You are on page 1of 29

Filipino 1

Pebrero 2023
Panalangin
Guro:
Ina ng Laging Saklolo,
Bata:
Ipanalangin Niyo po kami.
Pagbaybay ng
mga salita
1. dami - Sobrang dami ng
pumuntang tao sa pista.

2. bilang - Kaunti ang bilang


ng taong dumalo sa
patimpalak.
Tukuyin ang angkop na tanong batay sa
nakasalungguhit na mga salita sa bawat
bilang.
1. Si Rex ay nagtatrabaho sa OLOPSC
Marikina.
A. Sino B. Saan C. Kailan
2. Sa Ika-30 ng Setyembre ang aking
kaarawan.
A. Sino B. Saan C. Kailan
Pagbuo ng tanong tungkol sa
kwentong napakinggan
Sa pagbuo ng tanong gumagamit tayo
ng mga salitang pananong tulad ng
ano, saan, kailan, paano,
bakit, alin at iba pa. Naglalagay din
tayo ng bantas na tandang pananong
sa dulo ng pangungusap na patanong.
Ang Kaarawan ni Mark
Maagang gumising si Aling May upang mamili ng mga
pagkaing ihahanda para sa kaarawan ng kanyang
anak na si Mark. Bumili si Aling May ng isang cake,
anim na lobo at dalawang robot para sa kanyang
anak na si Mark. Bumili rin siya ng maraming prutas
at tatlong balot ng tinapay. Bumili rin siya ng isang
bilaong pansit na pagsasaluhan nilang pamilya.
Naging masaya si Mark sa araw ng kanyang
kaarawan dahil sama-sama nila itong ipinagdiwang
ng kanyang pamilya.
Bilangin ang
inyong lapis sa
loob ng pencil
case.
Pang-uring
Pamilang
Mga salitang nagsasabi ng
dami o bilang ng tao,
hayop, bagay at pook.
Maraming tao
apat na
libro
anim na
damit
10 bag
9 na
sapatos
marami
ng libro
Pang-uring
Pamilang
Mga salitang nagsasabi ng
dami o bilang ng tao,
hayop, bagay at pook.
Ang pamilang ay
maaaring magsabi ng
tiyak na bilang o dami.
Ito ay maaaring salitang
bilang o tambilang.
● Salitang bilang
isa dalawa tatlo apat lima

● Tambilang
1 2 3 4 5
● Ang pamilang ay maaari
ring magsabi ng di tiyak
na bilang o dami.
Halimbawa:
Kaunti marami iilan
Pag-isipan
natin!
Bilugan ang pang-uring pamilang sa bawat
pangungusap.
1. Mayroon akong maraming kaibigan.
2. Nag-aalaga kami ng tatlong pusa.
3. Bumili ang aking ina ng walong tinapay para sa
amin.
4. Kumain ako ng kaunting kanin kaninang
almusal.
5. Malinis ang aking dalawang kamay.
Isulat ang angkop na pang-uring pamilang sa
bawat larawan.

1. _________ 2. _________
Isulat ang angkop na pang-uring pamilang sa
bawat larawan.

3. _________ 4. _________
Isulat ang angkop na pang-uring pamilang sa
bawat larawan.

5. _________
Takdang Aralin:
Sagutin ang p.
240-242, “Madali Lang
Iyan” ng Pinagyamang
Pluma.
Isulat ang angkop na pang-uring pamilang sa
bawat larawan.

1. _________ 2. _________
Basahin ang bawat pangungusap.
Hanapin ang pang-uring naglalarawan
ng dami o bilang ng mga bagay o tao.
1. Pito ang sobre na may lamang
pera.
2. Pitong taong gulang si Berto nang
maulila sa ama.
Magbigay ng dalawang
halimbawa ng
pang-uring
naglalarawan ng dami o
bilang.
Panalangin
Guro:
Ina ng Laging Saklolo,
Bata:
Ipanalangin Niyo po kami.

You might also like