tama ang isinasaad ng pangungusap.
Kung mali, isulat ang MALI at ipaliwanag ang dahilan kung bakit.

1. Ang araw-araw na pamumuhay ng mga Muslim ay umiikot sa pagsamba kay Allah.

___________________________________________________________________________

2. Ang Islam ay paraan ng pamumuhay ng mga Muslim.

___________________________________________________________________________

3. Ang mga Muslim ay nagdarasal ng sampung beses sa isang araw.

___________________________________________________________________________

4. Ang mga Muslim ay may matatag at malakas na Sultanato dahil sila ay may magandang
ugnayan mula sa Brunei at Indonesia.

___________________________________________________________________________

5. Ang Kolonyalismo ay naging mas katanggap-tanggap sa mga Muslim.

___________________________________________________________________________

6. Masasayang lamang ang kaunlaran at katatagang tinamasa ng isang Sultanato at ang


kalayaan nila sa paniniwala kung magpapasailalim sa mga Espanyol.

___________________________________________________________________________

7. Sa Sultanato, ang mga Datu at Rajah ay sapilitang napasailalim sa kapangyarihan ng


Sultan.

___________________________________________________________________________

8. Ang mga Datu ang may kaalaman sa mga nangyayari sa mga nagpasakop sa mga
Espanyol.

___________________________________________________________________________

9. Ang mga Sultan at mga Espanyol ang makapangyarihan sa bansa.

___________________________________________________________________________

10. Ang mga pangako sa mga pinuno sa ibang bansa na napasailalim sa pamamahala ng
Espanyol ay hindi natupad ayon sa napagkasunduan.

___________________________________________________________________________

3
RO_MIMAROPA_WS_AralPan5_Q4

Gawain 2

Panuto: Ilarawan ang mga katangian ng isang Sultanato na nagpapaliwanag ng pananaw at

paniniwala ng mga Muslim sa pagpapanatili ng kalayaan.

Sultanato

Gawain 3

Panuto: Ipaliwanag sa pamamagitan ng isang talata ang mga naging bahagi ng mga

sumusunod sa pananaw at paniniwala ng mga Sultanato sa pagpapanatili ng kalayaan.

Allah

__________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sultan Kudarat

_______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4
RO_MIMAROPA_WS_AralPan5_Q4

Rubrics

Mga Pamantayan Naipaliwanag nang Naipaliwanag nang Naipaliwanag nang


may kawastuhan may bahagyang walang kawastuhan
ang naging bahagi kawastuhan ang ang naging bahagi
sa pananaw at naging bahagi sa sa pananaw at
paniniwala ng mga pananaw at paniniwala ng mga
Muslim sa paniniwala ng mga Muslim sa
pagpapanatili ng Muslim sa pagpapanatili ng
kalayaan pagpapanatili ng kalayaan
(5) kalayaan (1)
(3)
Allah

Sultan Kudarat

Mga Gabay na Tanong

1. Paano nakatulong ang mga paniniwala at pananaw ng mga katutubong Muslim upang

sila ay hindi masakop ng mga Espanyol?

_______________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, ano ang katangian ng mga Muslim na naging dahilan upang hindi

naging madali para sa mga Espanyol na sakupin ang mga ito?

_______________________________________________________________________

5
RO_MIMAROPA_WS_AralPan5_Q4

Susi sa Pagwawasto

6
RO_MIMAROPA_WS_AralPan5_Q4

Sanggunian

https://www.youtube.com/watch?v=ypnGvlTSPS8

https://www.coursehero.com/file/20765306/Pananaw-ng-mga-Muslim-sa-Pagpapanatili-ng-

kanilang-KalayaanLearners-Material-cora/

Manunulat: Billie Jean L. Parreño


Tagasuri: Jane Ann A. Danseco
IPR: Mary Joy Adion
Tagalapat: Ganie Mae T. Casuncad
Tagapamahala:
Roger F. Capa, CESO IV
Lynn G. Mendoza
Raquel P. Girao PhD
Elizabeth T. Delas Alas, PhD
Ma. Rubynita Del Rosario
Sylvia Muñiz

You might also like