You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


J.B ZUNO Kampus
Namunga, Rosario, Batangas

Mala- Masusing Banghay Aralin


I.

Layunin:
Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag aaral ay inaasahang:
1. Nailalarawan ang mga katangian ng mga tauhan sa alamat.
2. Nasasabi ng may kaayusan ang mga pangyayari sa akda.
3. Nagpapahayag ng damdamin, saloobin at opinion na nakapagpapatibay sa
paninindigan at paniniwala gamit ang malilinaw na pangungusap.

II.

Paksang Aralin:
A. Paksa
Alamat ng Waling- Waling ni Guadencio V. Aquino
B. Kagamitan
1. Sipi ng Alamat ng Waling-Waling
2. Pantulong- biswal, mga larawang nagpapakita ng kayang gawin ng kababaihan.
3. Kompyuter

III.

Yugto ng Pagkatuto:
Mga Gawain ng Guro
Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng Liban
4. Pagtatala ng Takdang Aralin
A. Metodolohiya at Estratehiya
1. Pabuod na Talakayan
2. Isahan/ Indibidwal na Gawain
B. Aktibiti
Pagganyak
1. Pagbubuo ng puzzle mula sa ibibigay ng gurong envelop na may lamang
larawan sa loob nito.
2. Papangkatin ng guro ang mga mag aaral
C. Analisis
1. Anong mensahe ang nais iparing ng mga larawang nabuo.

2. Magbigay ng iba pang halimbawang nagpapakita ng mensahe ng mga larawan.


3. Ilahad ang mga naiisip na pagkakaiba sa dalawang kasarianng nasasalamin sa
alamat. Ipaliwanag ang lagging mukhang mas makapangyarihan.
4. Ilahad ang mga naiisip kapag nabanggit ang salitang lalaki/babae.
5. Ano ang humahadlang sa ating pag iisip na kayang gawin ng isang kasarian ang
gawain?
D. Aplikasyon
Ang mga mag aaral ay magsususlat ng reaksyon o solusyon sa sitwasyon.
Nais ni Haide na maging isang piloto. Bata pa lamang siya ay
pagkakakitaan na siya ng interes sa mga sasakyang panghimpapawid. Ngunit sa halip
na mag aral ng pagpipiloto, kumuha siya ng kursong pang medisina sa kagustuhan na
din ng kanyang mga magulang. Katwiran nilay trabahong panlalaki iyon. Ano kaya
ang pwedeng gawin ni haide kung desidido talaga siyang maging isang piloto? O
ipagpapatuloy na lang ba niya ang nasimulang kurso na ayon sa kagustuhan ng mga
magulang ni Haide?
IV.

Pagtataya
Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.
1. Sino ang makisig at matapang na Rajah na matatagpuan ang kaharian sa dagat
ng Mindanao?
2. Siya ang diyosa ng digmaan na nagbigay sa Rajah ng mahiwagang sundang?
3. Paano iniwas ng magingisda ang kanyang anak sa Rajah?
4. Bulaklak na kumakatawan sa panghihinayang ng Rajah sa isang pag ibig na
sanay maabot na niya.?
5. Hadlang ba ang kasarian sa pagkamit ng iyong pangarap o paggawa ng bagay
na ninanais mo? Ipaliwanag.

V.

Takdang Aralin
Magsaliksik ng mga kilalang personalidad na hindi nagging hadlang ang kanilang
kasarian sa naranasan/nararanasang tagumpay sa napiling larangan.

Inihanda ni:

Christine De Chavez

BSED 3301-Filipino

You might also like