You are on page 1of 4

Dasmariňas North National High School

San Isidro Labrador, City of Dasmarinas


Unang Markahan

Guro: Rowelyn C. Sayuno


Baitang 7 – FILIPINO
MIYERKULES – Hulyo 10, 2019
5:30 – 6:15 - Cattleya – Rm. 25
6:15 – 7:00 – Camia – Rm. 3
7:15 – 8:00 – Dama de Noche Rm. 28
8:00 – 8:45 – Daffodil – Rm. 26

TEMA: Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao

I. LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
Pampanitikan ng Mindanao

B. KASANAYAN SA PAGKATUTO:
 F7PN-Ic-d-2 – Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan.
II. NILALAMAN:
 Pakikinig: “Natalo rin si Pilandok”

Kagamitang Panturo
A. Sanggunian:
a. Pinagyamang Pluma 7 ph. 27 -48
b. www. Youtube.com
B. Iba pang kagamitang Panturo:
a. Smart TV
b. Powerpoint Presentation
c. visual aids

III. PAMAMARAAN:
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at /o pagsisimula ng bagong aralin:
Pakinggan ang sumusunod na pahayag at maghinuha sa maaaring kalalabasan ng mga pangyayari sa
akda. Piliin ang titik ng wastong kasagutan.

1. Kapag nalaman ng ibang hayop kung paanong namatay ang baboy-ramo dahil sa panlilinlang ni Pilandok, ano
kaya ang kanilang gagawin?
a. iiwas sila at hindi na makikipagkaibigan o lalapit kay Pilandok.
b. Sasaktan o gaganti sila kay Pilandok
c. Pupurihin nila si Pilandok sa kanyang ginawa.
2. Naisahan na naman ni Pilandok ang buwaya. Ano kaya ang mangyayari sa susunod na mag krus uli ang landas
ng dalawa?
a. Hindi na pakakawalan nang buhay ng buwaya si Pilandok
b. Muli na naming maiisahan ni Pilandok ang buwaya
c. Magiging magkaibigan na si Pilandok at ang buwaya.
3. Nagbunyi ang ibang hayop nang matalo ng isang suso si Pilandok. Ano kayang mensahe ang ipinaaabot ng
mga hayop kay Pilandok?
a. Pumusta kami kay suso kaya sa pagkatalo mo ay mayroon kaming matatanggap na premyo.
b. Tama lang na nangyari iyan sa ‘yo para malaman mo kung ano ang nadarama ng kapwa mo kapag ikaw
naman ang nanlilinlang sa kanila.
c. Ang galling mo talaga Pilandok! Ikaw ang “idol” naming mga hayop ditto.
4. . Tinanggap ni Pilandok ang pagkatalo niya kay Suso at nangako pang magbabago na. Anong katangian ang
makikita kay Pilandok dahil sa ginawa niyang ito?
a. Marunong ding tumanggap ng pagkatalo at alam ni Pilandok kung kalian siya magpapakumbaba
b. Masiag din pala si Pilandok at gagawin ang makakaya para makatulong sa mga kapwa hayop.
c. Mahusay talagang makisama at maaasahan ng maraming hayop ang mabait na si Pilandok.
5. Pagkatapos ng pagkatalo ni Pilandok sa suso at pangangakong magbabago na ano kaya ang mangyayari?
a. Muling manlilinlang si Pilandok ng mga hayop kapag siya ay nagipit
b. Iiwas na si Pilandok na manlilinlang o manloloko ng ibang hayop.
c. Hindi na ipakikita o ipaaalam ni Pilandok sa iba kapag siya’y mabait uli ng kapwa niya.

B. Paghahabi ng layunin ng aralin:


 Pagpapakita ng ilang salita.
 Itanong: Ano ang alam mo sa mga salitang iyan?
 Ano ang alam mo sa mga salitang nakatala?

BUDUL BUDOL DUGU -DUGO LAGLAG BARYA

 Itanong sa mga Mag-aaral: Nasubukan mo na ba o ng isang kapamilya o kakilala ang maloko ng


ibang tao?
 Ano – ano ang nagbago o sa kapamilya mo pagkatapos ng panlolokong ito?
 Matapos makapagbigay ng ilang kasagutan ay magpaparinig ng isang kaugnay na akda.
 Sabihin: Pakinggan at unawaing mabuti ang akda.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin:


 Sasabihin sa mag-aaral na sa maraming pabula ang gumaganap ay si Pilandok at ang ilan
dito ay ang “Natalo rin si Pilandok” ng Meranao.
 Tanong: Paano ba inilarawan si Pilandok sa akdang ito?

D. Pagtalakay sa bagong konsepto: “ Si Pilandok at ang mga buwaya”


 Pangkatang Gawain
 Pangkalahatang Panuto:
1. Makinig na mabuti sa akda at maghinuha sa maaring kalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang
napakinggan.
2. Magpangkatan batay sa kung ano hayop ang napunta sa kanila.
3. Ipaparinig ng lider ang bahagi ng akda na napunta sa kanila at pagtutulung tulungan maghinuha sa
maaaring kalabasan.
4. Ipapaliwanag ang pamantayan sa pagmamarka ng pag-uulat.
5. Ang bawat pangkat ay may nakalaang tig 10 minuto para sa paghahanda.

Mga Pamantayan Puntos Aking


Puntos
1. Kahusayan sa paraan ng pag-uulat 5 puntos
2. Kalinawan sa pagsasalita at wastong paggamit ng salita 5 puntos
3. Kahandaan ng pangkat 5 puntos
KABUOANG PUNTOS 15 PUNTOS
5 – Napakahusay
4 – Mahusay
3 – Katamtaman
2 – Di Mahusay
1 – Sadyang di-mahusay
Pangkat Gawain

(Verbal-Linguistic)
Paggawa ng PLOT ayon sa Pabulang narinig.
Tukuyin ang (Pamagat, Lugar, Oras, Tauhan)
1
(Pangkatawan-kinestetik)
Ang pangkat ay magpapakita ng isang maikling dula ng sariling paghihinuha sa
kalalabasan ng…
Ang hindi alam ng pilandok ay kalat na kalat na sa kaharian ng mga hayop
ang kanyang pagiging tuso o mapanlinlang kaya’t napaghandaan na ang suso ang
araw na siya naman ang maaring pagdiskitahan ng pilandok.
2

(Visual-Spatial)
Batay sa narinig na pabula, maghinuha ng maaring kalabasan ng bahagi ng akda sa
pamamagitan ng paglikha ng isang poster:

Isang hapon, mainit ang sikat ng araw kaya’t nagpasya ang matalinong pilandok na
magpunta sa paborito niyang malinaw na batis upang doon magpalamig at uminom.
Isang malaki at gutom na gutom na baboy-ramo pala ang nakatago sa gilid ng
3 malalabay na puno at naghihintay ng anumang darating na maaaring makain. Nang
makita niya ang pilandok ay agad na nagningning ang kanyang mga mata.

(Musical-Rhythmic)
Mula sa bahaging mula sa akda ay maghinuha sa maaaring kalabasan ng bahagi sa
pamamagitan ng paglikha ng isang awit.
Habang naglalakad pauwi ang pilandok ay nasalubong niya ang isang suso.
Dahil maliit ang suso ay naisip ng Pilandok na kayang-kaya niyang magyabang dito.
4 Hinamon niya ang suso sa isang karera at anong laking gulat niya nang pumayag
ang suso at nagsabi pa itong kayang-kaya niyang talunin ang pilandok.

E. Paglinang sa Kabihasaan (tungo sa formative assessment):


 Pagbibigay ng magandang puna at mungkahi sa isinagawang pag-uulat ng bawat pangkat
at pagbibigay ng puntos ng bawat pangkat sa iba pang pangkat.
At pagbibigay ng puntos.
 Input ng Guro

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw araw na buhay:


Kung ikaw si Pilandok na mahilig manlinlang o manloko ng iyong kapwa, ano ang nahihinuha mo sa
maaaring mangyari sa iyo?

G. Paglalahat ng aralin:
Katulad ng akdang napakinggan, Naniniwala ka bang ang PAGHIHINUHA ay isang mahalagang
kasanayang dapat na malinang sa inyo , Bakit?

H. Pagtataya sa aralin:
DUGTUNGAN BATAY SA IYONG
NATUTUHAN…
“Nahihinuha ko na…"

I. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at remediation:


1. Bakit hayop ang ginamit sa pagsulat ng mga pabula?
2. May madudulot bang kabutihan ang paggamit sa hayop sa mga pabula sap ag-aaral sa
Filipino?
3. Muling balikan at magkaroon ng sipi ng Natalo din si Pilandok.
Pinagyamang Pluma ph36

IV. MGA TALA:


V. PAGNINILAY:
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% ng pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang Gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy


sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo Ang pagpapangkatan dahil nagkakaroon ng pagkakataon
ang nakatulong ng lubos? ang mga mag-aaral na makipagkooperasyon at
makapaghinuha.

F. Anong suliranin ang naranasan at


nasolusyunan sa tulong ng aking punong-
guro at suberbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking Ang paggamit ng publisher upang maging kaaya-aya ang
nadibuho na nais ibahagi sa mga kapwa mga biswal na gagamitin.
ko guro?

You might also like