You are on page 1of 18

5

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan- Modyul 3
Mga Paraan ng Pagsasailalim ng Katutubong
Populasyon sa Kapangyarihan ng Espanya
(Tributo, Encomienda, at Sapilitang Paggawa)
Panimula

Ang Self-Learning Module (SLM) ay dinesenyo at sinulat para sa batang katulad


mo upang maiugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan. Ang
mga gawaing matatagpuan dito ay inaasahang makatulong sa iyo upang lubos
mong maunawaan ang aralin.

Ang modyul na ito ay naglalaman tungkol sa:


Aralin 1: Tributo
Aralin 2: Encomienda
Aralin 3: Sapilitang Paggawa

Ang Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto o Most Essential Learning


Competency (MELC):
• Ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa
kapangyarihan ng Espanya (AP5Q2MELC2Week3)
a.Pwersang military / divide and rule
b.Kristiyanisasyon

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

1. natatalakay ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa


kapangyarihan ng Espanya:
 Tributo
 Encomienda;

2. natatalakay ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa


kapangyarihan ng Espanya:
 Sapilitang Paggawa.

2
Panimulang Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang tinutukoy sa bawat bilang.


Pilin ang letra ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel

1. Ang relihiyong ito ang naging pinakamabisang paraan ng pagpapatupad ng


kolonyalismo sa Pilipinas.
A. Animismo C. Paganismo
B. Kristiyanismo D. Protestantismo

2. Isinagawa ang paniningil na ito ng mga Espanyol upang makalikom ng pondo at


matustusan ang pangangailangan ng pamahalaan.
A. falla C. tributo
B. polo D. vinta

3. Tawag sa Espanyol na binigyan ng pabuyang mangasiwa sa encomienda.


A. tributo C. encomendero
B. encomienda D. polo y servicio

4. Ito ay sapilitang pagtatrabaho ng lahat na kalalakihan na may gulang 16 hanggang


60.
A. tributo C. encomendero
B. encomienda D. polo y servicio

5. Ito ay kapirasong papel na tinatanggap mula sa pamahalaan bilang katibayan ng


pagbabayad ng buwis.
A. falla C. cedula personal
B. encomendero D. laws of indies

6. Ano ang tawag sa teritoryong ipinagkatiwala sa mga conquistadores?


A. encomienda C. reales
B. encomendero D. tributo

7. Ito ay ang partikular na kondisyon sa pagpapatupad ng sapilitang paggawa upang


maiwasan ang pang-aabuso sa mga polista.
A. Polista C. laws of indies
B. encomendero D. polo y servicio

3
8. Ano ang tawag sa buwis na kailangang bayaran ng mga polista upang maiwasan
ang sapilitang paggawa?
A. falla C. tributo
B. reales D. vinta

9. Ito ay tulong na salapi mula sa Mexico.


A. laws of indies C. encomienda
B. real setuado D. cedula personal

10. Ito ay ang sapilitang pagbili ng mga produkto ng mga lalawigan na kailangang
ibinta sa pamahalaan.
A. bandala C. reales
B. buwis D. tributo

4
Aralin

Ang mga Paraan ng Pagsasailalim ng Katutubong


Populasyon sa Kapangyarihan ng Espanya

Tributo o Buwis

Ang pangunahing layunin ng Spain sa pagsakop sa Pilipinas ay upang


ipalaganap ang relehiyong Kristiyanismo, kailangang humanap ng pamamaraan
upang matugunan ang mga pangangailangan ng kolonya. Bunga na rin ito ng
patakarang pang-ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol na sa halip na
developmental ay extractive. Ibig sabihin, hindi nila tinagkang paunlarin ang mga
potensyal sa bansa upang magkaroon ng kita, sa halip ay kinuha lamang kung
ano ang maaring pakinabangan gaya ng lakas-paggawa at likas yaman.
Sinasabing hindi naman talaga ang Spain ang kumita mula sa pananakop sa
Pilipinas kundi ang mga Espanyol na ipinadala rito. Sa katunayan, upang
matugunan ang pangangailangan sa kolonya ay kinakailangan pang umasa ang
bansa sa real situado (royal subsidy) o tulong na salapi mula sa Mexico na noon
ay kolonya rin ng Spain. Samantala, iminungkahi naman ng mga prayle na
payagan silang magmay-ari ng mga lupain sa Pilipinas upang hindi na sila umasa
pa ng suportang pinansyal mula sa Spain.

Ang Halaga ng Tributo

Upang makalikom ng pondo mula sa kolonya at matustusan ang panga-


ngailangan nito, ang paniningil ng tributo o buwis ay isa sa mga pangunahing
patakarang ipinatupad ng mga Espanyol. Ang pagbabayad ng buwis ay simbolo
ng pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Spain. Sinimulan ang pagkolekta ng
tributo noong 1571 na nagkakahalaga ng 8 reales, naging 10 reales noong 1589,
hanggang sa naging 12 reales noong 1851.

Ang Cedula Personal

Pagdating ng 1884, ipinatupad ng mga Espanyol ang cedula personal. Ito


ay kapirasong papel na tinanggap mula sa pamahalaan bilang katibayan ng pag-
babayad ng buwis. Kung ang tributo ay pahirap sa buhay ng mga katutubo, doble
ang pahirap na dulot ng cedula personal sapagkat kailangang dala lagi ito ng mga
katutubo saan man siya magpunta. Kung wala siya nito, maaari siyang pagbinta-
ngang tulisan. Sinumang mahuli na walang dalang cedula personal ay pagmumul-
tahin at kung walang pangmulta ay ikukulong.

5
Iba pang Buwis na Ipinataw

Bukod sa tributo, marami pang buwis ang ipinataw sa mga katutubo. Ang
donativo de zamboanga, falua, at vinta ay mga buwis na kailangang bayaran
upang suportahan ang hukbong military sa pagsugpo ng pananalakay ng ilang
Muslim sa pagkakataong nambibihag sila ng mga katutubo upang ibenta bilang
alipin. Ang isa pang anyo ng buwis ay ang bandala, na nagsimula sa panahon ni
Gobernador-heneral Sebastian Hurtado de Corcuera noong ika-17 siglo.Sa siste-
mang bandala, nagtatalaga ang pamahalaan ng taunang quota ng produkto sa
mga lalawigan na kailangang ibenta nila sa pamahalaan. Gayunpaman, hindi sila
kadalasang nababayaran ng pamahalaan sa halip na bilhin ay tila kinumpiska
lamang sa kanila ng pamahalaan ang kanilang mga produkto.

Sa kabuoan, malaki ang naging papel ng tributo sa pagpapatupad ng


kolonyalismo. Ang pagbabayad ng tributo ay pagkilala sa kapangyarihan ng
Spain. Sa bandang huli, napagtanto ng mga katutubo na sa halip na mapakina-
bangan nila ang tributo para matugunan ang mga batayang pangangailangan, lalo
pa itong nagsadlak sa kanila sa kahirapan.

Pamproseng tanong:
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ano ang iba’t ibang uri ng buwis na sinsingil ng mga Espanyol sa
mga katutubong Pilipino?

_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Sa palagay mo, nakatutulong ba sa mga katutubong Pilipino ang tributo?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________________________________________________________

Encomienda

Ito ang unang patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga Espanyol.


Ang encomienda ay ang malawak na lupaing ipinagkaloob ng haring Espanya sa
mga Espanyol upang pangasiwaan at paunalarin. Ito ay buhat sa salitang
Espanyol na encomendar, na nangangahulugang “ipagkatiwala” o “ipaubaya” sa
pangangala ng isang tao”. Ang sistemang encomienda sa kolonya ay nagsimula
ayon sa kahilingan ni Adelantado Miguel Lopez de Legazpi. Ang adelantado ay
nangangahulugang gobernador-heneral. Hiniling ni Legazpi sa hari ng Spain na
gantimpalaan ang serbisyo ng kanyang kawal sa pagpapalaganap ng
kolonyalismo. Tinawag ang mga kawal na ito na conquistadores.

6
Encomienda bilang Pabuya sa Conquistador

Sa ilalim ng sistemang encomienda, ibinigay lamang sa taong ginawaran ng


encomienda (na tinawag na encomendero) ang karapatang maningil ng buwis sa mga
mamamayang sakop ng encomienda. Maaari niya itong gawin sa loob ng tatlong
henerasyon at pagkatapos ay kailangan niyang ibalik sa pamahalaan ang encomienda.

Itinuturing ang encomienda bilang isang administratibong yunit para sa koleksiyon


ng buwis.Tungkulin ng encomendero na maningil ng buwis sa kanyang nasasakupan. Ang
taga singil ng buwis ay ang cabeza de barangay, na kadalasan ay dating datu na sa ilalim
ng pamahalaang Espanyol ay nagsilbi na lamang na tagakolekta ng buwis. Ibinigay ng
cabeza de barangay ang kaniyang nakolektang buwis sa encomendero.

Ang buwis na sinisingil mula sa mga kalalakihang 19 hanggang 60 taong gulang


ay nagkahalaga ng walong reales sa loob ng isang taon.Maari din namang sa anyo ng ani
o sapilitan ang buwis na kailangang ibigay sa encomendero. Bilang kapalit, tungkulin ng
encomenderong protektahan ang mga sakop ng kanyang encomienda laban sa mga
nagtatangkang guluhin at ang kaayusan nito, suportahan ang pagmimisyon ng mga prayle
sa kanyang encomienda at masigurong maging Kristiyano ang lahat ng mga tao sa
kaniyang nasasakupan.

Mga Pang-aabuso ng Encomendero

Nagbigay-daan ang sistemang encomienda sa pagdanas ng pang-aabuso


ng mga katutubo. Una, nakabigat sa kanila ang walong reales na buwis. Bukod dito
nakadepende rin sila sa kagustuhan ng encomendero kung anong anyo ng buwis ang
kaniyang hihingin. Naging sanhi din ang sistemang encomienda ng pagkawatak-watak ng
mga katutubo sapagkat ang maniningil ng buwis ang cabeza de barangay ay kapuwa
katutubo kung kaya’t deriktang sanhi ng kanilang paghihirap ay kababayan nila. Ang mga
pang-abusong dinanas ng mga katutubo sa kamay ng encomendero ay nagbigay daan sa
mga prayle na hilingin ang pagpapatigil ng sistemang ito sapagkat sila ang naging
sumbungan ng mga katutubo.

Mga Pamprosesong Tanong:


Panuto: Sagutin ang mga tanong.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1.Ano ang encomienda?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2.Sino ang namamahala sa encomienda? Ano ano ang kanyang tungkulin?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3.Ano ang naging epekto ng encomienda sa mga Pilipino?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

7
Sapilitang Paggawa o Polo Y Servicio

Isa sa mga pamamaraan upang maipatupad ang pananakop ng mga


Espanyol ay ang sapilitang paggawa. Ito ay sinimulang ipatupad noong 1580 sa
lahat ng kalalakihan na may gulang na 16 hanggang 60. Kailangan nilang
magtrabaho sa loob ng 40 araw sa loob ng isang taon. Ang kadalasang ginagawa
nila ay kalsada, tulay, simbahan, bahay na bato, munisipyo at galyon. Hango ang
sa sapilitang paggawa sa polo y servicio na nangangahulugang “gawaing
pambayan”.

Negatibong Epekto ng Sapilitang Paggawa

Hindi nasusunod ang mga batas na dapat sundin sa pagpapatupad ng


sapilitang pagawa. Sa kabila ng mabigat na gawain ng mga polista, hindi sila bina-
bayaran. Kadalasang sila ang nagdadala ng mga materyal sa mga impraestruktu-
rang gagawin nila gaya ng adobe, itlog at pulot-pukyutan sa paggawa ng
simbahan. Dinadala rin sila sa malayong lugar upang doon magtrabaho kahit
nakasaad sa batas na hindi ito ang dapat maging patakaran. Halimbawa, ang mga
taga-Visayas ay dinadala sa Cavite upang pagputulin ng punungkahoy upang
gawing galyon. Hindi rin inalintana ng mga Espanyol kung panahon ng pagtatanim
o pag-aani. Bilang epekto, dahil nasa malayong lugar at nagtatrabaho ang mga
polista sa oras ng pagtatanim o pag-aani ay bumaba ang produksiyon ng mga
pananim at nagkaroon ng taggutom sa ibang lugar. Bukod dito, dahil walang
libreng pagkain ng mga polista, kinakailangan pa nilang magbaon ng sarili nilang
pagkain sa oras ng sapilitang paggawa. Dagdag pa rito, nawalay pa sila nang
matagal sa pamilya nila dahil dinadala sila sa malayong lugar.

Saysay sa Sapilitang Paggawa sa Pamahalaang Kolonyal

Para sa pamahalaang kolonyal, ang sapilitang paggawa ay napakainam na


pamamaraan sa pagpapalaganap ng kolonyalismo. Nakuha ng pamahalaan mula
sa mga polista ang lakas-paggawa na kailangan nila sa pagpapatayo ng mga
impraestruktura nang walang bayad. Kung gayon, naipatayo ang mga kinakaila-
ngang impraestruktura nang hindi kinakailangang gumastos ng pamahalaang
kolonyal. Bukod dito, ang pagdadala sa mga polista sa malayong lugar ay
nagbigay-daan din upang magkawatak-watak ang mga katutubo at maiwasan ang
pag-aalsa laban sa mga Espanyol.

Mga Pamprosesong Tanong


Panuto: Sagutin ang mga tanong.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1.Ano ang sapilitang paggawa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Ano ang naging epekto ng sapilitang paggawa sa mga katutubo?

8
Mga Gawain

Gawain 1
Panuto: Isulat kung Tama o Mali ang ipinahahayag ng bawat pangungusap.
Gawin ito sa inyong sagutang papel.
__________1.Noong una, ang singilan ng reales ay nagkakahalaga ng 8.

__________2.Ang bandala ay nagsimula sa panahon ni Gobernador-heneral


Sebastian Hurtado de Corcuera noong ika-17 siglo.

__________3.Tanging tributo lamang ang sinisingil na bayarin bilang buwis noon.

__________4.Yumaman ang mga magsasaka sapagkat binibili sa kanila ang


kanilang mga produkto sa mataas na halaga.

__________5.Maliban sa salapi maaari ring bayaran ang tributo sa pamamagitan


ng mga produkto nila.

__________6.Sa bahagi ng pamahalaan, nakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya


Sa kolonya ang pagpapatupad ng sistema sa paniningil ng buwis.

__________7.Reales ang tawag sa pangkalahatang buwis na ipinataw ng mga


Espanyol sa mga Pilipino.

__________8.Matapos ang tributo ay ipinalit ang paniningil ng cedula kung saan


Ibinabatay sa laki ng kinikita ang halagang kokolektahin.

__________9.Ang bandala ay pagtatalaga ng taunang quota ng produkto sa mga l


lalawigan.

__________10.Umabot ng 50 reales ang paniningil kada taon.

9
Gawain 2
Panuto:Gamit ang mga pahiwatig, punan ang mga kahon ng mga titik na bubuo
sa inilalarawan ng bawat bilang.

1.dating datu o pinuno ng barangay

C b z a e b r n g y

2.malawak na lupaing ipinagkaloob ng hari ng Espanya

n c m e n a

3.sinisingil bilang buwis

r e l

4.”ipagkaitawala o ipaubaya sa pangangalaga ng isang tao”

e n o m n

5.gobernador-heneral

d l a a d o

6.mga kawal ng hari ng Espanya

c o q u t a o e

7.nangangalaga o namamahala sa encomienda

n o m d o

8.taunang quota ng produkto

b n d a

10
9.layunin sa pagsakop ng Spain sa Pilipinas

r t y a m o

10.isang uri ng buwis

t i u o

11
Gawain 3
Panuto:Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap.Isulat
sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1.Isa sa mga pamamaraan upang maipatupad ang pananakop ng mga Espanyol


ay ang ____________________.
A. vinta C. encomendero
B. tributo vinta D. sapilitang paggawa

2.Ang sapilitang paggawa ay sinimulang ipatupad noong noong 1580 sa lahat ng


mga kalalakihan na may gulang na ____________________.
A. 16 hanggang 60 C.20 hanggang 50
B. 15 hanggang 40 D.25 hanggang 55

3.Ilang araw nagtatrabaho ang mga polista sa loob ng isang taon? ___________
A. 35 C. 40
B. 45 D. 50

4.Saan hango ang sapiltang paggawa sa polo y servicio na nangangahulugang


____________________?
A. “pagtanim ng palay” C. “pag-aalaga ng hayop”
B. “panghuhuli ng isda” D. “gawaing pampamayanan”

5.Ano ang tawag sa particular na kondisyon sa pagpapatupad ng sapilitang


upang maiwasan ang ang pang-aabuso sa mga polista? __________________
A. Laws of Polo C. Laws of the Polista
B. Laws of the Indies D. Laws of the Galyon

6.Ang mga sumusunod ay ang mga batas na ipinapatupad ng sapilitang paggawa.


Alin ang hindi kabilang dito? ____________________.
A. binigyan sila ng pera at pabahay
B. hindi sila dalhin sa malayong lugar
C. bayaran ang polista sa kanilang pagtatrabaho
D. hindi sila dapat magtatrabaho sa panahon ng pagtatanim o pag-aani

7.Ito ang buwis na binabayaran upang maligtas mula sa sapilitang paggawa


____________________.
A. bayad C. pera
B. falla D. Polo

8. Ano ang nakuha ng pamahalaang kolonyal sa mga polista na kailangan nila


Sa pagpapatayo ng mga empraestruktura? ___________________.
A.malaking kita C. maraming pera
B. lakas-paggawa D.maraming pera at malakas na katawan

9. Ang sapilitang paggawa ay tinawag na ___________________.


A.polo y servicio C.kolonyalismo
B. tributo D. Pagtatrabaho

10. Tawag sa nagtatrabaho sa sapilitang paggawa ___________________.


A.manggagawa C. galyon
B. polista D. encomendero

12
Repleksyon

Panuto: Kumpletuhin ang 3-2-1 tsart tungkol sa iyong kaalaman sa pag-


aaral ng Tributo ,Encomienda at Sapilitang Paggawa. Isulat ang
iyong sagot sa isang hiwalay na papel.

Natutunan kong....
1.
3 bagay na
natutunan ko 2.
1.

Napagtanto kong....

2 bagay na 1.
napagtanto 2.
ko

Gusto ko pang
1 bagay na gusto ko matuto sa....
pang matuto
1.

13
Panapos na Pagtataya

Panuto:Basahing mabuti ang tinutukoy sa bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang sagot at
isulat sa iyong sagutang papel.

1. Tawag sa Espanyol na binigyan ng pabuyang mangasiwa sa encomienda.


A. tributo C. encomendero
B. encomienda D. polo y servicio

2. Ito ay kapirasong papel na tintanggap mula sa pamahalaan bilang katibayan ng


pagbabayad ng buwis.
A. vinta C. laws of indies
B. falla D. cedula personal

3. Ang relehiyong ito ang naging pinakamabisang paraan ng pagpapatupad ng


kolonyalismo sa Pilipinas.
A. Animismo C. Paganismo
B. Kristiyanismo D. Protestantismo

4. Isinasagawa ang paniningil na ito ng mga Espanyol upang makalikom ng


pondo at matustusan ang pangangailangan ng pamahalaan.
A. falla C. tributo
B. polo D. vinta

5. Ito ay ang sapilitang pagbili ng mga produkto ng mga lalawigan na kailangang


ibinta sa pamahalaan.
A. bandala C. reales
B. buwis D. tributo

6. Ano ang tawag sa buwis na kailangang bayaran ng mga polista upang


maiwasan ang sapilitang paggawa.
A. falla C. tributo
B. reales D. vinta

7. Ano ang tawag sa teritoryong ipinagkatiwala sa mga conquistadores?


A. encomienda C. reales
B. encomendero D. tributo

8. Ito ay ang partikular na kondisyon sa pagpapatupad ng sapilitang paggawa


upang maiwasan ang pang-aabuso sa mga polista.
A. polista C. encomendero
B. laws of indies D. polo y servicio

14
9. Ito ay tulong na salapi mula sa Mexico.
A. laws of indies C. real setuado
B. cedula personal D. encomienda

10. Ito ay sapilitang pagtatrabaho ng lahat na kalalakihan na may gulang 16 hanggang


60.
A. tributo C. encomendero
B. encomienda D. polo y servicio

15
16
Paunang
Pagtataya Gawain 1
1. B
2. C
3. C 1. TAMA
4. D 2. TAMA
5. C
3. MALI
6. A
4. MALI
7. C
8. A 5. TAMA
9. B 6. TAMA
10. A 7. MALI
8. MALI
9. TAMA
10. MALI
Gawain 3
1. D
2. A
3. C
4. D
5. B
6. A
7. B
8. C
9. A
10. B
Panapos na
Pagtataya
1. C
2. D
3. B
4. C
5. A
6. A
7. A
8. B
9. C
10. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Gabuat, maria Annalyn P. , Mercado, Michael M., Dl. Jose, Mary Dorothy,
2016. “ Araling Panlipunan 5 Pilipinas Bilang Isang Bansa.”128-132.
Quezon City: Vibal Publishing.

Icons and cover page credit:


Ivin Mae N. Ambos, Division of Surigao del Sur
Neil W. Maca and Lady Faith D. Reroma, Division of Surigao City

17
Published by the Department of Education, Caraga Region
Schools Division Office of Surigao City
Schools Division Superintendent: Karen L. Galanida
Assistant Schools Division Superintendent: Florence E. Almaden

Bumuo sa Pagsusulat ng Self-Learning Module (SLM)


Manunulat : Celestina P. Chavez

Editor : Jirc Nadia S. Bargado

Tagasuri : Marino L. Pamogas


Stelamarie C. Toraja
Jermalyn E. Jumalon
Tagaguhit :
Tagapamahala : Karen L. Galanida
Florence E. Almaden
Carlo P. Tantoy
Elizabeth S. Larase
Marino L. Pamogas

Printed in the Philippines by the Schools Division Office of Surigao City


Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines
Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931
E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph

18

You might also like