You are on page 1of 19

DAILY Quarter 2 Grade Level 6

LESSON
PLAN Date Lunes Learning Area Filipino

Banghay Aralin sa Filipino 6


I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang
talasalitaa
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakabubuo ng sariling diksyunaryo ng mga bagong salita mula sa mga binasa; naisasadula
ang mga maaaring mangyari sa nabasang teksto
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Nailalarawan ang tauhan batay sa damdamin nito at tagpuan sa binasang

II. Nilalaman ng Pagkatuto


A. Paksang Aralin: Paglalarawan sa Tauhan at Tagpuan sa Kwentong Binasa
B. Sanggunian: Filipino– Ikaanim na Baitang; Alternative Delivery Mode; Ikalawang Markahan
– Modyul 7: Paglalarawan sa Tauhan at Tagpuan sa Kuwentong Binasa Unang Edisyon, 2020
C. Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao; Araling Panlipunan; DDRM
D. Pagpapahalaga: Paggalang sa magulang; Pagmamahal sa kapwa

III. Kagamitan
Tsart; powerpoint

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padiktang Pagsulat
A. Si Brent ay isang manunulat.
B. Isang turista ang inalok ni Brent na magpalinis ng sapatos.
2. Balik-aral
Paano inilalarawan ang mga tauhan at tagpuan sa isang kwento?
3. Pagwawasto ng Takdang Aralin

B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pagganyak
Basahin natin ang kwento at alamin ang nangyari kay Alvin.
2. Paghahawan ng Balakid
Ibigay ang kahulugan ng bawat salitang may salungguhit batay sa gamit nito sa
pangungusap.
1. Nagkaroon ng matinding sagupaan sa Marawi.
2. Kalunos-lunos ang sinapit ng mga pamilyang nadamay sa sagupaan.
3. Maraming batang gusgusin ang makikita sa lansangan ng Marawi pagkatapos
ng sagupaan.
4. Maraming turista ang bumisita sa Marawi upang makita ang pinsala na dulot
ng sagupaan.
5. Malaking tip ang ibinigay ng nagpalinis ng sapatos kay Alvin dahil mahusay
ang pagkalinis nito.

3. Pagganyak na Tanong
Sa panahon ngayon, maraming sakuna ang nagaganap sa ating bansa. Sa ating
babasahing akda ay matutunghayan natin kung ano ang karanasan ng tauhang si Alvin.
Isipin mo, kung ikaw ang nakasaksi sa mga pangyayaring ito, ano ang iyong gagawin?
4. Pamantayan sa Pagbasa
1. Intindihing mabuti ang binabasa.
2. Mata ang gamitin sa pagbabasa.
3. Itikom ang bibig.
5. Pagbasa ng Teksto

Pagtulong at Pagsisikap
Sariling katha ni: Ma. Teresa G. Mateo

Si Brent ay isang manunulat. Nagtungo siya sa Marawi, upang isulat ang mga nangyari rito
pagkatapos ng matinding sagupaan. Maraming gusali, kalye at tulay ang nasira.
“Kalunos-lunos at nakatatakot ang pangyayari sa lugar na ito,” pahayag ni Brent. Maraming tao
ang nawalan ng bahay kaya nagkalat sila sa daan at namamalimos.
“Kuya,” tawag ng isang binatilyong gusgusin na nagmamakaawa, “Palimos po ng pambili ng
pagkain.” Pinagmasdan niya ito, mataba at mas malakas pa ito sa kaniya. “Bakit hindi ka
naghahanapbuhay? Halika’t kumain muna tayo.” Habang kumakain pinanonood nila ang tindera na
isang matandang babae ngunit maliksi pa ang kilos at masayahin ito.
“Tingnan mo ang tinderang iyan hindi siya namamalimos nagtatrabaho siya. Natutulungan pa
niya ang mga gutom na tulad natin. Ikaw anong alam mong gawin?” sabi ni Brent.
“Marunong po akong maglinis ng sapatos,” nahihiyang sagot ni Alvin. “Halika’t mamimili tayo
ng mga panlinis ng sapatos. Pahihiramin kita ng perang idadagdag natin sa pera mo,” ani Brent.
Isang turista ang inalok ni Brent na magpalinis ng sapatos. Pumayag naman ito, palibhasa’y
mahusay ang pagkakalinis ni Alvin sa mga sapatos ay binigyan siya ng malaking tip. Pagkatapos nito,
sunod-sunod na ang nagpapalinis ng sapatos kay Alvin.
“Heto na po ang perang pinambili ninyo ng mga gamit ko sa paglilinis ng sapatos. Maraming
salamat po.” Nasisiyahang sabi ni Alvin. “Ngayong ikaw ay may hanapbuhay na, hindi ka na
mamalimos. Magpatuloy ka sa pagsisikap para makatulong sa mga magulang mo at makaahon kayo sa
hirap,” masayang wika ni Brent.
“Naku! maraming salamat po,” natutuwang sabi ni Alvin.

6. Pagsagot sa mga Tanong


Sagutin ang sumusunod.
1. Ano ang paksa ng iyong binasang kuwento?
2. Saan nangyari ang kuwento? Ilarawan ito?
3. Bakit sinabi sa kuwento na kalunos-lunos at nakatatakot ang nangyari sa lugar na
ito?
4. Sino ang mga tauhan sa kuwento?
5. Paano tinulungan ni Brent si Alvin?
6. Batay sa kilos at pananalita ni Brent, ilarawan ang kaniyang damdamin tungkol sa
kalagayan ni Alvin.
7. Batay sa kilos at pananalita ni Alvin, ilarawan din ang kaniyang damdamin tungkol
sa ginawang pagtulong sa kaniya ni Brent.
8. Sa iyong pananaw, bakit pinamagatang “Pagtulong at Pagsisikap” ang kuwento?
7. Pagsasanay
Basahin at unawain ang teksto at isagawa ang mga gawain sa ibaba.

Ang Piknik ng Mag-anak


Napakasaya ng pamilya Villa. Papunta sila ngayon sa tabing-dagat upang
magpiknik. Ito kasi ang unang pagkakataon na lumabas sila. Tuwing Linggo pagkatapos
magsimba ay lagi na lang sa mall ang punta nila pero ngayon ay iba na.
Sa loob ng sasakyan ay tuwang-tuwa na pinagmamasdan ng magkapatid ang
paligid. Maya-maya pa’y huminto na ang sasakyan sa tapat ng dalampasigan. Sabik na
bumaba ang magkapatid, bitbit ang basket ng mga inumin at pagkain. Dinala rin nila ang
kani-kanilang gamit: cellphone, tablet, music player at iba pa.
Mga Tauhan Kilos at Pananalita ng Tauhan Paglalarawan sa Damdamin ng
Tauhan sa Kuwento

Tatay “Mga anak, ito ang panahon


upang tayo’y
magsaya at damahin ang
kalikasan.”
Nanay “Bawal muna ang gadgets sa
piknik. Itabi
muna ang mga ‘yan at mag-
disconnect sa
internet”
Magkapatid ...tuwang-tuwa na
na Nico pinagmpamasdan ang
at Mica paligid...Sabik na bumaba...
Kinuha ni Nico ang
pamingwit, habang si Mica ay
nawiwili sa pamumulot ng
iba’t ibang uri ng kabibe.

8. Paglalahat
Nailarawan mo ang tagpuan sa pamamagitan ng masusing pagsusuri sa bawat
pangyayari at detalye sa kuwento. Tinukoy mo ang mga bahaging nagpapahayag ng
paglalarawan sa lugar na pinangyarihan ng kuwento.
Ang tauhan sa kuwento ay maaaring ilarawan sa pamamagitan ng kanilang
pananalita, kilos o galaw, at damdamin. Mahalagang matutuhan ang paglalarawan sa mga
tauhan upang makilala sila bilang tao na gumaganap sa kuwento. Kailangang suriin at
unawain ang kanilang pananalita, kilos o galaw at damdamin upang matukoy ang kanilang
mga katangian.

V. Pagtataya
Ilarawan ang tagpuan at tauhan sa kuwentong binasa.

TAGPUAN Pagbabago TAUHANG SI RONELYN


Tahanan ng Pamilya Valdez
Sariling katha ni: Marijo N. Panuncio
PAGLALARAWAN PAGLALARAWAN
Titay halika nga rito! “Huwag kang pabagal-bagal,” galit na sigaw ni Ronelyn sa kanilang
katulong. “Maglampaso ka nga rito,” bulyaw sa kasambahay. Iyan si Ronelyn ang batang mapagmataas
at mapang-alipusta.
Palibhasa nag-iisang anak ng mag-asawang Valdez kaya’t nasusunod ang lahat ng gugustuhin
niya.
Madasalin si Gng. Gina Valdez, miyembro siya ng mga kababaihang sumusuporta sa mga
gawaing pansimbahan ng kanilang lugar. Humahanga siya sa mga taong nagbibigay ng donasyon at
naglilingkod sa Panginoon. Doktor ang ama ni Ronelyn kilala ito na mababa kung sumingil at
karamihan ay inililibre niya ang mga gamot. May malaking klinika ito sa kanilang lugar. Takang-taka
ang mga nakakikilala sa kanila kung bakit iba ang ugali ni Ronelyn.
Isang araw may matandang babaing lumapit kay Ronelyn pinagsabihan siya na kailangan
niyang magbago at matutong maging mabuti at mapagkumbaba. Dahil kung hindi siya magbabago at
hindi siya kasisiyahan at walang gugusto na siya ay maging kaibigan. Pinag-isipang mabuti ni Ronelyn
ang pangaral ng matanda.
Araw ng Sabado, may dalang cake si Ronelyn umaawit ng maligayang kaarawan, niyakap ang
ina at napahagulhol habang humihingi ng patawad sa kaniyang hindi magandang ugali. Pagkatapos
noon, siya ay naging mabuting bata na.
VI. Takdang Aralin
Basahin ang kuwento. Saan naganap ang kasayahan? Ilarawan.

Ang Sorpresa
Sariling katha ni: Ma. Teresa G. Mateo
Isang araw maagang gumising si Inay. Nagluto ng agahan para sa mag-anak. Nagsangag ng
kanin. Nagluto ng itlog at isda. Pagkatapos magluto ay mabilis siyang umalis papuntang palengke.
Nagising si Itay. “Gising na kayo mga anak, kaarawan ngayon ni Inay. Bigyan natin siya ng
sorpresa.” Pinag-usapan nila ang sorpresa para sa kaarawan nito.
Maya-maya ay dumating na si Inay. Laking gulat niya nang buksan ang pinto. Wow! Ang linis
ng bahay! Ang gaganda ng bulaklak na rosas! Nakita rin niya ang nakahandang pagkain sa mesa. May
cake at pansit. Mayroon ding pritong manok at adobong karne.
Tuwang-tuwa si Inay. Naluha siya sa kagalakan. “Maligayang kaarawan
Inay!” sabay halik ni Itay, Lea at Ed. “Maraming salamat sa inyo. Pinaligaya Ninyo ako sa
aking kaarawan.”

DAILY Quarter 2 Grade Level 6


LESSON Date Martes Learning Area Filipino
PLAN

Banghay Aralin sa Filipino 6


I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang
talasalitaa
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakabubuo ng sariling diksyunaryo ng mga bagong salita mula sa mga binasa; naisasadula
ang mga maaaring mangyari sa nabasang teksto
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Nasasabi ang paksa/mahalagang pangyayari sa binasang/napakinggang sanaysay at teksto.
(F6RC-IIb-10)

II. Nilalaman ng Pagkatuto


A. Paksang Aralin Pagsabi ang paksa/mahalagang pangyayari sa binasang/napakinggang teksto.
B. Sanggunian: Filipino – Ikaanim na Baitang; Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan
– Modyul 8: Pagsasabi ng Paksa o Mahalagang Pangyayari sa Binasang o Napakinggang
Sanaysay at Teksto Unang Edisyon, 2020
C. Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao; Araling Panlipunan
D. Pagpapahalaga: Pagsunod sa mga patakaran

III. Kagamitan
Tsart; powerpoint

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padiktang Pagsulat
A. Ang pagtatanim ng halaman at gulay ay nakatutulong din sa pagpapagandan sa
kapaligiran at pagsugpo ng polusyon.
B. Ang matayog na punongkahoy ay nakapagbibigay ng lilim sa mainit na araw.
2. Balik-aral
Ilarawan ang tagpuan at tauhan ng kwentong “Si Tipaklong at si Langgam.
3. Pagwawasto ng Takdang Aralin

B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pagganyak
Pagmasdan mo ang iyong paligid. Nakapanood ka ba sa telebisyon at nakapakinig
ka ba ng balita tungkol sa mga isyung kinakaharap ng ating bansa?
Ano ang masasabi mo tungkol dito? Ano kaya ang paksa ng iyong napakinggan at
napanood?

.
2. Paghahawan ng Balakid
Ibigay ang pagkakaugnay ng bawat pares ng salitang nakasulat sa meta card na
ipapakita ng guro. Kung ito ay magkasing kahulugan, pumalakpak ng isang beses at kung
ito ay magkasalungat, pumadyat ng tatlong beses.
1. banta - pananakot
2. sakit - kagalingan
3. sintomas - senyales
4. lalamunan – lagusan ng pagkain
5. face mask - respirator
3. Pagganyak na Tanong
Alamin sa teksto kung paano mapangangalagaan ang sarili at ang kumunidad laban
sa COVID-19.
4. Pamantayan sa Pagbasa
1. Intindihing mabuti ang binabasa.
2. Mata ang gamitin sa pagbabasa.
3. Itikom ang bibig.
5. Pagbasa ng Teksto

Banta ng COVID-19
Sariling katha ni Catherine D. Diaz

Buwan ng Marso, 2020 nang magkaroon ng Enhanced Community Quarantine dahil sa


paglaganap ng Coronavirus o COVID-19. Malaking banta ang sakit na ito sa kalusugan ng lahat dahil ito
ay nakamamatay. Nakahahawa o naipapasa ang sakit na ito kaya kailangang proteksiyunan, ingatan at
alagaan ang sarili.
Ang mga taong positibo sa COVID -19 ay nahihirapan sa paghinga, may sintomas na lagnat,
pamamaga ng lalamunan, ubo at pananakit ng katawan. May mga positibo rin sa sakit na ito na hindi
kinikitaan ng sintomas o ang tinatawag na asymptomatic.
Proteksiyunan natin ang sarili at komunidad sa COVID-19. Para maiwasan ang sakit na ito,
ugaliing maghugas ng kamay nang madalas gamit ang sabon at tubig, magsuot ng facemask pag nasa
labas ng bahay, takpan ang bibig kapag umuubo o bumabahing. Panatilihin din ang social distancing at
kalinisan.
Sundin natin ang mga tagubiling ito para maging ligtas tayo sa banta ng COVID- 19.

6. Pagsagot sa mga Tanong


1. Ano ang paksa ng binasang teksto?
2. Anu-ano ang sintomas ng COVID-19?
3. Paano mapangangalagaan ang sarili at komunidad laban sa COVID-19?
4. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga tagubilin o patakaran na ipinatutupad
tungkol dito?
5. Para sa iyo, magmungkahi ng iba pang pamamaraan para makaiwas sa
mapanganib na sakit na ito.

7. Pagsasanay
Basahin ang teksto at sagutin ang mga susunod na tanong.

Pagpupursigi sa Pagkamit ng Pangarap

Bawat isa ay may pangarap na nais makamtan balang araw, tulad na lamang ni Manny
Pacquio. Siya ay nagpursigi upang maging isang tanyag na boksingero sa buong mundo. Ayon
nga sa kasabihan na ‘kapag may tiyaga, may nilaga.’Ito ay maptatagumpayan o makakamit ng
sinuman ang kahit anong kanyang naisin sa pamamagitan ng matiyagang pagpupursigi.

1. Sino sa teksto ang tinutukoy na nagpursigi upang makamit ang pangarap?


2. Ano ang paksa ng binasng teksto?
8. Paglalahat
Ang paksa ay ang pangunahing pinag-uusapan sa isang akda gaya ng kuwento,
sanaysay, balita, talumpati at iba pang kaugnay na tekstong maaaring nabasa, napakinggan
o napanood. Ito ang pinakatuon o sentro sa akda. Isang mahalagang kasanayang dapat
matutuhan ang pagtukoy at pagsabi ng paksa sa binasa, pinakinggan, o pinanood dahil
nililinang nito ang ating mapanuring pag-iisip.

V. Pagtataya
Basahin ang teksto at sagutan ang mga sumusunod na tanong.

Ang mundo ay biyaya ng Diyos. Pinuno niya ito ng iba-ibang likas-yaman. Mapalad
tayong mga Pilipino dahil nakaparami nating maipagmamalaking magagandang tanawin. Ito
ang dahilan kung bakit patuloy na naaakit ang mga dayuhan na magbabakasyon sa Pilipinas.
Subalit nasaan na ang kalinisan at kariktan ng mga tanawan na minsang minalas ni Rizal noong
kanyang panahon? Ano kaya ang iyong mararamdaman kung ikaw si Rizal na nagbalik sa ating
panahon at Nakita ang kasalukuyang kalagayan ng bansa?

1. Bakit nasabi sa teksto na ang mundo ay biyaya ng Diyos?


2. Ayon sa teksto, bakit mapalad tayong mga Pilipino?
3. Nasaan daw ang kalinisan na minsang namalas ni Rizal kanyang panahon?
Ipaliwanag.
4. Ano kaya ang iyong mararamdaman kung ikaw si Rizal na nagbalik sa ating
panahon at Nakita ang kasalukuyang kalagayan ng bansa?
5. Ano ang paksa ng teksto?
VI. Takdang Aralin
Basahin ang teksto at ibigay ang paksa nito.

Ang paghahalaman ay isang sining ng pag-aayos at pagtatanim ng mga halaman tulad ng


ornamental, gulay at punongkahoy. Isa itong kawili-wiling gawain. Nagbibigay din ito ng bitamina at
mineral sa katawan. Gayundin, maaari itong mapagkakitaan para sa pang araw-araw na
pangangailangan ng pamilya.
Ang pagtatanim ng halaman at gulay ay nakatutulong din sa pagpapaganda sa kapaligiran at
pagsugpo ng polusyon. Ang punongkahoy ay nagbibigay ng lilim. Nakalilibang ito at nakaaalis ng stress
at suliranin.
Nakatutulong ang paghahalaman hindi lamang sa kabuhayan ng mag-anak kundi pati na rin sa
programa ng pamahalaan tungo sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
Sariling katha ni Noe B. Bebita

DAILY Quarter 2 Grade Level 6


LESSON
PLAN Date Miyerkules Learning Area Filipino

Banghay Aralin sa Filipino 6


I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa
komunikasyob at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan
B. Pamantayan sa Pagganap
Napapahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at
talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento, pagsulat ng tula at kuwento
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Nagagamit nang wasto ang kayarian at kailanan ng pang-uri sa paglalarawan sa iba’t
ibang sitwasyon. (F6OL – IIa –e-4)
II. Nilalaman ng Pagkatuto
A. Paksang Aralin:
Paggamit nang wasto ng kayarian at kailanan ng pang-uri sa paglalarawan sa iba’t
ibang sitwasyon
B. Sanggunian: Filipino- Grade 6 Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Paggamit ng Wastong Pang-uri sa Paglalarawan, Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na
Salita, Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari sa Kuwento sa Pamamagitan ng Pamatnubay na
Tanong at Sawikain
C. Integrasyon: ESP
D. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa Kapwa

III. Kagamitan
Tsart; powerpoint presentation
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padiktang Pagsulat
a. Marunong magluto ng simpleng ulan ang aking ate.
b. Nakuha ni Kristine ang unang pwesto sa tagisan ng talion.
2. Balik-aral
Basahin ang maiksing talata at ibigay ang paksa nito.
1. Ang kahalagan ng pamilya ay mahalaga sapagkat dito nag uumpisa at dito
hinuhubog ang isang pagkatao ng bawat isa. Ito ang sandigan ng bawat isa sa
tuwing may problema at dito rin humuhugot ng lakas ng loob ang bawat isa
kapag may dumadating na problema.
2. Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung
ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una
kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa
ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na
kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.
3. Pagwawasto ng Takdang Aralin

B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pagganyak
Sa araw-araw ay gumagamit tayo ng mga salitang naglalarawan. Ito ay tumutulong
sa atin at sa ating mga nakakausap upang magkaroon ng mas malinaw na ideya tungkol sa
ating pinag-uusapan. Ngayon araw, alamin pa natin ang iba’t ibang kayarian ng mga
salitang panglarawan na ating ginagamit.
2. Paglalahad
Basahin ang maiksing usapan ng dalawang mag-kaibigan.
Lita: Johny, marunong ka bang magluto? Pati ba mga kapatid mo?
Johny: Oo naman. Marunong kaming magkakapatid. Sinabi kasi sa amin ni nanay,
kung gusto raw naming masustansya, masarap matipid, malinis at ligtas na pagkain, ay
matuto raw kaming gumawa.
3. Pagtalakay
1. Ano ang pinag-uusapan ng magkaibigan?
2. Anong mga salitang naglalarawan ang ginamit ni Johny?
3. Ano ang inilalarawan ni Johny sa kanilang usapan?
4. Ano ang tawag sa mga salitang ito?
4. Pagsasanay
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Basahin ang sitwasyon. Punan ang patlang at gamitin ang tamang pang-uri sa loob ng
kahon.
masikap matalino mailap masarap
tahimik mabilis matao maasim
1. Nakuha ni Kristine ang unang pwesto sa Tagisan ng Talino. Siya ay _______
na bata.
2. Nahihirapang hulihin ng mangangaso ang _______ na usa.
3. Nahihilo si Lola Saring sa ________ sinulog.
4. ___________ na halo-halo ang inihanda ni Tita Myla.
5. _________ ang manggang nakain ni kuya.
b. Malayang Pagsasanay
Gamitin ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pangngalan. Salungguhitan ang
pang-uring angkop sa sitwasyon.
1. (Masaya, Mabuti, Maganda, Malinamnam) ang kanyang bibingka.
2. Ang kilos ni Nanay pag naglalaba ay (mabagal, madalas, matulin, mabilis).
3. (Matamis, Maasim, Maanghang, Maalat) ang sawsawan mong may sili para sa
lechon.
4. (Masinsin, Malapad, Manipis, Marami) ang tao sa kanilang bagong bukas na
tindahan.
5. Hinihila pababa ni Amy ang (malapad, makitid , mahaba, maikli) niyang palda.
c. Pangkatang Gawain
Sumulat ng tatlong pangungusap gamit ang mga pang-uri na ibibigay ng guro.
PANGKAT 1: Sumulat ng isang talata tungkol sa inyong paaralan. Gumamit ng mga
pang-uri sa iyong mga pangungusap.
PANGKAT 2: Gumawa ng isang duladulaan kung saan inilalarawan ng magkaibigan
ang kanilang paboritong isport.
PANGKAT 3: Gumawa ng isang maiksing tula na naglalarawan sa pagpapahalaga sa
ating kapwa.
5. Paglalahat
Pang-uri ang tawag sa salitang naglalarawan sa tao, hayop, bagay, pook at
pangyayari. May mga pang-uring angkop lamang na gagamitin sa paglalarawan ng
tao, hayop, bagay, pook at pangyayari.
Halimbawa:
(tao) Magaling na doctor (bagay)maasim na suka
(pangyayari) magulong eleksyon (hayop) malakas na kalabaw
(lugar) maingay na sapa
6. Paglalapat
Gamitin ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pangngalan. Salungguhitan ang
pang-uring angkop sa sitwasyon.
1. (Makitid, matangkad, maluwang, mahaba) ang tulay na aking dinaraanan.
2. Ang puno ng niyog ay (makitid, malapad, mataas, maluwang).
3. (Malamig, maasim, Mainit) ang ininom kong tubig mula sa refrigerator.
4. (Magaspang, Makintab, Mapula) ang sahig na nilagyan ng floor wax.
5. (Mabango, Mabaho, Mahalimuyak) ang tubig sa kanal.
V. Pagtataya
Piliin ang letra ng pinakaangkop na sagot.
1. Lima ang anak ni Mang Jose. Naiwan ito sa kanya ng kaniyang asawang
maagang namatay. ____________ ang kaniyang ginagawa upang matustusan ang
pag-aaral at pangangailangan ng mga ito.
A. Anak pawis B. Balat-sibuyas
C. Kayod-kalabaw D. Hampas-lupa
2. May sakit si Annie. Ang sabi ng kaniyang mga doktor ay sapat na pahinga,
tamang pagkain, ehersisyo at regular na pag-inom ng gamot ang kailangan niya.
Sinunod niya ang lahat ng ito. _______________ ang payo ng kaniyang doktor.
A. Mabango B. Mabait
C. Mabisa D. Matapang
3. Dilaw,pula at berde ang mga ilaw na simbolo ng batas trapiko. Mga kulay na
kabisadong-kabisado na ni Jaja. Madalas niya itong makita sa tuwing siya ay
pumapasok sa paaralan. Batid niya na ang mga ito ay nararapat lamang na sundin.
Si Jaja ay _____________.
A. maaalahanin B. mapitagan
C. masipag D. masunurin
4. ____________ ang mga anak ni Aling Zeny. Magagalang na pananalita ang
maririnig mo sa kanila tuwi-tuwina. Maging ang pagmamano at paghalik sa kamay
sa mga nakatatanda ay ginagawa din nila.
A. Magagalang B. Masusungit
C. Matatapang D. Matutulin
5. Ang dengue at malaria ay mga sakit na nagmumula sa kagat ng lamok. Ang mga
sakit na ito ay nakamamatay. Ang sakit na dengue at malaria ay maituturing na
______.
A. mabigat B. maganda
C. mapanganib D. masarap
VI. Takdang Aralin
Sumulat ng isang maikling talatang naglalarawan tungkol sa iyong alagang hayop.
DAILY Quarter 2 Grade Level 6
LESSON
PLAN Date Huwebes Learning Area Filipino

Banghay Aralin sa Filipino 6


I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang
talasalitaa
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakabubuo ng sariling diksyunaryo ng mga bagong salita mula sa mga binasa; naisasadula
ang mga maaaring mangyari sa nabasang teksto
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Nabibigyang kahulugan ang salitang hiram (F6PT-Ii-4.2)

II. Nilalaman ng Pagkatuto


A. Paksang Aralin: Pagbibigay Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar
B. Sanggunian: Filipino- Grade 6 Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Paggamit ng Wastong Pang-uri sa Paglalarawan, Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na
Salita, Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari sa Kuwento sa Pamamagitan ng Pamatnubay na
Tanong at Sawikain Unang Edisyon 2020
C. Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao; Araling Panlipunan
D. Pagpapahalaga: Pagmamalasakit sa pamilya

III. Kagamitan
Tsart; powerpoint

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padiktang Pagsulat
A. Pinaghahandaan ng nanay si Liza ng bugong tuwing bago siya pumasok.
B. Binabagtas nila ang kahabaan ng Tirona Hi-way para makarating sa paaralan.
2. Balik-aral
Piliin ang mgas pang-uri sa sumusunod na talata.
Ako si Candice. Isa akong mag-aaral sa Habay Elementary School. Ang Habay
Elementary School ay isang pampublikong paaralan. Mayroon akong kaibigan na si
Tiffany. Si Tiffany ay ang pinakamatalino sa aming klase. Ang nanay ni Tiffany ay si Tita
Melda. Si Tita Melda ay isang maarugang nanay at mabait na tita.
3. Pagwawasto ng Takdang Aralin
B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pagganyak
Sa ating araw-araw na pakikipag-usap at pagbabasa, may mga salita tayong
naririnig o nababasa na bago sa atin o hindi natin alam ang kahulugan. Ako kaya ang
pwede nating gawin upang malaman ang kahulugan ng mga salitang hindi pamilyar sa
atin?
2. Paghahawan ng Balakid
Ibigay ang kahulugan ng bawat salitang may salungguhit batay sa gamit nito sa
pangungusap.
1. Halika’t umupo muna tayo sa aking salumpuwit.
2. Malaki ang durungawan sa bahay nila. Kitang-kita ang lahat ng dumadaan.
3. Pagganyak na Tanong
Ang pakikipagkwentuhan sa ating mga magulang ay isang paraan upang mas lalo
pa natin silang makilala. Tunghayan natin ang usapan ng mag-ina at alamin kung ano ang
kanilang pinag-uusapan?
4. Pamantayan sa Pagbasa
1. Intindihing mabuti ang binabasa.
2. Mata ang gamitin sa pagbabasa.
3. Itikom ang bibig.
5. Pagbasa ng Teksto
Anak: Mama Myla, pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa iyong karanasan noong
ikaw ay bata pa?

Nanay: Oo naman Kris. Halika’t umupo muna tayo sa aking salumpuwit. Alam mo anak,
noong ako ay bata pa, lagi akong nagpunta sa Mangga Salom. Doon nanghuli kami ng
isdang Pait-Pait kasama ang aking mga katipan na sina Amy at Joy. Minsan binagtas
naming ang sakahan ni Oyong Tansyong upang manguha ng prutas. Ngunit nang ako ay
nagdalaga na, nagkaroon ako ng katoto, at iyon ay ang iyong Papa Reynaldo. Alam mo,
madalas niya akong hinarana noon at siya’y aking sinilip sa durungawan habang kumanta.

6. Pagsagot sa mga Tanong


Sagutin ang sumusunod.
1. Sino-sino ang mga nag-uusap?
2. Ano ang nais malaman ng anak sa kanyang ina?
3. Nakikipagkwentuhan ka din ba sa iyong mga magulang? Ano ang inyong
pinag-uusapan? Ibahagi ito sa klase.
4. Itala sa talahanayan ang salitang pamilyar at di-pamilyar.

Pamilyar na Salita Di-pamilyar na Salita

5. Paano mo mabigyang kahulugan ang mga salitang pamilyar o di-pamilyar na


mga salita?

7. Pagsasanay
Ibigay ang kahulugan pamilyar at di-pamilyar na salita na ginamit sa
sitwasyon. Hanapin sa loob ng kahon ang tamang sagot..

kaibigan nobyo upuan bintana nilakad


________1. Halika’t umupo muna tayo sa aking salumpuwit.
________2. Nanghuli kami ng isda kasama ang aking katipan na sina Amy at Joy.
________3. Nang ako ay dalaga na, nagkaroon ako ng katoto.
________4. Binagtas namin ang sakahan ni Lola Tansyong.
________5. Sa durungawan ko sinilip ang nagharana.

8. Paglalahat
• Ang pamilyar na salita ay mga salitang madalas mong marinig o palagi mo itong
sinasabi. Tinatawag namang di-pamilyar o di- kilala ang mga salita kung ang mga ito ay
bihira mong marinig o hindi mo pa naririnig.
• Ang pamilyar at di-kilalang salita ay madaling mabigyang kahulugan sa
pamamagitan ng sitwasyong pinaggagamitan ng salita.

V. Pagtataya
Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na kahulugan ng salitang pamilyar at di-
pamilyar na sinalungguhitan sa loob ng pangungusap.

narinig kutsara at tinidor nagmamadali


mikropono eroplano

1. Nagkukumahog na sumasakay ng dyip si Johny dahil mahuhuli siya sa klase.


2. Binuhusan ng kusinera ang mga kubyertos sa carenderia bago ipagamit sa ibang
kakain.
3. Bumili ng bagong miktinig si Aling Rosalinda para sa Awit Tanghalan.
4. Natatakot ako nang naulinigan ko ang kumakaloskos sa dingding ng bahay.
5. Abot-tanaw ko na ang ulap habang nakasakay ako sa salipawpaw.

VI. Takdang Aralin


Basahin ang bawat pangungusap. Ibigay ang kahuluganng mga may salungguhit na salita.
1. Humusay ang kaniyang pagguhit dahil sa pag-eensayo.
2. Ang batang makulit ay napagalitan ng nanay.
3. Walang humpay ang pag-iyak ng bata.Pati hangin yata’y walang pakialam sa kapal
ngusok na nakabalatay.
4. May maliit na liwanag na natatanaw ang bata.

DAILY Quarter 2 Grade Level 6


LESSON
PLAN Date Biyernes Learning Area Filipino
Banghay Aralin sa Filipino 6
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at
napapalawak ang talasalitaan
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakagagawa ng character profile batay sa kuwento o tekstong binasa
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento (F6PB-Ib-5.4)
II. Nilalaman ng Pagkatuto
A. Paksang Aralin: Pagsusunod-sunod ng pangyayari sa kwento
B. Sanggunian: Filipino- Grade 6 Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Paggamit ng Wastong Pang-uri sa Paglalarawan, Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na
Salita, Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari sa Kuwento sa Pamamagitan ng Pamatnubay na
Tanong at Sawikain Unang Edisyon 2020
C. Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao
D. Pagpapahalaga: Paghahanda sa Gawain

III. Kagamitan
Tsart; powerpoint

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padiktang Pagsulat
a. Tinatakpan ng mga inahing manok ang kanyang mga sisiw tuwing may uwak
silang nakikita.
b. Nahalata ng uwak na nagsisinungaling ang manok dahil nanginginig ito.
2. Balik-aral
Anong istratehiya ang maari nating gamitin upang malaman natin ang kahulugan
ng mga salitang hindi pamilyar sa atin?
3. Pagwawasto ng Takdang Aralin

B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pagganyak
Mahilig ka bang makipagkwentuhan sa iyong mga kaibigan? Paano mo ito
ginagawa. Ating alamin ang iba’t ibang mga istratehiya na maari nating gamitin sa
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kwento.
2. Paghahawan ng Balakid
Batay sa gamit sa pangungusap, ibigay ang kahulugan ng mga salitang may
salungguhit.
1. Magkaibigang matalik ang manok at ang uwak.
2. Napansin ng manok na may magarang singsing ang ibon.
3. Tuluy-tuloy ang pagkutkot ng manok sa lupa para hanapin ang itinapong
singsing
3. Pagganyak na Tanong
Alam mo ba kung bakit laging nagkukutkot ang manok sa lupa?
Ano ang mararamdaman mo kung naiwala ng iyong matalik na kaibigan ang isang
bagay na pinakakaingatan mo?
4. Pamantayan sa Pagbasa
1. Intindihing mabuti ang binabasa.
2. Mata ang gamitin sa pagbabasa.
3. Itikom ang bibig.
5. Pagbasa ng Teksto

Ang Manok at ang Uwak


Noong araw, magkaibigang matalik ang manok at ang uwak. Madalas dumalaw ang
uwak kay inahin at makipaglaro sa mga sisiw nito.
6. Pagsagot sa mga Tanong
1. Paano mo mailalarawan ang ang manok at ang uwak noong araw?
2. Ano ang ginawa ni Uwak matapos makita ng Manok ang suot niyang singsing?
3. Ano ang nangyari nang nakita ng Tangdang ang soot na singsing ng Manok?
4. Anong kapalit ang hiningi ni Uwak kapag hindi maisauli ang kanyang singsing?
5. Anong ginawa ng Manok at ng iba pa niyang kauri magbuhat noon?

Mula sa binasang kwento, pagsunod-sunurin ang mga sumusunod na


pangyayari.
__________ Buhat na nga noon, tuluy-tuloy ang pagkutkot ng manok sa lupa para hanapin
ang itinapong singsing. Pati ibang mga manok, sa pakikisama sa kanya, ay naghahanap
din.
__________ Noong araw, magkaibigang matalik ang manok at ang uwak. Madalas
dumalaw ang uwak kay inahin at makipaglaro sa mga sisiw nito.
__________ Hanggang hindi naisasauli ang singsing, kukuha ng makikitang sisiw at
ililipad sa malayo."
__________ Sa kapipilit ng tandang, itinapon ng inahin ang singsing.
__________ Ipinasuot ng Uwak kay Manok ang kanyang singsing.
7. Pagsasanay
Basahin ang kuwento ng tungkol sa dalawang aso. Pagkatapos ay pagsunod-
sunurin ang mga pangyayari. Gamitin ang titik A - E. Isulat sa patlang ang letra ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga panyayari.

Dalawang Aso
Isang araw, nagkita ang asong-lunsod at asong-bukid. "Kumusta ka, kaibigan," bati
ng asong-lunsod. "Matagal na tayong hindi nagkakausap."
"Mabuti naman," sagot ng asong-bukid. "Ikaw naman, mukhang alagang-alaga ka.
Kay lusog mo ngayon."
"Oo nga. Alam mo bang saganang-sagana ako sa pagkain. Kay daming ibinibigay
sa akin ng aking among mayaman."
"Mabuti ka pa," sabi ng asong-bukid. "Ako nama'y hindi gaanong marami ang
nakakain. Nakakatawid-gutom lamang dahil hindi naman nakaririwasa ang tinitirhan ko."
"Bakit hindi ka pa sumama sa akin? Maraming pagkain doon sa amo ko. Tiyak na
tataba kang katulad ko," alok ng asong-lunsod.
"Talaga ba? O, sige, sasama ako sa iyo at doon na rin ako titira sa amo mo."
Naglakad na nga ang dalawang pauwi sa tinitirhan ng asong-lunsod. Habang nasa
daan pa sila, napansin ng asong-bukid na may mga sugat sa leeg ang kanyang kaibigan.
"Ano ang nangyari sa leeg mo," tanong niya. "Bakit puro sugat?"
"A, dahil iyan sa tanikalang inilalagay sa akin sa bahay. Inalis nga lamang iyon
kanina dahil nakita ng amo ko ang mga sugat. Kaya pati ako nakapaglakad at nakita mo."
"Ay, ganoon ba? Nilalagyan ka pala ng tanikala? Kapag gumaling ang mga sugat,
ibabalik ba sa leeg mo ang tanikala?"
"Tiyak iyon," sabi ng asong-lunsod. "Bawal sa aming mga kalsada ang gagala-
galang aso kaya nararapat lang na itali ako sa loob ng tarangkahan."
"Kung gayon ay hindi na ako sasama sa iyo. Babalik na lang ako sa aking amo sa
bukid. Hindi nga niya ako pinagsasawa sa pagkain, ngunit ako nama'y binibigyan niya ng
layang makapunta kahit saan ko gusto."
Nagpaalam siya sa kaibigan at tatakbong bumalik sa dating tahanan.
_________ 1. Nilagyan ng tanikala ang asong-lunsod at Inalis nga lamang iyon
dahil nakita ng amo ang mga sugat.
_________ 2. Nagpaalam siya sa kaibigan at tatakbong bumalik sa dating tahanan.
_________ 3. Naglakad na nga ang dalawang pauwi sa tinitirhan ng asong-lunsod.
Habang nasa daan pa sila, napansin ng asong-bukid na may mga sa leeg ang kanyang
kaibigan.
_________ 4. Sumama siya sa asong-lunsod dahil maraming pagkain doon sa
kanyang amo.
_________ 5. Nagkita ang magkaibigang asong-lunsod at asong-bukid at sila’y
nagkumustahan.
8. Paglalahat
Ang pagsusunod-sunod ay naglalayon ding ipabatid sa mga mambabasa
ang isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng mga impormasyon. Ito ay
maaaring Gawain sa pamamagitan ng mga patnubay na tanong.

V. Pagtataya
Basahin ang kuwento. Pagkatapos ay pagsunod-sunurin ang mga pangyayari.

Si Paruparo at si Langgam

Isang tanghali. Takang-taka si Paruparo habang minamasdan niya si Langgam na


pabalik-balik sa paghahakot ng pagkain sa kanyang lungga sa ilalim ng puno.
"Ano ba iyang ginagawa mo, kaibigang Langgam? Mukhang pagod na pagod ka ay di ka
man lang magpahinga?" tanong ni Paruparo. "Bakit di ka magsaya na tulad ko?"
"Naku, mahirap na," aniya. "Malapit na ang tag-ulan. Iba na ang may naipon na pagkain
bago dumating ang tag-ulan."
"Kalokohan iyan. Tingnan mo ako. Hindi natitigatig," pagmamalaki ni Paruparo.
"Bakit nga ba?" Nagtataka si Langgam.
"Ganito iyon, e. Nakikita mo ba ang kaibigan ko sa damuhan?" inginuso niya ang nasa di
kalayuan.
"Sino?' tanong ni Langgam.
"Si Tipaklong, kaibigan ko iyan, Alam mo, matapang ang kaibigan ko. Nabibigyan niya
ako ng proteksyon. Baka akala mo, dahil sa kanya walang sigwang darating sa akin,"
pagyayabang ni Paruparo.
"A, ganoon ba?" sabi ni Langgam.
"Utak lang, utol. O, di pakanta-kanta lang ako ngayon dito. Ikaw lang e,"
sabi ni Paruparo.
"Wala akong inaasahan kundi ang aking sarili. Kaya kayod dito, kayod doon," mababa
subalit madiin ang tinig ni Langgam. "O, sige, ipagpapatuloy ko muna ang aking gawain."
Pagkatapos ng usapang iyon nagkahiwalay ang dalawa.
Ang mga sumusunod na araw ay maulan. Hindi lamang mahabang tag- ulan. May
kasama pang bagyo at baha. Mahirap lumabas at kung makalabas man wala ring
matagpuang pagkain.
Lalong umapaw ang tubig. Walang madaanan ang tubig dahil malalim din ang mga ilog
at dagat. Tumagal ang baha. Palubha nang palubha ang kalagayan dahil malakas pa rin ang
pagbuhos ng ulan.
Ano kaya ang nangyari kay Langgam? Naroon siya sa guwang ng puno.
Namamahinga. Sagana siya sa pagkain. Naisipan ni Langgam ang dumungaw upang
alamin ang kalagayan ng paligid. Aba, ano ba ang kanyang nakita?
Nakita niya si Paruparo at Tipaklong na nakalutang sa tubig. Patay ang
dalawa. Mayamaya'y dalawang mabilis na ibon ang mabilis na dumagit sa kanila.
Napaurong sa takot si Langgam sa kanyang nakita. Subalit nasabi pa rin niya sa kanyang
sarili: "Kung sino ang may tiyaga, siya ang magtatamong pala."
_______1. "Malapit na ang tag-ulan. Iba na ang may naipon na pagkain bago
dumating ang tag-ulan."
_______2. Isang tanghali. Takang-taka si Paruparo habang minamasdan niya si
Langgam na pabalik-balik sa paghahakot ng pagkain sa kanyang lungga sa ilalim ng puno.
_______3. Nasabi pa rin niya sa kanyang sarili: "Kung sino ang may tiyaga, siya
ang magtatamong pala."
_______4. Matapang ang kaibigan ko. Nabibigyan niya ako ng proteksyon. Baka
akala mo, dahil sa kanya walang sigwang darating sa akin," pagyayabang ni Paruparo.
_______5. Nakita niya si Paruparo at Tipaklong na nakalutang sa tubig. Patay ang
dalawa. Mayamaya'y dalawang mabilis na ibon ang mabilis na dumagit sa kanila.

VI. Takdang Aralin

Ang Lobo at ang Ubas


Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya ng
isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman.
Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.
Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya
maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya
maabot ang ubas.
Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo
sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon," ang sabi niya
sa sarili.

Basahin ang kuwento. Pagkatapos ay pagsunod-sunurin ang mga pangyayari.


Lagyan ng bilang 1-5 ang mga pangungusap.
________ Nakakita siya ng puno ng ubos na hitik ng hinog na bunga.
________ Lumundag ang lobo at lumundag ng lmundag ngunit wala siya nakuha.
________ Sa isang kagubatan ay inabot ng gutom ang lobo.
________ Sinabi na lamang ng lobo sa sarili na maasim naman ang bunga ng ubas.
________ Nasabi ng lobo sa sarili na masuwerte siya sa nakitang puno ng ubas

DAILY Quarter 2 Grade Level 6


LESSON
PLAN Date MARTES Learning Area Filipino

Banghay Aralin sa Filipino 6


I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa
komunikasyob at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan
B. Pamantayan sa Pagganap
Napapahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at
talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento, pagsulat ng tula at kuwento
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Nagagamit nang wasto ang kayarian at kailanan ng pang-uri sa paglalarawan sa iba’t
ibang sitwasyon. (F6OL – IIa –e-4)
II. Nilalaman ng Pagkatuto
A. Paksang Aralin:
Paggamit nang wasto ng kayarian at kailanan ng pang-uri sa paglalarawan sa iba’t
ibang sitwasyon
B. Sanggunian: Filipino- Grade 6 Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Paggamit ng Wastong Pang-uri sa Paglalarawan, Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na
Salita, Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari sa Kuwento sa Pamamagitan ng Pamatnubay na
Tanong at Sawikain
C. Integrasyon: ESP
D. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa Kapwa

III. Kagamitan
Tsart; powerpoint presentation
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padiktang Pagsulat
a. Marunong magluto ng simpleng ulan ang aking ate.
b. Nakuha ni Kristine ang unang pwesto sa tagisan ng talion.
2. Balik-aral
Basahin ang maiksing talata at ibigay ang paksa nito.
1. Ang kahalagan ng pamilya ay mahalaga sapagkat dito nag uumpisa at dito
hinuhubog ang isang pagkatao ng bawat isa. Ito ang sandigan ng bawat isa sa
tuwing may problema at dito rin humuhugot ng lakas ng loob ang bawat isa
kapag may dumadating na problema.
2. Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung
ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una
kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa
ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na
kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.
3. Pagwawasto ng Takdang Aralin

B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pagganyak
Sa araw-araw ay gumagamit tayo ng mga salitang naglalarawan. Ito ay tumutulong
sa atin at sa ating mga nakakausap upang magkaroon ng mas malinaw na ideya tungkol sa
ating pinag-uusapan. Ngayon araw, alamin pa natin ang iba’t ibang kayarian ng mga
salitang panglarawan na ating ginagamit.
2. Paglalahad
Basahin ang maiksing usapan ng dalawang mag-kaibigan.
Lita: Johny, marunong ka bang magluto? Pati ba mga kapatid mo?
Johny: Oo naman. Marunong kaming magkakapatid. Sinabi kasi sa amin ni nanay,
kung gusto raw naming masustansya, masarap matipid, malinis at ligtas na pagkain, ay
matuto raw kaming gumawa.
3. Pagtalakay
5. Ano ang pinag-uusapan ng magkaibigan?
6. Anong mga salitang naglalarawan ang ginamit ni Johny?
7. Ano ang inilalarawan ni Johny sa kanilang usapan?
8. Ano ang tawag sa mga salitang ito?
4. Pagsasanay
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Basahin ang sitwasyon. Punan ang patlang at gamitin ang tamang pang-uri sa loob ng
kahon.
masikap matalino mailap masarap
tahimik mabilis matao maasim
6. Nakuha ni Kristine ang unang pwesto sa Tagisan ng Talino. Siya ay _______
na bata.
7. Nahihirapang hulihin ng mangangaso ang _______ na usa.
8. Nahihilo si Lola Saring sa ________ sinulog.
9. ___________ na halo-halo ang inihanda ni Tita Myla.
10. _________ ang manggang nakain ni kuya.
b. Malayang Pagsasanay
Gamitin ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pangngalan. Salungguhitan ang
pang-uring angkop sa sitwasyon.
1. (Masaya, Mabuti, Maganda, Malinamnam) ang kanyang bibingka.
2. Ang kilos ni Nanay pag naglalaba ay (mabagal, madalas, matulin, mabilis).
3. (Matamis, Maasim, Maanghang, Maalat) ang sawsawan mong may sili para sa
lechon.
4. (Masinsin, Malapad, Manipis, Marami) ang tao sa kanilang bagong bukas na
tindahan.
5. Hinihila pababa ni Amy ang (malapad, makitid , mahaba, maikli) niyang palda.
c. Pangkatang Gawain
Sumulat ng tatlong pangungusap gamit ang mga pang-uri na ibibigay ng guro.
PANGKAT 1: Sumulat ng isang talata tungkol sa inyong paaralan. Gumamit ng mga
pang-uri sa iyong mga pangungusap.
PANGKAT 2: Gumawa ng isang duladulaan kung saan inilalarawan ng magkaibigan
ang kanilang paboritong isport.
PANGKAT 3: Gumawa ng isang maiksing tula na naglalarawan sa pagpapahalaga sa
ating kapwa.
5. Paglalahat
Pang-uri ang tawag sa salitang naglalarawan sa tao, hayop, bagay, pook at
pangyayari. May mga pang-uring angkop lamang na gagamitin sa paglalarawan ng
tao, hayop, bagay, pook at pangyayari.
Halimbawa:
(tao) Magaling na doctor (bagay)maasim na suka
(pangyayari) magulong eleksyon (hayop) malakas na kalabaw
(lugar) maingay na sapa
6. Paglalapat
Gamitin ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pangngalan. Salungguhitan ang
pang-uring angkop sa sitwasyon.
1. (Makitid, matangkad, maluwang, mahaba) ang tulay na aking dinaraanan.
2. Ang puno ng niyog ay (makitid, malapad, mataas, maluwang).
3. (Malamig, maasim, Mainit) ang ininom kong tubig mula sa refrigerator.
4. (Magaspang, Makintab, Mapula) ang sahig na nilagyan ng floor wax.
5. (Mabango, Mabaho, Mahalimuyak) ang tubig sa kanal.
V. Pagtataya
Piliin ang letra ng pinakaangkop na sagot.
1. Lima ang anak ni Mang Jose. Naiwan ito sa kanya ng kaniyang asawang
maagang namatay. ____________ ang kaniyang ginagawa upang matustusan ang
pag-aaral at pangangailangan ng mga ito.
A. Anak pawis B. Balat-sibuyas
C. Kayod-kalabaw D. Hampas-lupa
2. May sakit si Annie. Ang sabi ng kaniyang mga doktor ay sapat na pahinga,
tamang pagkain, ehersisyo at regular na pag-inom ng gamot ang kailangan niya.
Sinunod niya ang lahat ng ito. _______________ ang payo ng kaniyang doktor.
A. Mabango B. Mabait
C. Mabisa D. Matapang
3. Dilaw,pula at berde ang mga ilaw na simbolo ng batas trapiko. Mga kulay na
kabisadong-kabisado na ni Jaja. Madalas niya itong makita sa tuwing siya ay
pumapasok sa paaralan. Batid niya na ang mga ito ay nararapat lamang na sundin.
Si Jaja ay _____________.
A. maaalahanin B. mapitagan
C. masipag D. masunurin
4. ____________ ang mga anak ni Aling Zeny. Magagalang na pananalita ang
maririnig mo sa kanila tuwi-tuwina. Maging ang pagmamano at paghalik sa kamay
sa mga nakatatanda ay ginagawa din nila.
A. Magagalang B. Masusungit
C. Matatapang D. Matutulin
5. Ang dengue at malaria ay mga sakit na nagmumula sa kagat ng lamok. Ang mga
sakit na ito ay nakamamatay. Ang sakit na dengue at malaria ay maituturing na
______.
A. mabigat B. maganda
C. mapanganib D. masarap
VI. Takdang Aralin
Sumulat ng isang maikling talatang naglalarawan tungkol sa iyong alagang hayop.

You might also like