You are on page 1of 4

DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 4

DLP Blg.: 3 Asignatura: FILIPINO Baitang: 4 Markahan: Una Oras: 50


minuto
Code:
Mga Kasanayan: Natutukoy ang elemento ng kuwento: tagpuan, tauhan, banghay F4PB-Ia-97
Ang kuwento ay may mga elemento. Ito ay ang mga sumusunod:
Tagpuan - nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente
Susi ng Pag-unawa na gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
Lilinangin: Tauhan – mga taong nagsasalita, kumikilos, o umaarte sa kuwento
Banghay – pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
upang malutas ang mga suliranin ng mga tauhan
1. Mga Layunin
Kaalaman Natatalakay ang mga elemento ng maikling kuwento

Kasanayan Nakikilala ang mga elemento ng maikling kuwento

Kaasalan Nasasagot ang mga tanong o gawain ng tama

Kahalagahan Naipakikita sa gawa ang pagmamahal sa hayop at pangangalaga sa kapaligiran

2. Nilalaman Mga Elemento ng Maikling Kuwento


3.Mga Kagamitang Kuwento, tsart, larawan
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain Balik-aralan ang bahagi ng pangngalan: tao, bagay, hayop, pook o pangyayari
(2 minuto)
4.2 Mga Gawain/Estratehiya Basahin ang kuwentong “Si Kalabaw at si Kabayo” (Hiyas sa Pagbasa 4, pp. 42-44)
(5 minuto) Pagbibigay ng ilang katanungan batay sa kuwentong binasa.
Sino-sino ang gumanap sa kuwento?
4.3 Pagsusuri (3 minuto) Sa inyong palagay, saan kaya ang pinangyarihan ng kuwento?
Mahalaga ba ang papel na ginagampanan ni Kalabaw sa kuwento? Ni Kabayo?
4.4 Pagtatalakay (15 minuto) Magpakita ng larawan ng kalabaw at kabayo.

Itanong:
Naaalala ba ninyo ang mga nasa larawan? Saan ninyo sila nakikita o naririnig?
Ano kaya ang tawag sa kanila o ang bahaging ginagampanan nila sa kuwento?

Magpakita ng larawan ng isang bukirin.

Itanong:
Ano ang nasa larawan?
Ano ang tawag natin sa pinangyarihan ng kuwento?
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 4

Isalaysay nating muli ang kuwento. Ano ang unang nangyayari sa kuwento? Ang
sumunod?...... Ano ang naging wakas ng kuwento?

Sabihin:
Ang kuwento ay may mga elemento. Ito ay ang mga sumusunod:
Tagpuan - nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente
gayundin angpanahon kung kailan naganap ang kuwento.
Tauhan – mga taong nagsasalita, kumikilos, o umaarte sa kuwento
Banghay – pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
upang malutas ang mga suliranin ng mga tauhan
Basahing muli ang kuwentong “Si Kalabaw at Kabayo”. (Hiyas sa Pagbasa 4, pp. 42-44)

Kilalanin ang mga elemento ng maikling kuwento; tauhan, tagpuan at banghay.


Isulat sa sagutang papel na may ganitong format.
4.5 Paglalapat (13 minuto)
Tauhan: _____________________________________________________________
Tagpuan: ____________________________________________________________
Banghay: ____________________________________________________________
____________________________________________________________

5. Pagtataya (15 minuto)


Basahin ang sumusunod na maikling kuwento. Tukuyin ang mga elemento nito. Isulat sa
sagutang papel.

Ang Sorpresa kay Inay


Araw ng Sabado. Ito ang araw ng pamimili ni Aling Tinay. Kinuha niya ang basket
upang pumunta sa palengke. Isinama niya si Mimi, ang Ate. Naiwan sa bahay si Dodo,
ang Kuya; Si Ditas, ang Ditse; at si Boyet, ang bunso. Si Ditas ang nag-aalaga kay Boyet.
Si Dodo naman ay nagsimula nang magwalis sa bakuran. Dinilig din niya ang mga
halaman at mga gulayan sa likod-bahay.
Hindi nagtagalay napagod sa paglalaro ang bunso. Siya’y nakatulog. Habang natutulog
ang kapatid ay nilinis naman ni Ditas ang kusina at ang silid-tulugan. Pinag-tulungan nila ni
Dodo ang paglilinis ng salas, mga bintana, at hagdanan.
“Magandang sorpresa ito kay Inay,” ang natutuwang wika ni Ditas.
Hindi nagtagal ay dumating sina Aling Tinay at Mimi mula sa pamimili. Ang laking
pagkamangha nila nang makitang malinis ang bakuran at maayos ang loob ng bahay.
“Talagang mapalad ako sa inyo, mga anak. Mababait kayo at masisipag. Heto naman ang
goto at okoy na pasalubong ko sa inyo,” ang nasisiyahang wika ni Aling Tinay.

Tauhan: _____________________________________________________________
Tagpuan: ____________________________________________________________
Banghay: ____________________________________________________________
____________________________________________________________

6. Takdang Aralin (2 minuto)


Sumulat ng isang talatang nagsasaad sa pagmamahal sa hayop at pangangalaga ng
kalikasan.

Inihanda ni:

Pangalan: Adelfa H. Sta.Iglesia Paaralan: Dunggoan Elementary


Posisyon/Designasyon: Teacher I Sangay: Danao City
Contact Number: 09434587349 Email address:
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 4
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 4

You might also like