You are on page 1of 5

4

Republic of the Philippines


Department of Education
Region v
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
BARCELONA NORTH DISTRICT

ARTS
GAWAING PAGKATUTO Quarter 4 –Week 8
Pangalan ng Estudyante:____________________________________________________
Petsa:___________________________________

LIKHA NG ISANG ORIHINAL NA DISENYO SA PAGTITINA NG


TELA GAMIT ANG ISA O DALAWANG KULAY
I. PANIMULANG KONSEPTO
Ang bawat lugar ay may natatanging disenyo na nagpapakita ng
kanilang kultura at tradisyon. Isa dito ay ang paglalagay ng disenyo ng tela
sa pamamagitan ng pagtitina-tali o tie-dye.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs


Pagkatapos mo ng araling ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Natatalakay ang mga tradisyunal na hakbang sa pagtitina gamit ang isa
o dalawang kulay; A4PR-IVh
2. Natutukoy ang orihinal na disenyo at kulay na gagamitin sa
tradisyunal na pagtitina;
3. Nakalilikha ng isang orihinal na disenyo sa pagtitina ng tela sa
pamamagitan ng pagsunod sa tradisyunal na hakbang gamit ang isa o
dalawang kulay.

III. MGA GAWAIN


A. Pagbalik-aralan Mo.
Panuto: Tukuyin kung anong disenyo ang ginamit sa pagtitina ng mga
sumusunod na damit. Isulat kung ito ay crumple, spiral, bullseye,
heart, vshape sa guhit/patlang sa ibaba,

1. 4.
2. 5.

3.

B. Pag-aralan Mo
Ang pagtitina ay kadalasang ginagawa gamit ang matitingkad na kulay
at kaayusan (pattern) sa tela. Karamihan sa mga taga-Asya ay gumagamit ng
tradisyunal na paraan sa pagtitina.

Ang pagtitina ay naging bantog sa Kanluran noong 1960 at 1970.

C. PAGSANAYAN MO.
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI
naman kung hindi ito wasto.
_______1. Ang pagtitina ay naging bantog sa Kanluran noong 1960 at 1970.
_______2. Mas maganda kung gagamit ng dalawa o higit pang kulay sa
pagtitina.
_______3. Iisa lang dapat ang gamiting kulay sa pagtitina.
_______4. Ang tie-dye ay isang simple at nakawiwiling paraan upang gawing
bago ang mga lumang tela o mga lumang damit, tuwalya, panyo at iba pa.
_______5. Ang mga taga-Asya ay hindi gumagamit ng tradisyunal na paraan
na pagtitina.
D. TANDAAN MO.

Ang tina-tali (tie-dye) ay isang simple at nakawiwiling paraan upang


gawing bago ang mga lumang tela o mga lumang damit, tuwalya, panyo at
iba pa.

E. GAWIN MO.
Panuto: Paggawa isang orihinal na disenyo sa pagtitina ng tela o damit
gamit ang isa o dalawang kulay.
1. Ihanda ang mga kagamitan gaya ng tali/pisi, lastiko (rubber band), tela o
damit, tina (dye), palanggana, mainit na tubig, suka at asin.
2. Tupiin at talian ang tela ayon sa gustong disenyo.
3. Sa mainit na tubig ihalo ang dalawang pakete ng tina, dalawang
kutsarang suka at isang kutsarang asin.
4. Ilagay ang tinaling tela sa timpla ng 5 hanggang 15 minuto.
5. Banlawan ang ginawa sa purong tubig.
6. Alisin ang tali, patuyuin at kapag tuyo na ay plantsahin.

Criteria sa Pagsusuri ng mga Likhang-sining ng mga Bata:

Nakasunod Nakasunod sa Hindi


sa pamantayan nakasunod
pamantayan subalit may sa
Pamantayan nang higit sa ilang pamantayan
inaasahan pagkukulang (1)
(3) (2)
1. Nakabuo ng isang orihinal na
disenyo.
2. Naipahayag ang kaisipan at
damdamin sa paggawa ng
pagtitina-tali.
3. Nasunod and tradisyunal na
paraan sa paggawa ng tina-tali
(tie-dye).
4. Naibalik nang maayos sa
kinalalagyan ang mga bagay na
ginamit sa pagtitina.
5. Naisagawa ko ang aking
likhang-sining nang may
kawilihan.
F. Pagtataya
Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat sa patlang sa bawat
bilang ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. Ito ay ginagamit na pangkulay sa pagtitina ng tela.
A. katas ng bulaklak C. hamog
B. tina D. dahoon
_____ 2. Alin ang hindi kasama sa paraan ng pagtitina?
A. pagtiklop C. paglukot
B. pagpilipit D. pag-unat
_____ 3. Aling materyales ang hindi ginagamit sa pagtitina ng tela.
A. tina C. asin
B. suka D. damo
_____ 4. Ito ay gawaing pansining na ginagawa sa pamamagitan ng
paglalagay ng kulay sa tela gamit ang tina.
A. paglilimbag C. tie-dyeing
B. African Art D. pagdidikit
_____ 5. Sa ating aralin ngayon, ilang kulay ang ginamit natin sa pagtitina ng
tela o damit.
A. dalawa C. apat
B. tatlo D. lima
IV. SUSI SA PAGWAWASTO
PAGBALIK- ARALAN MO PAGTATAYA
1. heart 1.B
2. bullseye 2.D
3.v shape 3.D
4.crumple 4.C
5.spiral 5.A

GAWIN MO
Gagawa ang mga bata ng isang orihinal na disenyo sa pagtitina ng tela o
damit gamit ang isa o dalawang kulay.

PAGSANAYAN MO.
1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
4. TAMA
5. MALI
V. SANGGUNIAN
Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M. Ilagan,
Josepina D. Villareal, et al... 2015MUSIKA AT SINING, KAGAMITAN NG MAG-
AARAL, http://tiedyespace.com/product/light-blue-tie-dye-beach-towel-4-10-x-
2-6/ https://www.themanual.com/fashion/how-to-tie-dye-shirt-cheap/
https://www.guidepatterns.com/47-cool-tie-dye-shirt-patterns.php
https://tl.mustdothis.com/10410-How-to-tie-dye-an-old-white-shirt-or-a-new-s
hirt--46 https://tiedyetreasures.wordpress.com/bullseye/

Inihanda ni:

ZENAIDA A. HAPA
MT-2/Tagdon ES

Sinuri ni: Nabatid ni:

GARY R. ESTILLER GLORIA E. REYMUNDO


TIC/QAT OIC-PSDS

You might also like